You are on page 1of 13

DARAGANG

MAGAYON
GRYTHEL DREW BARANDINO BANAYAG
PRAY FOR MY
TAGALOG
MGA TAUHAN
DATU MAKUSOG
Ang mapagmahal na ama sa kanyang anak na
si Daragang Magayon. Binibigyang halaga at
galang nya ang mga desisyon ng kanyang anak.
Handa rin syang gawin ang anuman alang-
alang sa ikaliligaya ng kanyang anak.

DARAGANG MAGAYON
Ang nag-iisang anak ni Datu Makusog. Ubod
ng ganda at kabaitan ngunit pihikan sa pagpili
ng kasintahan. Si Daragang Magayon ay
handang isuko ang kanyang kaligayahan kung
ang kapalit nito ay kaligtasan ng kanyang
mahal na ama.
ULAP/PANGANORON
Isang mandirigma na tahimik ngunit tunay na
magiting. Handa syang ipaglaban ang kanyang
iniibig upang hindi ito mawalay sa kanyang
piling. Nagmula sa katagalugan at naglakbay
upang masilayan ang ganda ni Daragang
Magayon.

PAGTUGA/PARATUGA
Ang magiting na Datu ng Iraga ngunit
mapagmataas. Mahirap para sa kanya ang
tanggapin ang pagkatalo at kabiguan.
Inakalang makukuha nya ang pag-ibig ni
Daragang Magayon sa pamamagitan ng
kanyang mga kayamanan.
DARAGANG MAGAYON
Ang Alamat ng Daragang Magayon ay may
temang tungkol sa wagas na pag-iibigan at ang
inggit, galit, at poot na kaabikat ng pagkamit
nito. Nais ipahatid ng Alamat ang mensaheng
"Walang sinuman o anuman ang makapipigil
sa pagmamahalang wagas at totoo."
BUOD
DARAGANG MAGAYON
Noong unang panahon, may isang babaeng
nagngangalang Daragang Magayon.
Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa
nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at
may makinis na kutis. Ayon sa ama ni
Magayon na si Datu Makusog nasa tamang
edad na ang dalaga upang magpakasal kung
kaya’t pinapayagan na niya ito kung sakaling
magpasya ang dalaga na makipag-isang
dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang
napipili mula sa kanyang mga manliligaw.
Magpapakasal lang daw siya sa taong kanyang
iniirog.
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, bigla
siyang nadulas at nahulog sa malalim na parte nito.
Hindi marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na
lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang
dalaga. Si Panganoron ay ang matapang na anak ni
Rajah Karilaya. Nangangaso siya noong araw na iyon
nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis na
tumalon ang matapang na mandirigma upang iligtas
ang dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon
kung kaya’t niligawan niya ang dalaga. Gayundin
si Magayon ay napa-ibig sa matapang na lalakeng
nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay ipinahayag ang
pag-iisang dibdib ng dalawa sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni
Magayon, ay naka-isip ng paraan upang hindi matuloy
ang kasal. Binihag niya ang ama ni Magayon na si Datu
Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi
papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal
ni Magayon ang kanyang ama, wala siyang magawa
kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.

Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang


ibigay ang sarili upang pakawalan nito ang
kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang
ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang
mga matatapang na mandirigma upang iligtas ang
mag-ama laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng
dalawang kampo. Nanaig si Panganoron laban kay
Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni Magayon
na napatay ng kanyang kasintahan ang kalaban ay dali-
dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit
bago pa man magkalapit ang dalawa, ay isang ligaw
nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang
bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod
si Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Nakita
ni Datu Makusog ang nangyari. Sinundan nito
ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang ito.
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ni Datu Makusog
ang walang buhay na katawan nila Magayon and
Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama
ang magkasintahan.

Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong


bayan na ang libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan
at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong
bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang
prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang
Mayon na dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga
tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila Magayon at
Panganoron.
TENK U BERI
MATS

You might also like