You are on page 1of 14

ANG ALAMAT NG BALINTAWAK

Ang Balintawak ay isa sa pinakamasaysayang pook sa Pilipinas. At habang ang mundo ay mundo,
iyo’y mananatiling buhay na sagisag ng isang madugong himagsikang nabunsod dahil sa malabis
na pagkauhaw sa kalayaan at kasarinlan ng lahing kayumanggi sa bahaging ito ng sandaigdigan.
Hanggang ngayon ay nariyan at makikita pa sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio at ng kanyang
mga kasama ang bakas ng isang kahapong natigmak sa dugo, Balintawak!... Diyan naganap ang
makaysayang “Unang Sigaw” ayon sa mga unang tala ng kasaysayan.

Ang Balintawak ay isang pook sa Kalookan na napabantog sa buong daigdig sapagkat diyan
naganap ang makasaysayang “Unang Sigaw” ng mga manghihimagsik na pinamumunuan ni
Andres Bonifacio bilang hudyat ng pagsisimula ng himagsikan noong 1896. Kung paanong
napangalanang Balintawak ang pook na iyon ay siyang mababatid natin sa alamat na ito.

Si Baleng ay isang magandang dalaga na naninirahan sa pook na iyan maraming taon na ang
nakalilipas. Siya’y isinilang na isang ahas ang kakambal na kung tawagin ay Tawak. Dahil sa ahas
na iyon ay nakagagamot si Baleng ng mga taong natutuklaw ng ahas. Si Baleng ay may
kasintahang ang pangalan ay Arsenio. Pagkaraan ng ilang buwan nilang pag-iibigan ay
nagkasundo silang pakasal. Napabalita sa buong nayon ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng
dalawa. Ngunit isang masakit na biro ng kapalaran ang nangyari. Ang kasala’y hindi natuloy,
nagtaksil si Arsenio. Nagpakasal sa ibang babae. Gayon na lamang ang paghihinagpis ni Baleng.
Magkahalong galit at pagdaramdam ang namugad sa kanyang dibdib.

“Taksil na lalaki!”…. ang nagngingingit na sabi ni Baleng. “Salamat na lamng at nakilala ko agad
ang uri ng kanyang pagkatao. Darating ang panahon na magmamakaawa siya sa akin.” Hindi
nagkabula ang sinabi ni Baleng sapagkat isang araw ay dinala si Arsenio sa bahay niya ng asawa
nito at ilang mga kasama. Namaril daw si Arsenio sa gubat at doon ay natuklaw ng ahas.
“Baleng, parang awa mo na, gamutin mo ako,” ang sumasamong sabi ni Arsenio…

“Ikinalulungkot ko,” ang sabi ni Baleng na halatang-halata ang pagdaramdam,… “wala akong
magagawa. Humanap na kayo ng iba na makagagamot sa kanya..” baling niya sa mga kasama ni
Arsenio.

“Baleng, maawa ka na kay Arsenio,” sabi naman ng asawa nito na noo’y umiiyak. “Gamutin mo
siya. Kung tunay mang siya’y nagkasala sa iyo ay patawarin mo na siya. Ang Diyos na ang
bahalang gumanti sa iyo.”

“Dinaramdam ko, ngunit hindi ko magagawa ang pinagagawa ninyo sa akin pagkatapos na ako’y
inyong apihin…” ang matigas na sagot ni Baleng.

“Subali’t Baleng, nasaan ang damdamin mong makatao?” anang mga taong nangaroon at
nakapaligid sa napahamak na si Arsenio.

“Dahil lamang bas a iyong hinanakit ay titiisin mong pagkaitan ng tulong ang isang taong buhay
ay tanging sa mga kamay mo lamang nakasalalay?”
Nagmatigas pa rin si Baleng. Subalit nang Makita niyang nangingitim na ang agaw-buhay na si
Arsenio, ang kanyang pusong umiibig pa rin sa lalaki ay kusang naantig. Kaya’t hiniwa niya ang
bahaging natuklaw ng ahas at sinipsip niya ang dugo upang maalis ang lason. Pagkatapos ay
tinapalan niya iyon ng dahong gamut para sa natuka ng ahas. Gumaling si Arsenio, ngunit ang
kahabag-habag na dalaga naman ang napahamak. Ang kawawang si Baleng ang namatay
sapagkat siya ay nalason ng kamandag nang sipsipin niya ang dugo ni Arsenio. Nagdalamhati
ang buong nayon nang mamatay si Baleng. Bilang alaala sa kanya ng mga kanayon ay
pinangalanan nilang Balen-Tawak ang nasabing nayon na nang malauna’y nauwi sa pangalang
Balintawak.
ALAMAT NG PATING

Noong unang panahon daw ay may isang mayamang Palaweno na kilala sa pagiging gahamang
usurero. Siya si Kablan na lagi nang gustong pagtubuan ang lahat ng kapitbahay na mangingisda
sa kanilang komunidad. Sa sobrang pagpapatubo sa perang ipinauutang, galit na galit ang mga
mangingisdang hindi makapalag sa kaswapangan ng kanilang kababayan.

