You are on page 1of 16

ALAMAT NG PINYA

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay
si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na
matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga
itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si
Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa
palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang
pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok
ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina.
Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming
mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na
hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang
sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga
kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si
Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang
iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng
bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para
makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa
anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay
naging pinya.
ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON
Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon ay may nakatirang isang kabigha- bighaning
dalagang nagnga ngalang Daragang Magayon. Anak siya nina Rajah Makusog ng Rawis at Darawi, ngunit
namatay ang kanyang ina matapos siyang isilang.Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakaakit sa
maraming manli ligaw mula sa iba't ibang tribo. Isa sa kanila ay ang mapagmataas at palalong si Pagtuga, isang
magaling na mangangaso at malakas na pinuno ng Iriga, na nagpapakita ng panliligaw sa pamamagitan ng mga
mamahaling regalo sa ama ni Magayon.Ngunit hindi iniibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niya ay
pag-aari na ni Panganoron, ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng Katagalugan. Iniligtas siya nito sa bingit
ng kamatayan nang isang umagang maligo siya sa log Yawa. Habang binabalanse ang sarili sa isang bato, siya'y
napadulas at nahulog sa ilog. Hindi siya marunong lumangoy kaya't tinangay siya ng agos. Tiyempo namang
nagdaan si Panganoron. Sinaklolohan siya nito. Nang marinig siyang sumisigaw, tumalon sa ilog at sa isang
sandali, naroon na siya sa tabi ng dalaga. Maingat niyang dinala ang takot na dalaga sa pampang. Di kalaunan,
nagtapat siya ng pag-ibig sa dalaga. Nahihiyang aminin ni Daragang Magayon na nahuhulog din ang loob niya
sa binata Ang kanilang pag-iibigan ay nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang makatuntong sa bahay ni Rajah
Makusog. Napagtanto ni Rajah Makusog na mahal ng kanyang anak ang binata at hangad din niya ang
kaligayahan ng kanyang anak. Sa gayon ay binigyan at si Panganoron sa kanila upang paghandaan ang nalalapit
nilang kasal niya ng basbas ang magsing-irog. Dala ng matinding kasiyahan, nagpunta Ang balitang ikakasal ang
dalaga ay nakaabot sa pandinig ni Pagtuga. Lubos siyang nagalit at gumawa siya ng paraan upang mapigilan
nalalapit na kasal nina Panganoron at Magayon. Isang araw, nang pumunta sa bundok si Rajah Makusog upang
mangaso, hinarangan siya ni Pagtuga at dinala sa kanila upang gawing bihag. "Palalayain kitá kung ibibigay mo
sa akin si Magayon para maging asawa ko," sabi ni Pagtuga kay Rajah Makusog."Ang kasagutan ay wala sa
akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo malalaman ang sagot," sabi ni Rajah Makusog. At dinala si
Daragang Magayon sa harap ni Pagtuga. Sinabi ni Pagtuga na papatayin ang ama ng dalaga kung hindi papayag
magpakasal sa kanya. Umiiyak siyang sumang-ayon sa gusto ng binata."Magaganap ang ating kasal sa loob ng
pitong araw," sabi ni Pagtuos Dali-dali niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating
na kasalan.
Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda sa kasal nilani Magayon,
nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang kanyang mga mandirigma. Mabilis ang sumunod na mga
pangyayari. Sa mga pangkaraniwang araw, kapag ang tuktok ng bulkan ay napapalibutan daw ng mga hamog
at ulap, sinasabi nilang hinahagkan daw ni Panganoron si Magayon. At kapag naman daw umuulan at
bumubuhos ito pababa ng bundok, palatandaan daw na umiiyak si Panganoron dahil sa pagkawala ng kanyang
minamahal.Mula noon, ang bulkan ay tinawag sa pinaiksing pangalan ni Magayon, tinawag itong "Mayon."
Ang magandang hugis nito ang siyang nagpatanyag sa bayan ng Albay.
ANG ALAMAT NG MARIA CRISTINA FALLS
Si Datu Talim ay tanyag sa buong Magindanao hanggang sa Sulu dahil sa kagandahan ng kanyang anak na si Maria
Cristina. Ngunit hindi si Datu Talim ang tunay na ama ni Maria Cristina.

