You are on page 1of 3

ANG TUSONG BANGKUNAWA

Mga bata, marahil ay narinig nyo na ang istorya ng bakunawa na kumakain ng buwan, ngunit alam nyo
bang may sariling bersyon ang mga Tagbanua sa istoryang ito?
Ang tawag nila sa bakunawa ay bangkunawa at talagang isa itong tusong nilalang. Maliban sa kinakain
nito ang buong buwan, ito rin ay nagbibigay ng kamandag sa mga tao! Lumalabas ito mula sa ilalim ng
dagat matapos nitong kainin ang buwan at naghahanap ito ng taong makakagat at mabibigyan ng kanyang
kamandag. Hindi mamamalayan ng kinagat na siya’y kinagat at mapapansin nya na lamang ito kapag
nakaramdam na sya ng sakit. Matapos mangagat ng Bangkunawa ay pupunta ito sa pinakamataas na puno
at pagmamasdan ang kaguluhan na kanyang sinapit.
‘Aray ko po! Inay, Itay! Ang sakit ng braso ko, napakasakit!’ Hagulgol ng isang kawawang bata na
nakagat ng Bangkunawa.
‘Anak ko, anak ko anong nangyari!’
Tuwang-tuwa ang Bangkunawa tuwing naririnig nya ang iyak ng mga taong kanyang kinakagat.
Sa sobrang tuso ng Bangkunawa pati ang malakas na Sawa ay kanyang kinakalaban. Isang araw, kinagat
ng Sawa ang isang babae sa isang maliit tribo.
Nagtaka ang Sawa kung bakit nagsasaya ng mga tao at hindi umiiyak, ngunit lingid sa kanyang kaalaman
ay may ginawa ang Bangkunawa sa likod nya. Lumapit ang Bangkunawa sa mga tao ng tribo at sinabihan
sila na ang Sawa ang kumagat sa babae na iyon, at kailangan nilang magdiwang at magsaya upang wala
nang makagat ng Sawa sa tribo nila.
Nilapitan ng Bangkunawa ang Sawa at siya’y tinukso
‘Ang hina mo naman, wala man lang talab ang kamandag mo sa iyong kinagat HAHAHA’
Tumunog ang tawa ng Bangkunawa sa buong lugar. Ang pagka-tuso ng Bangkunawa ay lubusang
kinainisan ng Sawa at ito’y sumisid sa kinailaliman ng dagat at dito na rin magsisimula ang alamat ng
kamandag, ngunit isa nanaman itong istorya para sa susunod na panahon.

Kwentong Bayan ng Tagbanua na nagmula kay Ginoong Ceverino Deig, 88 taong gulang, nakatira sa
Sitio Buong, Dumangena, Narra, Palawan.
Animation flow
1st scene: Sulat ng title
2nd scene: A lakeside with a full moon (nighttime), then after a few lines, magddrawing ng bakunawa sa
lake. Mukhang kinakain nya yung buwan.
References:
3rd scene: A picture ng village then the Bangkunawa hovering above it. A close-up frame on the lower
side where the Bangkunawa is biting someone.
4th scene: Tall trees and Bangkunawa sitting on the highest one. Frames will pop out on sides, the ones
containing dialogues. Then panic effect.
5th scene: Bangkunawa laughing
6th scene: Bangkunawa and Sawa, over-the-shoulder shot mula kay Bangkunawa.
7th scene: Kinagat ng Sawa ang isang babae (close-up), then abother frame sa gilid na nagpapakita na nag-
ccelebrate ang mga tao at gulong-gulo ang Sawa. Sa baba naman ay magpapakita ng frame na kinakausap
ng Bangkunawa ang tao sa tribo at mayroong speech bubble.
8th scene: Si Sawa at Bangkunawa sa frame, may speech bubble kay Bangkunawa at nang-aasar.
9th scene: Lakeside and then papunta doon ang Sawa, galit.
10th scene: Credits scene

You might also like