You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON

Rene O. Villanueva

Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon ay may nakatirang isang kabigha- bighaning dalagang
nagngangalang Daragang Magayon. Anak siya nina Rajah Makusog ng Rawis at Darawi, ngunit
namatay ang kanyang ina matapos siyang isilang.
Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa maraming manliligaw mula sa iba’t
ibang tribo. Isa sa kanila ay ang mapagmataas at palalong si Pagtuga, isang magaling na
mangangaso at malakas na pinuno ng Iriga, na nagpapakita ng panliligaw sa pamamagitan ng mga
mamahaling regalo sa ama ni Magayon.
Ngunit hindi iniibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niya ay pag- aari na ni Panganoron,
ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng Katagalugan. Iniligtas siya nito sa bingit ng kamatayan
nang isang umagang maligo siya sa Ilog Yawa. Habang binabalanse ang sarili sa isang bato, siya’ y
napadulas at nahulog sa ilog. Hindi siya marunong lumangoy kaya’ t tinangay siya ng agos.
Tiyempo naming nagdaan si Panganoron. Sinaklolohan siya nito. Nang marinig siyang sumisigaw,
tumalon sa ilog at sa isang sandali, naroon na siya sa tabi ng dalaga. Maingat niyang dinala ang
takot na dalaga sa pangpang. Di kalaunan, nagtapat siya ng pag- ibig sa dalaga. Nahihiyang aminin
ni Daragang Magayon na nahuhulog din ang loob niya sa binata. Ang kanilang pag- iibigan ay
nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang makatuntong sa bahay ni Rajah Makusog.
Napagtanto ni Rajah Makusog na mahal ng kanyang anak ang binata at hangad din niya ang
kaligayahan ng kaniyang anak. Sa gayon ay binigyan niya ng basbas ang magsing- irog. Dala ng
matinding kasiyahan, nagpunta si Panganoron sa kanila upang paghandaan ang nalalapit nilang
kasal.
Ang balitang ikakasalang dalaga ay nakaabot s apandinig na Pagtuga.Lubos siyang nagalit at
gumawa siya ng paraan upang mapigilan ang nalalapit na kasal nina Panganoron at Magayon.
Isang araw, nang pumunta sa bundok si Rajah Makusog upang mangaso, hinarangan siya ni
Pagtuga at dinala sa kanila upang gawing bihag.
“Palalayain kita kung ibibigay mo sa akin si Magayon para maging asawa ko”, sabi ni Pagtuga kay
Rajah Makusog.
“Ang kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo malalaman ang sagot”,
sabi ni Rajah Makusog .
At dinala si Daragang Magayon sa harap ni Pagtuga. Sinabi ni Pagtuga na papatayin ang ama ng
dalaga kung hindi ito papayag magpakasal sa kanya. Umiiyak siyang sumang- ayon sa gusto ng
binata.
“Magaganap ang ating kasal sa loob ng pitong araw”, sabi ni Pagtuga. Dali- dali niyang inutusan
ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating na kasalan.
Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa kasal nila ni Magayon,
nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang kanyang mga mandirigma. Mabilis ang sumunod
na mga pangyayari. Napatay ni Panganoron si Pagtuga sa gitna ng kanilang labanan. Natuwa si
Magayon sa pagkakita kay Panganoron. Dali- dali itong tumakbo palapit sa kasintahan, subalit
isang ligaw na sibat ang tumarak salikod ng dalaga na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Nang
sasaluhin ni Panganoron ang minamahal sa kanyang bisig, isa ring sibat ang tumama sa binata
galing sa kanang kamay ni Pagtuga na si Linog. Sa pagkakita ni Rajah Makusog, dali- dali siyang
lumapit kay Linog at pinatay niya ito sa kanyang “Minasbad”. Ang dapat na kasayahang
magaganap ay nauwi sa isang malungkot na pangyayari habang inililibing ang magsing- irog.
Naghukay si Rajah Makusog upang doon ilibing ang dalawa.
Sa mga lumipas na araw, nakita ng mga tao na ang puntod ng dalawa ay tumataas. At nang ito ay
mabuo, isang walang kasinggandang tatsulok na naglalabas ng nagbabagang mga bato sa
bunganga. Kahit hanggang ngayon ay nangyayari pa ito. Naniniwala ang mga ninuno na ito raw
ay mga palatandaan na kinukuha ni Pagtuga ang regalong ibinigay nito kay Magayon katulong si
Linog.
Sa mga pangkaraniwang araw, kapag ang tuktok ng bulkan ay napapalibutan daw ng mga hamog
at ulap, sinasabi nilang hinahagkan daw ni Panganoron si Magayon. At kapag naman daw
umuulan at bumubuhos ito pababa ng bundok, palatandaan daw na umiiyak si Panganoron dahil
sa pagkawala ng kanyang minamahal.
Mula noon, ang bulkan ay tinatawag sa pinakaiksing pangalan ni Magayon, tinawag itong
“Mayon”. Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa bayan ng Albay.

You might also like