Si Maria Cristina ay anak ng isang mangingisda sa Romblon. Tuwing tag-ulan ay tumutulong si Cristina sa pagtatanim sa
kanilang maliit na lupain. Mahirap lamang sila ngunit ang kanilang kaligayahang mag-anak ay ganap.

Isang araw ang kanilang bayan ay sinalakay ng mga tauhan ni Datu Talim. Tumakas ang mga tao papuntang bundok. Bata
pa noon si Maria Cristina at hindi pansin ang kaguluhang nangyayari. Patuloy siya sa paglalaro nang damputin siya ng
mga tauhan ni Datum Talim. Nanlaban ang ama ni Maria Cristina ngunit siya-ay napatay din.

Ang batang si Cristina ay inialay kay Datu Talim na labis namang kinagiliwan nito dahil sa kagandahang taglay. Minahal
ng labis ng datu si Cristina at tinoring parang isang tunay na anak. Lumaking napakaganda ni Cristina kaya lalong nakilala
si Datu Talim. Marami ang nagkagusto sa dalaga.

Isang binata na nagngangalang Prinsipe San-i ang sa mga masugid na manliligaw ni Maria Cristina. ito ay makisig may
matipunong pangangatawan at tunay na dugong maharlika. Sa madaling sabi ang binatang ito ang nakabihag ng puso ni
Maria Cristina. Namanhikan ang ama ni Prinsipe San-i na isang Sultan ng Sulu at itinakda ang isang malaking kasalan.

Habang abala sa pagtatakda ng kasal ang magkabilang partido ang dalawang magkasintahan ay nagkikita sa batis na may
malalaking bato. Nagbabalak sila ng magagandang bagay para sa kanilang kinabukasan.

Ngunit lingid sa kanila ay may isang dalagang mangkukulam na naninibugho kay Maria Cristina. Isiniumpa niyang hindi-
hindi matutuloy ang kasal ng dalawa.

Dalawang gabi bago pa ang itinakdang kasal naalaala ni Maria ang kanyan ina na matagal na niyang hindi nakikita.
Nagtungo siya sa batuhan sa may batis sa tagpuan nila ni San-i. Doon nag-iiyak si Maria sa labis na pag-aalala sa kanyang
ina. May pangako sa kanya si San-i na tutungo sila sa Romblon para dalawin ang kanyang ina sa oras na matapos lamang
ang kasal. Ipinikit niya ang kanyang mata at pinaglaro sa kanyang diwa ang mga ala-alang kapiling pa niya ang kanyang
ama at ina noong siya ay isang musmos pa lamang

Nasa ganitong kalagayan si Maria nang dumating ang pangit na dalagang mangkukulam buhat sa kanyang likuran. Akala
ni Maria ay ito na ang kanyang kasintahan ngunit laking gulat niya nang isang pangit na babae ang kanyang namulatan.

"Alam mo, si San-i ay akin. Hindi matutuloy ang inyong kasal. Sige ipagpatuloy mo ang pagluha mo," sabi ng
mangkukulam.

Lalo lamang lumuha si Cristina dahil sa kabila pala kanyang kaligayahan sapiling ni San-i ay may isang pusong
nagngingitngit. "Sa araw ng inyong kasal, si San-i ay hindi mo na makikita. Siya ay inagaw mo lamang sa akin.
Sige...ipagpatuloy mo ang pagluha, bago sumapit ang kasal mo, ikaw ay magiging isang bundok. Ang luha mo ay dadaloy
sa bayan patungo sa dagat," galit na pagbabanta ng mangkukulam.

Sumapit ang araw ng kasal at labis na pagtataka ng lahat ay hindi sumipot si Maria Cristina. At lalo pasilang namangha
nang isang bundok na lumuluha ang kanilang nakita. Umilig ito sa bayan at nagkaroon ng ilog. "Nasaan si Cristina, paano
na ang kanilang kasal?" tanong ng mga tao.

