You are on page 1of 23

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULES
IN GRADE 9
QUARTER 2 – WEEK 4
Page 1 of 2
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 9
Ikalawang Markahan/ Ikaapat na Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at


pagwawakas ng napakinggang salaysay (F9PN-IIe-f-48)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:


• Pagsusuri sa maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
napakinggang salaysay

PANIMULA
Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwento? Isa itong magandang libangan, di ba? Bukod sa
nakatutulong ito upang lumawak ang iyong kaalaman, marami ka pang matutuhan tungkol sa buhay. Handa
ka na bang magbasa ng kuwento?
Ang maikling kuwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa rin itong masining
na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Kung kaya’t kinawiwilihang basahin ng mga tao.
Elemento ng Maikling Kuwento
1. TAUHAN- likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino
nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON- dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang
panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN (Kapanabikan) - inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa
pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN- tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat
sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa
tao/lipunan.
5. KASUKDULAN- ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang
mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. KAKALASAN- ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS- tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng
layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na
sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

Bahagi ng Maikling Kuwento


1. Simula- dito pa lamang ay mababanggit na ang kilos, paglinang ng pagkatao, mga hadlang o suliranin.
2. Gitna- naglalaman ito ng mga kawing-kawing, maayos, sunod-sunod at magkakaugnay na mga
pangyayari.
3. Wakas- dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.

Basahin ang isang halimbawa ng maikling kuwento: Hashnu, Ang Manlililok ng Bato:
Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina ay naninirahan si Hashnu, isang
manlililok ng bato. Ginawa niya ang pag-ukit ng bato sa matagal na panahon. Ang trabahong ito ay halos
araw-araw niyang ginagawa sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Mapapansing buong tiyaga niyang
ginagampanan ang kanyang gawain. Ngunit isang araw ay nasambit niya sa sarili “Naku! Pagal na pagal
na ang aking katawan sa kahuhugis ng matitigas na bato.

Mga sangguniang ginamit:


1. Online na sanggunian:https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
2. Pinagyamang Pluma 9, Filipino 9, Panitikan at Wika, NAT Reviewer 2015 Edition
. Page 1 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi magdala ng
pait at maso rito araw-araw.Uupo na lamang at magpapahinga. Hindi ko na kailangang magdala ng maso
paroo’t parito araw-araw sa kalsada.
Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip ang naganap
sa kanyang buhay. Nang nagkakagulo ang mga tao sa daang malapit sa kayang inuukit ay nakita niyang
naroon ang hari. Napansin niya kaagad sa dakong kanan ang mga sundalong ayos na ayos ang
pananamit at may sandata na handang sumunod sa ipinag-uutos ng hari. Sa kaliwa naman ay nakita
niya ang mga tagasunod nitong gumagawa ng paraan para lamang mautusan ng hari. Habang nakatingin
si Hashnu, nag-isip siyang maganda palang maging isang hari at magkaroon ng mga alalay na sundalo
at mga tagasunod na nag-uunahan para mautusan. Agad may narinig na tinig, “magiging hari ka:
Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-maligaya si Hashnu. “Hindi na ako
taga-ukit ng mga batong nakaupo sa gilid ng daan na may hawak ng pait at mabigat na maso. Isa na
akong haring nakasuot ng baluti, helmet, at nakasakay sa pagitan ng mga sundalo, at may tagasunod na
pawang mapitagan sa akin,” mayabang siya sa paglakad kaya’t ang kanyang mga tauhan ay talagang
gumagalang sa kanya.
Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubhang dikit sa kanyang ulong umaabot sa may
kilay kaya naramdaman niya ang pitik ng ulo. Nahirapan siya. Namumutla at napagod siya dahil sa
matinding sikat ng araw. Naisip niyang kaya palang pahinain at talunin ng Araw ang makapangyarihan at
iginagalang na hari. Muli niyang naisip: “mas makapangyarihan ang Araw”. Napanghina niya ang aking
katawan!” naisip naman niyang maging Araw at pagkasabi nito ay isang milagrong muli na siya’y nakarinig
ng tinig na narinig noon at dagli siyang naging Araw.
Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumisikat nang matindi sa kalupaan. Hindi
siya sanay magbigay ng sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot na sinag nito ang bumagsak sa
mundo. Kaya ang mga nabubuhay sa mundo ay nangatuyo. Ang mga tao ay lubhang nanangis sa
pangyayaring ito. Nagpatuloy pa rin sa kapangyarihan ang Araw hanggang sa mapansin niyang ang Ulap
ay maaaring makulob sa pagitan ng Araw at ng Mundo. Napatunayan niyang higit na makapangyarihan
ang Ulap sapagkat kaya nitong takpan sa kanyang sinag. Dahil sa kaisipang ito ay ninais naman niyang
maging Ulap. Nilukuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat ito at bumagsak sa paraang ulan sa
mundo. Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya napigilan ang pagbagsak ng dami ng
ulan. Ang matinding ulan ang naging sanhi naman ng pagkamatay ng mga halaman at iba pang
nabubuhay sa daigdig. Maging ang malakas na hangin ay naging sanhi ng pagkabuwal at pagkabunot ng
mga puno. Nawala ang mga tahanan at ang mga naninirahan dito.
Pinagmasdan niya ang lupa at napako ang kanyang paningin sa mga batong hindi man lang
natinag sa kanyang kinalalagyan pagkatapos ng mga sakunang nagdaan tulad ng malakas na ulan at
hangin at maging matinding sikat ng araw. Muli siyang napaisip. Ninais naman niyang maging isang Bato
at hindi siya nabigo. Tulad ng dati may tinig siyang narinig upang sabihing siya’y maging isang bato. Nang
siya ay Bato na, narinig niyang muli ang tunog ng pait habang ito’y ipinupukpok sa kanya. Pati na rin ang
masong ramdam niyang malakas na tumatama sa kanyang katawan at ulo. Nalaman niya ngayon na
hindi nga siya natinag sa malakas na ulan at hangin subalit siya ay nakayang hugisan ng anomang anyo
ng isang manlililok. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya, mulat
sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang
nanumbalik sa dating gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalyeng nakaupo at nagsisimula na
namang humugis ng iba’t ibang anyo sa mga bato.
Magmula noon, masaya nang nagtrabaho nang buong husay si Hashnu. Panatag ang kanyang
kalooban araw-araw sa pagiging manlililok.

Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na magiging maayos at kapaki-pakinabang ang
iyong pag-aaral, kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa pagsagot mo sa mga gawain na
nakapaloob dito. Ito ay sadyang inihanda para sa iyo. Simulan mo na ang pagsagot!

Page 2 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

B. Gawain 1: Pagsusuri sa panimula ng “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato” (2 puntos bawat bilang).

1. Paano sinimulan ang kuwento? ___________________________________________________


_____________________________________________________________________________
2. Ipinakilala ba kaagad ang tauhan? Patunayan.________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Ano ang sa palagay mong estilo ng manunulat ang lutang na lutang sa pagsasalaysay niya sa
simula ng kuwento?_____________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Natunghayan mo ba ang tagpuan at panahon nang maganap ang pangyayari sa akda? Bakit oo?
Bakit hindi? Patunayan ___________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Kung sisimulan mo ang kuwento ng Hashnu, ano ang aalisin mo at ipapalit mo? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

C. Gawain 2: Pagsusuri sa pagdaloy ng kuwento. (3 puntos)

1.Epektibo ba ang paraan ng may-akda sa pagpapadaloy ng


kuwento? Ano kaya ang estilo niya dito?

Sagot:

2. Sa iyong palagay, ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya


ng maikling kuwentong “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato”?

Sagot:

3. Ano ang pinakapaksang-diwa ng akdang binasa? Makatutulong


kaya ang kaisipang ito upang magkaroon ang mga Pilipino ng tamang
pagtingin sa sarili at pagpapahalaga sa talentong ipinagkaloob sa atin
ng Maykapal? Patunayan.
Sagot:

4. Ano ang himig o mood na higit na lumutang sa maikling kuwento? Paano


ito nakaapekto sa iyong damdamin habang binabasa mo ang akda?

Sagot:

5. Taglay ba ng binasang akda ang mahahalagang elemento ng


maikling kuwento? Patunayan ang iyong sagot sa pamamagitan ng
mga patunay na hango sa akdang binasa.
Sagot:

Page 3 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 3: Pagsusuri sa pagwawakas ng kuwento. (2 puntos bawat bilang).

1. Ano-ano naman ang mga pangyayaring Sagot:


nagbunsod sa kanya para ibigin niyang _________________________________
maging isang bato? Bakit nasabi niyang higit _________________________________
na malakas ang bato kaysa sa hari, araw at _________________________________
ulap? _________________________________
____

2. Matapos ang maraming pangyayari sa Sagot:


buhay ni Hashnu, bakit muli niyang ninais na ______________________________________
magbalik sa pagiging isang manlililok ng ______________________________________
bato? Kung ikaw ang nasa kanyang ______________________________________
kalagayan, ganito rin kaya ang ______________________________________
mararamdaman mo? Bakit?

Sagot:
3. Anong katangian mo ang masasalamin _________________________________
sa buhay ni Hashnu? Ipaliwanag. _________________________________
_________________________________
_________________________________
_

Sagot:
4. Sa iyong palagay, bakit kaya ninais _________________________________
niyang mamuhay sa iba’t ibang kalagayan _________________________________
o katauhan? _________________________________
_________________________________
_

5. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong Sagot:


mabuhay sa ibang katauhan o kalagayan, _________________________________
ano kaya ito at bakit? _________________________________
_________________________________
_________________________________
_

D.Tandaan
PAGLALAHAT
Ang pagpapadaloy ng simula, gitna at wakas ng kuwento ay napakahalaga upang malinaw na
maihalayhay ang pangyayari. Nabibigyang linaw ang detalye at nilalaman sa tauhan, tagpuan,
suliranin, kasukdulan, pababang aksyon at wakas.

E. PAGLALAPAT
Paano mo wawakasan sa sariling paraan batay sa pagsusuri mo sa ginawang wakas ng
manunulat?
“Hindi na ako gagaling. Huwag ninyo ako ililibing sa San Roque, Tiyo Julio, huwag. Dito sa
Maynila. Ayaw ko nang umuwi sa San Roque, “ang sabi ni Layo sa kanyang tiyuhin.
“Walang hindi umuuwi sa kanyang bayan,” ang sagot ni Tiyo Julio. “Mayroon nga riyan, nama-

Page 4 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

matay sa Amerika, pagkatapos manirahan doon nang kay tagal, ngunit ang huling kahilingan ay ang
malibing dito sa atin.”
“Maganda ang sinabi ninyo, Tiyo Julio.”
Halaw sa “Lupa ng Sariling Bayan”
ni Rogelio Sicat

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

F. PAGTATAYA: Magbasa ng iba pang maikling kuwento at suriin mo ito batay sa pagkakabuo ng
pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas. Gamitin ang grapikong pantulong na makikita sa ibaba.
PAMAGAT
PAGSISIMULA

SIMULA

SULIRANIN
PAGWAWAKAS PAGPAPADALOY

MGA
PANGYAYARI

SOLUSYON

WAKAS

Page 5 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 9
Ikalawang Markahan/ Ikaapat na Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy, at


pagwawakas ng napakinggang salaysay (F9PN-IIe-f-48)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:


• Pagsusuri sa maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy, at pagwawakas ng
napakinggang salaysay.

