You are on page 1of 18

LIT102 Kulturang Popular

Republic of the Philippines


Davao Oriental State College of Science and Technology
Institute of Education and Teacher Training
Guang-guang, Dahican, City of Mati, Davao Oriental

Isang Sulating-ulat na ipinasa


Kay Bb. Bainon Kenna Calig-onan
Institute of Education and Teacher Training
Davao Oriental State College of Science And Technology
Lungsod ng Mati

Bilang Bahagi ng Pangangailangan


Sa Asignaturang

LIT 102: Kulturang Popular


Ipinasa Nina:
Antoling, Anicel
Calig-onan, Aden
Bucio, Joseph Art
Mabanding, Emilio
Matucol, Rosana
Padang, Irene
Vicente, Keyza C.

Ocotober 27, 2019


INTRODUKSYON

INTRODUKSYON

Sa panahon ng Komonwelt ay maituturing na malasariling pamahalaan ng


Pilipinas sapagkat ito ay ang tawag pampulitika ng Pilipinas mula pa noong 1935
hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa Pilipinas. Bago ang
1935, isang pook insular na di-komonwelt ang Pilipinas sapagkat teritoryo lamang ito ng
Estados Unidos. Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas.
Nang nanungkulan si Manuel L. Quezon bilang pangulo binigyan niyang ng pansin ang
isyung “nasyonalismo.” Ang panahong ito ay sumasakop sa panahong nalalapit nang
magwakas ang pananakop ng mga Amerikano hanggang sa panahon ng Hapon. Sa
panahong ito, nabigyan ng Malasariling Pamahalaan ang mga Pilipino sa pangungulo ni
Manuel Luis Quezon, na siyang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang
nagpunyagi upang magkaroon ng Wikang pambansa ang Pilipinas sa panahong ito.
Ang Batas Tydings-McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas;
Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong 24 Marso 1934 ay isang pederal
na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng
kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) matapos ang sampung taon. (Rosa, 2016)

 Malayang nakapagsusulat ang mga Pilipinong manunulat sapagkat noong panahon


ng komonwelt ay ang namumuno ay si Manuel L. Quezon na sumulat ng Wikang
Pambansa at sa panahon palang ng Amerikano ay Malaya ng nakaksulat ang mga
manunulat na Pilipino. (Mortiz, 2016)
 Lalo pang sumigla at tumaas ang panitikan sapagkat Wikang Pambansa ang
ginamit na midyum sa pagsulat, dumami rin ang mga manunulat sa panahon ng
komonwelt. (Mortiz, 2016)
 Dahil sa pagkakaroon ng kalayaan ng mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt,
naging inspirasyon sa kanila ang pagsulat ng mga akdang mananatili o tatatak sa
isipan ng mga mambabasa kaya naman bukod sa aral na mapupulot sa akda,
ginawa rin nila nila itong mas masining gamit ang mga kaugnay na wika tulad ng
iba’t ibang paraan ng pagpapahayag at kayarian ng pang-uri. (Mortiz, 2016)
Ang mga sumusunod na manunulat ay kilala noong panohon ng Komonwelt:
 Lope K. Santos
 Jose Corazon de Jesus
 Amado Hernandez
 Julian Cruz Balmaceda
 Florentino Collantes (Moriz, 1999)

MGA URI PANITIKAN SA PANAHON NG KOMONWELT:

 BALAGTASAN
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtsan:

