You are on page 1of 49

"SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO"

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang ina na si Aling Maria , "Juan pumunta ka sa
palengke at bumili ka ng alimangong maiuulam natin sa patanghalian ". Binigyan ng ina si Juan
ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghalin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tenderang may tindang mga alimango
at naki usap na ipili sya ng matataba. Binigyan ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa
tendera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay
nina Juansa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng punong-kahoy na may
malalabay na sanga.Naisip niyang naghihintay ang kanyang ina kaya't naipasya niyang paunahin
ng papauwiinang mga alimango " mauna na kayong umuwi at magpahinga muna ako itinuro ko
sa inyo ang aming bahay lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa
kanan ang unang bahay sa gawaing kahoy ang bahay namin"l sige na lakad na kayo"

Kinailangan ni juan ang mga tali ang mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang
mga iyon.Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno.Dahil sa malakas ang hangin ay
nakatulog si Juan . Bandang hapon ng magising si Juan nag inat tinatamad ng tumayo.
Naramdaman niyang kumakalam qng kanyang sikmura , nagmamadali ng uwi si Juan .

Malayo-layo pa siya ay natanaw na ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng


kanilabg hagdan.Agad ng sinalubonh ni Aling Maria ang anak ang mga alimango "Bakit po? Hindi
po ba Naka uwi? nagulat ang ina sa sagot ni Juan "Juan ano ang ibig mong sabihin ? Nanay ,
kaninang umaga papo pina uwi ang mga alimango akala ko nay narito na"."Juan paanong
makauuwi rito ang mga alimango? walang isip ang mga iyon." Hindi nauunawaan agad ni Juan
ang Paliwanang ng ina .Takang- taka siya kung bakit hindi makauwi ang mga alimango.Sa
pagpatuloy ng nagpapaliwanang bg ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may
isip ay pagpaliwanagan ni na mali nga ang ginawa niya na pagpauwi sa mga alimango.
BIDASARI

Isang araw na pagdating ng garudo ang lahat nagsipagtakbuhan kabilang na dito ang
Sultan at Sultana ng Kembayat. Ngunit ang Nagdadalantaong Sultana ay napahiwalay sa
kanyang asawa. Siya ay napunta sa tabi ng ilog kung saan naisilang nya ang kanyang sanggol.
Dahil sa laki ng takot at pagkalito ang sanggol na ito ay kanyang naiwan.

Na napulot naman ni Diyuhara, isang mangagalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang


inuwi at dagling pinagyaman ang sanggol.

Itinuring niya itong anak at binigyan ng pangalang Bidasari, lumaking isang


napakagandang dilag.

Samantalang sa kaharian ng Idrapura. Ang Sultan dito ay dalawang taon pa lamang


nakakasal sa asawang si Lila Sari,isang mapanigbuhuin Sultana. Kaya madalas ay tatanungin nya
abg sultan kung siya ay mahal nito na sinasagot nama ni Sultan Mongindra na “Mahal na mahal
ka sa akin”.

Walang pagkasiya ang Sultana minsan namn ay tinanong niya ang asawa “Hindi mo kaya
ako makalimutan kung may makita ka ng higit na maganda sa akin?”. Na tinutugon naman ng
Sultan “Kung higit na maganda pa sayo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.”

Nag-alala ang Sultana na baka mayroong higit na maganda pa sa kanya kung kaya’t
inutusang nya ang kanyang mga matatapat na kabig upang saliksikin ang hanapin kung mayroon
pang babaeng higit na maganda kaysa sa Sultana.

At ito nga ay si Bidasari na kanyang inanyayahan sa palasyo upang gawing dama ngunit
ito lihim na kinulong at pinarusahan ni Lila Sari.

Hindi na natiis ni Bidasari ang pagpaparusa sa kanya kung kaya’t sinabi nya dito na
kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Sa araw ikukuwintas ito ni Lila Sari at sa
gabi naman ay ibabalik sa tubig at hindi maglalaon ay mamatay si Bidasari. Pumayag ang
Sultana kinuha nya ang isdang ginto at pina uwi na si Bidasari.

Nang isuot nga ng Sultana ang kwintas ng gintong isda sa araw nga ay nakaburol si
Bidasari at muling nabubuhay sa gabi.

Dahil sa pag aalala ni Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari ito ay nagpagawa ng
palasyo sa gubat kung saan nya itinira ang kanyang anak.

Isang araw si Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat doon nya nakita ang isang
magandang palasyo ngunit ito ay nakapinid. Pinilit nya itong buksan at pinasok ang mga silid.
Doon nakita niya ang isang magandang babae na natutulog, si Bidasari. Ngunit ito ay hindi nya
magising. Umuwi ang Sultan na hindi nakakausap si Bidasari kung kaya’t kinabukasan ay
bumaliksiya at naghintay hanggang gabi. Nang gabi ngang iyon ay nabuhay si Bidasari. Dito
nalaman nya ang ginawa ng Sultana. Nagalit ang si Sultan Mongindra kay Lila Sari ito ay kanyang
iniwan sa palasyo at pinakasalan si Bidasari.

Samantala, ang mga tunay na magulang ni Bidasari ay tahimik ng naninirahan sa


Kembayat. Nagkaroon pa sila uli ng supling at ito ay si Sinapati, na kamukhang kamukha ni
Bidasari.

Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara nakita nito si Sinapati kanya
itong kinaibigan. Ibinalita nya din dito na ito ay may kamukha. Kaya dagling tinanong ni Sinapati
ang kanyang mga magulang kung siya ba ay mayroong nawalay na kapatid. Kung kaya’t
pinasama ng ama ang anak na si Sinapati sa Indrapura.

Nang magkita ang magkaptid ay kapwa sila nagulat sapagkat sila ay magkamukhang
magkamukha. Natunton na ang nawawalang prinsesa ng Kembayat. At ito’y nalaman ng sultan
ng Indrapura ang kanya palang pinakasalan ay isang palang prinsesa.
BANTUGAN

Si Bantugan ay isang magiting na mandirigma sa epikong-bayang Darangan ng mga


Maranaw. Siya ay kilala sa kaniyang kahariang Bumbaran dahil sa mga naipanalo niyang mga
digma at labanan.

Sagisag ng tapang at kakisigan, si Prinsipe Bantugan ay sikat na sikat sa kanilang


kahariang Bumbaran lalo na sa mga dalaga. Sinasabing naligawan na niya ang 50 na
pinakamagandang prinsesa sa mundo. Dahil dito, lubhang naiinggit sa kaniya ang mas
nakatatandang kapatid na si Haring Madali. Ipinagbawal ni Madali na kausapin ng kahit sino ang
kaniyang kapatid.

Sa labis na kalungkutan, umalis ng kanilang kaharian si Bantugën hanggang nagkasakit at


namatay malapit sa Kaharian ng Lupaing nása Pagitan ng Dalawang Dagat. Nakita ng hari at ni
Prinsesa Datimbang ang katawan ni Bantugan at agad inilapit ang kanilang balita sa pulong ng
mga tagapayo. Isang loro ang pumasok at sinabi kung sino at kung saan gáling ang patay na
manlalakbay.

Nang mabalitaan ito ni Haring Madali, binawi niya ang kaluluwa ng kapatid sa langit
upang maibalik sa katawan ni Bantugën. Kumalat ang balita ng kaniyang pagkabuhay hanggang
sa kaaway na kaharian at kay Haring Miskoyaw. Sinugod ng kawal ni Miskoyaw ang Bumbaran
at nabihag si Prinsipe Bantugën na may nanghihinà pang katawan. Nang magbalik ang lakas,
pinuksa niya ang hukbo ng kaaway na hari at iniligtas ang buong Bumbaran. Nagkaroon silá ng
malaking pagdiriwang at nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Matagal at masayang
namuhay sa kaharian ng Bumbaran si Prinsipe Bantugan kasáma ng mga pinakasalan niyang
prinsesa.
Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano
pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya. Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang
dumalagang manok. Tuwang- tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa
kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga
manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom
ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at
pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing
manok na magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na
inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok
araw- araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang
manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap. At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa
limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang
limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang
lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng
magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang
paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG! Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi
nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang
pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong. Gintong
Aral: Kailangan nating pangalagaan,pagpasalamatan,pagyabungin at hindi abusuhin ang mga
likas na ibinigay ng may-kapal sa atin.
Alamat ng Sari-manok

Mahalagang sagisag ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao ang sari-manok.


Mayaman sa katha at mga kuwentong-bayan ang tungkol sa simu-simula ng sari-manok. Alamin
natin.

May kaisa-isang anak na dalaga ang sultang Maranao sa Lanao. Maganda, mabait,
magulang, at matulungion si Sari. Hindi kataka-takang mapamahal sa Sultan at sa mga tao si
Sari.

Nang sumapit ang ikalabingwalong kalarawan ni Sari, isang malaking piging ang iginayak
ng USltan para sa kanya. Ipinagdiwang ito sa malawak na bakuran nina Sari. Nagagayakan ang
buong paligid. Talagang marangya at masaganang salu-salo ang inihanda ng Sultan sa
pinakamamahal niyang anak.

Masayang-masaya ang lahat. Nang biglang may lumitaw na malaking-malaking manok


na tandang. Nagulat ang balana. Hangang-hanga sila sa magarang tindig ng manok. Lalo pang
nagulat sila nang sa isang iglap ay nagbago ng anyo ang tandang na manok. Naging isang
napakakisig na prinsipe ito. Magalang itong bumati sa lahat at Pagkatapos ay nagsalita nang
malakas.

“Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko. Siya ay Matagal ko nang
inalagaan, binantayan, at minahal,” ang sabi ng mahiwagang prinsipe. Lalong nagulat ang lahat
at halos walang nakakilos o nakapagsalita man lamang.

Muling nag-anyong tandang ito at kinuha ang dalagang binaggit niya na walang iba
kundi si Sari. Lumipad itong paitaas. Mula noon ay hindi na nakita pa si Sari at ang manok.

Lungkot na lungkot ang Sultan. Hinintay ang pagbabalik ni Sari at ng manok. Ngunit hindi
na sila nagbalik. Iniutos ng sultan sa pinakamagaling na manlililok ng tribu na lumilok sa kahoy
ng magilas na tandang na iyon na tumangay sa kanyang anak.

Nayari ang isang napakagandang lilok sa kahoy. Ito ay mahal na mahal ng Sultan.
Tinawag niya itong sari-manok. Naging simbolo ito ng tribu.

Maraming naging kapaniwalaan tungkol sa sari-manok. Maraming salaysay tungkol rito.


Ang sari-manok ay naging sagisag din ng pagkakaroon ng dugong bughaw, katanyagan,
kayamanan, at karangalan. Ang simbolong sari-manok ay dapat ipagmalaki ng bawat Pilipino,
pagkat ito sa kasalukuyan ay isang sagisag ng ating bansa.
May iba pang mga palagay at haka-haka tungkol sa sari-manok. Ito raw ay gintong ibon
na ayon sa iba ay siyang nagdala sa mga tao sa pulo ng Mindanao ng maraming biyaya.
Anuman ang hiwagang nakabalot hinggil sa sari-manok, ito ay mananatiling sagisag ng mga
kapatid na Muslim sa Mindanao isang likhang sining at mapa na ng ating mga ninuno.
ANG ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS

Noong sinaunang panahon, sa lalawigan ng Bohol, may isang malawak ngunit tuyong
lupa. Tuwing tag-init, makikita ang napakaraming biyak at tuwing tag-ulan naman,
napakaputikan ang lupaing ito. Kung panahon naman para sa taniman, parang may nalatag na
berdeng kumot na tinatakpan ang lupa.