PANIMULA
Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na magiging maayos at kapaki-pakinabang
ang iyong pag-aaral, kung susundin mo ang mga tuntunin sa paggamit nito. Ito ay sadyang inihanda para
sa iyo upang lubos mong maunawaan ang aralin.
Handa ka na ba, para sa pagpapatuloy ng ating aralin? kung gayon, ay basahing mabuti at isagawa
mo rin ang mga kaugnay na gawaing nakapaloob dito.
Ang talatang Nagsasalaysay
Ito ay paglalahad ng magkakaugnay na mga pangyayari sa paraang nagkukuwento. Inilalahad ito
sa maayos at malinaw na pamamaraan ang mga pangyayari sa kuwento sa sunod-sunod na ayos mula sa
pinakauna hanggang sa pinakahuli at maaari ring mula sa pinakahuli hanggang sa pinakaunang
pangyayari.
Sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay, dapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:
- Dapat na iisa lamang ang pangunahing tauhan.
- Dapat kawili-wili ang mga aksyon sa kuwento.
- Dapat na may simula, gitna at wakas ang mga pangyayari.
- Iisa lamang ang punto-de-bista o point of view.
- Dapat na iisang lugar lamang o tagpuan ang kuwento.

Pagsisimula ng Maikling Kuwento


Pagsisimula: Ayon sa maraming mambabasa, ang buhay ng anumang komposisyon o akda ay nasa
simula nito. Dahil dito nararapat lamang na maging maganda ang simula, upang mapagpasyahan kung
itutuloy ng mga mambabasa ang nasimulang pagbabasa o hindi na.
Sa simula pa lamang ay dapat nang makuha ang interes o kawilihan ng mga mambabasa. Ano-ano
ba ang tamang paraan upang pasimulan ang isang maikling kuwento? Nasasalig o naaayon sa layunin o
pamamaraan ng awtor ang nilalaman ng pasimula ng maikling kuwento.
Sa pasimula ng isang maikling kuwento;
1. May mga pagkakataon na inilalarawan o ipinakikita agad ang tagpuan at panahon;
2. O kaya naman sa simula pa lamang ay agad na inilalarawan ang pangunahing tauhan.
3. O kaya naman ay agad na inilalahad ang suliraning magaganap.

Narito ang ilan sa mga paraan na maaaring magamit sa pagsisimula upang makaakit ng
atensyon.
Mga sangguniang ginamit:

1. Online na sanggunian:https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com
2. Kayumanngi baitang 7, NAT Reviewer, 2015 Edition

Page 6 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

1. Pagpapakilala ng pangunahing tauhan- sa paglalarawan ng tauhan, kinakailangang umaangkop


siya sa hinihingi ng istorya. Maaari siyang ilarawan sa kawili-wiling paraan; maaari siyang kalugdan o
mahalin naman siya’t kapootan.
Hal.
“Si Neng, hindi naitatanong, ay walang iniwan sa isang ibon. Natatandaan kong siya ay nakita
kong minsan sa Baguio. Palibhasa’y may sakit, palihasa’y may karamdaman, ang katawan niyang
marupok at nanghihina ay nakabalot ng makapal na damit. Gayon man ay hindi nawawala sa dalawa
niyang mata ang bughaw na langit na salamisim samantalang sa mga labi niya ay laging nagduruyan
ang anino ng matatamis na ngiti ng isang kaluluwang mapangarapin at romantika.

Mula sa “Ako’y Mayroong Isang Ibon”


ni Deogracias A. Rosario
2. Pagsasama ng damdamin at suliranin- ang damdaming iyon ay para sa tao, kapaligiran o hayop.
Dapat na pataasin ang damdamin ayon sa nais paksain ng awtor.
Hal.
“Ibinaluktot ni Popoy ang isa niyang tuhod at inilapat ang ilalim ng kanyang bakya sa puno ng
niyog. Nakakunot ang kanyang noo: namumuhi siya sa kanyang hinihintay na trak na hahakot sa
kanilang mga kasangkapang pambahay. Binali niya ang kanyang mga daliri nang paayon sa mga
hugpong at narinig ang mga lagutok…. Isa… dalawa… tatlo… apat… nakalikha siya ng labing tatlong
lagutok. Ngayon ay ikalabintatlo ng Agosto, ang gulang niya ay labintatlo, at labintatlo ang kanyang
lagutok. Ang labintatlo ay masamang bilang, ayon sa kanyang impo, at inakala niyang may kinalaman
ang bilang na labintatlo sa pasiya ng kanyang tatay kanginang umaga na maghakot na sila ngayong
hapon upang lumipat sa Dampalit.”

Mula sa “May Buhay sa Looban”


ni Pedro S. Dandan
3. Paggamit ng kapaligiran- ang mga pagbabago sa tauhan ay maiuugnay sa kapaligiran.
Hal.
“Sa dakong itaas, sa libis ng isang bundok, sa tabi ng isang batisan, ay may nakakanlong sa mga
punungkahoy na isang kubo, na balu-baluktot na sanga ang gamit na kahoy. Sa ibabaw ng kanyang
bubungang kugon ay malagong gumagapang ang kalabasang may maraming bunga at bulaklak;
ang palamuti ng bahay-bukid na iyon ay may sungay ng usa, mga bungo ng baboy-ramo, na ang ilan
ay may mahabang pangil. Don tumira ang isang mag-anak na Tagalog na ikinabubuhay ay ang
pangangaso at pangangahoy.”