“Ang balagtsan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito


noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang
tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.
Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa
tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang
Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalaki at babae.
Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosyo sa pag-
iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano.
Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng
ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng
bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang.
Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga
manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Institute de Mujeres
(Women’s Institute), Tondo Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang
ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa
darating na Abril 2. Imungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang
“an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.” Ehillia J. (2003)
 Ipinangalan kay Francisco Balagtas bilang parangal sa kanyang kaarawan.
 May tatlong kalahok kung saan ang dalawa (Mambabalagtas) ay magtitigisan ng
husay sa pagbigkas ng tula upang ipangatwiran ang kanilang panig at ang isa naman
ay tagahatol o tagapamagitan (Lakandiwa)
 Ginagamit ng mga manunulat ang Balagtasan upang magpahayag ng kanilang
palagay sa aspektong political at sa ibang mga napapanahong pangyayari at usapan.
 Akdang Balagtasan sa panahong ito ay ang “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”
ni Jose Corazon de Jesus.
“Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” At si Laka-ILaw ang gagamitin ko
Ni Jose Corazon de Jesus Upang matalunton ang naglahong bango.
LAKANDIWA
LAKANDIWA Sa kapangyarihan na taglay ko na rin
Yamang ako’y siyang Haring inihalal Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
Binubuksan ko na itong Balagtasan, Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,
Lahat ng makata’y inaanyayahang Tingnan sa kanila kung sino at alin.
Sa gawang pagtula ay makipaglaban. PARUPARO:
Ang makasasali’y batikang makata Sa aking paglanghap ay laon nang patay
At ang bibigkasi’y magagandang tula, Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Magandang kumilos, may gata sa dila Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
At kung hindi ay mapapahiya. Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
Itong Balagtasa’y galing kay Balagtas Ang bulaklak ko pong pinakaiirog
Na Hari ng mga Manunulang lahat, Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,
Balagtasan ngayon ang ipinamagat. Kapatak na luhang pangala’y kampupot.
At sa gabing ito’y sa harap ng bayan Kung kaya po naman di ko masansala
Binubuksan ko na itong Balagtasan Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,
Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan: Matapos na siya’y diligan ng luha
BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN. Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!
Tinatawagan ko ang mga makata, Isang dapit-hapong palubog ang Araw
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna – Paruparo, anya kita’y tatalian,
At magbalagtasan sa Sariling Wika. Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.
PARUPARO: Isang panyong puting myay dagta ng lason
Magandang gabi sa kanilang lahat Ang sa aking mata’y itinakip noon,
Mga nalilimping kawal ni Balagtas, At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
Ako’y paru-parong may itim na pakpak Nagtago pa mandin at aking hinabol.
At nagbabalita ng masamang oras. Hinabul-habol ko ang bango at samyo
Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa, Hanggang makarating ako sa malayo,
Ang uod na dating ngayo’y nagmakata, At nang alisin na ang takip na panyo
Naging paru-paro sa gitna ng tula Wala si Kampupot, wala yaring puso.
At isang bulaklak ang pinipithaya. Ang taguang biro’y naging totohanan
Sa ulilang harding pinanggalingan ko Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
Laon nang panahong nagtampo ang bango, At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito Baliw na mistula sa pagsisintahan.
Ay may kabanguhang binubuhay ako. Sa lahat ng sulok at lahat ng panig
May ilang taon nang nagtampo sa akin Ay siya ang laging laman niring isip,
Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Matulog man ako’y napapanaginip,
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.
Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,
Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo,
Sa apat na sulok ng mundong payapa Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan
Ang aking anino’y tulang nabandila, Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.
Paruparo akong sa mata’y may luha, LAKAN-DIWA:
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa. Magsalita kayo at ipaliwanang
Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal, Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, Paano at saan ninyo napagmalas
At kung si Kampupot ay ayw po naman, Na ito ang siya ninyong hinhanap?
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay. BUBUYOG:
BUBUYOG: Sa isang malungkot at ulilang hardin
Hindi mangyayari at ang puso niya’y Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Karugtong ng aking pusong nagdurusa, Sa butas ng bakod na tahanan naming
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ay kasabay akong isinisilang din.
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga. Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,
Pusong pinagtali ng isang pag-ibig Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,
Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, At nang sa butas ko ako’y makalipad
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig, Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.
Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.
Ang dalawang ibon na magkasintahan,
Sa kanyang talulot unang isinangla
Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,
Ang tamis ng aking halik na sariwa,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
At sa aking bulong na matalinghaga
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.
Paruparong sawing may pakpak na itim
Nang mamukadkad na ang aking kampupot
Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,
Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.
Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo
Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan
At sa kasawia’y magkauri tayo,
Habang ako’y kanlong sa isang halaman,
Ako ma’y mayroong nawawalang bango
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw
Ng isang bulaklak kaya naparito.
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
Ang inyong taguan, akala ko’y biro,
Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Bawat salita mo’y matulis na sibat, Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Sa akin man pala ay nakapagtago.
Luksang paruparo, siya ko ring hanap. Lumubog ang araw hanggang sa dumilim
Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Giliw kong bulaklak dir in dumarating,
Dalitin ko yaring matinding dalita. Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
Itulot mo rin po, Hukom na dakila, Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita. Nilipad ko halos ang taas ng langit
At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
PARUPARO:
Kung dimakita’y din a magbabalik.
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay
Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Sa malaong araw na nilipad-lipad Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot
Dito ko natunton ang aking bulaklak, Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Bukong sa halik kokaya namukadkad Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Di ko papayagang mapaibang palad. Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.
Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;
Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
Ang unang balik kong katamis-tamisan At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Sa talulot niya ay nakalarawan. Bulong ng hiningang katamis-tamisan.
PARUPARO:
Akong malapit na’y napipintasan mo,
PARUPARO:
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?
Hindi mangyayaring sa isang bulaklak
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Bubuyog na laging may ungol at bulong
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.
Ay nakayayamot saanman pumaroon,
Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang
At ang katawan mo’y mayrong karayom
Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:
Pano kang lalapit, di naduro tuloy?
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Di ka humahalik sa mga bulaklak,
Sino ang malapit sa pagliligawan?
Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Una muna akong nag-uod sa sanga
Ang mga bintana’y iyong binubutas,
Na ballot ng sapot ng pagkaulila,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,
Bulo’t dahon naming ay magkasama na.
Iyong mgabulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
BUBUYOG:
At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,
Kundi iniibig ang nakikiusap
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.
Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad
Sa kanyang talulot kung may dumadaloy Lalo na ang dungong di makapangusap.
Na patak ng hamog, aking iniinom; Lilipad-lipad ka na payao’t ditto
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Sa init ng Araw sa buong maghapon. Pagligaw-matandang sa panahong ito
Paano ngang siya ay pagkakamalan Pagtatawanan ka ng liligawan mo.
Sa kami’y lumaki sa iisang tangkay, Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. Nguni’t saang panig nitong sansinukob
BUBUYOG: Nakakatuwaan ang paris mong uod?
Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig Saka, Paruparo, dapat mong malamang
Niyaring bulaklak na inaaring langit, Sa mula’t mula pa’y di ka minamahal,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit. Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.
PARUPARO: LAKAN-DIWA:
Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib, Maging si Solomong kilabot sa dunong
Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid, Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig. Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.
BUBUYOG: Ipahintulot pong sa mutyang narito
Dadayain ka nga’t taksil kang talaga Na siyang kampupot sabihin kung sino,
At sa mga daho’y nagtatago ka pa. Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
PARUPARO: O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.
Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa KAMPUPOT:
Sa taglay kong bulo nilason na kita. Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
BUBUYOG: Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot. At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
BUBUYOG: Ay kapwa hindi ko sila iniibig.
Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. PARUPARO:
PARUPARO: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod. Limot mo na baga ang aking pagliyag?
LAKAN-DIWA: Limot mo na bagang sa buong magdamag
Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; KAMPUPOT:
Yamang di-malan ang may-ari nito, Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong
Kampupot na iya’y paghatian ninyo. Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
BUBUYOG: Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
Kapag hahatiin ang aking bulaklak At di inakala na sinuman yaon.
Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat; BUBUYOG:
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
Kaya ang talulot niya ang malagas. Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
PARUPARO: Ang akin bang samo at mga paghibik
Kung hahatiin po’y ayoko rin naman Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; KAMPUPOT:
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan Tila nga, tila nga ako’y may napansing
O buo wala nguni’t akin lamang. Daing at panaghoy na kung saan galing,
Nguni’t akala ko’y paspas lang ng
hangin
At di inakala na sinuma’t alin.
BUBUYOG:
Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,
Makapitong lumbay o hanggang matapos.
PARUPARO:
Dito natunayan yaong kawikaan
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.
SABAY: BUBUYOG AT PARUPARO:
Ang isang sanglang naiwan sa akin
Ay di mananakaw magpahanggang libing.
LAKAN-DIWA:
Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang
Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya’t nararapat na maparusahan.
Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro,
Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.
(Pagkatapos makatula ni Paruparo)
LAKAN-DIWA:
Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos makatula ni Bubuyog)


