You are on page 1of 3

Camera man: lights, camera, action!

Host: Magandang umaga po sa ating lahat! Pahiram po ng ilang minuto ng inyong


umaga. Ako po si Imang Rodriguez welcome to Chika Kana!
Host: Ngayon ay mayroon tayong panauhin na nagmula sa paaralan ng ERVHS Manila,
guro sa Filipino, Faye Santos!!
Panauhin: Magandang umaga po sating lahat, ako po si Faye Santos.
Host: Kamusta ka naman Teacher Faye?
Panauhin: Ok naman po
Host: Balita ko ay isa ka raw sa mga tumatangkilik sa epikong nagmula sa Mindanao na
pinamagatang Bantugan, totoo ba ito?
Panauhin: Opo Inang, sa aking palagay ay katulad din po ako ng mga kababaihan sa
epiko, na nabibighani kay Prinsipe Bantugan dahil sa taglay ng kaniyang mga
katangian.
Host: Speaking of katangian, maaari ka bang magbigay ng mga katagian ni Prinsipe
Bantugan na naging dahilan kung bakit ka nabighani sa kaniya?
Panauhin: Si Prinsipe Bantungan po ay isang malakas, matapang at makisig na
mandirigma.
Host: Paano mo naman nasabi na isa syang malakas, matapang at makising na
mandirigma? Ano ba ang kaniyang pinagdaanan o ang kaniyang pakikipagsapalaran?
Panauhin: Isang araw, sa kaharian ng Bumbaran, naparoon naninirahan ang isang
sikat, matapang at makisig na Prinsipe, si prinsipe Bantugan. Si prinsipe Bantugan ay
makapatid: Si haring madali, ngunit dahil sa mga katangian ni Batugan na nakakapang-
akit ng mga kababaihan, ang kaniyang kapatid ay nalunod sa inggit, at pinatalsik si
Bantugan sa kaharian ng Bumbaran "Ang sinumang mahuling makipag usap kay
Prinsipe Bantugan ay parurusahan " utos ng hari.

Si Prinsipe Bantugan ay nalungkot, at umalis, naglakbay ng malayo paalis ng


Bumbaran. Siya ay dinapuan ng malubhang sakit, at namatay sa pintuan ng palasyo ng
Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ng mabalitaan ito ni Haring
Madali, siya ay lubos na nagluksa at nalungkot. Dali-dali siyang lumipad patungo sa
langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala
ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang
bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli
si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.
Noong mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay
namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil
sa pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang
pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan. Pumailanlang sa himpapawid si
Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban. Maigting ring nanlaban din si
Prinsipe Bantugan, subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa
kamatayan, siya ay nabihag. Siya ay iginapos ngunit unti-unti ring nagbalik ang
kanyang lakas nang makapagpahinga. Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at
muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa mga kaaway, higit siyang naging malakas at
sa huli, ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw.
Host: oooh! Isang napaka nakakapanabik, at nakakapakabang istorya! Dahil sa iyong
naikwento karapat dapat nga na maging isang malakas, matapang at makising na
mandirigma o sa madaling salita ay isang bayani.
Host: Para sa aking huling katanungan Teacher Faye, saan nag mula ang epikong ito,
at base sa kwento, ano-ano sa iyong tingin, ang kulturang naipakita ng malinaw dito?
Panauhin: Ang epikong ito ay nagmula sa lugar ng may pinakamagagandang tradisyon
at kultura: ang Mindanao.
Mahahalintulad naman sa kultura ng mga Pilipino si Prinsipe Bantugan sa pamamagitan
ng kaniyang katangian na mapagmahal sa kapwa, matulungin, may respeto at panghuli
ay maka diyos.
Host: paano mo ito nasasabi, maari mo bang ipahayag ang iyong sa luobin?
Panauhin: Masasabi ko na si Prinisipe Bantuggan ay mapagmahal sa kapwa dahil,
unang una sa lahat: siya ay hindi basta-basta umiibig sakabila ng kaniyang kasikatan sa
kababaihan. Hindi niya parin kinakalimutan ang isa sa pinaka mahalagang yugto ng
pag-iibigan at kultura ng Pilipino: ang panliligaw. Sinasabing naligawan na niya ang
limangpu na pinakamagandang Prinsesa sa epiko. At sa pagtatapos ng kwento, si
Prinsipe Bantaguan ay masayang namuhay sa kaharian ng Bumbaran kasama ng mga
pinakasalan niyang Prinsesa.
Ganun din sa pagiging matulungin, kahit na, hingid sa kaalaman ni Prinsipe Bantugan
na siya ay pinatalsik ng kaniyang kapatid na si Haring Madali dahil sa kainggitan, hindi
parin siya nag alin langan na tulungan sa pag dirigma ang kaniyang kapatid.
Host: Sang-ayon ako diyan teacher Faye, kahit na pinatalsik siya ng sarili niyang
kapatid, dahil sa sanhi ng kainggitan, hindi siya nag tanim ng galit sakaniya. Di nga
makakaila na isa itong kahanga-hangang katangian! Ngayon, paano mo naman
nasabing may respeto?
Panauhin: Sa kabila ng kalakasan, katapangan at kasikatan ni Batugan, siya ay isa
paring mapagkumbabang prinsipe. Hindi niya inaabuso ang kung ano mang mayroon
siya, at marunong parin siyang igalang, respeto at tratuhin ng pantay ang nakapaligid
sakaniya.
Host: Ayan salamat Teacher Faye sa pagsagot ng aking mga katanungan, masasabi ko
ngang isa ka nga sa mga gurong tumatangkilik at pinag-aaralan ng mga Epiko, lalo na
itong kwentong nagmula sa Mindanao na pinamagatang Bantugan. Salamat sa
pagtanggap ng aming imbita.
Panauhin: Salamt din po, isang malaking karangalan po sa akin ang dumalo sa Chika
kana.
Host: Muli, ako si Inang Rodriguez, At dito nagtatapos ang Chika Kana, hanggang sa
huli paalam!!

You might also like