"Ha ha ha! Ang natatanaw ninyong lumuluhang bundok ay walang iba't si Maria Cristina. Ang daloy na kanyang luha ay
magpapatuloy sa bayan at magiging ilog na daluyan sa Iligan," ang sabi ng mangkukulam.

Mula noon ay hindi na nakita pa ang pangit na mangkukulam. Ang bundok na lumuluha ay tinawag na Maria Cristina sa
bayan ng Iligan.
ALAMAT NG DARILI
Mapapansing nakahiwalay ang hinlalaki sa apat pang mga daliri natin. Noong unang panahon magkakasama
ang limang daliri ng tao. Dahilan sa isang di inaasahang pagtatalo ay nagkaroon ng aberya ang grupo.
Ganito ang nangyari noon. Masakit na masakit ang tiyan ni Hinliliit kaya nagmamakaawa itong lumapit sa
Palasingsingan.
"Parang awa mo na. Gutom na gutom lang ako. Maaari bang makahingi ng pagkain sa iyo?"
"Ano? Manghihingi ka ng pagkain? Heto nga at walang-wala rin ako. Paano kita mapagbibigyan sa hinihiling
mo?"
"May awa ang Panginoon," sabi ng Gitnang Daliri. "Bibiyayaan tayo ni Bathala ng ipantatawid gutom natin. Ang
mababait ay lagi nang pinagpapala Niya. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa."
"Pero kapatid," giit ng Hintuturo, "paano kung hindi tayo pakinggan ng Diyos at walang dumating na anumang
pagkain? Magugutom tayo at maaaring manghina at magkasakit at mamatay."
"Huwag ninyong hintaying mamatay kayo. E di ngayon pa lang ay magnakaw na tayo!" sigaw ni Hinlalaki
"Ano ika mo, magnakaw?" galit na tanong ng Palasingsingan.
"Masama yon kapatid," protesta ni Hintuturo, "ang pagnanakaw ay isang malaking kasalanang di dapat gawin
ninuman. Ang lahat ay nagsisikap mabuhay. Kung nanakawin mo ang naimpok ng iba, hindi naman ito
makatarungan."
"Hindi bale nang mamatay ako sa gutom, huwag lang kumuha ng hindi akin." pagmamatigas ni Hinliliit na
bagama't maliit ay may ipinakikipaglabang malaking prinsipyo sa buhay.
"Isang krimeng panlipunan ang pagnanakaw," sabi ng Gitnang Daliri.
"Hindi lang siguro krimeng panlipunan. Ito ay magiging kasiraan din ng ating angkan na nagsisikap mapanatili
ang kalinisan ng pangalan!" paliwanag ni Palasingsingan.
"Ano bang angkan at lipunan ang pinagsasabi ninyo! Mamamatay kayo sa gutom kung hindi tayo
magnanakaw. Gumawa na lang tayo ng kabutihan matapos busugin ang ating mga tiyan. Masamang mamatay
na dilat ang mga mata sa gutom!"
"Aba! Aba!" giit ng Hintuturo, "Hindi baleng walang laman ang sikmura, huwag lang parusahan at ipakagat sa
mga langgam!"
"O ipaglubluban ang ulo sa ilug-ilugan!" dugtong ni Hinliliit.
"O itali sa puno at painitan sa matinding sikat ng araw!" dagdag ng Palasingsingan.
"O ipiit sa kulungan at tanggalan ng kalayaan!" diin ni Hinliliit.
"Ano ba naman kayo," paglilinaw ni Hinlalaki, "sa simpleng pagnanakaw ay pinahahaba pa ninyo ang istorya.
Talagang mga duwag kayo. Mamamatay na kayo sa gutom ay wala pa kayong maisip na solusyon sa problema
ninyo. Isang malaking katangahan yan!"
"Kung gusto mong magnakaw, ikaw na lang at huwag mo na kaming idamay!" sabay-sabay na sagot ng apat na
daliri.
Magmula noon, nagsama-sama na ang Hintuturo, ang Gitnang Daliri, ang Palasingsingan at ang Hinliliit.
Namuhay na mag-isa ang Hinlalaki na laging kasamaan ang pinupuntahan.
Iyan ang alamat ng mga Daliri.
The Malaysian Legend Of Mahsuri A Woman Wronged
Nagsisimula ang kuwento sa kabuuang babe na ito na si Mahsuri, isang mapang-akit na dalaga na nabuhay mahigit 400
taon na ang nakalilipas. Siya ang pinaka-nakamamanghang babae sa buong Langkawi.