Minamahal nami’t sinisintang bayan,
Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
 SARSUWELA

Kinagigiliwan ng mga Pilipino ang sarsuwela noong panahon ng Komonwelt dahil sa


pamamagitan ng pagsulat ng mga kwento na kanilang isasayaw at itatanghal,
maipapakita ang pagnanais ng mga Pinoy na maging Malaya.
 Anyo ng dulang musical na unang umunlad sa Espanya.
 Pinakalayunin nito ay itanghal sa tanghalan.
 Binubou ng mga pagsasalaysay na may sayaw at tugtugin at may paksang
mitolohikal at kabayanihan.
 Mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at damdaming makabayan.
 Akda ng Sarsuwela sa panahong ito: “Walang Sugat” ni Severino Reyes (Lola
Basyang) ang tinaguriang Ama ng Sarsuwela.
 Ang Walang Sugat ay binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao
tulad ng pag ibig, galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o suliraning
panlipunannat pampulitika sa panahon ng pananakop.
 Ibinatay sa Panahon ng Rebolusyon ng 1896 ang dulang “WALANG SUGAT” ay
unang napalabas sa ‘Teatro Libertad’ noong 1902. Tungkol ito sa kawalan ng
hustisyang tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga
temang gamit nito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay
at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya. Ito ay sinulat ni Severino Reyes upang
ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban sa imperyalismo. Ang orihinal na
musikang kasama nito ay nagmula kay Fulgencio Tolentino.

“Walang Sugat”
Ni Severino Reyes
BOUD NG UNANG EKSENA (ACT I- Scene I)

Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia. Inabutan niyang


nagbuburda si Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang
gawa. Nakita ni Tenyong na ang panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan
(Antonio Narciso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na
Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gusting sunugin ang panyo. Sinabi ni Julia na para
nga kay Tenyong ang panyo at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar.
Biglang dumating si Lukas, isang alalay ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama
ni Tenyong at ilan pang kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga
rebelde.
BOUD NG UNANG EKSENA (ACT I- Scene II)

Ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto ay naghandang bumusita at magbigay


ng pagkain sa kulungan. Sumakay sila sa tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga
kastilang frayle si Kapitan Luis Marcelo na paluin at saktan pa ang mga nakakulong
kahit na mayroon ng namatay at nag aagaw-buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni
Tenyong.
BOUD NG UNANG EKSENA (ACT I- SCENE III)

Sinabi ng punong-frayle na papakalawan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi


rin niyang pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na
pakawalan na ang iba pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle
pagdating doon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at edukadong Pilipino.
Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay.
Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na maghiganti.
BOUD NG UNANG EKSENA (ACT I- SCENE IV)

Pinili ni Tenyong na sumali sa mga rebelde kahit anong pilit ni Julia na tigilan ito. Sa
huli, pumayag si Julia at ibigay kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat.
Nagsumpaan muli sila na mamahalin ang isa’t-isa habang buhay.
BOUD NG IKALAWANG EKSENA (ACT II- SCENE I)

Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang illustrado. Inayawan
ito ni Julia. Hindi alam ng kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong.
Sa kabilang banda, nagsimulang magkarelasyon ang mga alaalay nina Julia at
Tenyong na sina Monica at Lukas.
BOUD NG IKALAWANG EKSENA (ACT II- SCENE II/III)

Sumunod na linggo, dumating sina Miguel, ang kanyang ama, at isang pari sa bahay
nina Julia upang ayusin ang pag-iisang dibdib nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel
at hindi masabi ng tama ang kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang usapin ng
kasalan nang naging pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema tungkol saa
mga Pilipinong hindi na nagsisisimba.
BOUD NG IKALAWANG EKSENA (ACT II-SCENE III)

Sa kuta ng mga katipunero, biglang dumating si Lukas na may bitbit na sulat para kay
tenyong na galling kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at
ikakasal na si Julia kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong
sa kaniyang heneral. Umatake ang mga Kastila at nagsimula ang labanan.
BOUD NG IKATLONG EKSENA (ACT III- SCENE I)

Bumalik si Lukas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay Tenyong. Bumisita
muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang kasalan.
Nagkunwari si Julia na masakit ang ulo upang iwasan si Miguel.
BOUD NG IKATLONG EKSENA (ACT III- SCENE II/III)