Isang araw, dalawang higante ang dumating sa isla sa magkabilang dulo, ang higanteng
nagmula sa hilaga at ang higanteng nagmula sa timog. Natakot ang mga naninirahan sa lupain
na baka magkita at mag-away ang mga higante.

Sa kasamaang palad, ito nga ang nangyari.

Nagkasalubong ang dalawang higante at nag-away tungkol sa pag-aari ng lupaing iyon.


Nais ng dalawang higante na angkinin ang lupa para sa sarili ngunit lumipas ang oras at hindi pa
tapos ang kanilang pag-aaway.

Katatapos lang ng tag-ulan at maputik ang kinatatayuan nila. Dahil sa matinding galit ng
bawat isang higante, ay nagbato sila ng putik sa isa’t isa hanggang nawalan sila ng lakas. Sa
sobrang hina ng dalawa, parehong natumba at namatay ang mga higante.

Marami ang nakasaksi sa pangyayaring ito at sila’y namangha sa mga burol na gawa sa
putik na inihagis ng mga higante. “Chocolate Hills” ang tawag ng mga naninirahan doon sa mga
burol at sila’y namuhay nang mapayapa.
Ang Alamat ng Basey

(Alamat ng Visayas)

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa


pangunguna ng mgamisyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon.
Doon ay nagsimula silang bumuo ngpanibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga batong
adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagaysila ng mga pamigil na harang laban sa
marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamunong Binongtoan ay sina
Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig.

Sapagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y


nagkasundo na pangalananang lugar na Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang parangal
at sa alaala ng kanilang ma gandang siBungangsakit. Samantala, ang mga taga-Omit na
nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ayhindi sumama sa pagtatatag ng bayan
ng Baysay.

Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang


Guibaysayi,
na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’ bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng
kanilang si Bungangsakit.Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga
tagapagtanggol na binubuo ng matatapang nakalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan
ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang angmga tulisang- dagat ay muling
babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa
bukana ng ilog. Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy
upangplanuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat atupang
mamatyagan ang paparatingna mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay
inihanda para sa pagtatayo ng SimbahangKatoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad
, ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong kuta.Ang walo-walo ay walong araw na
walang tigil na pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas nahangin.
Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar
na kumitil sanapakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.Sapagkat walang
matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay
aynagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing
pananggalang samalalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng bayan ng
Baysay. Malapit sa lugar na ito aymatatagpuan ang mga burol na isa sa mga ito ay tinayuan ng
mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore aymatatanaw ang paparating na mga vinta at
ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ngpagbaha at kublihan kapag may
malalakas na bagyo.
“Tuwaang” - Epiko ng mga Bagobo

Nakatanggap ng mensahe na kailangan dumalo ni Tuwaang sa kasal ng Dalaga ng


Monawon ngunit binalaan siya ng kanyang tiyahin na huwag ng pumunta dahil mayroong
masamang mangyayari. Ngunit determinado at hindi nagpapigil si Tuwaang.

Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga diyos para sa kanya at dinala niya ang kanyang
espada at panangga at isang mahabang kutsilyo habang nakasakay sa kidlat papuntang
Monawon. Sinama niya rin ang Gungutan, nakakapagsalitang ibon, na natagpuan niya sa
kapatagan ng Kawkawangan.

At ng makarating na siya ay nagsidatingan na rin ang mga bisita. At pagdating ng alaking


ikakasal, ang Binata ng Sakadna na kasama ang isang daang lalaki, ay pinaalis niya ang mga hindi
nararapat na bisita.

Nagsimula ang seremonya sa pag-aalay ng mga bisita ng mga mamahaling regalo ngunit
nagparinig at sinabi ng Binata ng Sikadna na wala pa silang gintong plauta at gintong gitara kaya
sa isang misteryosong hininga ni Tuwaang ay nagkaroon sila gintong plauta, gitara at gong. At
ng lumabas na ang babaeng ikakasal ay napanganga ang mga bisita dahil sa kagandahan niya.

Nainsulto at napahiya ang Binata ng Sakadna ng tumabi ang ikakasal na babae kay
Tuwaang sa halip na sa kanya kaya hinamon niya ito sa isang laban. At upang lalong galitin pa
ang Binata ng Sakadna, sinuklayan ng babaeng ikakasal ang buhok ni Tuwaang at naghalikan
ang mga ito. Lumaban ng buong makakaya si Tuwaang at ang Gungutan sa Binata ng Sakadna at
sa isang daang lalaki. Matapos matalo nila ang isang daang mga kalalakihan ay nagharapan na
sina Tuwaang at Binata ng Sikadna.

At dahil sa matinding labanan ay lumindol ang lupa kaya binuhat ng Binata ng Sakadna si
Tuwaang at ibinato ng malakas sa lupa. Lumubog at nakarating si Tuwaang sa Hades at nakita
niya si Tuhawa, ang diyos ng Hades. Sinabi ni Tuhawa na ang buhay ng lalaking ikakasal ay nasa
gintong plauta.

Pinatay niya ang lalaki sa pamamagitan ng pagbili sa gintong plauta. Pagkabalik niya ay
nagyakapan at naghalikan sina Tuwaang at ang babae. Sumama ang babae kay Tuwaang sa
Kuaman at sila’y nagsama ng maligaya.
Maragtas (Epikong Bisayas)

Maragtas (Epikong Bisayas)

Itong uri ng epikong ito ay nabuo dahil sa kwento ng sampung magigiting, matatapang
at mararangal na datu dahil sa kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula sa kanilang tinitirahang
bayan na Borneo patungo sa lugar ng Panay. Ang sampung magigitng at matatapang na datu na
iyon ay sina Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya, Datu Paiborong, Datu Paduhinogan,
Datu Domongsol, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu Domalogalog at Datu Balensuela.

Kaya naglakbay ang sampung magigiting na datu ay dahil sa hindi na nila kaya ang
pamumunong malupit at masama ng kanilang sultan sa lugar ng Borneo na si Sultan Makatunao
dahil kinakamkam nito lahat ng yaman sa nasasakupan nyang lugar at kanya ring pinupugayan
ang mga asawa ng datu at ang ilang anak ng mga datu. Isang gabi binalak halayin ni Sultan
Makatunao ang asawa ni Datu Paiborong na si Pabulanan! Nalaman ng Datu ang nais gawin ng
Sultan sa kanyang asawa kung kaya ang mga matatapang na Datu ay nagbalak ng paglaban sa
Sultan. Nagusap-usap sila ng palihim. Naisipan din nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel
ngunit ayaw ng datu ang balak na paglaban sa Sultan. Pumunta si Datu Sumakwel kay Datu Puti
na punog ministro ni Makatunao. Ayaw din ni Datu Puti ang balak na paglaban ng ibang datu
dahil marami daw ang dadanak na dugo kung sakaling matutuloy na pag laban sa Sultan! Kung
kaya nagpasya sina Datu Sumakwel at Datu Puti na Tumakas na lang sa kanilang lugar upang
maiwasan ang pagdanak ng dugo. Isang hating gabi sakay sa kani kanilang mga baniday o
barangay ang sampung Datu at pumalaot na ng dagat upang sila ay maglakbay na at lisanin ang
kanilang lugar para takasan ang kanilang malupit na sultan. Ang Borneo ay kilala sa tawag na
Bisya o Bisaya! Lumipas ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay sa laot narating nila ang isang
isla na ang tawag ay Panay o kilala din sa tawag na Aninipay may nakita silang ati at kinausap ito
ng isang kasamahan ni Datu Puti na maalam sa katutubong salita ng ati tinanong nila kung sino
ang pinuno ng lugar at nais nila ito makita upang makipagkaibigan. At dumating ang tamang
araw ng pagkikita ng mga ati sa pamumuno ni marikudo at ng mga bisaya sa pamumuno ni Datu
Puti nagpahanda si Marikudo ng maraming pagkain dahil nakita ni Marikudo na para namang
mababait ang mga dayuhan na bisaya sa kanila at naglabas din naman ang mga lalaking bisaya
ng mga itak, kampit at insenso para sa mga lalaking Ati, tapos ang mga babaeng bisaya naman
ay naglabas ng maraming suklay, kwintas at panyo para naman sa mga babaeng Ati. Nagusap
ang dalwang pinunong ng magkabilang panig na sina Marikudo at Datu Puti. Gusto ni Datu Puti
na bilhin ang lupain ng mga Ati, pumayag si Marikudo at ang sabi ni Marikudo ay ang mga Ati ay
sa kabundukan na lang maninirahan. tinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo ang
sagot ni Marikudo sa Datu kung lalakadin ang baybay dagat sa buwan ng Abril ay makakabalik
siya sa dating pook sa buwan ng Oktubre. Noong nakaalis na ang mga Ati sa kapatagan
madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga bisaya. Si datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa at
mga anak pati na rin ang ilang katulong nito ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu
Puti sina Datu Paiborong kasama ang kanyang pamilya! Sina Datu Lubay, Datu Dumalogalog,
Datu Domongsol at Datu Paduhinogan ay kasama ni Datu Sumakwel na maninirahan sa
Malandog. Nagpaalam na si Datu Puti kay Datu Sumakwel at sinabi nito sa datu na pamunuhan
ng maayos ang mga kasamahang bisaya. Matapos magpaalam sa Datu uamalis na ang tatlong
barangay ang isa ay kay Datu Puti at ang dalawa naman ay sa Dalawang binatang Datu.
Nakarating sila sa Luzon tumigil ang tatlong barangay sa lugar ng balayan at pinasya ng
dalawang Datu na dun na sila manirahan kasama ang mga taga-ilog. At lumipas lang ang isang
araw ay umalis na din sina Datu Puti at Pinampangan upang tumungo na pabalik sa Borneo!!
Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-


hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng


gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito


kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

Mga aral ng pabula:


Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.
Pagong at Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing
ay tuso at palabiro. Isang araw, binigyan sila ni Aling Muning ng isang supot ng pansit at hindi nagtagal
ay nagyaya na si Pagong na kainin na ang pansit ngunit sinabi ni Matsing na nangangamoy panis na ang
pansit kung kaya siya na muna ang unang titikim nito hanggang sa naubos na ni Matsing ang pansit at
walang natira para kay Pagong humingi ng tawad si Matsing dahil naubos at hindi nakakain si Pagong ng
pansit.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.


Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging at pinaghatian nila ang
puno ng saging ngunit an kinuha ni matsing ay ang parteng taas dahil ayaw na daw nyang mag patubo ng
mga dahon kayat ang bandang ibaba ang napunta ky pagong ay my mga ugat at umuwi na sila upang
itanim at patubuin ang puno ng saging. Umuwing malungkot si Pagong dala ang kanyang kalahating
bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahong bahagi
ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang
lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging
ni Matsing. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo
nitong inalagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.


Di naglaon nagyaya na si Matsing na kainin na ang saging na tumubo sa puno ni Pagong at pumayag
naman ito. Ngunit hindi makakaakyat si Pagong kung kaya nangako si Matsing na siya na lamang ang
aakyat sa puno at lalaglagan na lamang niya ng saging si Pagong, pumayag si Pagong sa alok ni Matsing.

Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno kinain niya ang lahat ng bunga ng puno. Wala
itong itinira para kay Pagong nanatili sa taas ng puno si Matsing at nakatulog ito sa sobrang kabusugan.
Galit na galit si Pagong kay Matsing sa ginawa nito sa kanya. Kung kaya habang natutulog ito sa sobrang
kabusugan naglagay ng mga tinik sa ilalim ng puno si Pagong. Nang magising si Matsing ay nakita niya
ang tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.

Ngunit tumangging tumulong si Pagong at iniwan na lamang doon si Matsing. Makalipas ang sandali
nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng
saging. Nasaktan ito sa mga tinik na nakatusok sa puno ng saging sa kanyang pagbaba. Kaya nangako
siya sa sarili na gaganti siya kay Pagong.
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya
itong naglalakad sa may kakahuyan. Kinuha ni Matsing si Pagong na takot na takot. Nagtanong si Pagong
kung anong gagawin nito sa kanya, at sinabi ni Matsing na tatadtarin siya nito ng pinung-pino. Nag-isip
ng paraan si Pagong para maisihan ang tusong Matsing. Kaya ang sambit nito kay Matsing na kapag
tinadtad siya nito ay dadami siya at susugurin siya ng mga ito at kakainin. Nag-isip nang malalim si
Matsing at naisip nito na sunugin na lamang si Pagong, ngunit nangatwiran na naman si Pagong na hindi
naman tinatablan ng apoy ang kanyang makapal at matibay na bahay. Kaya muling nag-isip si Matsing,
hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan at doon na lamang itapon si Pagong. Lihim na
natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pag-aakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon
sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni
Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig. At naghalakhak
si Pagong na sabihin kay Matsing na naisahan din kita matsing dahil gustung-gusto ko na lumangoy sa
dalampasigan. Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang
kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.
Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.
Ang Palaka at ang Kalabaw

Isang araw ay humahangos na umuwi ang magkapatid na palaka.

"Itay, itay, nakakita po kami ni kuya ng higanteng bakulaw sa palayan.


May matutulis na sungay at mahabang buntot. At ang itim ng kulay,
nakakatakot! po!" sigaw ng batang palaka.

"Ha ha ha! Kalabaw ang nakita ninyo at hindi higanteng bakulaw,"


natatawang sagot ng amang palaka.

"Eh, bakit po ang laki-laki niya?" tanong ng batang palaka.

"Wala yun! Tingnan nyo ako, kaya ko rin palakihin ang katawan ko, "
pagmamayabang ng amang palaka. Huminga siya ng malalim at
pinalaki ang kanyang tiyan.

"Mas malaki pa po siya sa inyo," anang batang palaka.

"Ganun?" Suminghot pa ng malalim ang amang palaka at lalung


pinalaki ang kanyang tiyan. "Ganito ba kalaki?" tanong niya.

"Mas malaki pa rin diyan!" sagot ng batang palaka.

Ibinuhos ng amang palaka ang kanyang lakas at suminghot ng


suminghot ng napakalalim hanggang sa naging napakalaki na ng
kanyang tiyan. Maya-maya pa ay bigla silang nakaring ng malakas
na "Pop!". Yun pala ay sumabog ang tiyan na siyang ikinamatay ng
ng amang palaka.
Lalapindigowa-i

Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na


magsasaka. May dalawa siyang asawa, sina Odang (hipon) at si
Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag
na magsasaka kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang
magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan
siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay di masayang
ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang
dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain
sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at
buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni
Lalapindigwa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at
tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring
maghatid ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba
hanggang ito’y mahulog sa kaserola at naging pula ang balat.
Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinaghele
niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola
at ito’y naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa
kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng ilang
oras ng paghihitay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan
nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at
ang mga asawa niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang
tinanggap ng mga ito. Gutum na gutom na siya kaya hinigpitan
niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni
Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang
mga asawang magluluto para sa kanya.
Bakit kilala ang Davao sa buong mundo?
Dahil kasama diumano ito sa listahanan ng mga pinakaligtas na
lugar sa buong mundo.
Ayon ito sa isang balita ng GMA:

Davao City, kasama sa listahan ng isang website na pinakaligtas na lungsod sa mundo

Published August 15, 2013 8:31pm

Pang-apat ang Davao City sa listahan ng isang website na pinakaligtas na lungsod sa buong mundo batay
sa isinagawang survey kung saan mahigit 300 lungsod ang isinama. Nataon ang paglabas ng survey sa
harap ng pinaigting na seguridad sa lungsod dahil na rin sa selebrasyon ng Kadayawan Festival na tatagal
ng isang linggo. Iniulat ni Donna Timbal-Senajon ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas Ngayon, na una sa
listahan ng survey ng Numbeo.com ang Abu Dhabi, United Arab Emirates at sumunod ang Lugano,
Switzerland at Marbella, Spain.

City, at pang-lima sa puwesto na Taipei, Taiwan. Pasok naman sa top 10 ang Munich, Germany; Quebec
City, Canada; Hong Kong, Hong Kong; Seoul, South Korea at Bern, Switzerland. Sa website ng Numbeo,
inilarawan nila ang website na " world’s largest database of user contributed data about cities and
countries worldwide." Bukod sa usapin ng kaligtasan, minomonitor din ng Numbeo ang usapin ng living
conditions o cost of living, housing indicators, health care, traffic, crime at pollution sa mundo.
Ikinatuwa naman ng mga residente ng Davao City at opisyal ng pulisya ang resulta ng survey. Ayon
P/Chief Supt. Ronald dela Rosa, director Davao City police, malaking suporta sa kanila ang naturang
survey para sa ginagawa nilang hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga tao. Kasabay ng selebrasyon
ng Kadayawan Festival, ginanap din sa lungsod ang pulong ng Eastern Mindanao Command para
talakayin ang pagpapaigting sa kampanya para sa seguridad ng buong Mindanao. Kabilang sa mga
dumalo sa nasabing pulong ay sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Interior and Local Government
Sec. Mar Roxas, at mga pinuno ng militar at pulisya. -- FRJimenez, GMA News
Ang Kuwento nina Bugan at Kinggauan:
May isang bathala, si Hinumbian, at ang asawa niya ay si Dakaue. Sila ay nagkaanak ng isang
babae, si Bugan. Magkakasama silang pamilya sa Luktag (ikalawa sa mga suson o layer ng
kalangitan. Ang pinakamataas ay ang Hudog, sunod ay Luktag, pangatlo ay Hubulan, at panghuli
ay Kabunian na pinakamalapit sa lupa.).

Noong si Bugan ay dalaga na, inanyayahan siya ng kanyang tiyong si Baiyubibi, bathala ng ulan,
na bumaba sa ikatlong rehiyon ng langit na Hubulan. Inimbitahan siya rito sapagkat doon sa
Luktag, wala siyang gustong mapangasawa. Pagkarating dito, pinayuhan siya ng kanyang mga
kamag-anak na humanap ng mapapakasalan. Ngunit ayaw pa rin niya. Pinababa nila siya sa
huling suson ng langit, sa Kabunian. Nanirahan siya sa bahay ni Liddum, tagapangalaga sa
Kabunian. Niligawan siya nito, ngunit inayawan niya rin ang inialay nitong pag-ibig.

Malapit sa bahay ni Liddum (ang napangasawa ay nagngangalang Lingan) ay may isang lugar na
tinatawag na Habiatan na pinaninirahan ng diyos na gayon din ang ngalan. Dumalaw si Habiatan
kina Liddum, at doo’y nakita niya si Bugan. Itinanong niya, “Ang magandang dalagang ito, bakit
hindi pa siya nag-aasawa?”

Sinagot siya ni Liddum, “Sinabihan na namin siya, ngunit ayaw niya. Tinanong ko siya kung
bakit. At, alam mo ba? Tumawa lamang siya. Kaya’t winika ko, ‘Kung hindi mo gustong mag-
asawa rito sa Kabunian, ang mabuti pa’y umuwi ka na roon sa inyo sa Luktag.’ At tumugon siya:
‘Hindi mangyayari iyon. Nais kong manatili rito sa iyong bahay. Ako ang bahala kung kailan ko
gustuhing magpakasal. Kapag nakakita o nakatagpo ako ng maiibigan ko, sasabihin ko sa iyo.’”

Pagkarinig niyon, nagsalita si Habiatan. “Kung gayon, pasamahin mo sa akin si Bugan. Dadalhin
ko siya sa amin at ipakikilala ko sa aking anak na si Bagilat (diyos ng kidlat).”

“Mabuti nga kung gayon. Tatawagin ko lamang siya,” sang-ayon ni Liddum. Si Bugan ay
pumayag naman.

Pagkarating sa Habiatan, dinatnan nila ang binatang si Bagilat na nagtatrabaho. Tinanong ni


Habiatan ang diyosa, “O, Bugan, tingnan mo. Hindi ba’t maganda siyang lalaki? Nais mo ba
siyang pakasalan?”

Sumagot si Bugan, “Siya? Paano ko siya pakakasalan? Ang tapang at ang bagsik kaya niya.
Tingnan ninyo, nakapangingilabot ang paggamit niya sa kanyang nakatatakot na sibat! Hindi rin
siya marunong tumigil, takbo siya nang takbo rito sa buong kalangitan, sa hilaga, sa timog, sa
silangan, sa kanluran. At higit sa lahat, ayaw ko ng kanyang ginagawang pagwasak sa mga
halaman, sa mga puno, at sa mga prutas, dahil baka pati ako ay masaktan niya!”
Pagkatapos ay nawika ni Habiatan, “Naku, maselan ka pala. Pihikan! Mapili! Tunay ngang hindi
madali sa iyo ang makapag-asawa. Kung ayaw mo rin lang palang magpakasal, dapat ay bumalik
ka na roon sa inyo sa Luktag.”

Sumagot si Bugan. “Ayaw ko nang bumalik pa sa Luktag. Ibig kong magpakasal, subalit doon sa
lalaking aking maiibigan. Paumanhin sa inyo. Ako’y aalis na.”

At umalis nga siya sa bahay ni Habiatan. Habang siya’y naglalakad-lakad, napagmasdan niya
ang lupa sa ibaba. Maaliwalas at payapa ang panahon kaya maliwanag niyang nakikita ang
mundo. Natawag ang kanyang pansin ng isang lugar na tinatawag na Pangagauan. Sa gitna ng
gubat doon, may isang Ifugao na nagngangalang Kinggauan – isang binata, nakahubad, walang
suot na bahag (sapagkat ang kanyang bahag ay lubhang luma na), at nagtatrabaho. Gumagawa
siya ng mga hukay na patibong para sa mga usa, at mayroon siyang tirahang kubo. Nang makita
siya ay biglang naibulalas ni Bugan: “O! Kaawa-awang lalaki! Kahabag-habag ang kanyang
kalagayan!” At, walang anu-ano’y tumakbo siyang pabalik sa Luktag. Ipababatid niya sa
kanyang ama, si Hinumbian, na ibig niyang bumaba sa daigdig at pakakasalan niya si
Kinggauan.

Pumayag naman ang kanyang ama, at siya nga ay bumaba sa mundo. May dala-dalang isang
lalagyang naglalaman ng lutong kanin at isang bahag, nagtungo si Bugan sa kubo ni Kinggauan.
Pagkapasok, kanyang itinanong, “Sino ang nagmamay-ari ng kubong ito?”

Nagulat si Kinggauan at siya’y agad na nagtago. “Ako,” sagot niya sa nagtanong, “ngunit ako’y
nahihiyang lumabas sapagkat babae ka at wala akong suot.”

Wika naman ni Bugan, “Di bale! Hindi ka dapat mahiya. Heto, may dala akong bahag para sa
iyo.”