Nakuha ni Mahsuri ang puso ni Mat Deris, ang anak ng pinuno ng Langkawi, at nagpakasal sila. Hindi nagtagal,
kinailangan niyang makipagdigma laban sa Thailand (pagkatapos ay Siam). Kaya, iniwan niya ang kanyang magandang
asawa upang magtrabaho at mag-isip kung makikita pa ba nito ang kanyang mga hub.

Hindi nagtagal ay nakipagkaibigan siya sa isang naglalakbay na minstrel na nagngangalang Deramang. Ang bayan ay hindi
naging mabait sa kanyang pakikipag-tambay sa bagong lalaking ito, at nagsimulang lumipad ang mga alingawngaw.

Ang sariling biyenan ni Mahsuri ang nagsulsol ng mga tsismis na iyon dahil sa paninibugho. Oh, at dahil din sa naisip niya
na gusto ng kanyang mga hub ng kaunting side-action ng Mahsuri. Kaya't nagsimula ang tsismis na si Mahsuri at
Deramang ay may ipinagbabawal na relasyon.

Nang malaman ng tatay ni Mat Deris ang pangangalunya ni Mahsuri, iniutos niya itong patayin. (Smart way to throw his
wife off the scent, huh? Screams of guilt to me.)

Nakiusap si Mahsuri na inosente siya, ngunit walang nakinig. Siya ay itinali sa isang puno at sinaksak ng paulit-ulit.
Anuman ang lahat ng mga saksak, nanatili siyang hindi nasaktan at buhay. Ngunit pagod na pagod siya sa pagsubok at
alam niyang hindi siya pababayaan ng mga taganayon. Nagpasya siyang alisin ang sarili sa paghihirap.

Sinabi niya sa kanila kung saan mahahanap ang tamang talim ng kamatayan. At kaya, kinuha nila ang espada at sinaksak
siya hanggang sa mamatay.

Pero…

Hintayin mo.

Puti ang pag-agos ng kanyang dugo, na nagpapahiwatig ng kanyang pagiging inosente.

Sa kanyang namamatay na hininga, isinumpa niya ang isla para sa pitong susunod na henerasyon.

Tila, ang mga diyos ay nakikinig sa kanyang sumpa dahil sa ilang sandali pagkatapos ng kanyang kamatayan, si Siam ay
sumalakay sa Langkawi.

Sa hindi pinakamaliwanag na mga galaw, inutusan ng pinuno ng isla ang mga lokal na sunugin ang kanilang mga palayan.
Mas mabuting sirain ang pagkain pagkatapos ay hayaan ang mga mababang Siamese na kumain nito. ((Psst…hoy leader,
ya ding-a-ling – pagkain mo rin yan.)

Ngunit hindi ito mahalaga dahil pinatay siya ng mga Siamese, at hindi nagtagal, ang mga taga-isla ay nahaharap sa
gutom.

Ngayon ang Langkawi ay umuunlad (natapos ang sumpa noong '80s), at maaari mong bisitahin ang puntod ni Mahsuri.
Isang dambana, isang Malay house, at isang museo ang nagpapakita ng kanyang mga alahas at ang espadang pumatay sa
kanya.

Maaari mo ring bisitahin ang Field of Burnt Rice. Na kagulat-gulat ay parang bukid kung saan dating palay. Pero may
plaka, so it’s official.