Mula sa “Noche Buena”


ni Jose Rizal
4. Paggamit ng salitaan- ang paggamit ng dayalogo ng tauhan ay mahalaga.
Hal.
“Inay, bakit ka malungkot?”, bungad ng aking bunso. “Naaalala ko lamang ang pagtungo mo sa
ibang bansa bukas, para ng ayaw ko nang dumating ang bukas!”, sabay hagulgol ko. “Nanay huwag
kang umiyak, iingatan ako ng Diyos para sa iyo,” alo ng aking anak, “Nanay huwag mo sanang
gawing mahirap ang pag-alis ko,” dagdag pa niya.

Pagbibigay ng Wakas

Pagwawakas: Kung ang simula ay dapat na maging kaakit-akit o makatawag-pansin, ganito rin dapat
ang maging pagwawakas. Katulad rin naman ng simula, ang haba ng wakas ay dapat na ibagay sa haba
ng buong akda. Ang wakas ay maaaring isang kabanata, isang talataan, isang pangungusap o isa lamang
“pakiramdam sa pagsapit ng magiging katapusan nito,” na bunga ng panghuling salita.

Sa pagbibigay ng wakas ng kuwento dapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Dapat ay may kinalaman ang wakas sa kuwentong binasa.

Page 7 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

2. Ang gagawing wakas ay dapat hindi bababa sa dalawang pangungusap.


3. Alamin kung maganda o angkop ba ang ibibigay na wakas sa kuwento.

Narito ang ilan sa paraang maaaring magamit sa pagbibigay ng wakas.

• Pagbibigay ng buod ng paksa- dapat mag-ugat sa isang paksa ang pagsasalita. Hindi ito
basta na lamang naganap.
• Pag-iiwan ng isa o ilang tanong.
• Paghuhula sa maaaring mangyari na may kaugnayan sa paksa.
• Pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula.
• Paggamit ng kasabihan o siping angkop sa akda.
• Pag-iiwan ng isang pahiwatig o simbolismo.

B. PAGTUKLAS: Gawain 1: Bumuo ng kuwento o salaysay batay sa larawan. Ayusin ang mga
larawan batay sa gagawing pagkukuwento o pagsasalaysay.

Gawaing gabay sa pagbuo ng kuwento/salaysay ang sumusunod na bahagi nito.


Pamagat

Panimula

Gitna

Wakas

C. MGA GAWAIN:

Gawain 2: Bigyan ng angkop na panggitna at pangwakas na bahagi ang sumusunod na panimulang


bahagi ng isang kuwento.

Ang panahon ay parang nakikiramay sa nadarama ni Aling Rosa. Unti-unti nang nagdididlim ang
paligid. Ang kaninang wari’y butyl ng perlas na patak ng ulan, ngayon ay unti-unti nang lumalaki na
parang maliliit na tipak ng yelo. Di malaman ni Aling Rosa ang gagawin. Wala pa ang kanyang bunso,
pagabi nan ang pagabi at nagsusungit pa ang panahon.
_______

Page 8 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 3: Bilugan kung panimula, kahunan kung gitna at guhitan naman kung wakas ng kuwento ang
mga pangungusap sa bawat bilang.
1. David, hindi na natin problema ang panganganak ko. May isang doktorang nagsabing paaanakin niya
ako nang walang bayad.
2. Isang araw, habang naghahanap ng pasahero si David, nakita niya isang babaeng nakatayo sa tabi ng
isang kotseng flat ang gulong.
3. kinuha ni David ang spare tire ng kotse at ang jack at pinalitan niya ang flat na gulong.
4. Itinigil ni David ang taksing kanyang minamaneho. ano po ang problema natin, ma’am? Ang tanong ni
David sa babae.
5. Sa susunod na buwan na po, problema pa nga po dahil wala pa po kaming sapat na ipon. Hindi po
inaprubahan ang hiniram kong pera.
6. Tuwang-tuwa ang buntis. Pagdating sa bahay, agad niyang ikinuwento sa asawa ang magandang
balita.
7. Naalala ng babae si David, ang tsuper ng taksing tumulong sa kanya. Sinabi niya sa babaeng buntis:
“Doktora ako. Pumunta ka sa ospital ko at doon ka manganak. Hindi kita sisingilin.
8. Nagpasalamat ang babae at pinaandar na nito ang kanyang kotse. Huminto siya sa isang restoran
upang kumain.
9. Isang walong-buwang buntis ang nagsilbi sa kanya. Magiliw ang buntis at napakaganda ng ngiti nito.
10. Tinanong niya ang buntis kung kalian ito manganganak.

Gawain 4: Mula sa akdang binasa Hasnu, Ang Manlililok ng Bato. Suriin ang estilo ng may-akda sa
pagbuo niya ng kuwentong ito. Ano ang masasabi mo sa estilo niya sa pagsisimula, pagpapadaloy, at
pagwawakas? Punan ang graphic organizer sa ibaba. (15 puntos)

PAMAGAT

TAUHAN TAGPUAN

Pagsusuri ng pagsisimula

Pagsusuri ng pagpapadaloy

Pagsusuri ng pagwawakas

D. PAGLALAHAT: Gamitin ang GRAFFITI … Isulat ang natutuhan sa aralin.

Page 9 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Tandaan:
Napakahalaga sa isang kuwento o pagsasalaysay ang pagkakaroon nang maayos at
kaakit-akit na panimula at wakas upang ang mga mambabasa ay magpatuloy sa
pagbabasa.

