You are on page 1of 3

Ang Alamat ng Maya

Ibong Maya

Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay


laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin
ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita


ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom
sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang
salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang
kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may
takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi
nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang
pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa
pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng
ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.

Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas


na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng bigas ang
ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag
ngayong maya.
Alamat ng Bulkang Mayon
Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalan
Daragang Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa
nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis
na kutis.
Ayon sa ama ni Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang
edad na ang dalaga upang magpakasal kung kaya’t pinapayagan
na niya ito kung sakaling magpasya ang dalaga na
makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang napipili
mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal lang daw siya
sa taong kanyang iniirog.
Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, siya ay nadulas at
nahulog sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang
dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas
ang dalaga.
Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya.
Nangangaso siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak
ni Magayon. Mabilis na tumalon ang matapang na mandirigma
upang iligtas ang dalaga.
Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya’t
niligawan niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay napa-ibig sa
matapang na lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay
ipinahayag ang pag-iisang dibdib ng
dalawa sa buong kaharian.
Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay
naka-isip ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Binihag niya
ang ama ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito
pakakawalan kundi papayag si Magayon na pakasal sa kanya.
Dahil mahal ni Magayon ang kanyang ama, wala siyang magawa
kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.
Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili
upang pakawalan nito ang kanyang ama. Napag-alaman ni
Panganoron ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang
mga matatapang na mandirigma upang iligtas ang mag-ama
laban kay Pagtuga.
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang
kampo. Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya
ito. Noong makita ni Magayon na napatay ng kanyang kasintahan
ang kalaban ay dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron.
Ngunit bago pa man magkalapit ang dalawa ay isang ligaw
nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang bumagsak si
Magayon ay tinaga naman sa likod si Panganoron ng mandirigma
ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan nito
ang taong pumatay kay Panganoron at pinaslang ito.
Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng Rajah ang walang buhay
na katawan nila Magayon at Panganoron. Humukay ito at inilibing
na magkasama ang magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang
libingan ay tumaas.
Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng
mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang magandang
prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na
dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay
ng pagmamahalan nila Magayon at Panganoron.

You might also like