Wakas.
Bidasari At Ang Goldfish
Isang araw, isang hari at isang napakabuntis na reyna ang halos nakatakas sa pag-atake ng isang garuda, isang mythical
bird-like creature. Tumakbo sila sa kagubatan, at hindi nagtagal, nanganak ang Reyna sa tabi ng ilog. Nang huminga ang
kanyang munting prinsesa at humagulgol, nakita ng Hari ang isang goldpis sa tubig.

Napakaamo nitong goldpis, dinampot niya ito, at tumigil sa pag-iyak ang sanggol. Nang ihagis niya muli si Goldi sa tubig,
muling humagulgol ang prinsesa. Ang pag-ikot na ito ay nagpatuloy ng ilang beses hanggang sa napagtanto ng Hari na sa
anumang paraan ang kanyang anak na babae, na pinangalanan nilang Bidasari, ay hindi maipaliwanag na nakatali kay
Goldi.

Inilagay ng Hari si Goldi sa isang maharlikang ginintuang mangkok upang ito at si Bidasari ay magbuklod. Gayunpaman,
alam ng maharlikang mag-asawa na hindi nila mapangalagaan si Bidasari dahil wala silang ideya kung ano ang panganib
para sa kanila.

Ibinagsak nila si Bidasari at ang kanyang usbong na si Goldi sa isang float at ipinadala ang mag-asawa sa ibaba ng agos. Sa
kabutihang-palad para sa kanila, natagpuan ng ilang mayayamang mangangalakal si Bidasari at dinala siya at si Goldi.

Nalilito kay Goldi, kinuha nila ito mula sa mangkok upang tingnan nang malapitan, at tumigil sa paghinga si Bidasari.
Ibinalik nila ito sa tubig, at naging maayos ang lahat sa maliit na bundle ng kagalakan. Flash forward 16 na taon, at si
Bidasari ang pinakamagandang dalaga sa buong lupain. Ang Reyna ay ang uri ng paninibugho at nais na ang magandang
kaaway na iyon ay manirahan sa palasyo kung saan siya ay maaaring bantayan siya.

Ipinatawag niya si Bidasari sa balat ng kabaitan at pakikisama. Pagdating niya (sans Goldi), ginawa siyang utusan ng
Reyna. Nagutom siya at napilitang linisin ang mga palayok ng royal chamber.

Naisip ng Reyna na sa pagpapagawa kay Bidasari ng pinakamasamang bagay, siya ay magiging pangit. Ngunit siyempre,
hindi iyon nangyari. Kaya ano ang gagawin ng isang reyna? Hanapin si Goldi at itago ito para sa kanyang sarili.

Sa sandaling nakawin ng kanyang mga espiya ang isda, si Bidasari ay nahulog sa lupa na parang patay. Iningatan ng
Reyna si Goldi, ngunit dahil walang banta na patay si Bidasari, ibinalik niya ang kanyang bangkay sa kanyang mga
magulang. Ang ganda, ha?

Ang mga magulang ni Bidasari ay higit na nakakaalam at nagpatayo sila ng bahay sa isang liblib na hardin sa gitna ng
kagubatan.

Isang araw, nanghuhuli ang Hari at natagpuan niya si Bidasari. Kasabay nito, nakatakas si Goldi. Nakakaloka, alam ko.

Sa sandaling nasa ilog si Goldi, nagising si Bidasari, na naglalaro lamang ng possum, upang makita ang Hari. Tulad ng
sinumang babae na natutulog nang ilang linggo, marami siyang gustong sabihin at excited na ikinuwento ang buong
kuwento sa Hari.

Laking gulat ng Hari na may gagawing kahindik-hindik ang kanyang Reyna. Ngunit hindi ganoon kagulat dahil pinalayas
niya ito at pinakasalan si Bidasari.

At namuhay sila ng maligaya magpakailanman. Isang Malaysian legend na may happy ending (hindi ganoong klase)!