E. PAGLALAPAT
Angkupan ng panimula at pangwakas na bahagi ang sumusunod na wakas ng kuwento.

At sa wakas ay nadama na niya ang malamig na dapyo ng hangin, nakaginhawa ito sa kanyang
pakiramdam. Nararamdaman niya, marami palang nagmamahal sa kanya; iba-iba nga lang ng paraan
ng pagpapadama ng kanilang pagmamahal.
Lumabas siya; ngayon niya napahalagahan ang mga bagay at mga taong nakapaligid sa kanya.
“Mabait ang Diyos,” naibulong niya sa sarili. “Napakaganda pala ng daigdig!” dagdag pa niya. “Masarap
mabuhay!” muli niyang wika.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

F. PAGTATAYA: Lagyan ng tsek ang kolum kung saan makikita ang isinasaad sa pahayag ng bawat
aytem. (10 putos)
Pagsisimula Pagpapadaloy Pagwawakas

1. Pagpapakilala ng tauhan

2. Makikita ang paglalarawan sa tagpuan

3. Dito nabibigyang solusyon ang problema

4. Labanan ng magkabilang panig


5. Dito namuo ang umpisa ng tunggalian

6. Matatagpuan ang mensahe ng kuwento

7. Bumababa ang tensyon ng tauhan

8. Tao laban sa tao

9. Pagtatagpo ng protagonista at antagonista

10. Bubuhos ang mainit na tagpo sa parteng ito.

INIHANDA NI: BLANCA B. CRUZ


TEACHER II - PCEHS

Page 10 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 9
Ikalawang Markahan/ Ikaapat na Linggo/ Ikatlong Araw

LAYUNIN: Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento. (F9PB-IIe-f-48)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:


• Paghihinuha sa kulturang nakapaloob sa binasang kuwento.

PANIMULA

Isang kayamanan natin ay ang kulturang ating kinagisnan. Kultura na nagbibigay sa atin
ng sariling pagkakakilanlan. Kaya naman, ating tunghayan ang kulturang nakapaloob sa buod ng
isang kuwentong pinamagatang:
Tahanan ng Isang Sugarol
(Maikling Kuwentong Malaysian)

Salin: ni Rustica Carpio


Buod

Ito ay kuwento ng isang pamilya na ang ama ay isang sugarol. Ang amang ito ay si Li Hua na
walang ginawa kundi ang pagsusugal lang.

Nagdadalantao naman ang kaniyang asawa na si Lian Chiao. Mayroon silang dalawang anak
na sina Ah Yueh at Shao Lan.

Madalas na makita si Li Hua sa sugalan na ang pangalan ay Hsiang Chi Coffee Shop. Literal
na umuuwi na lamang si Li Hua upang maligo at magpahinga. Kahit buntis ang kaniyang asawa ay
wala pa rin itong patid sa paggawa ng mga gawaing bahay.

Pati ang pagpapaligo sa kaniyang sugarol na asawa ay siya pa ang gumagawa. Ang masaklap
pa rito ay pinagbubuhatan siya ng kamay ng asawa. Sa bawat pagkakamali niya ay bugbog ang
inaabot niya rito.

Isang gabi, naramdaman ni Lian Chiao na sumasakit na ang kaniyang tiyan. Batid niyang
manganganak na siya. Di niya ginising ang mga anak na pagod sa trabaho. Pinuntahan niya ang
asawa sa sugalan kahit malalim na ang gabi.

Sinuong niya ang mahamog at mapanganib na daan. Nang marating ang sugalan, nahimatay
na si Lian Chiao. Hindi pa rin siya inintindi ng asawa dahil nananalo na raw siya sa sugal. Ang may-
ari na lamang ng sugalan ang nagdala kay Lian Chiao sa ospital.
Mga sangguniang ginamit:

1.Online na sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/tahanan-ng-isang-sugarol-buod


2.Para sa mga larawan: https://www.google.com/search?

Page 11 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

Naibigan mo ba ang akdang iyong binasa? Ngayon ay handa ka na para sa iyong pagsagot sa modyul
na ito. Sikapin mong maisagawa ang mga gawain na nakapaloob dito upang malaman natin kung ikaw ba ay
may natutuhan mula sa iyong binasa.

B. Gawain 1

Ibigay ang kaisipang mabubuo sa iyong isipan sa mga sumusunod na larawan.

Page 12 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

C. MGA GAWAIN

Gawain 2
Ang mga pangyayari na nakapaloob sa kuwento ay nasasalamin sa pangyayari na mayroon ang
isang lipunan. Unawain ang mga pangyayari sa Hanay A at ibigay ang maisasalamin nito sa lipunan
na nasa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

1. Kapag dumating ang asawa niyang hindi pa luto ang pagkain A. Ang tao upang mabuhay ay
ay tiyak na kagagalitan at bubugbugin ang kanyang asawa at kailangang kumilos.
anak. ________________
B. Naghari ang takot at pangamba.
2. Kung mangangatwiran si Lian Chiao kay Li Hua, mandidilat
ito, tatadyakan at duduraan sa mukha. __________________ C. Namayani ang kalupitan sa
kapwa.
3. Mula umaga pagkagising, wala siyang tigil sa paggawa;
D. Puno ng bisyo ang paligid.
nagtanim sa bukid, nagsibak ng kahoy, naglagay ng pataba sa
patanim, naglalaba at nagluluto. _______________________ E. Walang paggalang sa kapwa tao.
4. Nang ipakasal ng ina si Lian Chiao kay Lin Hua, nawala na F. Iresponsableng ama
ang kaligayahan at kapayapaan. ______________________
5. Walang alam na gawin ang asawa ni Lian Chiao kundi ang
humilata sa kama, kumain at humithit ng opyo.
____________________

GAWAIN 3
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Dalawang puntos bawat bilang.
1. Paano pakikitunguhan ng anak ang isang malupit na ama?
PALIWANAG:
_____________________________________________________________________________
2. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa akda? Magbigay ng mga patunay
_____________________________________________________________________________
3. Bakit kailangang igalang ang kapwa kahit pa ito ay may nagawang kasalanan sa’yo?
_____________________________________________________________________________
4. Ano-ano sa iyong palagay, ang mabisang paraan sa pagkakaroon nang matibay na pagsasamahan
ng pamilya?
_____________________________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang kultura ng ating bansa? Magbigay ng
mga paliwanag na hindi bababa sa limang pangungusap na magpapatibay sa iyong sagot.

