You are on page 1of 25

ANG MALIKHAING

PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
MAIKLING KUWENTO
Isang sining ang pagsulat ng maikling kuwento.
Angkin ng maikling kuwento ang kaikliang sapat
upang mabasa ito sa isang upuan lamang ngunit
nag-iiwan ng mabisang kakintalan sa isipan ng
mambabasa.
Isang uri ng masining na
pagsasalaysay na maikli ang
kaanyuan at ang diwa ay
napapalaman sa isang buo, mahigpit
at makapangyarihang balangkas na
inilalahad sa isang paraang mabilis
ang galaw.
ANG SINING NG MAIKLING KUWENTO

May mga sumusulat ng maikling kwento na


binibigyang diin ang mga sumusunod;

-TAGPUAN
-PANGUNAHING TAUHAN
-MAIKLING KATHA NA MAY KAISAHAN
 
TAGPUAN

Halimbawa, sabihin nating ang maikling kuwento ay


tungkol sa mga Maranaw na gusting bigyang-diin ng
sumusulat ang uri ng pamumuhay, mga
kaugalian, damdamin at kaisipan ng mga ito, hindi
maiiwasang ang higit na lulutang ay ang mga bagay na
may kinalaman sa pamumuhay at kaugalian ng mga
pangkat na nabanggit.
PANGUNAHING TAUHAN

May mga uri ng maikling kuwento naman na ang higit na


binibigay ang diin ng sumusulat ay maihatid sa mga
mambabasa ang mahahalagang kaisipan sa pamamagitan ng
iniisip ng pangunahing tauhan. Sa ganitong pagkakataon
hindi na mga pagkakasunud-sunod ng pangyayari o ang
kilos ng mga tauhan ang higit na mahalaga. Walang
pinalulutang sa ganitong uri ng katha kundi ang kaisipan. 
MAIKLING KATHA NA MAY KAISIPAN
Halimbawa, ang lahat ng mga pangyayari ay
naganap sa loob lamang ng maghapon o ng
isang magdamag. Ang buong diin at bigat ng
salay'say ay napapaloob sa mga pangyayaring
naganap sa loob ng panahong iyon o kaya
naman halimbawa'y sa loob lamang ng isang
tindahan naganap ang kasaysayan o sa loob
lamang ng isang silid. Ito ang tinatawag nating
nagtataglay ng kaisahan ng pook.  
PAGSISIMULA: 
Iba't ibang nilalaman ng pasimula ng maikling kuwento
batay sa layunin at pamamaraan ng may-akda.

MGA HALIMBAWA NG PAGSISIMULA: 


Kung minsan dahil sa kagandahan ng kapaligiran
nakaka-isip ang manunulat ng isang kuwento. Gagamitin
niya ang kapaligiran upang siyang maging simula ng
kanyang pagkukuwento. 
Dalawang araw ko nang binabantayan ang pagkawala
ng ulap sa bundok ng Apo. Nais ko itong makunan ng
larawan. Napakalayo ng Maynila at maaaring hindi na
ako muling makarating sa pook na ito, kaya nais kong
makunan ito ng larawan. Nagbabakasyon lamang kami
sa pook na ito at kung ito y makukuhanan ko ng
magandang larawan, pagdating ko sa Maynila ay
babakasin ko na lamang sa pamamagitan ng magandang
larawang ito ng bundok ng Apo sa Mindanaw ang
masasayang araw na pinalipas namin dito. 
 
mula sa "Ang Ulap sa Bundok"
ni L.F.G. 
nalathala sa Taliba 
 
Minsan ang kadiliman ay nagiging pamukaw-isipan din. 
 
