You are on page 1of 1

Ako si Tala. Diyosa ng mga Bituin. Ang aking ama ay si Bathala, ang aking ina ay isang mortal.

Kapatid ko
sina Hanan, Diyos ng Umaga at Si Mayari, Diyosa ng Buwan. Sabi nila, ako raw ang isa sa pinakamabait
na Diyosa sapagkat tinutulungan ko ang pang araw- araw na pamumuhay ng mga Tagalog. Tuwing gabi,
ang mga mamamayan ay ginagamit na gabay ang aking mga butuin upang hindi sila maligaw sa kanilang
patutunguhan. Ang aking mga maningning na bituin, kasabay ng kapangyarihan ni Anagolay, Diyosa ng
mga nawawalng bagay, ang gumagabay sa tao sa kanilang kaligtasan. Ako ang nanguna sa paglikha ng
Tradisyunal na Konstelasyong Tagalog. Ginagamit ko ang aking liwanag upang gabayan ang mga
mandaragat sa gabi. Ngunit nang dumating ang mga Kastila, naging masama ang tingin nila sa aking ilaw,
kung kaya’t nabahala na ang mga mamamayan na ang mga santelmong ito ay pumapatay ng tao o
nakapangliligaw.

Bagamat ang totoo slay sinisimbolo ang lakas at tapang na taglay ng bawat isa, maging Diyosa man o
munting nilalang na manindigan sa ating sarili at sa bawat isa na harapin ang anuman o sinomang
mapagsamantala at labanan ang mga mapanlinlang. Ang aking tanging sandata ay munting ilaw na aking
dala. Nagbibigay ng liwanag at direksyon sa sinomang naliligaw sa landas ng kanilang buhay at
nagbibigay ng pag asa sa gitna ng dilim.

Ako si Tala, Diyosa ng mga Bituin.

Ako si Dumangan. Ako ang Diyos ng Masaganang Ani. Ako ay nilalarawan bilang makapangyarihan,
mapagbigay, mahabagin, at mapagbiyaya.

Ang aking kabiyak-puso ay si Idianale, Diyosa ng Masagana at Mabuting Gawain. May dalawa kami
supling, sina Dumakulem, tagapangalaga at taga bantay sa mga kagubatan, at si Anitun Tabu, Diyosa ng
Hangin at Ulan.

Sa kultura ng Zambales, ako ang Pinapalagay nilang dahilan ng masaganang ani. Ayon kay F. Landa
Jocano, ang mga unang tao sa Zambalez ay naniniwalang may tatlo akong kapatid na may kasing lakas
ko. Si Kalasakas, ang nagpapabilis ng paghinog ng mga bigas, si kalasokus ang nagpapadilaw ng mga butil
at si Damulag naman ang nagproprotekta ng mga bulaklak ng mga bigas mula sa mapanirang bagyo.

You might also like