Mapahahalagahan ko ang kultura ng ating bansa _______________________________________


_______________________________________________________________________________

D. PAGLALAHAT

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong ibahagi sa iba ang kulturang iyong kinagisnan, anong
kulturang Pilipino ito? Ipaliwanag kung bakit mo ito ipinagmamalaki. Isulat ang iyong sagot sa loob ng
baul at ang paliwanag sa loob ng kahon.

Page 13 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

PALIWANAG

K
U
L
T
U
R
A

Tandaan
Ang kultura ay tinatawag ding kalinangan, ang kalinangan ay may kabuuang kaisipan,
kaugalian, o tradisyon ng isang bayan. Binubuo ng mga katutubo at katangi-tanging kaugalian,
paniniwala, at mga batas. Hinuhubog ang pagkakakilanlan, kaisahan, at kamalayan at dito
nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Mabisang kasangkapan sa
pagkakaisa ng isang bansa dahil naipahahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa,
mabubuting gawi, kaugalian na kinagawian at ito ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan sa
paraan ng pamumuhay ng isang lipunan.

E. PAGLALAPAT
Sa kasalukuyang panahon, kaagapay ng new normal ang pagbabago sa kultura mula sa
nakasanayan na natin, sa New Normal na ito… Anong kultura ang naging bago at siyang
katanggap-tanggap na sa bansa? Piliin lamang ang angkop na pahayag at bilugan ang letra ng
tamang sagot.
A. Pag-aakapan dahil sa tagal nang di pagkikita
B. Pag-aalcohol
C. Pagbebeso-beso
Sagutin
D. Pagfiface ang at
mask mga sumusunod
face shield na katanungan. Bawat bilang ay may dalawang puntos.
E. Social distancing
1. Paano pakikitunguhan ng anak ang isang malupit na ama?
F. Pagtahimik sa pampublikong sasakyan
_______________________________
G. Pagwowork from home o kaway-trabaho
H. Pagkakaroon ng kaway-aral o online class
____________________________________________________________________________
____
2. Paano mapapahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan?
_____________________________

____________________________________________________________________________
____
3. Bakit kailangan igalang ang kapwa kahit pa ito ay may nagawang kasalanan sayo?
_____________
Page 14 of 20
____________________________________________________________________________
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

F. PAGTATAYA

Alamin kung ang mga pahayag ay may positibo o negatibong pananaw.


1. Sa kabila ng kalupitan ng ama ay iginagalang pa rin siya ng kanyang mga anak.
__________________
2. Sugapa man sa sugal si Li Hua ay nanaig pa rin sa kanya ang pagiging ama nang siya mismo ang
maghatid sa asawa sa ospital. ______________
3. Kahit buntis ang asawa ay siya pa rin ang nagsasalok ng tubig at walang tigil sa paggawa ng mga
gawaing bahay. ________________
4. Agad na tatadyakan ni Li Hua ang kanyang asawa kapag umuuwi siyang hindi pa nakapaghanda ng
makakain niya. ________________
5. Dapat labanan ng anak ang mapang-aping ama. ___________________
6. Pagkalulong sa sugal at hindi pagiging responsableng haligi ng tahanan. ___________________
7. Bilang nakatatandang anak ay nakaalalay si Ah Yueh sa kanyang ina sa mga gawaing bahay.
_____________________
8. Pagwawaldas ng pera sa walang kabuluhang bagay na nagbibigay ng problema sa pamilya.
_____________________
9. Ang babaeng si Lian Chiao ay hindi iniinda ang sakit ng katawan at ginagawa pa rin ang walang
humpay na gawain kahit pa siya ay nagdadalantao. ____________________
10. Pag-iigib sa balon, magsasaing sa pugon at pagtira sa lugar na may sariwang hangin ay isang
simpleng pamumuhay na walang katulad. _____________________

11.Bilang panganay, dapat siya ang nag-aalaga sa kapatid kapag wala ang magulang.
___________________
12. Unahin ang sariling kaligayahan kaysa sariling pamilya. _________________________
13. Walang katumbas ang sakripisyo ng isang ina. _________________________
14. Pagtitiis sa pang-aabuso ng asawa upang maisalba ang unti-unting pagkawasak ng pamilya.
______________________

15. Pag-ibig pa rin ang nangingibabaw sa lahat ng bagay. ________________________

Mahusay! dahil matagumpay mong naisagawa ang mga gawain na nakapaloob sa modyul na
ito. Ito ay nagpapatunay lamang na lubos mo ngang naunawaan ang paksang ating tinalakay ngayong
araw. Nawa ay pagbutihan mo pa ang ipinakikita mong kahusayan sa iyong pag-aaral. Hanggang sa
muli.

INIHANDA NI: BLANCA B. CRUZ


TEACHER II PCEHS

Page 15 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 9
Ikalawang Markahan/ Ikaapat na Linggo/ Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Nabibigyang-kahulugan ang imahe at simbolo sa binasang kuwento. (F9PT-IIe-f-48)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:


• Pagbibigay-kahulugan sa imahe at simbolo sa binasang kuwento.