Sapagkat baon sa hirap ang lahat, napipilitan silang maging sunud-sunuran sa napakatakaw na
mangangalakal. Tanging si Kablan ang may tindahan sa kanilang komunidad. Binabarat niya ang
mga paninda sa siyudad. Ipinagbibili niya ang mga ito na may mataas na patong sa mga pobreng
mangingisda. Hindi sila makaangal sa di makatarungang pagpapautang. Mahusay na mahusay
kumita ng pera si Kablan. Madali ka nitong bibigyan ng paninda kung may sarili kang bangkang
paghahanguan ng mga huling isda sa karagatan. Mas malaki ang bangka, mas malaki ang huli.
Mas malaki ang huli, mas marami rin ang panindang maipapautang sa iyo ng ngingisi-ngising
negosyante.

Isang magdadapit-hapon, habang nagpapasasa si Kablan sa marangyang hapunan, isang uugud-


ugod na matanda ang kumatok sa kanyang bahay.

"O ano, tanda, may problema ba?"

"Na...nagugutom ako. Maaari po bang makahingi ng sobra sa hapunan ninyo?"

"Aba oo, yun lang pala," nakakunot-noong sagot ni Kablan. "Pero sa isang kondisyon, kailangang
bayaran mo. Pagkain ko katapat ng pera mo. Basta may tutubuin ako, lahat ay areglado. Kung
wala kang pera umalis ka na dyan at baka hindi ako makapagpigil sa iyo."

"Maawa kayo, ginoo. Hindi ninyo madadala sa hukay ang yaman ninyo."

"Aba makulit ang matandang ito! Lumayas ka rito! Doon ka sumisid sa dagat. Tiyak na may isda
kang mahuhuli! Sige, layas! Layas!" pinagtulakan ni Kablan ang kaawa-awang matanda na
napasubsob sa tarangkahan ng malaking bahay.

Sa tulong ng mga batang nagsilapit, ang matanda ay nakatindig. Napansin ng mga paslit ang
nagniningning na baston ng matanda. Nagpasama ang matanda sa bahay-bahay. Nagbabala ito
na may darating na lindol sa kapatagan at magbibitak-bitak daw ang lupa sa kapaligiran.
Matapos magbabala ay itinaas ng matanda ang baston.

Namangha ang lahat nang magdilim ang langit at gumuhit ang matalim na kidlat. Sa pagpanhik
ng matanda sa burol ay bumuhos ang malakas na ulan, at yumanig ang lupa.

Sa matinding takot ay nagsunuran ang mga mangingisda sa di nila nakikilalang matanda. Hindi
natinag si Kablan sa loob ng kanyang tindahan. Tuwang-tuwa pa siyang humalakhak. Nakikini-
kinita niya ang paghugos ng mga mangingisda. Tiyak daw na bibili sila ng mga paninda niya.
Naglalaro sa isip niya na ngayong napakalakas ng ulan lalo siyang magtataas ng presyo.

Ipapautang niya ang lahat ng pagkain at damit na bultu-bultong nakaimbak sa kanyang lalo pang
pinalaking bodega.

Sa panghihiyang ginawa ni Kablan, gumanti ang pobreng matanda sa pagsasabing,

"Tulad ng takot na itinanim mo usurero sa lahat ng nangangailangan sa oras ng kagipitan,


magiging isda ka rin na katatakutan ng lahat sa karagatan."

Sa muling pagtataas ng tungkod ng matanda, lalong dumagundong ang mga kulog at tumalim
ang mga kidlat. Tulad ng sinabi nito, ang ulan ay hindi na huminto pa. Sa itaas ng burol, tanaw
na tanaw ng lahat na nagdudumaling lumabas si Kablan sa tindahan. Nanginginig ito sa sobrang
takot.