Tanging ang liwanag lamang ng aandap-andap na tinghoy
sa altar ang nababanaag sa kabahayan. Tahimik na ang lahat.
Isang kaluluwa na lamang sa bahay na iyon ang hindi naakit ng
kapangyarihan ng daigdig ng pangarap. Ni hindi siya nagayuma
ng nag-aanyayang himlayan. Maraming alalahaning
nagsasalimbayan sa kanyang isip. Buhat sa pagkakaupo niya sa
gilid ng papag na kawayanay tinungo niya ang bintana. Bagamat
makukuha lamang niya ng dalawang hakbang ay limang
hakbang ang nagawa niya sapagkat may malalim siyang iniisip,
Pinalibot niya ang kanyang paningin. Wari'y nais niyang sadyang
nakukumutan nito ang buong paligid. Inaaninaw niya ang mga
panauhin, sa bakuran.. .dumako ang tingin niya sa may
kabundukan doon.. . doon sa malayo.sa may paanan ng
bundok...oo nga... may ilaw doon, doon sa dako roon. 
Mula sa "May Ilaw Sa Dako Pa
Roon" ni L.F.G. nalathala sa
Sa susunod naman agad papasok ang pangunahing tauhan:

 Tuwing hapon, makikitang naglalakad-lakad si Mang


Torcuato sa may batisan. Naging ugali na niya iyon sapul nang
siya'y magbakasyon sa lalawigang iyon. Hindi pa siya
nararapat na mamahinga, subalit waring may mabigat na
pataw ang kanyang dibdib kaya't ipinasiya niyang lumayo sa
mga gawaing pampaaralan. Sa pagmamalas niya sa paligid,
ang kanyang pansin ay naakit ng isang batang naglalaro sa
tubig. Nilapitan "Anong ginagawa mo, 'Totoy?" tanong niya sa
wa waluhing taong gulang na bata. Sinasarhan ko ho itong
daanan ng tubig," wika ng bata habang naglalagay ng mga
bato sa dinaraanan ng umaagos na tubig. Pawisang-pawisan
ang bata. 
 

Mula sa "Agos ng Tubig" 


ni L.F.G 
nalathala sa Liwayway 
Isa pang buhat din sa tauhan: 
Matamang pinagmasdan ni Piding ang
magandang paglubog ng araw. Wari'y binabalangkas
niya sa isip ang kagandahan ng kinabukasang
natatago sa muling pagtago ng araw sa kanyang
himlayan. Nais na niyang matulad sa paglubog ng
araw lumulubog upang huwag nang lumitaw. Habang
naaalala niya ang kanyang hangarin noon ay
napapangiti siya. Bakit nga kaya ninais niyang
mawala na sa daigdig na ito? Bakit? Bakit? 
 

Mula sa "Pinilakang Sinag"


ni L.F.G 
nalathala sa Bulak lak 
 
PAMAMARAAN NG PAGSISIMULA
 1. Kung nais niyang buuin ang unang uri, kailangang
magsimula siya sa damdamin. Maaaring magkaroon ng
damdamin para sa mga kongkretong bagay tulad ng tao,
tanawin, hayop, atbp.

- Unang-una isinasalin niya ang damdamin sa kaisipan.


Halimbawa. Masasabi niyang, "nadarama ko ang
kalamigan ng marmol na gusali. Kapag naisalin ito sa
kaisipan magiging "Lahat ng marmol na gusali'y malamig." 
-Kapag ang damdamin nama'y para sa mga pangyayari tulad ng
digmaan
Halimbawa, titiyakin ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang
maging kongkreto ang mga paglalarawan sa panahong iyon, kasama ang
tao ng panahong iyon.

-Ang panukat ng tagumpay ng mangangatha rito'y ang pagbabago ng


damdamin ng bumabasa
Halimbawa, may magandang pangarap ang isang bata para sa
kanyang ama upang ito'y lumigaya, ang ama naman pala'y bagamat
sumasang-ayon sa pangarap ng anak para sa kanila, ang sarili
palang kapakinabangan ang iniisip. 
-Upang higit na mabigyang-diin uulitin ang
mahahalagang hakbangin: lalagyan ng damdamin ang
tagpuan, pauunlarin ang damdamin tungo sa paksa, iisip
ng mga tauhang gagalaw sa tagpuang ito, at lilikha ng
pagbabago sa tauhan na mag-uugnay sa kanyang
kapaligiran. Magsisimulang taliwas ang tauhan sa kanyang
kapaligiran, kailangan niyang umangkop dito kaya
kailangan niyang magbago upang ang mga sagabal na
dulot nito'y kanyang maalpasan. 
2. Maaari ring magsimula sa mga tauhan.
Maaari ring magsimula sa insidente.
Maaari ring magsimula na sa banghay.
Elemento ng Maikling Kwento
Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa
mga tauhan ng kuwento. 

Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang


pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. 
 

Paksang Diwa- pinakakaluluwa ng maikling kuwento.


Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang
maikling kuwento.
 
Kaisipan- mensahe ng kuwento. Ang mensahe naman ang tuwirang
pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa 

Ang tauhan ay ang bawat karakter na pinag-uukulan ng pansin sa


mga kuwento. Mahalaga ang mga tauhan dahil ito ang nagbibigay-
buhay sa anumang katha sa paraang ang kanilang damdamin,
pasya, gawain, kilos, emosyon at buhay sa kuwento ay isinasaalang-
alang.

Ang tagpo ay binubuo ng panahon na makapaglalarawan kung


kailan at kung gaano katagal naganap ang pangyayari sa katha at ng
lunan na tutukoy sa mga lugar na kinatatampukan ng mga bahagi ng
salaysay.  
 
Ang banghay - pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento, ang pagkakaayos ng mga
pangya yari sa loob ng isang salaysay. Ito ang
tinataguriang balangkas ng kuwento.
 
Ayon kay Alejandro G. Abadilla (1969), ang banghay ay
nararapat na mapanghamon, kagila-gilalas, makatwiran
at tungo sa karurukang kailangang maabot. Ayon pa sa
kanya, ito ang mga salik sa pagbubuo ng mabisang
banghay: 
 
1.Kailangang magkaroon ng isang
pangunahing tauhan na kinagigiliwan at
susubaybayan ng mga mambabasa ng
kuwento. 
2.Kailangang bigyan ng gawain ang
pangunahing tauhanna ito tulad ng suliranin. 
3.Kailangang maglagay ng mga hadlang o
sagabal ang kuwentista sa landas na
tinatahak ng pangunahing tauhan. 
4. Kapag natuklasan na ng pangunahing tauhan ang mga
suliranin, kailangang bigyan ng kuwentista ang
pangunahing tauhan ng lakas na pangkaisipan, pandamda
min at pangkaluluwa na malutas ang suliranin na ito. 
5. Kailangang magkaroon ng su kdulan o climax ang
salaysay na patungo sa wakas ng kuwento, kung saan
mapagtatagumpayan o hindi ng pangunahing tauhan ang
mga hadlang. Maaari rin namang bitinin ang mga
mambabasa sa pamamagitan ng hindi paglalahad ng
wakas ng kuwento, na ang mambabasa ang siyang
gagawa at mag-iisip ng sarili nilang wakas ng salaysay. 
May apat na uri ng banghay na ginagamit sa
modernong pagsasalaysay.

1. Ang linear na banghay


2. Ang episodikong banghay
3. Ang paikot na banghay
 4. Ang absurdong banghay
Ang linear na banghay ay nagpapakita ng pag-usad ng kuwento
mula simula hanggang wakas batay sa natural na reaksiyon sa mga
aksiyon.

Ang episodikong banghay ay hinahati-hati ang mga pangyayari sa


daloy ng pagsasalaysay.

 Ang paikot na banghay ay nagpapamalas naman ng umiikot na


pangyayari sa loob ng kuwento.

Ang absurdong banghay naman ay isang uri na nagpapakita ng


tila walang nangyayari, walang nagaganap, o walang patutunguhan
ang mga kilos at reaksiyon ng mga tauhan sa loob ng salaysay. 
 
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.

Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan. 

Kasukdulan - Bahagi ng salaysay na unti-unting naaalis ang mga sagabal,


nahaharap sa malaking desisyon ang tauhan, nalulutas o nalalantad ang mas
dambuhala pang suliranin na maaaring magdulot ng tagumpay o kabiguan sa
pangunahing tauhan.

Kakalasan- Tulay sa wakas.

Pagwawakas- Ito ang bahaging nagpapatibay sa mensahe at tema ng


maikling kuwento sa paraang tago o lantad. May mga kuwento namang
walang wakas at hinahayaan na lamang sa mga mambabasa na lumikha
ng mga pangyayari na magwawakas sa salaysay. Ito ang resolusyon o ang
kahihinatnan ng kuwento. 
 
Maraming
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like