You are on page 1of 20

Ang Unggoy at ang

Pagong
Noong una pa man
kahit laging magkasama ay
palagi nang nagtatalo ang
magkaibigang Unggoy at
Pagong.Maliit man o
malaking bagay ay palagi
nilang pinagtatalunan subalit
‘di naman dumarating sa
puntong talagang nag-aaway
na sila.Kilala na nila ang isa’t
isa .Masyado kasing
mataas ang pagkakilala ni
Unggoy sa kanyang
sarili.Tingin niya’y angat
siya kay Pagong kung
katalinuhan din lang ang
pag-uusapan.Madalas
naming nagsasawalang –
kibo na lang si Pagong na
kilala sa pagiging
mapagkumbaba.
Dumating ang araw
na naging napakasama ng
panahon .”Tila
babagyo !”anni Pagong
habang kumukubil sa dahon
ng isang puno ng saging
upang di mabasa.
“Napakanerbiyoso
mo naman!”sagot ni
Unggoy .Umulan lang nang
bahagya’y parang katapusan
na ng mundo mo.Umusod ka
nga nang konti at nababasa
na ako rito,’ang dugtong na
pang-uuyam ni Unggoy.
Nagsawalang-kibo
na lang ang Pagong at
pinagbigyan ang
Unggoy.Patuloy na
lumalakas ang ulan at
humahagupit na ang
hangin.Natatakot na rin ang
Unggoy ngunit”di siya
nagpapahalata sa kasama.
Lilipas din agad
iyan,makikita mo…”wika ng
nagtatapang-tapangang
Unggoy.
Subalit ang
bagyo’y sadyang lumakas
pa hanggang matagpuan na
lang ng dalawa ang kanilang
mga sariling palutang-lutang
sa bumahang ilog sakay sa
puno ng saging na kanina
lang ay nakatayo at kanilang
sinisilungan.
Sa pagkakaanod
sakay sa balsang puno ng
saging ay di pa rin nawala
ang pagkamataasin ni
Unggoy.
“Wag ka ngang
malikot , Pagong, baka
mahulog ako.Ayokong
mabasa ng pagkaitim-itim na
tubig na ito.Napakabaho na’y
andami pang mga
basura.Hay naku, ang mga
tao talaga!Ginagawang
basurahan ang ilog .Parang
ayokong tanggaping sila”y
galling sa aming lahi,tuluy-
tuloy na wika ni Unggoy.
Di nagtagal
inanod sila sa gilid ng isang
gumuhong bundok .Upang
di mahalat ang pagkatakot
ay nag-umpisa na lang uli
ang Unggoy na magsalita.
“Tingnan mo ang
bundok na ito, gumuho dahil
walang punong
nakatanim.Pinutol-putol ng
mga tao ata naiwang
nakatiwangwang .Hayun,
ginawang kaingin ng mga
magsasaka,sinunog ang
mga naiwang mga maliliit na
puno.Itong baha ang bunga
ng kanilang kalapastangan ,”
ang malamang wika ni
Unggoy.
Tumango lang
ang Pagong at
nagwika:”Nakikita mo ba ang
mga kawawang ibong yun?
Wala silang madapuan kaya
sila”y nangangatog sa lamig.
“Aba
,Pagong ,”pakli ni
Unggoy ,”sila”y kinaawaan
mo.Hindi mo ba nakikita ang
kalagayan natin ?Para
tayong mga yagit na di alam
kung saan dadalhin ng
baha.Ang mga ibong iyon ay
maaaring lumipad at
humanap ng masisislungan
kung gugustuhin nila.Ikaw
,hindi ka ba naaawa sa sarili
mo?
Napailing na lang
ang Pagong at sabay
sabi,”Kung gugustuhin ko’y
kanina pa ako tumalon dito
at lumangoy papunta sa
ligtas na lugar.Nakalimutan
mo yatang maaari akong
mabuhay sa tubig o sa kati
man.Ayoko lang na iwan
kang mag-isa sa puno ng
saging na ito.”
Biglang namutla at
parang binuhusan ng
malamig na tubig ang
palalong Unggoy.

You might also like