You are on page 1of 3

ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON

Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na
kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao ay Daragang Magayon na ang kahulugan ay "Magandang
Dalaga."

Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakakaakit sa maraming manliligaw mula sa iba’t
ibang tribo. Isa sa kanila ay ang mapagmataas at palalong na si Pagtuga, isang magaling na mangangaso
at malakas na pinuno ng Iriga, na nagpakita ng panliligaw sa pamamagitan ng mga mamahaling regalo sa
ama ni Magayon. Si Pagtuga ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating
ng araw.

Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Panganoron ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon.
Sa munting ilog, nakita niya ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya'y ang binibini ay
nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang
pansin. Nagkatitigan sila at ang binata'y nginitian.

Nabuhayan ng loob si Panganoron at ito'y nagsalita,

Panganoron: "Magandang Mutya, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at Makita ang tangi mong
kagandahan!"

Daragang Magayon: Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!

Panganoron: Ako si Panganoron, galing sa kahariang malayo dito. Bigyan mo ako ng isang bulaklak at
ako'y masisiyahan na

Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito'y idinampi sa
kaliwang dibdib.

Panganoron: Maaari bang kitang makitang muli?

At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.

Isang araw, mungkahi ng lalaki,

Panganoron: "kita'y iniibig. Tayo ay magpakasal!"

Daragang Magayon: Ngunit ang Rajah? Ang aking ama? may alinlangang paliwanag. Dapat niyang
malaman!

Panganoron: Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!

Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan dahil ito ay magalang at nakakahalina
kung kumilos.
Nagpaalam si Panganoron upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan. Kukunin
niya ang kanyang ama't ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.

Nabalitaan ni Pagtuga (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala


ang pagkakataong wala si Panganoron. Pinuntahan niya si Daragang Magayon.

Lubos na nagalit si Pagtuga sa balitang nakaabot sa kanya. Gumawa ng paraan si pagtuga para
mapigilan ang nalalapit na kasal nina Panganoron at Magayon.

Isang araw, nang pumunta sa bundok si Raha Makusog ang ama ni Magayon upang mangaso,
hinarangan siya ni Pagtuga at dinala sa kanila upang gawing bihag.

Pagtuga: Palalayain kita kung ibibigay mo sa akin si Magayon na maging asawa ko.

Raha Makusog : Ang kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo malalaman ang
sagot.

At dinala si Daragang Magayon sa harap ni Pagtuga

Pagtuga: Papatayin ko ang iyong ama kung hindi ka papayag na magpakasal saakin.

Magayon : *Umiiyak na sumang-ayon sa gusto ng binata para sa paglaya ng kanyang ama.

“Tutugon ako sa iyong kagustuhan”ani ni Magayon habang umiiyak.

Pagtuga : Magaganap ang ating kasal sa loob ng pitong araw!

Dali daling inutusan ni Pagtuga ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating na kasal niya kay
Daragang Magayon.

Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala:

Pagtuga: Kung hindi kita makakamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!"

Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya'y sumagot,

Daragang Magayon: Ako'y magiging iyo kung si Panganoron ay hindi bumalik!

Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Nalalapit na ang kasalan ngunit wala pa si Panganoron. Gabi-
gabi ang dalaga'y nakaupo sa duruwangawan at naghihintay.

Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa kasal nila ni Magayon at
nagmamadali itong pumunta sa Rawis dala ang kanyang mga mandirigma.

Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Pagtuga. Nagkaroon ng
handaan - kainan at sayawan.
Sa gitna ng kasayahan dumating si Panganoron kasama ang mga magulang.

Panganoron: Ako'y naparito upang angkinin ang aking kasintahan!

Pagtuga: Hindi maaari!

Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Panganoron ay sumubok sa espada subalit si Pagtuga


naman ay malansi at mapaglalang.

Nang ihahagis ni Pagtuga ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna. Sa
kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ni Daragang Magayon. Niyakap ni Panganoron ito
ngunit pataksil na sinibat ng kaaway. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig na si Daragang
Magayon at Panganoron.

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa
isang hukay.

Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy
maging bundok. Isang walang kasinggandang hugis tatsulok na naglalabas ng nagbabagang bato sa
kanyang bunganga.

Naniniwala ang mga ninuno, ito raw ay palatandaan na kinukuha ni Pagtuga katulong si Linog ang mga
regalong ibinigay nito kay Magayon. Ang ulap ay nasabing si Panganoron na siyang malapit sa bundok na
siyang nagpapahiwatig sa tunay na pagmamahal ni Panganoron kay Daragang magayon at ang Linog
naman ay nasabing si Pagtuga dahil sa taglay nitong hinahagkan na makuha si Magayon.

Napakaganda at perpekto ang hugis. Mula noon, ang bulkan ay tinawag sa pinaiksing pangalan
ni Magayon, Tinawag itong Bundok ng Mayon, Ang magandang hugis nito ay siyang
nagpatanyag sa bayan ng Albay sa Bicol. Bilang alaala kay Daragang Magayon.

You might also like