Ngunit hindi pa rin lumabas ang lalaki dahil sa hiya. Kung kaya’t inihagis na lamang ni Bugan
ang bahag na kinuha’t isinuot naman ni Kinggauan. Laking gulat ng lalaki nang makita ang
babae at winika, “Bakit ka naparito? Hindi mo ba alam na isang malaking kamalasan kapag ang
babae ay nakipagkita sa lalaki habang gumagawa ng mga patibong sa pangangaso?”

Sagot naman ng babae, “Bahala ka sa iyong iniisip, ngunit sinasabi ko sa iyo: sa halip na
kamalasan, isang malaking suwerte ang darating sa iyo dahil sa akin. Sa ngayon, halika, sabay
tayong kumain at matulog dito sa iyong bahay. Bukas na bukas din, makikita natin ang iyong
suwerte sa pangangaso mo.”

Nang sumunod na araw, pinuntahan nila ang mga patibong na hinukay ni Kinggauan, at ang mga
iyon ay punung-puno ng mga hayop. Pinatay ni Kinggauan ang mga nahuli at buong araw ay
wala siyang ginawa kundi iyon at ang pagdadala ng mga ito sa kanyang kubo. Nagtira lamang
siya ng dalawang buhay na hayop – dalawang biik, isang lalaki at isang babae – na pinaalagaan
niya kay Bugan.
Kinabukasan, inusisa ni Bugan si Kinggauan. “Matanong ko lang, bakit mag-isa ka lang na
naninirahan sa ganitong klase ng lugar?”

“Dahil ang mga magulang ko ay mahirap lamang at sila’y kuripot. Hindi nila kayang ibigay ang
aking pangangailangan,” malungkot na sagot ng lalaki.

“Halika. Pumunta tayo sa inyo,” biglang yaya ng babae.

“Ha? A… e…”

“Sige na. Gusto kong makita ang mga magulang mo,” pangungulit ni Bugan.

Napapayag naman si Kinggauan. Iniwan nila ang kubo pati ang mga nahuling hayop. Ang dala
lamang nila’y ang dalawang biik. Nagtungo sila sa Kiangan kung saan naroon ang mga
magulang ng binata.

Unang pumasok sa bahay si Kinggauan, kasunod si Bugan. Dinatnan nila roon ang kanyang ina.
Nagulat ang matanda, “Aba, sino ang babaeng ito?”

“Naroroon lamang po ako sa aking bahay nang bigla siyang lumitaw. Ni hindi ko nga po alam
kung saang lupalop siya nanggaling.”

Ang matandang nanatili sa pagkakaupo, matapos mapagmasdan ang dalawa, ay tinanong si


Bugan. “Binibini, ano ang iyong pangalan? At saan ka ba nakatira?”

Sumagot ang dalaga. “Ako po si Bugan, anak nina Hinumbian at Dakaue, isa po akong bathala sa
rehiyon ng langit na tinatawag na Luktag. Subalit ako po ay bumaba rito sa lupa, sapagkat nais
ko pong samahan ang inyong anak. Nakita ko kasi siyang nag-iisa at lubhang nalulungkot.
Naawa ako kaya dinalaw ko siya sa kanyang bahay at pinagkalooban ng suwerte sa pangangaso.
A, siya nga po pala, bukas po, dapat tayong magpadala ng mga tao roon sa kubo niya upang
kunin ang napakaraming mga hayop na kanyang nahuli.”

Namangha ang matanda sa mga sinabi ni Bugan. Nagkataong ang pangalan ng ina ni Kinggauan
ay Bugan din, na may karugtong na na kantalao.

Hindi naglaon, nagpakasal ang binata at dalaga, ngunit hindi maringal (enggrande) o pormal na
kasal. Nagsilang si Bugan ng isang malakas na sanggol na lalaking pinangalanan niyang Balituk.
Ang mga biik na dinala nila ay lumaki na at nagkaroon na rin ng anak.

Sapagkat galing sa langit, si Bugan ay hindi kumakain ng mga pagkaing gaya ng kinakain ng
mga tao. Ang gusto lamang niya ay kanin, mga ibon, at karne ng mga hayop na nahuhuli ng
kanyang bana (asawang lalaki). Ang mga tao sa kanilang lugar ay hindi siya nagustuhan dahil
hindi niya sila katulad, isa siyang estranghero sa kanila. Lalo pang tumindi ang kanilang inggit at
galit sa kanya nang makita nila ang napakarami niyang alagang mga ibon at baboy. Pagkatapos
ay kanilang nalamang ayaw ni Bugan ng ilang mga gulay at isda. Kung kaya’t isang araw ay
pinalibutan nila ang bahay niya ng mga ito. Nagtagumpay sila, at si Bugan ay nagkaroon ng
matinding pangangati sa katawan at mataas na lagnat. Lumisan siya sa kanyang bahay at
nanirahan sa ibang lugar, habang si Kinggauan naman ay tumira sa isang kamalig o imbakan ng
mga bigas. Subalit ang mga tao sa pook na kanyang tinuluyan ay nagalit din sa kanya at naglagay
na naman ng mga gulay at isda sa kanyang paligid. Hindi siya gumaling sa sakit at nagdulot pa
ang mga ito ng pagsusuka.

Bunga ng masasamang pakana ng mga tao, iminungkahi ni Bugan kay Kinggauan na pumunta
sila sa langit, sa Luktag, kasama ang kanilang anak. Sinagot siya ni Kinggauan, “Gusto sana
kitang samahan, Mahal, ngunit lubha akong natatakot na umakyat sa gayong kataas na lugar. At
isa pa, tirahan iyon ng mga bathala. Ako’y isang hamak na tao lamang.”

“Walang dahilan para ka matakot, Mahal,” sabi naman ni Bugan, “dahil ako mismo ang
magdadala sa iyo sa itaas gamit ang ayud (isang uri ng duyan). Ako ang bahala sa iyo.”

Ngunit anumang pilit na gawin ni Bugan, hindi naisantabi ni Kinggauan ang kanyang takot.

Naisipan ni Bugan na gumamit ng lubid. Una siyang umakyat sa langit bitbit ang kanilang anak.
Siya’y nakarating na sa itaas, subalit si Kinggauan ay hindi sumunod sa kanya. Kung kaya,
bumaba siyang muli, bitbit pa rin ang kanilang anak at hinarap ang bana.

“Ano ka ba naman, Kinggauan? Alam mo naman ang ginawa sa akin ng mga kababayan mo.
Matindi ang galit nila sa akin sukdulang ikamatay ko. Kailangan kong lisanin ang inyong bayan.
Ngunit ayaw mo namang sumama sa akin sa Luktag…. A, ang tanging magagawa natin ay hatiin
ang ating anak.”

“Ano?!” gulat na tanong ni Kinggauan.

Ngunit bago pa man siya nakatutol, nakakuha na ng kutsilyo si Bugan at hiniwa ang batang si
Balituk. Hinati niya ito sa gitna, sa bandang baywang. Ang ulo at itaas na parte ng katawan ay
ibinigay niya kay Kinggauan sa pag-iisip na mas madali para sa banang buhaying muli ang
bahaging ito. Sa kanya naman ang ibabang parte hanggang paa. Ang mga lamang-loob, bituka,
puso, atay, maging ang dumi ng bata ay pinaghahati rin ni Bugan at ibinigay ang mga kalahati sa
kanyang bana. Pagkatapos nito, umakyat na si Bugan sa langit. Doon ay binugahan niya ng
hininga ng buhay ang dala-dala niyang bahagi ng kanyang anak. Ito ay nabuhay muli at naging
isang bathalang pinanatili ang pangalang Balituk.

Sa kabilang dako, ang mga bahaging kay Kinggauan ay nabulok at nasira, dahil isa lamang
siyang tao at wala siyang alam at kakayahan sa pagbuhay muli ng mga patay. Ang mabaho at
umaalingasaw na amoy ng mga nabulok na laman at lamang-loob ay umabot sa tirahan ni Bugan
sa Luktag. Nagtungo siya sa Kabunian para malaman kung ano iyon, at natagpuan niya ang mga
bahagi ng katawang iniwan niya kay Kinggauan. Labis siyang nahabag at naghinagpis sa
nakitang nangyari sa anak. Bumaba siya sa Kiangan at doo’y pinagalitan at sinumbatan si
Kinggauan. “Ano’ng ginawa mo sa anak natin?! Ang tindi mo! Wala kang awa! Wala kang silbi!
Binulok mo siya! Bakit wala kang ginawa? Bakit hindi mo siya binuhay?!”

“Ngunit ano’ng magagawa ko?! Ano’ng alam ko sa pagbuhay ng tao? Wala akong
kapangyarihan para gawin iyon! Tao lamang ako, Bugan!” pangangatuwiran ni Kinggauan.

Sa huling sinabi ng kanyang bana ay nagimbal si Bugan. Nawika niya sa sarili, “Hangal! Isa
akong hangal! Tao lamang siya! Bakit nawala sa isip ko ang bagay na iyon?!” Pagkatapos ay
nagmadali siyang kunin ang mga nabulok na bahagi ng anak niya. Maingat niyang tinanggal ang
mga nasirang parte at inihiwalay ang mga ito. Sa mga nalabing bahagi, ang ulo ay ginawa niyang
kuwago, isang panggabing ibong tinatawag na akup ng mga Ifugao. Sa ibong ito nagsimula ang
isang pamahiin ng mga Ifugao – nagdadala ang akup ng kamalasan, kung kaya’t dapat silang
mag-alay ng mga ibon kay Bugan upang hindi na sila lapitan o gambalain ng akup.

Ang mga tainga naman ay itinapon ni Bugan sa gubat at tumubo ang mga ito sa mga puno bilang
mga mapanganib na halamang-singaw (isang uri ng fungi). Ang ilong ay inihagis din niya sa
gubat at ginawang isang uri ng mga kabuteng nakadikit din sa mga puno. Ang dumi naman ng
anak ay ginawa niyang tuka ng isang maliit na ibong tinatawag na ido* na nagpapasya ng
kapalaran o kamalasan ng tao.

Sa nabubulok na dila ay gumawa siya ng isang sakit – pamamaga ng dila ng mga tao – na
magagamot lamang ng nilagang itlog o manok na iaalay nila kay Bugan.

Mula sa mga tadyang ay lumikha siya ng mga makamandag na ahas. Mula sa puso, gumawa siya
ng bahaghari. Mula sa mga daliri, gumawa siya ng mga kabibe, mahahabang kabibeng parang
mga daliri. Ang buhok naman ng anak ay itinapon niya sa tubig, at iyon ay naging maliliit na
bulati at uod. Sa balat ay gumawa siya ng isang ibong kulay pula, ang kukuk. Sa dugo ay
lumikha siya ng maliliit na mga paniki (litalit). At gamit ang atay, gumawa siya ng isang sakit sa
dibdib ng mga tao. Mula sa mga bituka, lumikha siya ng medyo malalaking hayop na kahawig ng
kuneho o daga (amunin?). At gamit ang mga buto ng braso, gumawa siya ng mga bulok na kahoy
na nahuhulog mula sa mga puno at bumabagsak sa mga taong naglalakad.

Ang mga nilikhang ito ni Bugan ay pawang mga bagay na mapanira sa mga tao, bilang ganti at
parusa sa kanilang mga ginawang pagpapahirap sa kanya noong siya ay namumuhay sa mundo.

