You are on page 1of 3

Epiko ng Ibalon

Kilala ang Bicol sa kanilang matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng isang


makatang manlalakbay na si Cadugnung na isinalin Fr. Jose Castaño. Ang nasabing epiko ay
nalathala sa Madrid sa tulong ni Wenceslao Retana.

Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Español sa sinaunang lupain ng mga
Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan ng tangway
ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa
Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.

Binubuo ng sampung saknong na may tig-4 na linya o talutod. May sukat na


lalabindalawahin. May dalawang bahagi ang epiko. Naglalaman ng kahilingan ni Iling (isang
ibong laganap sa kabikulan at kung inaalagaan ay madaling turuang bumigkas ng ilang salita)
kay Cadugnung na awitin ang mga pangyayaring magpakilala sa kabayanihan ni Handyong.
Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Cadugnung na naglalaman ng mga
pangyayaring naganap noong matagal na panahon.

Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan


buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas nitong kagandahan,
naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-ramo. Sinaksak niya ang
mabangis na hayop sa pamamagitan ng kanyang sibat. Pagkatapos ay sinunggaban niya ang
mga panga at binali ang buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis
na humanga ang mga mangangasong buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at makita
ang pangit at panga ng baboy-ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang baboy-ramong
ito ay buhat daw sa bundok ng Lingyon at tinatawag na Tandayag.

Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kaya’t kinilala siyang pinuno ng pook
na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang lahat ng kanyang
nasasakupan.

Matapos ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon


ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may
pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya.

Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang
kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang
nagngangalang Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga
tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa paglipol ng mga
dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng mga
mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kaya’t mula noon si
Handyong naman ang humaliling bayani ng epiko.

Nakalaban din at napatay ni Handyong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila.
Isa rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ito ay napatay ni Handyong. Ang
labanan ay umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at Simarong kalabaw na
lumilipad ay nalipol lahat. Ang mabangis na “Sarimaw” ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit
isa pang dambuhala ang nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siya’y si Oryol, isang tusong ahas na
nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang
mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-aakit
na ginawa kay Handyong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handyong, kaya’t
naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol.
Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng
ilang orang-utang ang labanang ito at sila’y nasindak.

Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siya’y
nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa
kanyang pagpapahinga siya’y nagtanim ng gabi ang laman ay kasinlaki ng pansol. Nagtanim
din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa
kanyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang
gumawa ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikakabuti ng lipi.

Binanggit din sa epiko na si Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang


naglayag sa ilog Bicol na si Cuinantong. Lalong naging kahanga-hanga si Cuinantong nang
magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang gianwa niya. Ginawa rin ni Cuinantong ang
araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng
kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang
lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Surat naman ang gumawa ng ABAKADA at
inukit sa batong libon.

Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay “moog”
sapagkat ito’y nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko sila’y tumatahan sa itaas ng
punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insekto’t hayop na
naglipana sa pook. Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na
manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa
pamilya.

Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang


baha ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisisndak na bagyo na may kasamang malakas na ulan
ang nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay
tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang bundok ng Bato ay
lumubog at ito’y naging lawa. Namalas sa gitna ng mga sira-sirang paligid ang isang umuusok na
bulkan. Iyan ang Bulkan ng Mayon ngayon. Ang epiko ay nagwakas sa kasaysayan ni Bantong,
isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi niyang kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang
katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at
kalahating hayop ang katawan. Siya’y isang mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman.
Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga
tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang
tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong
bayan.

Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang
dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr.
Jose Castaño:

Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit


maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya hindi na natapos kung kaya’t
nananatiling walang karugtong ang epiko.
Katangian ng Epikong Ibalon:

Ito ay binubuo ng animnapung saknong na may apat na taludtod ang bawat saknong. Ang sukat ay
labindalawang pantig ang bawat taludtod. Ito ay isinalin ni Fr. Jose Castaño sa Kastila. Ang kayarian ng
epikong Ibalon ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang kahilingan ni Iling kay
Kadugnung na awitin nito ng huli ang mga pangyayaring nagpapakilala sa kabayanihan ng bayaning si
Handyong. Ito ang nilalaman ng unang bahagi na may anim na saknong.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Kadugnung na naglalaman at naglalahad ng mga
pangyayaring naganap noong matagal na panahon.

ILING – isang ibon na laganap sa Kabikulan at kung inaalagaan ay maaaring turuang bumigkas ng ilang
salita.

KADUGNUNG – mang-aawit at matalinong makata at sa kahilingan ni Iling ay inawit niya ang epiko. Siya
ang nagsalaysay ng epiko kay Fr. Jose Castaño.

https://pinoywritings.blogspot.com/2012/01/ibalon-epiko.html

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-ibalon-epikong-
bicolano_602.html

https://www.tagaloglang.com/ibalon/

You might also like