You are on page 1of 3

Buod ng Epikong Ibalon

Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni Handiong, ang
pinuno ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang
kalagayan sa lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang
kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa gutom
dahil sa kawalan ng pagkain. Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pagaani.
Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang buhay na
walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-araw.
Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat sa gutom.
Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata
ang kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.
Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa.
Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan.
Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng
ama't-ina. Siya din ay nalungkot.
Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at
matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan.
Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang maliit
na bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan. Marami na siya ring
narinig tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung makakahanap siya ng lugar kung saan sila
maninirahan habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang malakas na hangin at
malalaking alon na sumira sa kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na siyang
malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng Kabikulan.
Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at Inalon na
sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at Lignion.
Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang
lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay
maganda para sa kanilang mga hayop. Para itong lupain ng gatas at pulot.Nais ko ang lupaing ito
para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili.
Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang buwaya na may
pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng
isang babae. Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya nilabanan niya
ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa mano-

manong pakikipaglaban natalo niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpirapiraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan.
Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila
nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang
Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga
mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang
kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon
ang gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan.

IBALON (epiko)
Kilala ang Bicol sa kanilang matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng isang
makatang manlalakbay na si Cadugnung na isinalin Fr. Jose Castao. Ang nasabing epiko ay
nalathala sa Madrid sa tulong ni Wenceslao Retana.
Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Espaol sa sinaunang lupain ng mga
Bicolano. Naging batayan nito ang mga ibal o ibay na kauna-unahang pangalan ng tangway
ng Bicol. Salitang pinaikli ang ibal ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa
Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.
Binubuo ng sampung saknong na may tig-4 na linya o talutod. May sukat na
lalabindalawahin. May dalawang bahagi ang epiko. Naglalaman ng kahilingan ni Iling (isang
ibong laganap sa kabikulan at kung inaalagaan ay madaling turuang bumigkas ng ilang salita)
kay Cadugnung na awitin ang mga pangyayaring magpakilala sa kabayanihan ni Handyong.
Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Cadugnung na naglalaman ng mga
pangyayaring naganap noong matagal na panahon.
Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan
buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas nitong kagandahan,
naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-ramo. Sinaksak niya ang
mabangis na hayop sa pamamagitan ng kanyang sibat. Pagkatapos ay sinunggaban niya ang
mga panga at binali ang buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis
na humanga ang mga mangangasong buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at makita
ang pangit at panga ng baboy-ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang baboy-ramong
ito ay buhat daw sa bundok ng Lingyon at tinatawag na Tandayag.
Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kayat kinilala siyang pinuno ng pook
na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang lahat ng kanyang
nasasakupan.
Matapos ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon
ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may
pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya.
Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang
kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang
nagngangalang Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga
tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa paglipol ng mga
dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng mga
mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kayat mula noon si
Handyong naman ang humaliling bayani ng epiko.
Nakalaban din at napatay ni Handyong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila.
Isa rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ito ay napatay ni Handyong. Ang
labanan ay umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at Simarong kalabaw na
lumilipad ay nalipol lahat. Ang mabangis na Sarimaw ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit
isa pang dambuhala ang nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siyay si Oryol, isang tusong ahas na
nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang

mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-aakit


na ginawa kay Handyong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handyong, kayat
naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol.
Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng
ilang orang-utang ang labanang ito at silay nasindak.
Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siyay
nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa
kanyang pagpapahinga siyay nagtanim ng gabi ang laman ay kasinlaki ng pansol. Nagtanim
din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa
kanyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang
gumawa ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikakabuti ng lipi.
Binanggit din sa epiko na si Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang
naglayag sa ilog Bicol na si Cuinantong. Lalong naging kahanga-hanga si Cuinantong nang
magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang gianwa niya. Ginawa rin ni Cuinantong ang
araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng
kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang
lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Surat naman ang gumawa ng ABAKADA at
inukit sa batong libon.
Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay moog
sapagkat itoy nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko silay tumatahan sa itaas ng
punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insektot hayop na
naglipana sa pook. Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na
manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa
pamilya.
Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang
baha ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisisndak na bagyo na may kasamang malakas na ulan
ang nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay
tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang epiko ay
nagwakas sa kasaysayan ni Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi niyang
kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog ni Rabut,
isang dambuhalang kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siyay isang
mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman.
Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga
tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang itoy natutulog. Tinaga ni Bantong ang
tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong
bayan.
Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang
dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr.
Jose Castao:
Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit
maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya hindi na natapos kung kayat
nananatiling walang karugtong ang epiko.

You might also like