You are on page 1of 3

Epiko

ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng


katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siyay buhat sa lipi ng mga Diyos o
Diyosa.
Ang paksa ng mga Epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay
at pakikidigma.
Ang salitang Epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang salawikain o awit
ngunit ngayon itoy tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Ang pangkalahatang layunin ng tulang Epiko, samakatwid ay gumigising sa mga damdamin
upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupat naiiba ito sa trahedya na naglalayong
pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay
laban sa mga suliraning nakakaharap at lalong magaling kung magkakaroon ng ganap na
pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin sapagkat itoy lalong makapagbibigay-buhay
sa layunin ng tulang ito.
Uri ng Epiko:
1. Epikong Sinauna: Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang
panahon. Kilala rin sa taguring Epikong Pambayan na naglalahad ng isang sambayanan o bansa
sa pagtataguyod ng isang layunin o mithiin. Itoy karaniwan nang may katangian pangunahing
tauhan nag-aangkin kahimah-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang bansa.
Ang tulang ito ay nag-pasalin salin sa mga bibig ng salinlahi at unti-unting nabuo sa mga anyo
nito ngayon.
2. Epikong Masining: tinatawag din itong Epikong Makabago o Epikong pampulitika.
3. Epikong Pakutya: kabalangkas ng Epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad na
kutyain ang gawaing walang kabuluhan at pag-aaksayahan lamang ng panahon ng tao.

Prinsipe Bantugan
(Epiko ng Mindanao)
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa
kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging
matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga
kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito
na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya
(Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.
Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang
pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saansaan
si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng
palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay
nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho
upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro
ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at
ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.
Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang
pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang
kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe
Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang
ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at
nagbago si Haring Madali.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay
namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa
pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at
ito ay napalitan ng paglalabanan.
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban.
Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa
kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay
iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga.
Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa
mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban.
Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran
at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian.
Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang.
Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.

Panaginip lang
Verse I
Panaginip Lang Ba nung ikay nakilala
Katabi sa Klase chikahan ang naging hobby
Panaginip lang ba nung ikay napatawa
Sa matalik na kaibigan
Nang hindi namamalayan
Refrain:
Hindi ko inakalang
Doon pala nagsimula, love storyng hindi
inaasahan
Sa huli tayo pala
Sa isat isa.
Chorus:
Magkahawak ang mga kamay
Magkasabay sa lakad ng buhay
Ang araw at ang buwan na ang nagsasabing
Akoy sayo lamang at
Ikaw ay para sakin Lamang
Parang panaginip lamang
Parang panaginip lamang
Verse II
Panaginip lang ba nung ikay nakasama
Sa ating Eskwela at ikaw ay
Pumuporma
Isa lang ang nasa isip at wala nang iba
Gulat ako noong sinabi mong mahal na
mahal kita
Refrain:
Hindi ko inakalang
Doon pala nagsimula, love storyng hindi
inaasahan
Sa huli tayo pala
Sa isat isa.
Chorus:
Magkahawak ang mga kamay
Magkasabay sa lakad ng buhay
Ang araw at ang buwan na ang nagsasabing
Akoy sayo lamang at

Ikaw ay para sakin Lamang


Parang panaginip lamang
Parang panaginip lamang
[Bridge]
Para Pan Para Pan Parang
Panaginip lamang...
Para Pan Para Pan Parang
Panaginip lang...
Para Pan Para Pan Parang
Panaginip lamang...
Verse III
Panaginip lang ba nung ikaw ay nayakap
Madilim ang ulap at ang langit ay umiiyak
Pawis sa palad sumasama na sa luha at ulan
Nung sinabi kong mahal na rin kita
Refrain:
Hindi ko inakalang
Doon pala nagsimula, love storyng hindi
inaasahan
Sa huli tayo pala
Sa isat isa.
Chorus:
Magkahawak ang mga kamay
Magkasabay sa lakad ng buhay
Ang araw at ang buwan na ang nagsasabing
Akoy sayo lamang at
Ikaw ay para sakin Lamang
Parang panaginip lamang
Parang panaginip lamang
Para Pan Para Pan Parang
Panaginip lang...
Para Pan Para Pan
Parang panaginip
Ohhhhhhhhhhhh(4x)
Para Pan Para Pan
Parang panaginip(2x)

You might also like