Papanhik din sana siya sa tuktok ng burol subalit naabot siya ng rumaragasang tubig-ulan na
lalong nagpalalim sa dagat-dagatan. Ang mahagway na katawan ni Kablan ay naging mahabang
isda na may matulis na nguso at matatalim na ngiping parang kakain kaninuman.

Nang balingan ng tingin ang matanda ay wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Nawala itong
parang bula. Magmula noon nakilala na sa Palawan ang pating. Ito ay pinangalanang Hari ng
Karagatan na walang takot kaninuman. Laging kinatatakutan si Kablan sa pagiging usurero sa
Palawan, ang pating naman ay lagi ring kinasisindakan sa kabangisan.
ALAMAT NG BUNDOK KANLAON

Ang mga taga-Negros sa Bisayas noong araw ay namumuhay na tiwasay at mariwasa. Ang
pangalan ng kanilang hari ay Laon, isang taong may magandang kalooban. Ang mga tao roon ay
nagsisigawa sa kanyang bukid at sila'y kahati sa ani.

Isang araw ay umuulan, at ang ulan ay lumakas ng lumakas hanggang sa bumaba sa bukid;
anupa't ang tubig ay umapaw hanggang tuhod, at tumaas hanggang baywang, at nagpatuly ng
paglaki hanggang liig.

Ang mga tao ay natigatig at naisip nila na masisira ang kanilang mga pananim.

Palibhasa'y mahal ng hari ang mga taoat naisip niyang nawala na ang aanihin huwag lamang
mawala ang mga tao. Tinipon ng hari ang lahat ng kampon niya at sinabi, "Gumawa kayo ng
mataas na bunton ng lupa." Sumagot ang mga kampon, "Kami po ay walang mga kasangkapan."

Iwinagayway ng hari ang kanyang birang at pagdaka'y nagkaroon na ngmga piko at pala.

Sinabi ng mga kampon, "Wala po kaming mga bato. Ang bunton po ng lupa ay kaylangan
naliligiran ng mga bato."

Sa hulung wagyway ng birang ay nagkaroon na ng lahat ng kailangan.

Sa sikap at tiyaga ng mga kampon ay nagkaroon ng malaking bundok. Ang nagging taas ng
taluktok ng bundok ay 6,000 talampakan. Duon sila tumahan hanggang sa humupa ang tubig.
Nagpatuloy pa rin sila sa paggawa, nagsihukay sila ng bambang na tungo sa dagat upang siyang
lagusan ng tubig ng sa gayon ay humupa ang tubig sa baha.
May isang malaking ahas na tumira sa bundok na yaon. Ang ahas ay may pitong ulong kakila-
kilabot. Ang kulay ng mata ay luntian at ang ihinihinga ay kakatwa, na kung araw ay usok at kung
gabi ay apoy.

Isang araw ay may dumating na isang binata na ang pangalan ay Kan. Siya'y makisig at
mahiwaga. Nalalaman niya ang ligalig sa bayan at sinabi niya, "Papatayin ko ang ahas. Hindi ako
natatakot."

Sinabi ng hari. "Patayin mo ang ahas at paglkakalooba kita ng mga gabok nag into at ang aking
anak ay ipagkakaloob ko rin sayo upang maging asawa."

Inihanda ng binata ang plano sa pagpatay sa ahas. Dahil sa may kapangyarihan siya sa mga
hayop, tinawag niya ang mga langgam at iniutos niya, "Magsigapang kayo sa buong katawan
niya at inyong kagatin."

Tinawag niya ang mga putakti at iniutos niya sa kanila, "Pupugin ninyo ang kanyang mga mata
hanggang sa mabulag."

Tinawag niya ang mga uwak at iniutos, "Inyong kamutin at tukain ang kanyang ulo at katawan
hanggang sa mamatay."

Sila'y sumunod.Ang ahas ay kanilang napatay.

Pinugot ni Kan ang pitong ulo ng ahas. Ang mga ulong iyon ay inialay sa haring Laon, at mula
noon ay matiwasay na namuhay muli ang mga taga-Negros. Ang binatang si Kan ay nagkamit ng
yaman at napangasawa ang anak ng hari.

Inaalala ng mga taa roo ang binata at ang hari. Ang bundok ay pinangalanang Kan-Laon at ng
magtagal ito'y nagging Kanlaon, bilang parangal kay Kan at Haring Laon.
Alamat ng Ibong Adarna

Sa isang mapayapang kaharian ng Berbanya, may isang hari na ang pangalan ay si Don
Fernando, ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Sila ay may tatlong anak na lalaki. Ang
pinakamatanda ay si Don Pedro, ang ikalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan.