* Ang ido, o idu, ay ang tawag ng mga Ifugao sa masasamang espiritu. May maliliit na ibong
kulay puti at itim na tinatawag nilang pitpit at pinaniniwalaan nilang nagtataglay ang mga ito ng
masamang espiritu. Ang mga ibong ito ay tinatawag din nilang ido. Kapag ang isang Ifugao ay
naglalakbay at nakakita siya ng ibong ito at narinig niya itong humuni, agad siyang hihinto sa
paglakad at mananawagan sa ibon. Tatanungin niya ito kung saan siya marapat pumunta at bakit.
Kapag lumipad ang ibong ito pasulong o sa gilid, magandang senyales ito; ngunit kapag lumipad
ito pabalik, at humuni sa takot, babala ito sa masamang mangyayari, kaya ititigil na ng tao ang
kanyang lakad at uuwi na muna para ipagpatuloy sa ibang araw ang kanyang paglalakbay.
OPLAN: WIFI 2035
Ano ang OPLAN: WIFI 2035?

Ang OPLAN: WIFI 2035 o OPLAN: Wikang Filipino 2035 ay isang proyektong itinataguyod ng
mga ‘mandirigma ng wika’ upang palaganapin ang paggamit, pagkakaunawa at talastasan sa wikang
Filipino hindi lamang sa loob ng Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ito ay isang kilusan na
naglalayong magsulong ng wikang Filipino bilang wikang global.

Bakit “OPLAN: WIFI 2035” ang bansag?

Ang salitang OPLAN ay tumutukoy sa isang sistematikong plano sa pagtataguyod ng isang proyekto.
Ang WIFI ay kontrasyon ng mga salitang “Wikang Filipino.” Samantalang, ang 2035 ay
kumakatawan sa sentenaryo ng ‘paghahangad’ ng isang pambansang wika.

Ano ang layunin ng proyektong ito?

Alinsunod sa adhikahing palawakin ang saklaw ng Wikang Filipino, layunin nito na hikayatin ang
mga iskolar, expat, o mga banyagang na magsulat at maglimbag ng mga aklat sa wikang Filipino
saan man sila sa mundo. Gayundin, gamitin ang Wikang Filipino sa larangan ng sining at agham.
Buhay ang wika kung ito’y patuloy na ginagamit. At mas lalo itong mapapalawig kung bahagi ito ng
pang-araw-araw nating gawain.

Sa mensahe ni Dr. Zeus A. Salazar, “(k)ung magsusulat lang ang lahat ng Pinoy sa ibayong dagat sa
sariling wika at ilalathala nila kung saan man sila nakatirik, mas dadami pa ang mga librong Pilipino
abroad…” At tunay nga, na maraming Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo. Kung sabay-sabay
silang maglalathala ng mga sulatin sa wikang Filipino, mas lalawak pa ang saklaw nito at magiging
‘wika ng talastasan ang wikang Filipino’.
\
Bakit Kulang ang Liwanag ng Buwan?

Noong una’y magkaibigang matalik sina Buwan at Araw.


Alam ng Buwan na maraming humahanga at nagmamahal sa kanya
at ito’y naging daan ng pagiging palalo niya. Sinasabi niyang lagi kay Araw
na mas mahal siya ng mga tao dahil siya ang hinihingan ng mga ito ng
tulong samantalang siya ay di matitigan ng mga ito. LIhim na nainis ang
Araw sa kayabangan ng Buwan. Nag-isip siya kung paano makagaganti sa
Buwan.
Naanyayahan ang dalawa sa isang kasayahan sa Nundaul at sila’y
nagpaunlak. Maraming naimon ang Buwan kaya’t siya’y nalasing. Niyaya
siya kunwari ni Araw para umuwi ngunit dahil nga sa kalasingan ay di
nakaya ng Buwan ang sarili. Pinauna na niya ang Araw.
Nanguha ng maraming kabibe sa dalampasigan ang Araw at ang
mga iyon ay kanyang dinurog na mabuti. Inilagay niya ang mga ito sa isang
sako. Ibinitin ng Araw ang sako sa isang punong kahoy na alam niyang
uusyusuhin ng Buwan pagdaraan nito.
Tulad ng inaasahan ng Araw, naintriga ang Buwan sa nakitang
nakabiting sako. Pinilit niyang kalagin yaon ngunit di niya makalag-kalag
kaya’t tinusok niya ang ilalim ng nakabiting sako. Bumuhos ang laman ng
sako sa mukha niya. Humingi siya ng saklolo at dinaluhan naman ng mga
anak niyang mga bituin at tala. Labis na napinsala ang isang mata ng
Buwan at din a ito makakita.
Mula noon, lumamlam na ang liwanag ng Buwan sapagkat iisa na
ang kanyang matang nagbibigay ng liwanag.
Ang Alamat ng Paru-Paro

Noong unang panahon may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo
sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro samantalang ang nakababata
naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulakalak ang
kanilang ikinabubuhay. Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang
kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si
Perla naman ay masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si Perla pasensiya
na lamang ang kaniyang binibigay sa kapatid na si Amparo na ubod na tamad.

Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging
nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo “Anong gusto mo alilain
ako at busabusin, ako ang masusunod dahil ako ang nakakatanda.” Sabay nanaog at
pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa
kanyang buhok. Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala
pala sa kapatid ay sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog siya sa ilog.
Sumigaw ng malakas si Perla “Paro!Paro!, marami ang nakarinig at tinulungan siya
ngunit walang Amparo silang nakita.

Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang
lumutang sa knahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang nawala
ang hugis bulaklak nito at unti-unting umusbong ang pakpak na may iba’t-ibang kulay.
Walang ano-ano ay lumipad at nakita ni Perla ito na pumunta sa halamanan at
nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si Perla at nasambit niya ang katagang
“Paro! Paro…!

Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinawag ng mga tao na
PARUPARO.
“Ampalaya (Ang Pilipinas 50 Taon
Makatapos ng Bagong Milenyo)”
ni Reuel Molina Aguila
Upang basahin ang kapalaran ng mga bayan,
kailangang buklatin ang aklat ng kanyang kahapon.

At dahil diyan ay inuulit namin at uulitin kailanman, na,


samantalang may panahon ay lalong mabuting pangunahan
ang mga hangarin ng isang bayan kaysa pahinuhod; ang una’y
umaakit ng kalooban at ng pag-ibig; ang pangalawa ay
umaakit ng pagpapawalang-halaga at ng poot.
(Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon)
Jose Rizal

1 Sarap na sarap sa paghahapunan ang pamilyang de la Cruz, isang gabing tikatik ang
ulan at ang simoy ng amihan sa mga unang araw ng buwan ng Pebrero ay naghahatid
ng nakapanghahalukipkip na lamig.
2 Sa liblib na baryong ito na lalong naging liblib dahil napag-iwanan ng mabilis na
pagbabago ng mundo, ang munggong sinahugan ng ampalaya at tinambalan ng tuyo
ay langit nang masasabi.
3 “Heaven!”
4 Ganyan nga ang sinabi ng kabataang mountaineer na minsang nagawi sa pamilyade la Cruz at
nakisalo ng munggong may ampalaya. Matagal na raw siyang hindinakakatikim ng ganoong
ulam.
5 Hindi iyon maunawaan nina Juan de la Cruz dahil pangkaraniwan lang na ulam nila
iyon. Pagkaing mahirap, wika nga. Laking tuwa nila nang abutan sila ng ilang de-lata
bilang kapalit sa munggo’t ampalaya.
6 Kaya’t sa tuwing ganito ang kanilang ulam ay naghahagikgikan ang pamilya de la Cruzsa
alaalang ito.
7 Hagikgikan pa sila nang hagikgikan dahil sa sinasabi sa radyo habang naghahapunan
sila. Hindi nila mapagtanto kung ano ang sinasabi ng announcer. Bargain sale daw sa
Super Tiangge Mall ng mga kasangkapan tulad ng teleponong nakikita ang kausap at
bombilyang 10 watts lamang pero kayang ilawan ang isang malaking plasa.
8 Sapagkat, ni koryente o linya ng telepono ay wala sila. Taong 2050 ay wala silang
koryente o linya ng telepono.
9 Nagkaroon kung sa nagkaroon ngunit pinutulan din ang buong baryo nang ang
karamihan dito ay hindi nakayanang magbayad.
10 Gapok at nakahilig na ang mga poste ng koryente; at ang mga kawad ay pinagkukuha
na nila para gawing sampayan o panali ng kung ano-ano.
11 Gayon ding nakatiwangwang na ang butas-butas na mga solar panel na ikinabit
noong bata pa si Juan. Donasyon iyon ng mga Aleman, limampung taon na ang
nakakaraan, noong bago magpalit ang taon sa kalendaryo mula sa panimulangdisinuwebe
tungo sa dalawampu
12 Tulong daw iyon upang hindi magdumi ang papawirin mula sa karbong ibinubuga
ng mga de-langis na plantang lumilikha ng koryente. Na, sa pagdami ng karbon sa
papawirin ay siyang nagiging sanhi ng pag-init ng mundo. At siya namang sanhi ng
pagbabago ng klima at panahon: wala sa panahong bagyo, panay-panay na tagtuyot,
at kainitang pati silang sanay nang mababad sa araw ay umaangal.
13 Ngunit sa pagdalaw ng bagyong siya nga sanang nilulutas ng solar panel ay siya
namang pagkabutas-butas at pagkakalasog-lasog nito.
14 Sa tuwing nakikita ni Juan ang mga kalansay ng panahong iyon ay sumasagi sa

