You are on page 1of 2

Hashnu, Ang Manlililok ng Bato

Buod
SI Hashnu ay isang manlililok ng bato na nakatira sa Jiangsu, Nanjing, Tsina. Matagal na niyang
ginagawa ito bilang trabaho.
Isang araw, sinabi niya sa kaniyang sarili na hirap na hirap na siya sa ilalim ng sikat ng araw,
habang naguukit ng bato. Hiniling niya na sana’y maging madali nalang ang kaniyang buhay, at
iyon ay natupad. SIya ay agad na naging isang Hari.

Bilang hari, naging magaan ang kaniyang buhay. Ngunit, nang masikatan ng araw ay siya’y
nahirapan parin. Mas makapangyarihan ang araw kaysa sa isang hari, kaya’t muli niyang ninais
na maging araw, at naging araw siya.

Bilang araw, hindi siya sanay sa pagbibigay liwanag, kaya’t nagkaroon ng tagtuyot sa mundo, at
maraming nahirapan. Nakita ni Hashnu ang mga ulap sa pagitan ng araw at ng mundo, at ninais
niyang maging ulap. Muli, naging ulap siya

Bilang ulap, hindi niya napigilan ang pagbuhos ng ulan. Dahil dito, nagkaroon ng pagapaw ng
tubig sa lupa at maraming namatay. Nakita ni Hashnu ang mga bato sa lupa na mistulang hindi
naapektuhan ng ulan, at sa huli ay naging bato rin siya.

Bilang bato, naging kabaliktaran ng dati ang kaniang buhay. Siya naman ang inuukit ng
manlililok. Napagtanto niya na bumalik na lamang sa dati niyang buhay. Sa huli, naging
manliliok muli siya ng bato, at simula noon ay masaya na siyang nagtrabaho.
Aral
Ang istorya ni Hashnu, ang manlililok ng bato, ay masasabing hindi makatotohanan at tiyak na
nakakagiliw. Sa kabila nito, nagdadala ito ng isang mahalagang aral ukol sa buhay nating bilang
mga tao.

Magaling na manlililok si Hashnu. Ngunit, hindi siya nakuntento sa buhay na ito. Kaya naman,
nang ninais niyang maging isang bagay, natupad ito. Siya ay naging hari, araw, ulap, at bato.
Ngunit, hindi siya naging masaya sa mga naging buhay niya, kaya’t sa huli, bumalik siya sa
pagiging manlilok, at siya’y nakuntento.

Katulad ni Hashnu na isang mahusay na manlililok, lahat ng tao ay mahusay sa isang partikular
na bagay. Ang nais gawin ng tao ang magpapatakbo sa kapalaran niya sa buhay, at kung
ginagawa niya ang gusto niya, siya’y magiging masaya.

Ngunit hindi nakuntento si Hashnu sa buhay niya bilang manguukit, kahit naman siya’y mahusay
rito. Nakita niya ang buhay bilang hari, araw, ulap, at bato na kaniyang ninais. Ngunit sa bawat
buhay niya bilang isa sa mga bagay na ito, ay nagkaroon siya ng problema. Hindi siya nagong
magaling sa mga naging buhay niya, at hindi siya naging masaya. Sa huli, bumalik ulit siya bilang
isang manlililok.

Tulad ng ipinakita sa kuwento, hindi tayo magiging masaya kung iintindihin natin ang buhay ng
iba, sa halip na maging kontento tayo sa ginagawa natin. Dahil bawat isa sa aatin ay magaling sa
isang bagay, ito rin ang dapat nating pagtuunan ng pansin sa ating buhay upang mabuhay tayo
nang masaya.

Sa kuwento ni Hashnu, matututunan ang mahalagang aral na kapag ika’y pagkakaroon ng


pagkakontento sa gawain na iyong gusto at kung saan ika’y magaling, magkakaroon ka ng
kasiyahan sa buhay.

You might also like