You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON

Sa di nalalayong nayon ng Rawis sa Cabiculan, may isang kabigha-bighaning dilag na


tinaguriang prinsesa Magayon. Maraming ang umiirog sa nasabing dilag sapagkat siya
ay may magandang kutis. Siya ay anak ni Datu Makusog at reyna Dawani. Si Makusog
ay pinapayuhan na makipag-isang dibdib na ang kaniyang anak na nasa tamang gulang
na. Ngunit si Magayon ay wala pang nagugustuhan na mangingirog. Nais lamang niya
magpakasal sa kaniyang iniibig.
Si Panganoron ay matapang na anak ni Datu Karilaya, isang Tagalog. Naglalakbay siya
sa patungo kabilang nayon noong araw na naliligo si Magayon sa ilog. Sa di
inaasahang pagkakataon, nadulas si Magayon. Nahulog ang dalaga sa malalim na
parte ng ilog at napahiyaw nang malakas. Mabuti na lamang at nakita siya ni
Panganoron. Mabilis na tumalon sa tubig ang mandirigma para sagipin ang dilag.
Ang mandirigmang si Panganoron ay nabighani sa angking kagandahan ni Magayon.
Ito'y kaniyang niligawan. Si Magayon ay nabighani na rin sa matapang na
mandirigmang sumagip sa kanya. Di nagtagal ay ibinalita ang kasalan ng dalawa sa
buong kaharian.
Subalit, mayroong hindi sumasang-ayon sa kasalan nina Magayon at Panganoron. Siya
ay si Pagtuga, isang masugid na mangingirog ni Magayon. Sa iyang kasakiman ay
binihag niya si Datu Makusog at hindi raw niya ito palalayain kung hindi siya ang
makakaisang-dibdib ng dilag. Sa labis na pagmamahal ni Magayon sa kanyang ama,
labag sa loob syang napapayag ni Pagtuga.
Tinungo ng dalaga ang kinaroroonan ni Pagtuga upang ipaubaya ang kaniyang sarili
kapalit ang kalayaan ng kaniyang ama. Naabot ang balita kay Panganoron. Tinipon niya
ang kanyang hukbo upang sagipin si Datu Makusog at ang kaniyang irog na si
Magayon.
Isang mainit na sagupaan ang nangyari sa pagitan ng dalawang mangingirog ni
Magayon. Nagwagi si laban si Panganoron, napatay niya si Pagtuga. Nasaksihan ito ni
Magayon at dali-daling tumakbo upang maghagkan si Panganoron. Sa di inaasahang
sandali, natamaan si Magayon ng ligaw na sibat sa kanyang likod. Bumagsak si
Magayon bago pa siya nakalapit kay Pangaronon. Tinaga naman sa likod si
Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Bago bawian ng buhay si Panganoron ay
nagawa pa niyang hagkan sa llikuran ang nakahandusay na si Magayon. Nakita ni Datu
Makusog ang nangyari sa magkasintahan. Sa kaniyang galit ay hinabol at pinaslang
niya ang mandirigma ni Pagtuga.
Pagkatapos ng engkwentro, iniuwi ni Datu Makusog ang mga labi nina Magayon at
Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magsing-irog.
Makalipas ang mga araw, nakita ng mga tao sa kanayunan na ang pungtod ay
tumataas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis tatsulok. Tinawag ito ng mga
taong bayan na "Mayon" mula sa kanilang magandang prinsesang si Magayon.
ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON

Pinaniniwalaan ng mga tao na ang pagdagundong at paglindol ay simbolo ng


pagmamahalan nina Magayon at Panganoron."

You might also like