You are on page 1of 9

HASHNU,ANG

MAN LI LI LO K N G BAT
O
Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina ay
naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa niya ang pag-ukit ng
bato sa matagal na panahon. Ang trabahong ito ay halos araw-araw niyang
ginagawa sa ilalim ng matinding sikat ng araw. Mapapansing buong tiyaga
niyang ginagampanan ang kanyang gawain. Ngunit isang araw ay nasambit niya
sa sarili, “Naku! Pagal na pagal na ang aking katawan sa kahuhugis ng matitigas
na bato. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho
para hindi na magdala ng pait at maso rito araw-araw. Uupo na lamang ako at
magpapahinga. Hindi ko na kailangang magdala ng maso paroo’t parito araw-
araw sa kalsada.”
Tila nagdilang-anghel naman si Hashnu sa kaniyang sinabi.
Parang isang panaginip ang naganap sa kanyang buhay. Nang
nagkakagulo ang mga tao sa daang malapit sa kanyang inuukit
ay nakita niyang naroon pala ang hari. Napansin niya kaagad sa
dakong kanan ang mga sundalong ayos na ayos ang pananamit
at may sandata na handang sumunod sa ipag-uutos ng hari. Sa
kaliwa naman ay nakita niya ang mga taga-sunod nitong
gumagawa ng paraan para lamang mautusan ng hari. Habang
nakatingin si Hashnu, nag-isip siyang maganda palang maging
isang hari at magkaroon ng mga alalay na sundalo at mga
tagasunod na nag-uunahan para mautusan. Agad may narinig
siyang tinig, “Magiging Hari ka.”
Isang himala! Naging ganap na hari si
Hashnu. Maligayang-maligaya si Hashnu.
“Hindi na ako taga-ukit ng mga bato na
nakaupo sa gilid ng daan na may hawak na
pait at mabigat na maso. Isa na akong hari na
nakasuot ng baluti, helmet, at nakasakay sa
pagitan ng mga sundalo, at may tagasunod na
pawang mapitagan sa akin.” Mayabang siya
sa paglakad kaya’t ang kanyang mga tauhan
ay talagang gumagalang sa kanya.
Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubhang
dikit sa kanyang ulo na umaabot sa may kilay kaya
naramdaman niya ang pitik ng ulo. Nahirapan siya.
Namumutla at napagod siya dahil sa matinding sikat
ng araw. Naisip niyang kaya palang panghinain at
talunin ng Araw ang makapangyarihan at iginagalang
na hari. Muli niyang naisip: “Mas makapangyarihan
ang Araw. Napanghina niya ang aking katawan!”
Naisip naman niyang maging Araw at pagkasabi nito
ay isang milagrong muli na siya’y nakarinig ng tinig
na narinig noon at dagli siyang naging Araw.
Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at
sumisikat nang matindi sa kalupaan. Hindi siya sanay
magbigay ng sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot
na sinag nito ang bumagsak sa mundo. Kaya ang mga
nabubuhay sa mundo ay nangatuyo. Ang mga tao ay
lubhang nanangis sa pangyayaring ito. Nagpatuloy pa
rin sa kapangyarihan ang Araw hanggang sa mapansin
niyang ang Ulap pala ay maaaring makulob sa pagitan
ng Araw at ng Mundo.
Napatunayan niya na higit na makapangyarihan ang Ulap
sapagkat kaya nitong takpan ang kanyang sinag. Dahil
sa kaisipang ito ay ninais naman niyang maging Ulap.
Nilukuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat ito
at bumagsak na parang ulan sa mundo. Umapaw ang
tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya napigilan
ang pagbagsak ng dami ng ulan. Ang matinding ulan
ang naging sanhi naman ng pagkamatay ng mga
halaman at iba pang nabubuhay sa daigdig maging
malakas na hangin ang naging sanhi ng pagkabuwal at
pagkabunot ng mga puno. Nawala ang mga tahanan
at ang mga naninirahan dito.
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang kanyang paningin
sa mga bato na hindi man lang natinag sa kanyang
kinalalagyan pagkatapos ng mga sakunang nagdaan tulad
ng malakas na ulan at hangin at maging matinding sikat ng
araw. Muli siyang napaisip. Ninais naman niyang maging
isang Bato at hindi siya nabigo. Tulad ng dati may tinig
siyang narinig upang sabihing siya’y maging isang bato.
Nang siya ay Bato na, narinig niyang muli ang tunog ng pait
habang ito’y ipinupukpok sa kanya. Pati na rin ang maso na
ramdam niyang malakas na tumatama sa kanyang katawan
at ulo. Nalaman niya ngayon na hindi nga siya natibag sa
malakas na ulan at hangin subalit siya ay nakayang hugisan
ng ano mang anyo ng isang manlililok.
Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang
pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan,
muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa
pagiging manlililok. Kagyat siyang nanumbalik sa
dating gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid
ng kalye na nakaupo at nagsisimula na namang
humugis ng iba’t ibang anyo sa mga bato.
Magmula noon, masaya nang nagtrabaho nang
buong husay si Hashnu. Panatag ang kanyang
kalooban araw-araw sa pagiging manlililok.

You might also like