Isang gabi, samantalang natutulog si Don Fernando, nagkaroon sya ng isang masamang
panaginip at sya ay nagkasakit. Ang kanyang panaginip ay tungkol kay Don Juan na sya daw ay
inihagis sa isang balong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan, ipinatawag ang lahat ng
manggagamot sa Berbanya upang gamutin ang hari, ngunit walang makapagpagaling sa kanya.
Hangga't isang ermitanyo ang dumating at nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya
ay ang pitong awit ng Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa puno ng Piedras
Platas sa Bundok ng Tabor.

Isinugo ng hari ang kanyang dalawang anak na lalaki upang hanapin ang Ibong Adarna, ang una
ay si Don Pedro at sumunod ay si Don Diego, ngunit sila ay nabigo sa paghahanap sa Ibong
Adarna. Dahil sa Labis na pagod, sila ay nakatulog sa ilalim ng isang puno na kumikislap ang mga
dahon na parang diamante. Kapag dumapo ang Ibong Adarna sa kalaliman ng gabi ito ay
umaawit at pagkatapos ay umiipot. Nang mapatakan ng ipot ng ibong Adarna ang dalawang
prinsipe, sila'y naging bato.

Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi na nakabalik ang dalawang prinsipe, dahil dito natakot si
Don Fernando na isugo ang kanyang bunsong anak na si Don Juan dahil baka magkatotoo ang
kanyang panaginip. Ngunit nagpumilit si Don Juan na hanapin ang Ibong Adarna.
Samantalang si Don Juan ay naglalakbay upang hanapin ang ibon, nakita nya ang isang ketongin
na humingi sa kanya ng pagkain. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay nya
ang kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito,
tinulungan sya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabi nito na
mayroon isang maliit na bahay malapit sa bundok kung saan nakatira ang isang ermitanyo na
magbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna. At ibinilin din ng
matanda na huwag syang hihimlay sa isang puno na kaiga-igaya ang anyo.

At nagtungo si Don Juan sa bahay ng ermitanyo, pinatuloy naman si Don Juan sa bahay ng
ermitanyo at inanyayahang kumain. Nagulat si Don Juan nang makita nya na ang pagkain na
inaalok sa kanya ay ang kanyang tinapay na ibinigay sa isang ketongin. Kaya't inisip ni Don Juan
na ang ermitanyo at ang ketongin ay iisa. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap,
matalim na labaha, at gintong sintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang Ibong Adarna,
kailangan sugatan nya ang kanyang katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi
sya makatulog. Kailangan din nyang umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng
pitong awit. At kapag nahuli na nya ang Ibong Adarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas na
ibinigay sa kanya ng ermintanyo.

Naging matagumpay si Don Juan na makita at mahuli ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng
matanda. Dinala nya ang Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay sa isang
hawla ang ibon. Kanya ring nailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng
tubig ayon s autos ng ermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan
at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan. Sumang-ayon si Don
Diego sa masamang balak ng kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay
mawalan ng malay. Kinuha nina Pedro at Diego ang Ibong Adarna at dinala ito sa hari.
Gayunpaman, pagdating nila sa hari hindi humuni at umawit ang ibon.

Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi sya halos makagapang sa bugbog na tinanggap
mula sa dalawang kapatid. Isang matanda ang tumulong sa kanya at sya'y hinilot hanggang
gumaling. Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng
balahibo ang ibon at bigla itong umawit. Ang kanyang pitong mga awit ay patungkol sa ginawa
ng dalawang prinsipe kay Don Juan, na doon din gumaling ang hari.

Nais ni Don Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay
Don Juan, nguni't paglao'y nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-usap na rin ni Don Juan.

Ngunit isang gabi na nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan
na pinakawalan nina Pedro at Diego ang Ibon at lumipad ang ibon papalayo sa kaharian ng
Berbanya. Ipinasya ni Juan na umalis at magpunta sa bundok ng Armenia dahil sa takot na sya
ang pagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang
kapatid. Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenia. Sa kanilang paglalakbay
pabalik, isang araw nakakita sila ng isang balon, sila'y bumaba doon ngunit tanging si Juan lang
ang nakaabot sa pondo ng balon at sa ibaba nito nakita nya ang isang napakagandang
ginintuang palasyo. Doon nakita din niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora,
nguni't sila ay binabantayan ng serpente na may pitong ulo at higante. Napatay ni Juan ang
higante at ang serpente. Dahil doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng
balon, nguni't naiwan ni Leonora ang kanyang singsing sa isang mesa. Dagling binalikan ni Juan
ang singsing, nguni't sampung dipa pa lamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling
pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit
inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ay umalis na
patungo ng Berbanya.

Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay
humingi ng pitong taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay nakaligtas na rin
mula sa balon sa tulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito.
Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya, nakatulog sya sa ilalim ng isang puno na sya'ng
pagdating ng Ibong Adarna. Nguni't sya ay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang
mas magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos
Cristal. Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya na hanapin ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't
hindi nya ito matagpuan hanggang maglakbay sya sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang
ermitanyo na may edad na 500 sunbalit hindi rin alam ng ermitanyong ito ang Delos Cristal, kaya
ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang
ermitanyo na may edad na 800, sa tulong ng isang agila na sinakyan ni Juan, siya'y nakarating sa
kaharian. Nguni't ang bilin ng agila, sya'y dapat magtago kung ang tatlong prinsesa ay maliligo
tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria at pagkatapos maligo nito
hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng isang oras ay nagpakita na rin si Juan at
ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa. Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa
at ibinilin nya ang kanyang gagawin kapag sya ay makita ni Haring Salermo.

Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring
Salermo kay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at
pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa
kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa
karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na
banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng
hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang
pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang
isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok
ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria. Dahil doon napilitan si Haring
Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi
ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging
palatandaan ni Juan sa kanya. Nang malaman ni Haring Salermo na matagal ng magkakilala sila
Juan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si Donya Maria. Ang sumpa ay, sya ay
makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.

Dagling umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa
kaharian ng Berbanya pansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Nguni't ng
malaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si
Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora at Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha
sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan
upang maalala ni Juan ang kanilang nakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni
Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don
Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalng si
Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.

Pagkaraan nito umuwi sila Don Juan at Donya Maria sa Delos Cristal at sila ang tinanghal na Hari
at Reyna sa kaharian. Pinamunuan nila ang kaharian na makatao, makatarungan at makaDiyos
na pamumuno. Dahil ditto sila'y minahal ng taong-bayan.

ALAMAT NG PAGONG

Nakakita nab a kayo ng pagong? Ito ay isang uri ng reptilyang nabubuhay sa mga pook na
dalatan o katihan. Ang katawan nito ay nababalutan ng matigas na talukab na sa biglang-tingin
ay tila munting plato 0 batingaw; may apat na paa, maikling buntot, mahabang leeg, at ulong
sapad na lumabas-pumasok sa ilalim ng bao o pinakatalukab na nasa kanyang likod. Ayon sa
paniniwala, nagiging malilimutin ang naglalarong pagong. Maaaring tama o mali ito, ngunit ang
tiyak ay masarap ang atay at itlog nito, na kasing linamnam ng kanyang alamat.

Si Gat Urong-Sulong ay matanda na. Papalubog at patakip-silim na ang kanyang buhay, matapos
niyang landasin ang rurok ng kaningningan. Laos na ang dating kilabot at pangunahing sandata
ng Barangay Lumubog-Lumitaw.

Likas mandin na ang isang bagay ay mahalaga kung ito'y pinakikinabangan; ngunit kung lipas na
at walang saysay, ano pa ang dahilan upang ito'y ingatan? At si Gat Urong-Sulong, na isa nang
inutil, ay nalimutan na ng barangay na kay tagal niyang minahal at pinaglingkuran. Hindi marahil
magkakagayon kung di maagang namayapa ang dating puno ng barangay na si Lakan Dupil.
Nagmistula siyang palaboy ng tadhana na walang nais kumandili.

Isang maliwanag at napakaganda ng gabi, ang buong Barangay Lumubog-Lumitaw ay


nagdiriwang. Ipinagbubunyi nila ang pag-iisang dibdib nina Lakan Alamid at Dayang
Matampuhin. Tanging si Gat Urong-Sulong ang nagmumukmok sa kalungkutan. Ang babaing una
at huli niyang minahal ay nagtaksil sa kanya at sumama kay Gat Alamid na ngayon ay bagong
lakan ng barangay. Iyan palang lalaki, masugatan man ang puso at dibdib, ang lahat ay mababata
at matitiis; ngunit kapag dangal niya ang siyang nagkadungis sasabog ang lupa, babagsak ang
langit!

