You are on page 1of 41

MAIKLING

KUWENTO
Mga Elemento
ng
Maikling Kuwento
Isang anyo ng panitikan na
nagtataglay ng maikling sanaysay
tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na bunga ng isang
maikling guni-guni o kathang-
isip ng may-akda.
Ito ay maaaring batay sa
imahinasyon o sa sariling
karanasan ng sumulat na nag-
iiwan ng impresyon sa mga
bumabasa o nakikinig sa
kuwento. Karamihan sa mga
maiikling kuwento ay maaaring
mabasa at matapos sa loob ng
Kwentong Makabanghay

Kwento Katutubong – kulay

Kwento ng Tauhan
Banghay ng Maikling Kuwento

Ang banghay o plot ay mahalagang elemento ng maikling


kuwento.

Ito ay tumutukoy sa maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari


tulad ng ano ang mga pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan
ng mga pangyayaring ito.
6 na Banghay ng Maikling Kuwento
Simula (Introduction)
- dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa
at ipinakita kung saan at paano nagsimula ang kuwento.
Pataas na Aksiyon (Rising Action)

- dito nagaganap ang paglalahad ng suliranin.


Isinasaad ang mga nagiging reaksiyon o hakbang ng
mga tauhan sa suliranining kinakaharap.
Kasukdulan (Climax)

- ito ang pinakamataas na antas sa bahagi ng


kuwento. Sa bahaging ito ng kuwento
makakamtan ng pangunahing tauahn ang
katuparan o kasawian na kaniyang ipinaglalaban.
Pababang Aksiyon (Falling Action)

- dito makikita ang kakalasan. Sa kakalasan


ng mga kumbensyunal o tradisyunal na
kuwento, dito binibigyang kasagutan ang
mga sulraning inilahad sa kuwento.
Wakas (Resolution)

- ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o nagtapos


ang kuwento. Ang wakas ay maaaring masaya,
malungot o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag
na open-minede sa isipan ng mga mambabasa
Kuwento ng Katutubong-kulay
Bininigyang-pokus sa kuwentong ito ang kapaligiran, ang
mga kaugalian, at mga pananamit, ang uri ng pamumuhay
at hanapbuhay sa nasabing pook, paniniwala at pananaw sa
buhay.
Kwento ng Tauhan
- ito ay tumutukoy o nakapokus sa pangunahing tauhan.
Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan
ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa.

Hal.
Bagong Kaibigan (ni G. Bernard Umali)
BAYANING KATUTUBO
 

Karamihan sa tribu ng katutubong Taiya ay nakatira sa


gitnang bahagi ng Taiwan sa isang magandang lugar na
tinatawag na WuShe. Palakaibigan sila at namumuhay nang
mapayapa at masaya. Pagtatanim, pangangaso, at
pangingisda ang kanilang ikinabubuhay. Isandaang taon na
ang nakalilipas, ang mga katutubong Taiya ay nakaranas ng
kalupitan sa ilalim ng pananakop ng mga Hapones na
tumagal at pinagdusahan nila ng tatlumpung taon.
Isang araw, isang katutubo na nagngangalang Ma He Po
She, ang nagdiriwang ng isang malaking kasalan.
Nagpunta sa tahanan ng lalaking ikakasal ang pinuno ng
tribu na si Mo Na Dao upang tumulong sa paghahanda ng
seremonya, kasama niya ang anak na si Munting Mo Na
Dao. Nag-aayos sila nang biglang may pumasok na isang
lalaki at ibinalita ang pagdating ng isang pulis na Hapones.
Pumasok sa tahanan ang pulis, kitang-kita sa pananamit
nito ang pagiging maayos.
“Hoy! Mo Na Dao, anong ginagawa mo?” ang walang
galang na tanong ng pulis. Natakot si Mo Na Dao na
maaaring masira ng pulis na ito ang seremonya ng kasal.
 
“Magdaraos kami ng kasal. Halika pumasok ka at
uminom,” sagot ni Mo Na Dao. Itinulak ng pulis palayo si
Mo Na Dao, agad namang hinila ng anak ni Mo Na Dao
ang uniporme ng pulis at inilagay sa kamay ang baso ng
alak. “Halika at uminom ka muna ng alak”.
Subalit ang kamay ni Munting Mo Na Dao ay may bahid ng dugo ng
hayop, kaya’t nang hilahin niya sa uniporme ang pulis ay nalagyan ito
ng mantsa.
 