PANIMULA

Basahin at unawaing mabuti ang buod ng isang maikling kuwento mula sa Pilipinas.
"Walang Panginoon"
ni Deogracias Rosario.
Buod

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang
asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang
dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos.
Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang
kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo
si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin
sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.
Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y
kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang
karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyan ang dahilan ng pagkamatay
ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong
na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman
niyang ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni
Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni
Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana.
Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan
na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa
dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang
lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay
kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.
Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung
paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang
mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don
Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-
awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na ng pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nag-
iimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong.
Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang
kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.

Mga sangguniang ginamit:

1. Online na sanggunian: http://reviewersandfiles.blogspot.com/2016/11/pagsusuri-ng-maikling-kuwento-


buod-ng.html?m=1
Pluma IV, Exemplar 3 sa Filipino Grade 7
2. Para sa mga larawan: https://www.google.com

Page 16 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

Naibigan mo ba ang akdang iyong binasa? Mayroon ka bang nabuong larawan o naisip na bagay na
tumatak sa iyo? kung ang sagot mo ay oo, mainam sapagkat ngayon ay tuturuan kitang kumilala sa mga
simbolo at imahe ng isang akda binasa.

Ang pangunahing kaisipan ay pagkilala kung ano ang mahalaga sa anumang uri ng teksto.
Nagsasaad ito ng anomang tema na sumasaklaw sa kaisipan o diwa ng binasa na pinagbabatayan ng
maliliit na detalye o pangyayaring umiinog sa kabuuan ng akda, kasabay ang aral na makukuha batay
sa isinagawang pagbabasa.
Sa masusing pagbabasa, nailalantad at naipauunawa sa mga mambabasa ang mga
impormasyong nagpapaliwanag sa paksa na siyang nais iparating ng may-akda. Pumapasok dito ang
interpretasyong tekstwal batay sa pamagat, detalye ng nilalaman, ang nangingibabaw na damdamin,
mga pahayag na inter-aksyunal na nakalantad sa teksto. Sa puntong ito, makikita ang kahalagahan ng
wika na nagsisilbing kasangkapan ng may-akda sa pagpapahayag ng kaisipang nais niyang padaluyin.
Maraming kaisipan at mga pahayag ang nararapat isaaalang-alang at bigyan ng kahulugan
upang mabisang makuha ang pangunahing kaisipan, tahasan man ang kahulugan o patalinghaga at
ang may-akda ay mga pawang ginagamit upang maihatid nang malinaw ang mga ito tulad ng paggamit
ng:

• Simbolo na kumakatawan sa bagay na maaaring bigyang-kahulugan ng mambabasa.


Hal. Ang pagsikat ng araw ay simbolo ng pag-asa

Pagsubok o suliranin naman ang sinasagisap ng ulap.

3. ___________________________________________
4. • Imahe o larawang-diwa na nabuo sa isipan ng mambabasa batay sa mga salitang ginamit at
binigyan ng interpretasyon ng mambabasa.
B. Gawain 1
Ibigay ang nais ipakahulugan ng mga larawan na simbolo sa mahahalagang kaganapang
nakapaloob sa kuwento. Isulat ang sagot sa ulap.

1.

4.

2.

5.
3.

Page 17 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

C. MGA GAWAIN
Gawain 2:
Alamin ang imaheng ipinapakita ng bawat tauhan sa kuwentong binasa.
1. Mata lamang ang walang latay nang saktan ni Don Teong ang kanyang kaisa-isang anak na si Anita.
2. Tinatakpan ni Marcos ang tenga upang hindi marinig ang animas ng kampana na mula sa simbahan.
3. Si Anita ay hindi tumitingin sa estado ng buhay.
4. Ang ina ni Marcos ay mapagmahal, mabait at maalalahanin na anak. Inang maipagmamalaki ng isang
anak.
5. Ang mga tao ay tahimik lamang at walang kibo sa kasamaan na ginagawa ni Don Teong sa kanila.
6. Nagbihis si Marcos ng damit kagaya ni Don Teong at hinahampas niya ng latigo ang kalabaw. Ito na
ang simula ng kanyang balak.
7. Ang kalabaw ay walang humpay sa pag-araro sa bukid.
8. Kahit dumanak pa ng dugo ay gagawin ni Marcos, maipaglaban lang niya ang mga mahal niya sa
buhay.
9. Si Don Teong ay taas noong naglalakad kapag namamasyal siya sa kanyang sinasakupang lupain.
10. Walang nagawa si Anita sa pang-aalipusta ng ama kaya umabot na ito sa pagkawala ng kanyang
hininga.

A. Malupit. B. Matalino. C. Isang ulirang ina. D. Mapagtimpi. E. Sunod-sunuran lamang


F. Mayabang G. Magaling J. Mahina ang kalooban I. Walang kinatatakutan

GAWAIN 3
Pagdugtungin ang HANAY A na mga simbolo o imahe sa HANAY B na maaaring kahulugan
nito. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B

1. Ang lahat ng tao, kahit hindi magkakulay sadyang A. Hindi nagpapa-alipusta at lumalaban.
pantay-pantay. ________
B. Isang may magandang kaanyuan ngunit
2. Walang mang-aalipin kung walang magpapa-alipin. sakim o nakakasakit sa kapwa.
_________
C. Pananampalataya sa Panginoon.
3. Diyaryo _________ PALIWANAG:
D. Habang-buhay na pagkatulog o
4. Kabaong __________ pagkawala ng hininga.
5. Rosas __________ E. Ang pasensya ng tao ay may hangganan
din.
6. May takdang parusa ang lahat ng sala, ang
pagtitimpi ay may hangganan sa tao o sa hayop man, F. Lihim na kailanman ay hindi mababasa
ang pagtatanggol sa sarili ay kailangan. ________ ninuman.
7. Lahat ay pantay sa mata ng Panginoong Diyos. G. Kayamanan na galing sa kasakiman.
___________
H. Huwag tumingin sa estado ng buhay.
8. Buwis ___________
I. Pagtatago ng sariling plano o kapasyahan
9. Sombrero __________ ng isang balak.
10. Paghihiganti para sa kasintahan. ____________ J. Pag-ibig ang nangingibabaw.