Wakas.
ALAMAT NG PILIPINAS
Noong unang panahon wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang na maliliit na pulo. Noong hindi
pa rin ito bahagi ng mundo, may nakatira ritong isang higante. Ang kuweba niya ay nasa kalagitnaan ng Dagat
Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang tatlong anak na babae, sina Minda, Lus at Bisaya.
Isang araw kinakailangang umalis ang amang higante upang mangaso sa kabilang pulo. Kailangang maiwan ang
tatlong magkakapatid, kaya pinagsabihan niya ang tatlo. 

"Huwag kayong lalabas ng ating kuweba, ang bilin ng ama. Diyan lamang kayo sa loob dahil may mga panganib sa
paligid. Hintayin ninyo ako sa loob ng kuweba."

 "Opo, Ama", sagot ng tatlong dalagita.

Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kanilang kuweba ang magkakapatid. Inayos nila itong mabuti
upang masiyahan ang kanilang ama. Subalit hindi nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi masunurin ito sa ama.
Lumabas pala si Minda at namasyal sa may dagat. Hindi man lamang nagsabi sa mga kapatid.

Tuwang-tuwa si Mindang naglalaro ng mga along nanggagaling sa gitna ng dagat. Namasyal siya at hindi niya
napansin na malayo na pala siya sa tabi ng dagat. Habang siya ay naglalakad, isang malaking malaking alon na
masasabing dambuhala ang lumamon kay Minda. Nagsisisigaw siya habang tinatangay ng alon sa gitna ng
dagat.Tulungan ninyo ako! sigaw ni Minda. 

Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda. Abot ang sigaw sa kuweba. Tumigil ang paggawa ng dalawa. 

"Si Minda, humihingi ng tulong!" sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat. 

"Oo nga. Halika na!" yaya ni Bisaya. "Bakit kaya?"

Mabilis na tumakbo sila sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nilang sisinghap-singhap sa tubig ang
kapatid. 

"Hayun sa malayo!" sigaw sabay turo ni Lus. 

"Hindi marunong lumangoy si Minda, ah", sabi ni Bisaya. At tumakbo na naman ang dalawa. Umiyak na si Lus. 

"Bahala na!" sagot ni Bisaya. 

Mabilis nilang nilusong si Minda. Malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa kapatid. Naku, pati sila ay
nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak, sigaw at walang tigil na kawag. At sa kasamaang
palad ang tatlong anak na babae ng higante ay hindi na nakaahon. Nang dumating ang higante nagtataka siya kung
bakit walang sumalubong sa kanya. Dati-rati ay nakasigaw sa tuwa ang tatlo niyang anak kung dumating siya. Wala
ang tatlo sa kuweba. Ni isa ay wala roon. Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak? tanong niya sa sarili. Saan kaya?
Lus, Bisaya, Minda!

Walang sagot! Hinanap niya sa paligid. Wala roon. Pinuntahan niya ang ilang malapit na pulo. Ni anino, wala. Baka
kaya may pumuntang ibang tao at dinala silang pilit? sabi ng higante sa sarili.Biglang umalon ulit nang malakas at
dumagundong. Napalingon ang ama. At nabuo sa isip niya na baka nalunod ang tatlo. Dumako pa siya sa malayo. At
hindi nagkamali ang ama. Nakita niya ang labi ng ilang piraso ng damit na nakasabit sa isang bato. Para tuloy niyang
nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo. Naalala niyang bigla na hindi niya pinayagang
lumabas ang mga ito. Ni hindi sila natutong lumangoy. Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip lamang pala niya ang
larawan ng tatlong kamay na nakataas. Nawalan siya ng lakas. Mga anak! Ano pa? Wala na! himutok ng ama.
Nawalan na ng ganang kumain. Tumayo. Umupo. Tumingin sa malayo. Isa-isang hinagod ng tingin ang bawat
munting bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang
pagkatulog ang nagawa ng kawawang higante.

Nang magising ang higante kinusot ang mata. May nakita siyang wala doon dati. Tumayong bigla at tiningnang
mabuti.Ano ito? saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito? tanong sa sarili. Lalong lungkot ang
naramdaman ng amang ulila. Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Bisaya at Minda ito! ang sabi niyang malakas. At
buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa
gawing timog sa Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.

You might also like