Dumating na ang natatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag,


sa pag-akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhan hindi mapahiya ang kanyang
ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang boung bayan. Pero
bago mairaos ang seremonya, dumating si Lukas na may balitang nakita na si Tenyong
pero agaw buhay itong nakaratay sa karte. Dinala ni Tenyong pinagdausan ng kasal
ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari
na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa pagkamatay
daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel. Dahil mukhang matutuluyan
na nga si Tenyong pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling ni Tenyong.
Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang
tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang sugat! Walang
sugat!”
Dalawang Namayaning Panitikan ng Pamahalaang Komonwelt:
SANAYSAY (TALUMPATI)
MAIKLING KUWENTO

 SANAYSAY (TALUMPATI)
 Uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan kung saan ipinapahayag ng may-akda
ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin.
 Ang TALUMPATI ay binibigkas na sanaysay, na may layuning humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman at maglahad ng paniniwala sa isang pangkat
ng tao.
 Dalawang anyo ng Sanaysay
PORMAL
 Nagbibigay impormasyon
 Maingat ang pananalita
 Ang tono ay mapagpitagan
 Obhektibo
DI PORMAL o PAMILYAR
 Nagsisilbing aliwan
 Ang pananalita ay parang nakikipag-usap
 Palakaibigan ang tono
 Subhektibo
 Akdang Sanaysay sa panahong ito ay ang: “WIKANG PAMBANSA” ni Manuel L.
Quezon. Nakatulong ang Talumpating ito ni Panngulong Quezon upang
pahalagahan ang wikang sarili na siyang mag-uugnay sa mga Pilipino.

 TALUMPATI
 Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na pinapabatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Isang
uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
 Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous
speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at
Malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may pagahahanda o
walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang
talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng
pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
 TATLONG BAHAGI NG TALUMPATI:
1. Pambungad- inilahad ang layunin ng talumpati, kaagapay ng ang istratehiya
upang kunin ang atensyon ng madla.
2. Katawan- nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
3. Katapusan- ang pagwawakas ang pinakasukdol ng boud ng isang talumpati. Dito
nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang
makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

“WIKANG PAMBANSA”
SANAYSAY (TALUMPATI)
Ni Manuel L. Quezon

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamhalaan. Kailangan


magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga
katutubong wika.
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang
nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais
gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito’y mabuti o masama ay
dahil sa isang kahinaan- ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan.
Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang
gingamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa
noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa
bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako’y naglakbay sa mga lalawigan
at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin.
Nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itaguyod ko rin
ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon
tayo ng isang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya,
Bisaya.
Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba’t ibang wikang Pilipino na
Mangyan, ang katutubong wikang pinakamainam gamitin. Mangyan ang tatangkilikin
ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit naming sa pamilya. Pero handa akong
mag aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang
magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.

 MAIKLING KUWENTO

 Taglay ng panahong ito ang tatak ng mga pampanitikang katangian ng


nagpapabukod- tangi sa mga maiikling kathang nasulat sa panahong iyon. Ganap
nang nababakas ang tinatawag na katipian sa larangan ng paglalarawan at ganoon
din sa pagpapahayag ng nadarama. Ang larawan at ganoon din sa pagpapahayag
ng nadarama. Ang mga kuwentista ay nagsimula na ring gumamit ng mga
panauhan sa kuwento.
 Masining na nilikha upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa
ang isang pangyayari sa buhay ng tauhan o lugar na pinangyayarihan.
 KATANGIAN NG MAIKLING KUWENTO:
 May iisang kakintalan
 May isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyang
solusyon.
 Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
 May mahalagang tagpuan
 May kawilihan hanggang sa kasukdulan na susundan ng wakas.
 Akdang Maikling Kwento sa panahong ito: “Lupang Tinubuan” ni Narciso Reyes.
Umiinog sa kwento ng pagbabalik lalawigan nina Danding upang makipaglibing sa
pinsan ng kanyang ama.
“LUPANG TINUBUAN”
Ni Narciso Reyes
BOUD