Nagalit ang pulis at sinabing “Bakit mo dinumihan ang aking
uniporme?”. Galit na galit ang pulis kaya’t sinampal niya si Munting Mo
Na Dao.
 
Nagbanta ang pulis. “Mga barbaro! Hihilingin ko sa pinuno ng
kapulisan na ipadala ang lahat ng sundalo rito upang parusahan kayo
dahil sa ginawa ninyo sa akin!” pagkatapos ay agad na umalis ang pulis.
Kinagabihan, ilang kalalakihan ang pumunta sa tahanan ni Mo Na
Dao upang pag-usapan ang nangyari, batid nila na maraming darating
na pulis upang gumanti.

Tiningnan ni Mo Na Dao ang isa sa mga batang kalalakihan na


naroon sa isang sulok, “Hua Gong, may maibibigay ba kayong payo?”
 
Isang guro si Hua Gong, isa rin siyang katutubo na nakapag-aral at
nagtuturo sa isang pampublikong paaralan. Napilitan siyang magpalit
ng isang pangalang Hapones.
 
“Hindi kakayanin ng ating armas ang mga sandata ng mga
Hapones” wika ni Hua Gong. Natahimik ang lahat, matapos ang
ilang sandali nagsalita si Mo Na Dao “Matagal na tayong nagtitiis,
tatlumpung taon na tayong nagdurusa sa malupit na pamumuno ng
mga Hapones, panahon na upang tayo ay lumaban.” Nagplano ang
mga katutubo na lumusob sa magaganap na paligsahan ng mga
paaralan. Lihim din silang nangalap ng iba pang mga katutubo sa
ibang tribu na sumali sa kanilang gagawin.
Maraming tao sa araw ng paligsahan. Umawit ang lahat
ng naroroon ng pambansang awit ng Hapones. Mula sa
kung saan, isa sa mga katutubo ang umakyat sa entablado
at pinugutan ng ulo ang isa sa mga heneral ng Hapones.
Sumalakay ang isandaang katutubo sa mga Hapones na
naroroon.
Kasabay ng mga pangyayaring iyon, sa pamumuno ni
Mo Na Dao, nilusob nila ang kuwartel ng mga pulis. Hindi
na nagawang ipagtanggol ng mga pulis ang kanilang mga
sarili sa biglaang pangyayari. Hinuli at pinatay ng mga
katutubo ang ilang mga Hapones na nasa WuShe, kinuha
nila ang lahat ng baril at balang pag-aari ng mga ito.
Dahil sa pag-aalsang naganap nagpadala ang pinuno ng
hukbong sandatahan ng maraming sundalo sa WuShe. Hindi
nagawang ipagtanggol ng mga katutubo ang kanilang sarili
kaya’t sila ay umatras at nagtago sa kuweba ng Ma He Po She.
Hindi pamilyar sa mga sundalong Hapones ang lugar kaya’t
hindi nila nakita kung saan nagtatago ang mga katutubo.

Ilang araw at gabing naganap ang labanan. Sa bandang huli,


sinubukan ng mga Hapones na linlangin ang mga katutubo sa
pangako na sa kanilang pagsuko ay hindi sila papatayin.
Subalit hindi naniwala ang mga katutubo kaya’t
nagpatuloy ang labanan. Napagtanto ng pinuno na hindi
susuko ang mga katutubo kaya’t nagdesisyon siya na
gumamit ng nakalalasong usok upang lumabas sa kanilang
pinagtataguan ang mga katutubo. Marami sa mga katutubo
ang namatay sa pagkakalanghap ng nakalalasong usok.
Habang nagaganap ang pagsalakay, kinausap ni Mo Na Dao ang
mga kasamahang katutubo, “Ilang sandali pa ay papasukin na tayo ng
mga Hapones. Mas nanaiisin ko pa na kitilin ang aking sariling buhay
kaysa mahuli nila.” Binaril ni Mo Na Dao ang sarili at nagpatiwakal
din ang mga katutubong kasamahan ni Mo Na Dao.
 
Ang pangyayaring naganap sa WuShe ay nagtagal ng limampung
araw at humigit kumulang na isandaang katutubo ang namatay. Ang
pangyayaring ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga Taiwanese na
labanan ang pananakop ng mga Hapones.
 