kanya, bilang isang gising na bangungot, ang mga ritwal, takot, at pag-iimbak ng mga
pagkain dahil sa sunod-sunod na kalamidad na dumadalaw na siyang kinikilalang
mga signos ng katapusan na ng mundo; at paniwalang hatid ng pagbabago ng
milenyo.
15 Tuyo na rin at tinabalan na ng damo ang mga poso, na kapag hinawan ang sukal ay
makikita pa sa semento ang mga pangalan ng nangampanyang meyor, gubernador,
kinatawan, bokal, at pangulo. Ang mala-lapidang talang ito ay parang isang punit na
pahina na siya na ring nagsisilbing tanging nakatalang kasaysayan ng baryong iyon.
16 Kaya nga’t napapahagikgik na lang sila sa tuwing nakakarinig sila ng mga balita
tungkol sa mabilis na pagbabago sa lunsod at sa ibang sulok ng daigdig.
17 Gaya ng iba pang produktong inaanunsyo ng announcer na kahit pa singkwenta
porsyento ang ibinaba ng mga presyo nito, dahil sa pagkawala ng taripa ayon sa
umiiral na pang-ekonomiyang kalakaran ng globalisasyon, ay hindi pa rin maabot ng
karaniwang mamamayan.
18 Sa radyo niya narinig ang mga mabibigat na salitang iyon hinggil sa pangekonomiyang
kalakaran, tuwing umagang bago niya harapin ang kanyang mga
pananim. Kaya’t tuwing umaga nga, sa awa ng itinatagal ng baterya, pilit inuunawa
ni Juan kung bakit umuunlad naman ang ibang bansa, o kung bakit umuunlad
naman ang Maynila ay lalo naman yatang nahuhuli ang kanilang baryo.
19 Kalabaw pa rin ang gamit nila sa pagsasaka samantalang sinasabi rin sa radyo na derobot
na ang pagsasaka sa ibang bansa.
20 Sinungaling marahil ang radyo. O, marahil hindi niya nasundang mabuti ang sinasabi
ng radyo dahil madalas maubusan siya ng baterya.
21 Pero sa radyo din niya narinig na ‘wag daw silang mag-alala. ‘Yan ang pangako ng
bagong pangulo, isang child actress noong magpang-abot ang mga milenyo na higit
na nakilala sa halos makatotohanang pagganap niya sa papel ng batang ginang-rape
ng kanyang lolo, ama, at mga tiyuhin.
22 Pararatingin daw niya ang kaunlaran hindi lang sa Maynila, bagkus sa kaliblibliblibang
sulok ng bansa, gaya ng kanilang baryo. Iyon ang pangako ng dating child actress.
23 Kaya’t ganoon ngang umaasa na lang sina Juan. Sapagkat, ano pa nga ba ang kanilang
magagawa kundi ang umasa na lang at magsikap sa araw-araw.
24 Ni hindi nga siya sumapi sa mga rebeldeng halos mag-iisandaang taon nang
nakikipaglaban ngunit hindi pa rin nagwawagi.
25 Sa ilang pagbisita sa kanila ng mga ito ay nakikipaghuntahan sila kay Juan at
ipinapaliwanag kung bakit paurong lalo ang takbo ng buhay sa kanayunan. Ito,
diumano ay sanhi ng globalisasyon na sinimulan noon pa mang dekada ’90 ng ika-20
siglo. At kaya nakalusot ang bagong kaayusang ito ay dahil sa imperyalistang hangarin
ng Estados Unidos, sa pakikipagkutsabahan nito sa naghaharing uri ng bansa sa
pangunguna ng mga panginoong maylupa at komprador-burgesya.
26 Kung anuman ang pinagsasabi sa kanya ng mga taong labas ay hindi niya
maunawaan; na ‘yon din naman ang kantsaw ng matandang si Kadyo, 80 anyos at
dating aktibista sa kanyang kapanahunan—na halos mag-iisandaang taon na ay iyon
pa rin ang uri ng pagsusuri ng mga rebelde sa lipunang Pilipino.
27 “Sapagkat hindi po nagbabago ang kaayusang politiko-ekonomiya ng bansa,” ang
mariing ratrat ng batang gerilya.
28 “Ipasa-Diyos na lang natin,” ang sabi naman ng pari na taunan kung magmisa sa
kanilang baryo.
29 “Magbabago para sa kabutihan ang lahat,” ang sabi naman ng kandidatong meyor, na
anak ng dating meyor, na anak din ng dating meyor, na anak pa uli ng dating meyor,
na anak ng...
30 “Putris naman.” Ito ang sumasagi lagi sa isipan ni Juan tuwing nauungkat sa anumang
pagkakataon ang kaunlaran sa lunsod at ang kahirapan naman sa kanilang baryo.
31 Hanggang sa natutunan na niya at ng kanyang pamilya na maghahagikhikan na lang
sa tuwing nauungkat ang mga ganitong kaunlaran.
32 Para lamang daw iyang LRT sa Kamaynilaan na maigi ngang sa pagpasok mo sa
isang estasyon ay makakarating ka saan mang parte ng Maynila; ngunit ikot lang
nang ikot at hindi nakakaabot sa kanayunan.
33 Mahigit limampung taon na si Juan, halos kasintanda ng bagong milenyo; isang tunay
na magsasakang nabubuhay kahit paano sa kanyang mga sinasaka, umaasa sa sarili
at walang pineperwisyo.
34 ‘Yan lang ang kanyang maipagyayabang, na binuhay niya ang kanyang pamilya,
walang-wala man sila. Sapagkat ganoon din siya binuhay ng kanyang ama, kahit
walang-wala mandin sila.
35 Kaya’t nakakahimlay siya, sila, nang matiwasay tuwing gabi. Lalo pa ngayong
halumigmig ang hangin na pinag-init naman ng kaninang umaasong munggong may
ampalaya na hinapunan nila kanina.
36 At sila’y natulog nang mahimbing.
Si Airen at ang Pitong Kulog
Sa isang liblib na bundok sa hilagang bahagi ng Luzon, may mag-asawang ibig na ibig
magkaroon ng anak. Sa tuwinaý nag-aalay sila ng handog sa kinikilala nilang Diyos upang
hilinging mabigyan sila ng anak. Hindi nga nagtagal, dininig ng Bathala ang kanilang mga
panalangin.
Isang dapithapon, habang nagsasagawa ng kanilang ritwal ang mag-asawa,
nakarinig sila ng kulog – kulog na dumadagundong at lumulukob sa kanila. Maya-maya paý
nakita nila ang isang putting ipuipo na nagpaikot-ikot sa kanilang kinalalagyan. Kapagkuwaý
bigla itong naglaho at sa mismong pinaglahuan nitoý naroon ang isang malusog na sanggol na
lalaki. Nagulat man ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan, wala silang pagsidlan ng
kaligayahan dahil sa wakas ay dininig ng Bathala ang kanilang panalangin. Kinuha nila ang bata
at inuring parang tunay na anak. Pinangalanan nila itong Airen.
Mula pa sa pagkabataý malikot na at pasaway ang batang si Airen. Anuman ang
naisin nitong gawin ay ginagawa niya nang hindi inaalintana ang payo ng kanyang mga
magulang. Batid niyang hindi siya tunay na anak ng mag-asawa at batid niyang mayroon siyang
natatanging kapangyarihan. Nagagawa niyang lumipad, napapagalaw niya ang mga puno,
nauutusan niya ang hangin – lahat, nagagawa niya dahil hindi siya isang ordinaryong bata.
Isang araw, habang siylaý namumundok kasama ang kanyang tatay Teroy, hindi
na napigilan ni Airen ang sarili. Dahil sa sobrang pagod na nararamdaman sa kanyang pag-akyat
sa bundok, lumipad siya sa paupong posisyon. Nagalit ang kanyang tatay Teroy sa ginawa niya
dahil natatakot itong baka may makakita rito na mga mangangaso. Mula noon, hindi nasiya nito
isinasama sa pangunguha ng kahoy. Naiiwan na lamang siya sa bahay kasama ang inayBelay
niya.
Sa bahay naman, inutusan siya ng kanyang inay na manguha ng bunga ng
kalabasa sa may likod-bahay. Dahil tinatamad ang batang si Airen, inutusan niya ang hangin na
siya na lamang kumuha ng ipinakukuha ng kanyang inay para sa kanya. At ganun nga ang
nangyari. Muli, sa kanyang ginawa, nagalit ang inay Belay niya sa kanya dahil napakatamad daw
niya.
Hindi na napigilan ni Airen ang sarili. Umalis siya ng bahay at naisipang lumayo
na lamang dahil pakiramdam niya, para siyang sinasakal dahil hindi man lang niya magawa ang
gusto niyang gawin sa kanyang kapangyarihan. Mula noon, mag-isa siyang naglakbay at hindi na
bumalik ng bahay.
Sa kanyang paglalakbay, nakarating siya sa paanan ng isang mataas na bundok na
kilala sa tawag na Bundok Bumagyo. Umakyat siya hanggang sa tuktok niyon sa pamamagitan
ng paglipad. Nang makarating doon, nakilala niya ang pitong kulog.
“Sino ka?” tanong ng kulog. Ang tinig nitoý parang nagmumula sa kawalan.
Hindi niya mawari kung nasaan.
“Ako si Airen” sagot niya. “Ikaw, sino ka rin ba?”
Tawa ang nagging sagot nito. “Ang lakas ng loob mong magtanong. Hindi mo ba
alam na ako ang kinatatakutan ng kahat?”
“Hindi kita nakikilala. Pa’no ko masasabing nakakatakot ka kung hindi naman
kita nakikita?” Sa sinabing iyon ni Airen, biglang kumulog nang pagkalakas-lakas na halos
mabingi na siya sa lakas nito.
“Lapastangan! Hindi mo nakikilala ang kinakalaban mo!” Pagkasabi’y biglang
kumulog ng pitong beses at kumidlat. Kung hindi siya kaagad nakailag ay baka natusta na nang
buhay ang batang si Airen. Dahil sa nangyari, tinapatan niya ang kapangyarihan ng pitong kulog.
Inutusan niya ang hangin upang pawiin ang ulap. Subalit, hindi natinag ang
maitim na ulap na tumatakip sa kanyang kinalalagyan. Bagkus, lalo pa nitong pinalakas ang
kapangyarihan ng pitong kulog.
Laking dismaya ng batang si Airen dahil hindi niya napataob ang kalaban. Sa
nasaksihan, nakitaan siya ng takot. Kaya naman, nagalak ang pitong kulog dahil sa nakikitang
reaksyon ni Airen. Tumawa ang mga ito nang tumawa na parang nang-uuyam.
Inilabas ni Airen lahat ng kapangyarihan – lahat ng nalalaman niya. Pinakilos
niya ang mga punong nakapalibot sa kanya upang mahawi ang ulap na lumulukob sa kanya.
Tinawag niya lahat ng mauutusan niya upang tulungan siya na malupil ang kanyang kaaway,
subalit hindi pa rin siya nanalo. Kumidlat at tinamaan ang mga puno at ang mga ito’y
nangasunog lahat.
Nanlulumong napasalampak na lamang ang batang si Airen. Hindi niya mapigilan
ang sariling umiyak dahil sa nararanasan niya. Ang takot niya’y nanunuot sa kanyang kalamnan
na humihimay sa munting pag-asang pilit na sumisibol sa kanyang puso.at ang tawa ng pitong
kulog ay lumukob sa kanyang katauhan.
Maya-maya pa’y isang nakagigimbal at nakabibinging tunog ang narinig.
Kapagkuwa’y isang tinig na hindi mawari kung saan nagmumula ang biglang umalingawngaw sa
buong lugar.
“Itigil na ninyo ‘yan! Ang utos ko sa inyo’y takutin lamang siya,” wika ng tinig sa
pitong kulog. “Hindi niyo siya maaaring saktan. Niwala kayong karapatan upang kantihin siya.
Dahil siya, ang batang ‘yan ang bugtong kong anak!” umaalingawngaw sa kawalan ang tinig.
Sa narinig, napatingala ang batang si Airen. Pagtataka ang bumalatay sa
maamong mukha nito. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig, na ang tinig na naririnig
niya ngayon ay ang tinig ng kanyang ama.
“Ikaw ‘kamo ang aking ama?” tanong ng batang si Airen.
“Ako nga Airen, anak ko. Ikaw ay aking ibinigay sa mag-asawang Teroy at Belay
dahil sa nakita kong buong puso nilang pananampalataya at paniniwala sa akin. Ikaw ay aking
ibinigay sapagkat nais kong maranasan mo rin kung paano mamuhay na gaya ng mga tao upang
sa pagmamana mo sa aking trono, alam kong magiging isa kang mabuting pinuno.” Nang-aarok
na wika ng tinig. “Subalit, sa aking mga nakita, sa palagay ko’y nabigo ako. Nagkamali nga ba
ako sa aking desisyon, Airen? Dahil hindi mo nagawangpatunayan ito sa akin. Paano ko
masisigurong magiging mabisa kang pinuno kung hindi ka man lang marunong sumunod sa mga
kinikilala mong mga magulang? Na sarili mo lang ang iyong iniintindi?”
Napatungo na lamang ang batang si Airen. Batid niyang tama ang sinabi ng
kanyang amang Bathala. “Patawad, aking ama. Patawarin mo po ako.” Napapaiyak na wika niya.
“Bakit ka sa akin humihingi ng tawad?” At ipinakita sa kanya ang kasalukuyang
ginagawa ng mga kinikilala niyang mga magulang – nag-aabang at naghihintay sa kanyang
pagbabalik. “Sila, sa kanila ka dapat humingi ng tawad, anak ko.”
Sa nakita, bumulahaw ng iyak ang batang si Airen. “Ama ko, kung inyo po akong
bibigyang muli ng pagkakataon, ipinapangako ko po na susunod na ako sa kanila. Nalalaman
niyo po, hindi ko man po sila tunay na mga magulang, batid niyo po kung gaano ko sila
kamahal.”
“Kung gayon, anak ko, humayo ka. Bumalik ka sa kanila. Sila’y sabik na sabik na
sa ‘yong pagbabalik.”
“Opo, aking ama. At salamat pos a pagmulat mo sa akin!” At pagkasabi niyon ay
lumipad siya at bumalik sa kanilang bahay. Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ng kanyang
mga magulang sa sabik na naghintay sa kanyang pagbabalik. Ang batang si Airen ay humingi ng
tawad sa kanila at nangakong magiging masunurin na itong anak.
Maragtas
(Epikong Bisayas)
Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na datu. Ang
kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng Panay ay buong kasiyahan at
pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay.
Ayon sa ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga
pangyayari:
Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan Makatunao.
Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga
babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.
Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang
sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu
na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng
tulong kay Datu Sumakwel.
Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at marami
siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel.
Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban.
Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni Makatunao. Sinabi ni
Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban. Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti
ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo. Hindinila magagapi si Makatunao. Maraming
dugo ang dadanak at marami ang mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon.
Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring
pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan.
Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda ng
sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng maraming pagkain
na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati
ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap
ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa gagawin nilang
paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung
hahanap ng malayang lupain.
Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat ang sampung datu
kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga katulong. Sa sampung matatapang
na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu
Bangkaya ay kasal kay Katorong na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu Paiborong at
Pabulanan, si Datu Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at
Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang apat na binatang datu ay sina
Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay.
Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob nila na pumalaot sa dagat
pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni
Sumakwel ang isang pulo makalagpas ang pulo ngPalawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga
Ati, na pawang mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo.
Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang paglalakbay,
narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay Aninipay.
Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay katutubo sa pulong iyon.
Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong ng kasama ni Datu Puti na marunong ng
wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira.
Ipinabalita ni Datu Puti kay Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan.
Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa pulo ay masaya,
masagana at matahimik na namumuhay. Walang magnanakaw. Ang lahat ay masipag na gumagawa.
Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa kapwa.
Dumating ang takdang araw ng pagkikita ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at ng mga Bisaya sa
pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa baybay dagat. Ito ang kapulungan ng
mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na mabait at
magalang ang mga dumating. Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang layong makipanirahan sa pulo ng
Aninipay. Nais nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang kanyang mga
tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.
Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si Marikudo ng maraming
pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga
Bisaya lulan ng sampung barangay. Nakaupo na sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga
tauhan. Katabi ni Marikudo ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming
handog ng mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso. Ang
mga babaeng Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay nasiyahan. Nagpakita
ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa kanilang solibaw, plota, at tambol
habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw pandigma, ang sinurog.
Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong salakot at gintong batya
mula sa kanilang barangay. Ibinigay niya ito kay Marikudo. Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-
mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang
ganoon ding kuwintas. Pinigil ni Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas.
Madaling ibinigay ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.
Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung lalakad sa baybay dagat
ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim) ay makababalik siya sa dating pook
pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o buwan ng pag-aani).
Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila ang kanilang mga bahay.
Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.
Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama ang kanyang asawa na si
Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na
inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si
Ilehay at si Ilohay. May mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim
ng mga buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog, Dumangsol at
Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti
kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala
si Datu Puti tungkol sa kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si
Makatunao.
Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong barangay, kay Datu Puti ang isa, at ang
dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang
pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong barangay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu
na dito na sa Taal manirahan kasama ang mga "Taga-ilog". Isang araw lamang at umalis na sina Datu
Puti at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.
Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang kaniyang kapatid
na si Bai.
Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang
na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat
may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya
pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring
mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na
naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at
tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng binata ng
Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.
Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at
kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang
dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng
Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng
binata ngunit tinanggihan niya ang alok.
Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya mapadpad
at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan
sa mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon, balot ng
apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit
magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon
ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab
ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang
kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay
binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang
bayan sakay ng kidlat.
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa Kawkawangan.
Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng
Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa
gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna,
ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang
mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na
may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan (mga
bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking
ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata
ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng
paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o
gintong plawta) sa pangalawang bagay.
Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita.
Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang
Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay
nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa
sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa mga
tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa
mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng
binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas
ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta
at ang binata ay unti-unting namata
PAALAM SA PAGKABATA
Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan,
dilim- iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan.
Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko.
Sa kabilang silid, sa kuwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil na paghikbi. Umiiyak na naman si
Nanay. Ang sunud-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntong-hininga
ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na
matagal nang umalipin sa kanya.
Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay.
Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng
mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na lupang
pinagkaitan ng ulan.
Maliwanag na ang silangan nang ako’y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa
bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may
hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-
hininga.
Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito’y ginagamit ni Tatay.
Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito’y itinapon ni Nanay
mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay
ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan.
“Hanggang ngayon ba’y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang
kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy
ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya
ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong
lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa
malilimutan ang nangyari?”
Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang mga matang tumingin sa lambat at
pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking
nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon.
Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buong-buo pa rin sa aking
paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na
iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan
akong makaalam.
Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibi akong
itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang
kanyang pagluha.
“Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo.”
Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May
gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi ng aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya.
Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita.
Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit?
“Ano pa ang hinihintay mo, Celso?
Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-maya’y tumakbo na ako ng
matulin.
Nasa dalampasigan ang mamamili ng isdang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasaya silang
nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa
kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang
galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan.
Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gitara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong
narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At muli na namang naantig ang
aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundimang umalingawngaw ang mahinang
pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabo ko.
“Naririyan na naman siya.”
“Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang kanyang pangarap
habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung
kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam.”
Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang naging bahagi na
ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa lilim ng kaniyugan. Patuloy ang
awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na.
Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay.
Nagbabanta ng parusa.
Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sa
pinanggalingan ng awit na ngayo’y gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko
ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong
naggigitara at umaawit. May luha sa kanyang mga mata.

Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at dahan-
dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong
kamay. Nagpumiglas ako upang makawala sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang
kanyang pagyakap. Umiiyak ako.
Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha.Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwag ang aking
paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli niya akong
niyapos.
“Dalawin mo akong palagi, ha?”
Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi- lahat parang nakita ko
na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng
aming bahay.
Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mga bangka at
nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang Tatay.
Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka. Natanawan niya
ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako.
“Lapit rito, Celso!”
Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal.
“Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala,
kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin.”
Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap intindihin si Tatay.
Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang
kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?
Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at
nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang
gawain,. Matapos makapananghali siya’y matutulog. Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap
ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay.
Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko si Nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at
nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko
ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari
kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao.
Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang
mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang
iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko ng
katarungan ang aking kalagayan.
Nagpunta ako sa kisinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at
pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat.
“Huwag, Celso!” saway ni Nanay na nanginginig ang boses. “Huwag!”
Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa aking ginawa ay
hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang ito’y magkagutay-gutay
na at nagkalat sa aking paanan.
“Celso!”
Nag-aapoy ang mga mata ni tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang
aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-
unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-
pirasong wasak na lambat.
Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may nakita akong anino – si
Tatay na sumusurot kay Nanay.
“Ngunit, Tomas,” nagmamakaawa si Nanay. “Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa kaniya.”
“Pumanhik ka, Isidra!” singhal ni Tatay. “Pumanhik ka na habang ako’y nakapagpipigil pa.”
Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang tadyak ang
sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa
aking katawan at ako’y gumapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at iningungod sa lupa ang aking
mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa
aking pisngi.
Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihina’y umusad ako nang umusad.
Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang
panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan.
Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may
maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking
paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa.
Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng
kanyang puso. Matagal.
Ang Alamat ng Basey
(Alamat ng Visayas)
(bahagi ng “The Beautiful Bungangsakit”)

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa


pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon.
Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga
batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang
laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng Binongtoan
ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig. Sa
pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y
nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang parangal
at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit. Samantala, ang mga taga-Omit na
nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hindi sumama sa pagtatatag ng
bayan ng Baysay. Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na
pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’ bilang pagbibigay parangal
din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit.

Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na


binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang
matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga tulisang-dagat ay muling babalik kaya’t
nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog.
Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang
kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat atupang mamatyagan ang
paparating na mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa
pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-
walo ay dumating at sinalanta ang buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil
na pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw,
dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa napakaraming
buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.

Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na


naninirahan sa Baysay ay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga
burol na magsisilbing pananggalang sa malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang
kilalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol na isa
sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang
paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng
pagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.
ANG ALAMAT NG CHOCOLATE HILLS

Noong sinaunang panahon, sa lalawigan ng Bohol, may isang malawak ngunit


tuyong lupa. Tuwing tag-init, makikita ang napakaraming biyak at tuwing tag-ulan
naman, napakaputikan ang lupaing ito. Kung panahon naman para sa taniman,
parang may nalatag na berdeng kumot na tinatakpan ang lupa.

Isang araw, dalawang higante ang dumating sa isla sa magkabilang dulo, ang
higanteng nagmula sa hilaga at ang higanteng nagmula sa timog. Natakot ang mga
naninirahan sa lupain na baka magkita at mag-away ang mga higante.

Sa kasamaang palad, ito nga ang nangyari.

Nagkasalubong ang dalawang higante at nag-away tungkol sa pag-aari ng lupaing


iyon. Nais ng dalawang higante na angkinin ang lupa para sa sarili ngunit lumipas
ang oras at hindi pa tapos ang kanilang pag-aaway.

Katatapos lang ng tag-ulan at maputik ang kinatatayuan nila. Dahil sa matinding


galit ng bawat isang higante, ay nagbato sila ng putik sa isa’t isa hanggang
nawalan sila ng lakas. Sa sobrang hina ng dalawa, parehong natumba at namatay
ang mga higante.

Marami ang nakasaksi sa pangyayaring ito at sila’y namangha sa mga burol na


gawa sa putik na inihagis ng mga higante. “Chocolate Hills” ang tawag ng mga
naninirahan doon sa mga burol at sila’y namuhay nang mapayapa.
Dandansoy
Folk Song
(Visayan)

Dandansoy, bayaan ta ikaw


Pauli ako sa payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
ang payaw imo lang lantawon.

Dandansoy, kung imo apason


Bisan tubig di magbalon
Ugaling kung ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon.

Kumbento, diin ang cura?


Munisipyo, diin justicia?
Yari si dansoy makiha.
Makiha sa pag-higugma,

Ang panyo mo kag panyo ko


Dal-a diri kay tambihon ko
Ugaling kung magkasilo
Bana ta ikaw, asawa mo ako.
ANG DUWENDE
Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang magkapatid
na babae. Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila para sa isang misa
kinaumagahan. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana
ng kanilang bahay, kundi ay papasok ang duwende, na bumibisita sa kanila tuwing
hatinggabi. Upang malaman ng kaniyang mga anak kung ano ang duwende, ikinuwento
niya ito:

“Katulad lang ng mga ordinaryong tao ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang,
ngunit matulungin din. Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga
muwebles at mga larawan, pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi
sila makahanap ng mga bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi,
braso, at katawan ng mga tulog na babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila
pagkagising. Kung hindi kinaasaran ng mga duwende ang mga nakatira sa bahay na
madalas nilang bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan
nila ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na pagkain at ipinagtatanggol sila mula
sa mga masasamang nilalang. Maraming tao tuloy ang sabik ngunit balisang makakilala
ng duwende. Itinuturing nila ang mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang karunungan
dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at ikinikilos ng mga tao. Ngunit kung
sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende ay biglang nagsabi ng anumang masama
o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa hindi sila marinig ng mga duwende, ay
parurusahan sila at hindi na muling babalikan.

“Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang ang nanay
ko, o ang lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara ang pinto at
mga bintana bago kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami ng kapatid ko ng
kamisa at saya, nakalimutan naming isara ang mga bintana at pinto. Ilang segundo bago
maghatinggabi, naroon ang isang maliit na nilalang na nakatayo sa aming pinto. Maliit
siya, kasinliit lamang ng isang dalawang taong gulang na bata; pula ang kaniyang mukha;
mayroon siyang mahabang bigote at maputing kulot na buhok. Maigsi ang mga braso
niyang balingkinitan, ngunit malaki ang mga kamay niya--malaki para sa kaniyang braso.”
Nang marinig ng mga dalaga ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila. Nang
maghatinggabi, narinig nila ang mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende.

Takot na takot ang dalawa. Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na
pumapasok sa pinto. At katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng
bahay, papunta sa mga dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab
sa mga kamisa at saya.
Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng Legaspi sa
duwende. Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago sila matulog sa
gabi.
Alamat ng Bulkang Mayon

Sa bayan ng Daraga sa lalawigan ng Albay,kapag hindi maulap, ang pinakamagandang tanawin a


y ang Bulkang Mayon. Ang ganda ngang ito marahil ang nagging inspirasyon sa isa sa pinakamag
andang alamat Pilipino, ang “Daragang Magayn” ng mga Bikolano, o ang salin sa Pilipinong “Dal
agang Maganda”.

Sa pampang daw ng maawiting Ilog Yawa ay may namugad na isang munti’t matahimik na kahar
ian. Rawis ang pangalan. Ang kanilang hari ay halos sambahin nila sapagkat di lamang siya puno
ng maraming taon kundi pati na rin dahil sa katalinuhan, kahinahunan at kabaitan. Haring Maku
sog ang kanyang pangalan.

Siya ay may bugtong na anak isang dalaga, na dahil sa namumukod na kariliagan, ay nakaugalia
n nang tawaging Daragang Magayon. Kayraming binatang nahalina sa kanya; ngunit tulad ng isa
ng malayong bituin, kaylamig ni Daragang Magayon sa kanilang mga pagluhog.

Tuwing umaga, pagbubukangliwayway, nakagawian na ni Daragang Magayon ang maligo sa isan


g lihim na sulok ng Ilog Yawa. Sa isa sa mga umagang ito, nagkataong ang isang binatang manlal
akbay ay naparaan. Siya ay anak ng sultan ng malayong kaharian ng Laguna. Ang pangalan niya
ay Ulap.

Sa di sinasadyang pagkakataon, sa paghawi niya sa mga dahon ng kawayanang binabagtas niya,


natambad sa kanyang paningin sa di kalayuan, sa mahinhing liwanag sa bagong umaga si Daraga
ng Magayon na umaahon sa Ilog Yawa… at narahuyo si Ulap sa kagandahan ng dalaga.

Ilang umaga siyang nagkubli sa kawayanan sa tabi ng ilog sa marahang pagakyat ng araw at nag
matyag sa marahan ding pagdating ni Daragang Magayon. Nagmatyag siya at nagayuma.

Sa kanyang maraming paglalakbay, marami nang mgaa magagandang dilag ang kanyang nakita’t
nakilala, ngunit walang nakapagpainog sa kanyang guniguni at nakapagpalipad ng kanyang pus
o tulad ng di kilalang babaeng ito sa panakaw na sandal sa tabing-ilog.

Hindi nasiyahan ang binata sa kanyang pagkukubli. Isang umaga, naglakas loob siyang magpakil
ala. Mailap na tatalilis sana si Daragang Magayon ngunit tinulungan si Ulap ng mapaglarong tad
hana. Isang malumot na bato ang pumatid kay Daragang Magayon. Isang malikot na ago sang h
umatak sa kanya. At tulad ng isang bulakalak na napigtas sa sanga, kaydali at kaybilis siyang pin
adpad patungo sa umaalimpuyong kapahamakan sa kalaliman ng ilog.

Tila patalim, tumalon sa tubig si ulap at buong hinahong sinagip ang mahinang bulaklak. Sa pam
pang, nagpumiglas muli an gating dalaga. Tatalilis muli ngunit dahilan marahil sa maamo ang tin
ig ng nagmamakaawang tumaweag sa kanya, at higit pang m,aamo ang mga matang sumalubon
g sa kanya, di nakuhang tuluyang tumalikod at lumayo an gating dalaga.

Unti-unti siyang nagbalik. Unti-unti niyang itinaas ang kanyang mailap na mata. Unti
unting natutong ngumiti at magtiwala… at nagging karapat-
dapat naman an gating binata sa kanyang pagtitiwala.

Di nalaunan at ang walang halay na halakhakan ng dalawang mag-


irog ay nakaulayaw ng masayang lagaslas ng Ilog Yawa sa pagtaas at pati na rin sa pagbaba ng ar
aw.

Ang walang dungis na pagliligawan ni Ulap at ni Daragang Magayon ay sinuklian naman ng malu
god na pagtanggap ni Haring Makusog nang magtapat sa kanya ang magkasintahan.

Namaalam si Ulap. Uuwi siya sumandali sa Laguna at susunduin ang mga magulang upang mam
anhikan.

Tamis ng paalaman ng batang magkasintahan na walang anino man lang ng pangambang baka p
aalamanag iyon ay di lamang pandalawang buwan kundi panghabang panahon.

Tila apoy na kumalat ang balitang nalalapit na kasal lalo na sa kabilang ibayo ng Ilog Yawa, sa ka
ratig kahariang Iraya ang pangalan. At naglagablab muli ang poot at panibugho sa puso ng kanil
ang pinunong si Patugo. Muling nanariwa ang sugat sa kanyang pagkabigo nang maglahad siya n
g pag-ibig at kaharian kay Daragang Magayon.

Napaypayan ni Patugo at napag-


apoy niyang muli ang baga ng matagal nang pagkamuhi ng kanilang tribo sa mga taga-
ibayo. “Tila minamaliit ng mga taga-
Rawis an gating kalalakihan,” ang sulsol niya. “Bakit pa ang isang tagamalayo ang pipiliing makai
sang-
palad ni Daragang Magayon. Kayrami nating naririto lamang at naghahain ng pagmamahal! Baki
t di pa pag-
isahin ang dalawang kaharian ng Rawis at Iraya? Hinamak nila an gating pagluhog at pagsamo. D
aanin na natin sa dahas ng dugo!”

At napagkasunduan nilang agawin at bihagin ang matandang Haring Makusog. Ang sisingiling pa
ntubos ay si Daragang Magayon.

Sa kabilang ibayo, abala ang lahat sa paghahanda sa pagdating ng mga taga-


Laguna. Ang paghahandang ito ang sinamantala nila Patugo upang sumalakay.

Nagulo ang sambayanan. Bumaligtad ang mga kawa ng kanin at ulam. Nagliyab ang mga kubo.
Nabuwal ang mga pamistang arkong kawayan. Ingay. Ugong. Hiyaw.

Dahil sa pagkasindak ng mga taga-


Rawis, natulala ang karamihan. Kay daling nabihag ang kanilang matandang hari. Papatayin din
daw ito noon din, kung hindi…
Wasak man ang pangarap, naghihimagsik man ang puso, matahimik na itinalaga ni Daragang M
agayon ang sarili bilang pantubos sa kanyang hari at ama.

Sa sandal ring ito, sa kabutihang-palad, dumating ang mga talagang hinihintay –


si Ulap at ang lipi niyang taga-
Laguna. “Kung tunay kayong mga lalaki,” ang hamon ni Ulap kina Patugo, “huwag kayong magta
go sa likod ng inyong mga bihag. Harapin kami’t lumaban! Wala ba kayong kaya kundi matanda’
t kababaihan? Humarap at lumaban sa kapwa lalaking kasibulan!”

At naglagablab ang labanan. Sumiklab ang mga sandata. Nagliyab ang mga bisisg. Nag-
aapoy sa poot ang mga lalamunan. Dugo.

Naghapdi ang mga mata ni Daragang Magayon sa siklab ng mga sandata sa katanghalian. Walan
g kisapmata niyang pilit inaaninag sa malayo ang mabangis na pagtatagisan nina Patugo at Ulap;
subalit anumang pagsipat ang kanyang gawin sa manipis na tabing ng alikabok at usok, malalab
ong anino lamang ang kanyang namamalas.

Lumaktaw ng ilang pintig ang mga puso ni Daragang Magayon, nang isa sa kanyang mga katung
galing kanyang pinagmamasdan ay biglang natigilan para bagang tinamaan ng kung anong kidlat
…sumuray-suray sumandali… at tuluyang nahandusaysa alabok. Sino?

Biglang nagpumiglas si Daragang Magayon sa mga kawal Irayang nagbabantay sa kanya –


nagpumiglas at nakalaya. Walang lingon-likod siyang tumakbo sa gitna ng labanan.

Isang buntong-
hininga ang nabunot sa kanyang dibdib nang luminaw sa kanyang paningin ang duguang mukha
ng nakabulagta – si Patugo.

Umaawit ang kanyang puso, buong siglang inilipad siya ng kanyang mga paa sa mga naghihintay
na bisig ng kanyang Ulap. Nagyakap ang mag-
irog. Sa sandal ng kanilang pagyayapos, isang sibat buhat sa kaaway ang nagngangalit na sumagi
tsit at tumuhog sa dalawa.

Humupa nag ingay. Naglaho ang usok. Ang hiyaw ay naging taghoy. Nangalanta ang mga bulakla
k sa mga arkong kawayan. Bumalik sa lupa ang alabok na sandaling nakalipad. Ang araw ng pam
nhikan ay naging araw ng panangisan.

Sabi ng matandang Makusog, “Ang pinag-


isa ng kamatayan ay di nararapat na paghiwalayin sa libingan.” Inilibing si Ulap sa piling ng kany
ang Daragang Magayon.

Ngunit ang pag-


ibig na tapat, tulad ng igkas ng mapusok na ilog, ay mahirap na maibaon at maampat. Ganyan a
ng pag-
ibig ni Daragang Magayon. Sa pinaglibingan sa kanya, pumintog at tumayog ang isang bundok n
a tila bantayog ng kanyang pag-ibig.

Sa alab dawn g knyang pagmamahal, pati ang bundok ay naglagablab, umaso, at naging bulkan.
Si Daragang Magayon ang Mayon.

Hanggang ngayon, ito ang sabi ng mga matulaing taga-


Bikol. Kung nais mo raw Makita ang Mayon nang buong linaw sa kanyang kabuuang kagandaha
n, gumising ka raw ng maaga bago tumaas ang araw.

Hanggang ngayon daw, si Daragang Magayon, ayon sa kanyang kagawian, ay naliligo pa rin sa Il
og Yawa, sa mahinhing sinag ng bagong umaga. Gumising ng maaga at magmasid. Sapagkat ang
mapanibughuing si Ulap, kapag nakita niyang maraming nakatingala at nakatunghay sa buong k
agandahan ng kanyang sinta, ay darating agad at tatakpan ang Mayon, ang kanyang Daragang
Magayon.

You might also like