You are on page 1of 2

Seco, Glazy Kim BSED F-4B

HUDHUD: Ang kwento ni Aliguyon


Epiko ng mga Ifugao

Magaling sa pakikipaglaban si Aliguyon. Bata pa lamang siya ay


tinuturuan na siya ng kanyang ama na si Antalan kung paano makipaglaban.
Lumaki si Aliguyon sa isang malawak na bukirin sa kanilang lugar. Kadalasan
niyang ginagawang kalaban ang kanyang mga kalaro na mga bata sa
kanilang pook. Una niyang sandata ay isang trumpo kung saan ay kahit sino
man ang matamaan na ibang trumpo nito ay tiyak na mabibiyak.

Lumaki si Aliguyon na puro pagsasanay ang pinapagawa ng kanyang


ama. Talagang inihanda siya nito para ipaghiganti sa matagal na nitong
kaaway na si Pangaiwan. Lumaki si Aliguyon sa panahon ng hidwaan at puot
ng kabilang tribu na bunga ng nakaraan. Kaliwa’t kanan ang panganib na
kanilang nasasalubong hanggang sa dumating ang araw na itinakda para sa
laban ni Aliguyon. Handang-handa na siya, sa araw ng kanyang paglalakbay
para hanapin ang kalaban ay nagdala pa siya ng maraming mandirigma nila
ngunit, laking gulat ni Aliguyon ng ang kanilang madatnan ay hindi si
Pangaiwan, kundi ang anak din nito na si Dinoyagan. Mahusay din si
Dinoyagan sa pakikipaglaban dahil katulad ni Aliguyon ay inihanda rin ito ng
kanyang ama na si Pangaiwan para ipaghiganti sa kalaban na si Amtalan.

Naglaban ang dalawang anak ng magkaaway. Parehong magagaling na


mandirigma. Nagsimula ang kanilang labanan ng kakasibol pa lamang ng
mga palay. Nagdaan ang isang araw, inabot ng lingo, buwan hanggang sa
namunga na ang mgapalay ay naglalaban pa rin sila. Inabot na rin ng taon
at nagpalipat-lipat na sila ng mga bayan at bundok sa kanilang labanan
hanggang sa sila ay nag desisyon na huminto. Walang nasugatan o galos
man lang sa kanilang ginawang laban. Napag desisyonan ng dalawang
mandirigma na itigil na ang hidwaan ng dalawang pamilya. Nagkamay ang
dalawa at nagyakapan. Naging magkaibigan silang dalawa, ipinangako sa
isa’t isa na simula sa araw na iyon ay nagiging magkaibigan na sila. Naging
mas malapit pa sila sa isa’t isa ng maging asawa ni Aliguyon ang kapatid ni
Dinoyagan at naging asawa naman ni Dinoyagan ang kapatid ni Aliguyon.
Nagkaisa ang dating dalawang magkaaway nang pamilya. Natapos ang
hidwaan at puot ng nakaraan dahil sa dalawang dakilang magkaibigan.

ARAL:
Ang aral sa epiko ng HUDHUD: Ang kwento ni Aliguyon ay hindi ang
pakikidigmaan ang solusyon sa matagal na alitan ng bawat pamilya kundi
ang solusyon nito ay ang pagpapakumbaba at ang paghingi ng tawad kung
ikaw ay nagkasala at upang maiwasan ang alitan palaging isipin na tayong
lahat ay hindi perpekto kung kaya't tayo ay nakakagawa ng kasalanan.
Ugaliing idaan sa mabuting usapan ang mga away upang makamit ang
kapayapaan at para hindi humantong sa masaklap na pangyayari.

You might also like