You are on page 1of 4

CABIDES, MARY JANE M.

BSAR-5

ALAMAT NG CATARMAN HILAGANG SAMAR

(ALAMAT)

Noong unang panahon may isang magsasaka na nasipag at sari-saring mga malulusog

na pananim ang tumutubo sa gilid ng baybayin. Ang mga produkto niyang gulay at punong

kahoy ay binabarter niya sa ibang pangpangunahing gamit sa bahay. Isang araw habang masaya

siyang naggagapas ng mga tumutobong damo sa kanyang mga panamin may dumating na mga

kastila na lulan sa barko at dumaong sa dalampasigan malapit sa kanyang pananim. Siya ay

kinaway ng isang lunan ng bangka, at lumapit naman siya na nakangiti na dala ang kanyang

bulo na gamit saa paglinis ng kanya mga pananin. Anong lugar ito rito? tanong ng Espanyol sa

magsasaka sa salitang kastila? Ngunit narinig lang ng magsasaka pero hindi nya naintindihan

ang sinabi ng Espanyol sa kanya. Habang nagtatanong ang kastila ay nakatitig ito sa talim ng

kanyang itak kay ang akala niya ay iyong ang itinatanong sa kanya at isinagot niya ay

KATARUMAN na ibig sabihin na ang matalim sa parte ng itak. Mula noon Kataruman na ang

tawag ng mga Kastila sa lugar tuwing sila ay pumupunta. At sa kalaunan ay naging bayan ng

Catarman.
CABIDES, MARY JANE M. BSAR-5

BALUD
(AWITING BAYAN)

Mga balud
Nagpapasibo ha kadagatan Kakuri gud mahidakpan Inin balud
Ha baras napulilid Kon diri hira nag-isog Hay Intoy.
Kamakuri mo pagdad-on Baga-baga ka gud la Hinin balud
Kon nasisina nalakat ka
Mag-uusahan ako, tabi.

KORO:
Kay ano nga ginbaya-an mo ako?
Waray na balud inin lawod ko Hain na an mga haplas mo?
Nailiw na an baras ngan bato
Bisan la
Danay di nagkaka-asya Sugad han langit ug tuna Kon an gugma Nga marig-on o masarig Di
mapapara hin balud.

KORO:
Kay ano nga ginbaya-an mo ako?
Waray na balud inin lawod ko
Hain na an mga haplas mo?
Nailiw na an baras ngan bato
Balik na kamahidlaw na ha imo Waray na balud hinin lawod ko Hain na an mga haplas mo?
Nailiw na an baras ngan bato
Hain na an mga haplas mo?
Nailiw na an kasingkasing ko
CABIDES, MARY JANE M. BSAR-5

ANEKDOTA SA BUHAY NI MANUEL L. QUEZON

(ANEKDOTA)

Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka’t may-sakit, ay

dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng

Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan

na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka’t

ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating.

Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang

sinabi, “Mr. President, the prest is here.”

Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang “priest”, inakala ng Pangulo na ang kanyang

panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, “Sabihin mo sa ‘press’ n

aumunta sa impyerno.”

Subali’t bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng

Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.


CABIDES, MARY JANE M. BSAR-5

IBALON
(EPIKO)

Si Baltog, isang bantog na mandirigma, ay mula sa Batavara at naparaan sa Bikol.


Napamahal sa kanya ang Bikol dahil sa maganda nitong tanawin. Lumipas ang mga taon at
siya ay naging hari ng Ibalondia. Siya ay napamahal sa mga tao roon dahil sa siya’y
maunawain, matapang at makatarungan.

Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang dambuhalang baboy-ramo na pumuksa


sa ani ng mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal. Si Baltog, ang bayaning
katulad ni Beowulf, ay siyang pumatay sa higanteng baboy-ramo. Nagbalik na muli sa
Ibalondia ang katahimikan.

Nang tumanda si Baltog, sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng kalabaw,
mga pating na lumilipad at buwayang ganggabangka. Si Handiong na naparaan doon ang
sumagip sa kahambal-hambal na katayuan ng kaharian. Pinagpapatay niya sa tulong ng
kanyang mga kawal ang mga damulag.

May isang kaaway na hindi mapasuko ni Handiong. Ito’y si Oriol na minsa’y ulupong
at minsa’y nakabibighaning binibining nais manlinglang. Siya’y hindi nagtagumpay kay
Handiong. Hindi niya madaya ang bayani kaya kanyang tinulungan ito upang lipulin ang mga
salimaw, ang mga malignong mapanligalig. Si Oriol ay naniniwala sa kasabihang “Kung
hindi talunin, makiisa sa layunin.”

Ang kilabot na si Rabot ay dumating sa Ibalondia. Kung kanyang maibigan, ang mga
tao’y kanyang nagagawang pawang bato. Sapagkat na si Handiong, ang humalili sa kanya na
bagong tagapagligtas ay si Bantong.

Ang dambuhala ay napatay ng makapangyarihang espada ng bagong manunubos.


Dahil sa labanan, ang lupa ay yumanig at umalon ang karagatan. Nang matapos ang malagim
na sagupaan, namalas na may maliliit na pulo sa dagat sa kalapit ng Ibalondia. Nagbago ng
landas ang Ilog Inarinan. Ang bundok ng Bato ay lumubog at ito’y naging lawa. Namalas sa
gitna ng mga sira-sirang paligid ang isang umuusok na bulkan. Iyan ang Bulkan ng Mayon
ngayon.

You might also like