You are on page 1of 3

PANITIKAN: Hashnu, Ang Manlililok ng Bato

Maikling Kuwento mula sa Tsina

Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina ay naninirahan

si Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa niya ang pag-ukit ng bato sa matagal na
panahon. Ang trabahong ito ay halos araw-araw niyang ginagawa sa ilalim ng matinding sikat
ng araw. Mapapansing buong tiyaga niyang ginagampanan ang kanyang gawain. Ngunit isang
araw ay nasambit niya sa sarili, “Naku! Pagal na pagal na ang aking katawan sa kahuhugis ng
matitigas na bato. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho
para hindi na magdala ng pait at maso rito araw-araw. Uupo na lamang ako at magpapahinga.
Hindi ko na kailangang magdala ng maso paroo’t parito araw-araw sa kalsada.”
Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip ang
naganap sa kaniyang buhay. Nang nagkagulo ang mga tao sa daang malapit sa kaniyang
inuukit ay nakita niyang naroon pala ang hari. Napansin niya kaagad sa dakong kanan ang
mga sundalong ayos na ayos ang pananamit at may sandata na handang sumunod sa ipag-
uutos ng hari. Sa kaliwa naman ay nakita niya ang mga tagasunod nitong gumagawa ng
paraan para lamang mautusan ng hari. Habang nakatingin si Hashnu, nag-isip siyang
maganda palang maging isang hari at magkaroon ng mga alalay na sundalo at mga tagasunod
na nag-uunahan para mautusan. Agad may narinig siyang tinig, “Magiging hari ka.”
Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-maligaya si Hashnu. “Hindi
na ako taga-ukit ng mga bato na nakaupo sa gilid ng daan na may hawak ng pait at mabigat
na maso. Isa na akong hari na nakasuot ng baluti, helmet, at nakasakay sa pagitan ng mga
sundalo, at may tagasunod na pawang mapitagan sa akin.” Mayabang siya sa paglakad kaya’t
ang kaniyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
Mabigat ang baluti at ang kaniyang helmet na lubhang dikit sa kaniyang ulo na
umaabot sa may kilay kaya naramdaman niya ang pitik ng ulo. Nahirapan siya. Namumutla
at napagod siya dahil sa matinding sikat ng araw. Naisip niyang kaya palang panghinain at
talunin ng Araw ang makapangyarihan at iginagalang na hari. Muli niyang naisip: “Mas
makapangyarihan ang Araw. Napanghina niya ang aking katawan!” Naisip naman niyang
maging Araw at pagkasabi nito ay isang milagrong muli na siya’y nakarinig ng tinig na narinig
noon at dagli siyang naging Araw.
Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumisikat nang matindi sa
kalupaan. Hindi siya sanay magbigay ng sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot na sinag
nito ang bumagsak sa mundo. Kaya ang mga nabubuhay sa mundo ay nangatuyo. Ang mga
tao ay lubhang nanangis sa pangyayaring ito. Nagpatuloy pa rin sa kapangyarihan ang Araw
hanggang sa mapansin niyang ang Ulap pala ay maaaring makulob sa pagitan ng Araw at ng
Mundo. Napatunayan niya na higit na makapangyarihan ang Ulap sapagkat kaya nitong
takpan sa kanyang sinag. Dahil sa kaisipang ito ay ninais naman niyang maging Ulap.
Nilukuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat ito at bumagsak sa paraang ulan
sa mundo. Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya napigilan ang pagbagsak
ng dami ng ulan. Ang matinding ulan ang naging sanhi naman ng pagkamatay ng mga
halaman at iba pang nabubuhay sa daigdig. Maging ang malakas na hangin ay naging sanhi
ng pagkabuwal at pagkabunot ng mga puno. Nawala ang mga tahanan at ang mga
naninirahan dito.
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang kaniyang paningin sa mga bato na hindi
man lang natinag sa kanyang kinalalagyan pagkatapos ng mga sakunang nagdaan tulad ng
malakas na ulan at hangin at maging matinding sikat ng araw. Muli siyang napaisip. Ninais
naman niyang maging isang Bato at hindi siya nabigo. Tulad ng dati may tinig siyang narinig
upang sabihing siya’y maging isang bato. Nang siya ay Bato na, narinig niyang muli ang tunog
ng pait habang ito’y ipinupukpok sa kaniya. Pati na rin ang maso na ramdam niyang malakas
na tumatama sa kaniyang katawan at ulo. Nalaman niya ngayon na hindi nga siya natibag sa
malakas na ulan at hangin subalit siya ay nakayang hugisan ng ano mang anyo ng isang
manlililok. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya.
Mulat sa katotohanan, muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok.
Kagyat siyang nanumbalik sa dating gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalye na
nakaupo at nagsisimula na namang humugis ng iba’t ibang anyo sa mga bato.
Magmula noon, masaya nang nagtrabaho nang buong husay si Hashnu. Panatag ang
kaniyang kalooban araw-araw sa pagiging manlililok.
-Halaw (Baisa-Julian, Lontoc, del Rosario. Pinagyamang Pluma, 2015)

GRAMATIKA/RETORIKA:
A. Pahayag na ginagamit sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng
isang kuwento
Sa pagsasalaysay ng isang kuwento, mahalaga ang paggamit ng mga pahayag upang higit na
maunawaan ng mambabasa ang daloy ng kuwento. Tinatawag rin itong PANG-UGNAY. Ito ay
nakatutulong upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang
pampanitikan. Sa pagsisimula madalas gamitin ang mga pang-ugnay na; unang, noong unang
panahon, sa simula. Samantalang sa pagpapatuloy ng pangyayari ginagamit ang mga pahayag
na tulad ng; pagkatapos, nang sumunod na araw, gayundin, saka, isa pa, kasunod nito at
walang ano-ano’y. Kalimitan namang makikita sa pagtatapos ng isang kuwento ang mga
pahayag na; sa dakong huli, sa wakas at dito nagtatapos.

GAWAIN #1
SAGUTIN: Itala sa kahon ang mga nangyaring pagbabagong-anyo kay Hashnu. Ipaliwanag naman
sa guhit sa ibaba nito kung bakit ayaw na niyang maging ganito.

GAWAIN #2
MGA TANONG:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda? Ano ang kanyang nararamdaman at ninanais niyang mabago ang
takbo ng kanyang buhay?
______________________________________________________________________________________

____________________________
2. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang kanyang pagnanais na mabago ang kanyang buhay? Bakit?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
____________________________
3. Matapos ang maraming pangyayari sa buhay ni Hashnu, bakit muli niyang ninais na magbalik sa pagiging
isang manlililok ng bato? Kung ikaw si Hashnu, ganito rin kaya ang mararamdaman mo? Bakit?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
____________________________
4. Ipaliwanag ang kasabihang “Makuntento sa kung anong meron ka”
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
____________________________

5. Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa akdang binasa, paano mo ito wawakasan? Ilahad.

SARILING WAKAS:
____________________________________________________________________________________

_______

You might also like