Page 18 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

D. PAGLALAHAT
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Bawat aytem ay may dalawang puntos.
1. Kung ikaw ang may-akda, anong simbolo ang iyong ibibigay para sa kuwentong ito? Bakit?
_________________________________________________________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng simbolo o imahe bilang nakaukit na ito sa ating pamumuhay? _________
________________________________________________________________________________
3. Naging madali ba sa iyo na alamin kung ano ang ibig nitong ipakahulugan? __________________
________________________________________________________________________________
4. Bilang mag-aaral, anong imahe ang iyong maibibigay upang maging isang mabuting mamamayan
sa lipunan?______________________________________________________________________
5. Pumili ng isang simbolo na nagpapakita ng pagkakakilanlan sa iyong pagiging Pilipino sa lipunang
Asya ipaliwanag kung bakit ito mahalaga sa ating bansa. _________________________________
____________________________________________________________________________
E. PAGLALAPAT

Isulat sa patlang kung ang tinutukoy sa pahayag ay simbolo o imahe.


___________1. Ang animas ng kampana ang hudyat na nagpapaalala ng sakit sa nakaraan.
___________2. Mapagmahal siya sa sinumang tao sa kanyang paligid.
___________3. Latigo ang pinanghahampas sa kalabaw.
___________4. Walang kasing lupit na amang kayang pumatay ng anak.
___________5. Ang kalabaw ay inihahalintulad sa isang Pilipinong matiyaga. Sunud-sunuran sa among
pinagsisilbihan.
___________6. Nagsilbing malaking dagok sa buhay niya ang pagkamatay ng kanyang kasintahan.
___________7. Sakripisyo ang dapat na mangibabaw.
___________8. Isang bukid na puno ng mga yaman, malawak ngunit mayroong hangganan.
___________9. Makapal ang mukhang humarap sa madaming tao kahit may itinatagong baho.
__________10. Itak ang naging panlaban ng ilang bayani. Naipapakita nito ang lakas ng loob at tapang
ng gumagamit nito.
__________11. Magarang kasuotan na ibig ipakitang siya ay walang kapantay.
__________12. Wala sa ganda ng kasuotan ang tunay na kayamanan ng isang tao.
__________13. Walang pagdududa niyang ginawa ang planong pagpatay sa malaking balakid niya sa
buhay.
__________14. Ang mga putik ay nahihiya sa malinis at makinis na sapatos ng Don.
__________15. Bukirin na may taglay na kagandahan, ngunit may katahimikang nakabibingi.

Tandaan mo ba….
Na ang nagpapaganda sa isang akdang binabasa ay ang paggamit ng mga simbolo at imahe
sapagkat pinag-iisip nito ang mga mambabasa at dinadala sa mga mayamang imahinasyon. Nag-iiwan
din ito ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mga mambabasa ngunit hindi nalalayo sa tunay na
intensyon ng may-akda. Ang paggamit ng mga simbolo at imahe ay nakadaragdag ng pagiging
masining ng isang akda.
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D4

Page 19 of 20
Module Code: Pasay-F9-Q2-W4-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : __________________

Gaano ka ba kahusay? Upang malaman natin kung iyo ngang naunawaan ang araling tinalakay ay
subukin mong sagutin ang maikling pagsusulit na inihanda ko para sa iyo.

F. PAGTATAYA

A. Alamin ang simbolo ng LUPA ang sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot sa kahon. Isulat ang
letra ng tamang sagot.

1. Di na ako yaong taong basal na bahagi ng daigdig, kundi lupang nalinang na ng kalabaw at ng bisig;
ang datihang pagka-gubat ay hinawan at nalinis.
– Lope K. Santos, Ako’y si Bukid
2. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? wala na nga, wala.

- Andres Bonifacio, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


3. Nakayapak, mahilig tumahak sa lupa.
Lupang mahalumigmig, malambot, marangya.
- Lamberto Antonio, Lupa
4. Hindi ko na ibig na maging halaman na namumulaklak ng may bango’t kulay.
At sa halip nito’y ibig ko na lamang maging lupa ako’t magsilbing taniman.
- David T. Mamaril, Lupa at Halaman
5. Nakalaan akong maglamay: lupa ang simula ng lahat ng bagay,
Diyan din sisibol ang binhi ng bagong pag-asa at buhay.
- Amado V. Hernandez, Lupa

A. Kabataan B. Kabuhayan C. Kasaganaan sa buhay

D. Pag-ibig sa bayan E. Buhay

B. Isulat ang imaheng inilalarawan sa mga tauhang nakilala mula sa mga akdang tinalakay sa mga
nakaraang aralin.

6. Lea ng “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” ______________________________________________


7. Li Hua “Tahanan ng Isang Sugarol” __________________________________________________
8. Don Teong “Walang Panginoon”_____________________________________________________
9. Estella Zeehandelaar _____________________________________________________________
10. Marcos “Walang Panginoon” ______________________________________________________

Ayan! binabati kita dahil matagumpay mong naisagawa ang mga gawain na nakapaloob sa
modyul na ito. Natutuwa ako at lubos mong naunawaan ang paksang ating tinalakay sa araw na ito.
Inaasahan ko na pagbubutihan mo pa ang iyong kahusayan sa pag-aaral hanggang sa mga susunod pa
nating aralin. paalam…

INIHANDA NI: BLANCA B. CRUZ


TEACHER II PCEHS

Page 20 of 20

You might also like