Ang kwentong ito ay nagsimula sa istasyon ng tren. Sa paglalarawan ng


kapaligiran ay makikita at maririnig ang iba’t-ibang ingay ng kapaligiran tulad ng
pagsigaw ng mga batang nagtitinda ng diyaryo, pagbibilin sa mga magsisiuwi sa
probinsya, at pangungumusta sa mga kaanak sa lalawigan.
Si Danding ay uuwi sa probinsya kasama ang kaniyang Tiya Juana at Tiyo
Gorio. Sila ay tutungo sa lalawigan upang makipaglibang sa kanyang Tata Inong na
pamangkin ni Lola Asyang at pinsan ng ama niya. Itinanong ni Danding sa kanyang
Tiya Juana kung ano ang itsura ng Malawig na siyang bayang sinilangan at
pinagkalakihan ng kaniyang ama.
Ang Malawig ay tulad din ng iba’t ibang Nayon sa Luzon na may makikitid,
paliku –liko, at maalikabok na daan. May mga puno ng Akasya, manga, niyog, at
kawayan. Ang mga bahay roon ay yari sa pawid. Walang maganda roon kundi langit,
sabi ng kutsero ng kartelang sinasakyan nila. Pagdating nila roon ay kay-rami pala
nilang kamag-anak at halos napudpod ang kaniyang sarat na ilong sa kahahalik ng
kamay. Halos lahat pala ng naroroong mga bata’t matanda ay kamag-anak niya at
halos di matapus tapos ang pagpakilala sa kanya.
Pagdating doon sa itaas ng bahay ay lumapit siya sa kabaong at namalas niya
ang pagkakahawig nito sa kaniyang ama.
Pagkapananghali ay nagtungo siya sa bukid at nakita niya si Lola Tasyo. Sinabi
ng kanyang Lola Tasyo na ang ugali niya ay tulad ng kaniyang amang di-mahilig sa
maraming tao. Isinalaysay niya ang kabataan ng kaniyang ama. Ang pagsasaranggola
sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, ang pagtatago sa Kastila, ang pagsulat ng tula,
ang dalaga sa bunton ng palay, na siyang naging sanhi ng pagkaluwas niya sa Maynila.
Unit-unting pinutol niya ang pakikipag-usap sa matanda upang magbalik sa
bahay.
Kinabukasan ay inilibing ang patay sa isang libingan na nasa gilid ng
simbahan, bagay na nagpagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan at sa mga
anak nito. Nagunita niya na sa bakuran ding ito nahihimlay ang alabok ng kaniyang
mga ninuno, at mga labi ng katipunan, kaya sinikap niyang huwag masaling ang
maliliit na halamang naroroon.
Bago tuluyang inihulog ang bangkay ay binuksang muli ang takip upang
masulyapan ang mga naulila, at nabasag na muli ang katahimikan ng mga impit na
hikbi ng mga ulila. Naluha rin si Danding.
Nagpaunang umuwi si Danding at nagtuloy sa bukid at muling ginunita ang
kabataan ng kaniyang ama. Marahan siyang natawa.
Sa sandaling iyon ay lihim na nadama ni Danding ang pag-ibig sa lupang
tinubuan. Doon niya naunawaan kung bakit ang pagpapatapon sa ibang bansa ay
napakabigat na parusa, at kung bakit ang nawawalay na anak ay sumasalungat sa
bagyo makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit atubiling naghain ng dugo sina
Rizal at Bonifacio.
Sanggunian:

Bibliography

Ehilla, J. (2003). Academia Edu. Retrieved from Academia Edu Web Site:
academia.edu/28277857/MODYUL-

Mae, A. (2013, September 6). Panitikan sa Panahon ng Komonwelt. Retrieved from


https//:www.prezi.com/1p3r5h_wsrb/panitikan-sa-panahon-ng-komonwelt/

Moriz, K. (1999, November 26). Filipino Modyul G8. Retrieved from https/www.pdf./panitikansa
panahon ng amerikano.edu.com

Rosa, A. D. (2016, January 28). Retrieved from prezi.com/ly1jqr8-oiul/panaahon -ng- komonwelt/

INTERNET SOURCES:
https://www.tagaloglang.com/bulaklak-ng-lahing-kalinis-linisan/

You might also like