You are on page 1of 1

 Bakunawa At Ang Pitong Buwan

Noong lumang panahon ang mundo ay nalalang na may pitong buwan, pitong yaman na nagbibigay
ganda at linawag sa lahat ng nasa balat ng lupa at ibabaw ng sangkatubigan tuwing gabi. Ang pitong
buwan ay kinakatawan ng pitong Dayaw, ang pitong diwata ng buwan. Sila ay magkakapatid na babae
at lalaki, na may magagandan at maamong mga mukha at mga balingkinitang katawan. Lahat ng
nilalang ay nag aabang nabibighani sa kanila sa tuwing sila ay lalabas pag kagat ng dilim. Ang
kagandahan ng mga buwan at sinamba at pinapurihan ng lahat ng nilalang. Nang umawit ng papuri
ang mga ibon at sirena narinig ito ng mga Dayaw na diwata at sila ay natuwa. Nahikayat ng mga awit
ng papuri ang batang diwata na si Bulan, siya ay bumaba sa katubigan. Sinalubung siya ng mga alitap-
tap. Dahil sa napakaganda at napaka amo ng kanyang mukha ni Bulan, nagsihulog mula sa
pagkakalipad ang mga ibon, at ang mga mababangis na sirena ay naging maamo. Gabi gabi ay
bumababa si Bulan sa katubigan, minsan ay kasama niya ang kanyang mga kapatid, na sina Subang,
Banolog at Haliya.
Ang liwanag at kariktan ng mga buwan ay nagbigay liwanag at kaligayahan sa lahat ng nilalang, ang
kanilang liwanag ay umabot hangang sa pusod ng kailaliman, sa pinto ng Sulad. Kung saan nanahan si
Bakunawa. Ayon sa alamat si Bakunawa ay isang napakagandang diwata. Lumangoy siya kung saan
naroon ang mga diwata ng buwan. Doon siya ay nabighani sa taglay nilang liwanag at ganda. Nakita
niyang lumalangoy at nakikipaglaro sa mga sirena at iba pang laman dagat, habang nagliliparan at
nagsisisayaw ang mga lambana para sakanila. Napuno ng panibugho si Bakunawa, Hindi napansin ng
mga diwata ng buwan ang kanyang pagdating. Hindi manlamang siya pinagmasdan ni Bulan. Sa
sobrang galit niya ay nangako siya sa kanyang sarili na mmapapasakanya ang mga ito. Si Bakunawa
ay minsan nang nabighani sa isang batang babae, mula sa isang banwa. Ngunit ng siya ay
dinalanganan ng dilag, ang dilag ay pinaslang ng kanyang mga kaanak sa pag samba sa ibang diyos, sa
pagsamba sakanya. Nangako si Bakunawa na hindi na niya muling mararanasan ang hapdi at sakit sa
kanyang dibdib, sakit ng dulot ng hindi maipaliwanag na nadarama.
Nang sumunod na gabi isang higanteng tila ba ahas at isa, may mahabang dila sing pula ng dugo, may
bibig na sing laki ng lawa at mahabang katawan. Umahon mula sa kaibuturan ng karagatan ang
Bakunawa. Nilapa niya ang unang buwan, natuwa siya sa kanyang ginawa, napasakanya na ang unang
buwan, si Libulan. Bumalik si Bakunawa sa kaibuturan. Naramdaman niyang natunaw sa loob ng
katawan niya ang buwan. Nang sumunod na gabi ay ginawa nya ulit ito. Nilamon niya ang buwan,
Napasakanya si Banilig, at muli ay natunaw ito. Ayon sa mga kwento ang ibang buwan ay nakaligtas
gaya ni Bulan, na kinuha at ginbukot ng diyos ng kamatayan na si Sidapa, Si Mayari naman ay
nakaligtas din nang siya ay bumaba sa kalupaan at nakita niya ang isang lalaki na mag-uunong o
magpapatwakal pagkat wala siyang batuk or palamuti sa balat na tanda ng kagitingan at pagiging
maisug. Ginawang asawa ni Mayari ang lalaki at itinuro sa kanya ang mga lihim ng pangagamot at
pag aanito. Siya ay ang naging unang Asog. Samantala ang natitirang buwan sa kalangitan ay
nalumbay. siya ay nagalit. at kumuha siya ng sinag tala upang gawing sandata, isang kampilan pang
laban sa bakunawa, at mula rin sa sinag tala siya ay gumawa ng pantakip sa kanyang mukha upang
ipagluksa ang mga nawalang kapatid, Siya ay si Haliya. Napagtanto ng Aba na nawala ang mga
buwan sa langit. At ng makita niyang lalamunin ng Bakunawa ang huling buwan, itoy kanyang pinigil
at ginapi. At pinagsabihang huwag gagalawin ang huling buwan. Si Bakunawa ay hindi na muling
naging isang magandang diwata, kung hindi siya ay mananatiling isang halimaw, at pangit gaya ng
kanyang ginawa at binalak sa mga buwan.
Sinasabing minsan minsan ay sinusuway ni Bakunawa ang utos ni Bathala, at tinatangka parin niyang
lunukin ang buwan. At ang mga tao ay dapat mag ingay upang iluwa ni Bakunawa ang Buwan.

You might also like