At tinungo ni Gat Urong-Sulong ang baybay-dagat. Matamlay na umupo sa ibabaw ng isang


malapad na bato. Ang mga larawan ng nakalipas ay isa-isang nagdaan sa kanyang gunita,
hanggang sa ang mga ito ay papanglabuin ng mga patak ng luha. Bigla siyang napabuntung-
hininga nang madama ng sarili ang masaklap na kasalukuyan. At nabuo ang isangpasiyang
mapait. Kung ang puso niya'y bigo at sawi sa pag-ibig, ang lunas ay kagyat na pananahimik...!
Humahalakhak at bumubulong ang hangin at ang laot ng dagat ay kumakaway at nag-aanyaya
ng kamatayan! "Patawarin mo ako Bathala...!" usal ni Gat Urong-Sulong, "Tanging ito lamang
ang lunas!" At siya'y tumindig...lumakad! Kumalabusaw ang tinig... papalayo... papalayo...
patungo sa laot ng karagatan! Subalit atas mandin ng tadhana, biglang umugong ang
kapaligiran, yumanig ang lupa...! Lumindol...! "Ha-ha-ha...!" ani Gat Urong-Sulong, "Ilakas mo pa
at nang mamamatay kaming lahat...!" Tinugon siya nang biglang pagkiwal ng tubig! Kamuntik na
siyang bumaligtad nang siya'y bundulin ng isang nagsusumagsag na munting alon! At sa dako pa
roon ng dagat ay nakita niya na gumugulong, ang nakasisindak at naglalakihang mga
alon...patungo...patungo sa dako niya at sa Barangay Lumubog-Lumitaw!

Umalikabok at uilandang ang mga buhangin sa dalampasigan sa ginawang sagsag-takbo ni Gat


Urong-Sulong! Parang ibininit ng palasong tinungo niya ang barangay...sa dakong kinalalagyan
ng isang malaking gong. Sa nalalabi niyang lakas ay pinalo niya ang gong...sunod-sunod, hataw-
tunog, pandalas...mabilis! Ang "Pag-gong" na iyon ang tanging lunas upang mapatalastasan ang
lahat sa napipintong panganib.
Bawat lakbay-tunog ay umalingawngaw sa buong barangay; sinagap at ipinagsalin-salin ng mga
tambuli sa lahat ang nakagigimbal nitong hatid-patalastas na nagbabayad ng "Madaling Paglikas
sa Burol!" Ang "Pag-gong" ni Gat Urong-Sulong ay patuloy...at patuloy din ang paglikas sa burol
ng libu-libong nilalang. Makalipas ang ilang saglit ay bahagi na ng karagatan ang buong barangay
nang sakmalin ito ng mga rumaragasang dambuhalang alon! "Salamat kay Gat Urong-Sulong!
Kung hindi sa kanyang "Pag-gong" ay wala sinumang makaliligtas sa atin!"

Humupa na ang baha at nagbalik na rin ang mga limikas. Subalit nawawala si Gat Urong-Sulong;
nawawala rin ang malaking gong. Sila marahil ay kapwa tinangay ng baha.

Nalutas ang paghahanap ng mga tao nang isang araw ay makapansin sila ng mahiwagang hayop
sa lugar na dating kinalalagyan ng ging at ni Gat Urong-Sulong. Kataka-taka ang anyo ng hayop
na iyon na ang talukab sa likod ay mistulang larawan ng gong na nawala. Nagpasiya ang Pandita
ng barangay. "Ang mahiwagang hayop na ito ay tatawagin nating 'Pagong' mula ngayon, bilang
pagkilala sa isang ulirang pagpapakasakit ng isang dakilang puso."
Alamat Ng Anay

Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may norte.
Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si
Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang
kanyang ina pero isinilang parin siya.

Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito. Ayaw siyang
pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain. Nakasanayan ni Ranay ang umasa
dahil sa pagpalayaw na tinatanggap.

Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na payat na
ang ama't ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Si Ranay naman ay lalong
nagkakagana sa pagkain. Kahit ano ay masarap sa panlasa niya.

Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan, maging ang kakainin
na lang ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain.

Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang ama at
ina.

Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya ang kikilos at
magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.

Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay may napansin ng dating kapitbahay na pabagsak
ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong kumakain ng kahoy.

Naalala nila si Ranay. Marahil nila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na katagalan
ay naging anay.
Proyekto sa
Filipino
(Mga Alamat)

Ipinasa ni: Kristine Joy A. Terite

You might also like