You are on page 1of 17

ARALIN 4

inihanda ni Bb. Snaira F. Valenzuela


• Sila ang mga Pilipinong-Tsino
na nagpakita ng mabuting
halimbawa na sa
pamamagitan ng simpleng
pangarap at sipag at tyaga sa
buhay. Ang mga dating
mangangalakal sa daan ay
naging pangunahing
negosyante sa bansa.
• Ang bansang Tsina ang isa sa
pinakamalaking bansa sa buong
daigdig. Ito ay halos may sakop
na 90% lupain sa Silangang
Asya.
• Isang mapangaraping Tsino ang
makikilala mo sa kuwentong
babasahin. Ito ang isa sa
magagandang katangian nilang
nagpaangat sa kanilang buhay
kasama ng kasipagan.
Piliin ang maaaring maging simbolo ng mga salita na nasa
kaliwa. Ipaliwang kung bakit mo napili ang nasabing simbolo

1. Pangarap : (araw buwan bituin bagyo)


2. Pag-asa: (bahaghari ulan bato ulap)
3. Lungkot: (gabi panyo sundalo ulo)
4. Pag-ibig: (bulaklak puso buhok walis)
5. Katatagan: (bato maso papel palay)
CHINA
Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng
Nanjing sa Tsina ay naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng
bato. Ginagawa niya ang pag-ukit ng bato sa matagal na
panahon. Ang trabahong ito ay halos araw-araw niyang
ginagawa sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Mapapansing
buong tiyaga niyang ginagampanan ang kanyang gawain.
Ngunit isang araw ay nasambit niya sa sarili, "Naku! Pagal na
pagal na ang aking katawan sa kahuhugis ng matitigas na
bato. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi
nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng pait at
maso rito araw-araw. Uupo na lamang ako at magpapahinga.
Hindi ko na kailangang magdala ng maso paroo't parito araw-
araw sa kalsada."
Tila nagdilang-anghel naman si Hashnu sa kaniyang
sinabi. Parang isang panaginip ang naganap sa kanyang
buhay. Nang nagkakagulo ang mga tao sa daang malapit sa
kanyang inuukit ay nakita niyang naroon pala ang hari.
Napansin niya kaagad sa dakong kanan ang mga sundalong
ayos na ayos ang pananamit at may sandata na handang
sumunod sa ipag-uutos ng hari. Sa kaliwa naman ay Nakita
niya ang mga taga-sunod nitong gumagawa ng paraan para
lamang mautusan ng hari. Habang nakatingin si Hashnu,
nag-isip siyang maganda palang maging isang hari at
magkaroon ng mga alalay na sundalo at mga tagasunod na
nag-uunahan para mautusan. Agad may narinig siyang tinig,
"Magiging Hari ka."
Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-
maligaya si Hashnu. "Hindi na ako taga-ukit ng mga bato na nakaupo
sa gilid ng daan na may hawak na pait at mabigat na maso. Isa na
akong hari na nakasuot ng baluti, helmet, at nakasakay sa pagitan ng
mga sundalo, at may tagasunod na pawang mapitagan sa akin."
Mayabang siya sa paglakad kaya't ang kanyang mga tauhan ay
talagang gumagalang sa kanya.
Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubhang dikit sa
kanyang ulo na umaabot sa may kilay kaya naramdaman niya ang pitik
ng ulo. Nahirapan siya. Namumutla at napagod siya dahil sa matinding
sikat ng araw. Naisip niyang kaya palang panghinain at talunin ng
Araw ang makapangyarihan at iginagalang na hari. Muli niyang naisip:
"Mas makapangyarihan ang Araw. Napanghina niya ang aking
katawan!" Naisip naman niyang maging Araw at pagkasabi nito ay
isang milagrong muli na siya'y nakarinig ng tinig na narinig noon at
dagli siyang naging Araw.
Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumisikat nang
matindi sa kalupaan. Hindi siya sanay magbigay ng sinag ng liwanag kaya
ang nakahihilakbot na sinag nito ang bumagsak sa mundo. Kaya ang mga
nabubuhay sa mund0 ay nangatuyo. Ang mga tao ay lubhang nanangis sa
pangyayaring ito. Nagpatuloy pa rin sa kapangyarihan ang Araw
hanggang sa mapansin niyang ang Ulap pala ay maaaring makulob sa
pagitan ng Araw at ng Mundo. Napatunayan niya na higit na
makapangyarihan ang Ulap sapagkat kaya nitong takpan ang kanyang
sinag. Dahil sa kaisipang ito ay ninais naman niyang maging Ulap.
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang kanyang paningin sa mga
bato na hindi man lang natinag sa kanyang kinalalagyan pagkatapos ng
mga sakunang nagdaan tulad ng malakas na ulan at hangin at maging
matinding sikat ng araw. Muli siyang napaisip. Ninais naman niyang
maging isang Bato at hindi siya nabigo. Tulad ng dati may tinig siyang
narinig upang sabihing siya'y maging isang bato.
Nang siya ay Bato na, narinig niyang muli ang tunog ng pait habang
ito'y ipinupukpok sa kanya. Pati na rin ang maso na ramdam niyang
malakas na tumatama sa kanyang katawan at ulo. Nalaman niya
ngayon na hindi nga siya natibag sa malakas na ulan at hangin subalit
siya ay nakayang hugisan ng ano mang anyo ng isang manlililok.
Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas
kundi siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik
siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang nanumbalik sa dating gawain
at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalye na nakaupo at
nagsisimula na namang humugis ng iba't ibang anyo sa mga bato.
Magmula noon, masaya nang nagtrabaho nang buong husay si
Hashnu. Panatag ang kanyang kalooban araw-araw sa pagiging
manlililok.
IBA PANG URI NG MAIKLING
KUWENTO
1. Kuwento ng Pag-ibig
2. Kuwento ng Katutubong Kulay
3. Kuwento ng Katatakutan
4. Kuwento ng Kababalaghan
5. Kuwento ng Katatawanan
PAGSASALAYSAY
(Ang Pagsulat ng Kuwento)
Sanggunian
• https://media.philstar.com/photos/2019/01/19/nm2-henry-sy2018-04-1617-39-43_2019-01-
19_20-14-59.jpg
• https://www.google.com/search?q=sm+prime+holdings
• https://bilyoimg.s3.amazonaws.com/wp-content/uploads/2021/06/22213654/jollibee-1.jpg
• https://sugbo.ph/wp-content/uploads/2019/11/john-gokongwei-jr-cebu.jpg
• https://archian.files.wordpress.com/2011/08/andrew-tan.jpg?w=584
• https://primer.com.ph/business/wp-content/uploads/sites/9/2017/03/fb211111-
e1552645812677.jpg
• https://bilyoimg.s3.amazonaws.com/wp-content/uploads/2018/07/23161429/Untitled-1-62.jpg
• https://i.ytimg.com/vi/OvBdJjm13vw/maxresdefault.jpg
• https://www.youtube.com/watch?v=1pxlAbWJQQ4
• Baisa-Julian, Ailene G. etal. Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House

You might also like