Imahinasyon
- ito ay tumutukoy sa paggamit ng isang may-
akda ng matingkad at naglalarawang wika upang
magdagdag ng lalim sa kanyang pagsulat.
Simbolo/Simbolismo
- ito ay tumutukoy sa katangian ng ilang mga ideya at katangian
sa mga bagay at konsept. Ito ay nagbibigay sa isang bagay ng isang
simbolikong kahulugan na naiiba sa literal na kahulugan nito.
Hal.
Ang pulang rosas ay tinanggap sa buong mundo bilang isang
simbolo ng pag-ibig.
Ginagampanang papel ng Kultura
UNANG GAWAIN
1. Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi.
Parang isang panaginip ang naganap sa kanyang buhay.

a. Ang pagkakaroon ng kanyang mga sinambit ay tila isang


himala o panaginip.
b. Isang anghel ang nagpaliwanag at nagbigay-katuparan sa
kanyang mga panaginip.
c. Nakatanggap ng isang pahayag si Hashnu mula sa anghel
na siya ay magkakaroon ng kakaibang panaginip.
2. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang
magtrabaho para hindi na magdala ng part at maso rito araw-
araw.

a. Napapagod at nagsasawa na si Hashnu sa paulit-ulit na


ginagawa.
b. Nangangarap siya ng buhay na perpekto kung saan ang tao ay
mabubuhay sa mundo kahit hindi na magtrabaho.
c. Ayaw na niyang gamitin ang paet at maso sapagkat para sa
kanya ang paggamit nito ay isang nakababagot na gawain.
3. Mayabang siya sa paglakad kaya’t ang kanyang mga tauhan ay talagang
gumagalang sa kanya.

a. Iginalang ng kanyang mga tauhan si Hashnu sapagkat sa paraan pa


lamang ng kanyang paglalakad ay masasabing siya’y isang ganap ng hari.

b. Sa kanyang pagiging hari ay nagging mapagmataas siya kung kaya’t ang


kanyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.

c. Ang paggalang ng kanyang mga tauhan sa kanya ay bunga ng kanilang


labis na paghanga sa kanya dahil sa husay niyang maglakad.
4. Namumutla at napagod siya dahil sa matinding sikat ng araw.
Naisip niyang kaya palang panghinain at talunin ng Araw ang
makapangyarihan at iginagalang na hari.

a. Ito ay patunay lamang na ang lakas at kapangyarihan ng tao ay


may hangganan kahit ano pa ang kalagayan niya sa buhay.
b. Ang matinding sikat ng araw ay maaaring makapuksa sa
kalusugan ng tao.
c. Ang ato at ang hari ay madalas magpaligsahan kung sino ang
higit na malakas sa kanilang dalawa.
5. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang
pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling
si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok.

a. Ipinahihiwatig nitong bawat tao ay may kani-kanyang


kalakasan ang kailangan lamang ay tuklasin at pagyamanin ito.
b. Ipinahihiwatig nitong ang manlililok ang maituturing na
pinakamalakas na nilalang sa mundo.
c. Ipinahihiwatig nitong kung nais ng isang taong maging malakas
piliin niya na maging isang manlililok.
1. Kuwento ng Pag-ibig
Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na
tauhan.
2. Kuwento ng Katutubong Kulay
Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng kalikasan doon; at ang uri ng pag-uugali,
paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar. Isang halimbawa ng kuwentong ito ang “Suyuan sa Tubigan” ni
Macario Pineda.
3. Kuwento ng Katatakutan
Matindi ang damdaming nagbibigay-buhay sa
kuwentong ganito. Nakakapanaig ang damdamin ng
takot at lagim na nalikha ng mga pangyayari sa katha.
4. Kuwento ng Kababalaghan
Naglalaman ang kuwentong ito ng mga pangyayaring
mahirap paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng
kalikasan at makatwirang pag-iisip. Ang mga kuwento sa
komiks ukol sa mga nuno sa punso, multo, at aswang ay ilan
lamang sa mga halimbawa ng ganitong kuwento.
5. Kuwento ng Katatawanan
Ang mga galaw ng pangyayari sa kuwentong ito
ay magaan, may mga pagyayaring alanganin, at may
himig na nakatatawa ang akda.

You might also like