You are on page 1of 3

Magandang araw po, ang aking presentasyon ay tungkol sa mitolohiyang pilipino na batay sa mga

paniniwala, sa mga tradisyon at mga kanilang tribo. May mga iba’t ibang Diyos at Diyosa ng mga
Pilipino, at narito nag iba’t ibang diyos at diyosa, si bathala Siyá ang pinakamataas sa mga diyos at
diyosa na katulong niya sa papapanatili ng katiwasayan ng mundo .Sinasabing nakatira siyá sa
kalangitan. Bundok arayat

May dalawang kapatid si bathala ito ay sila Ulilang Kaluluwa and Galang Kaluluwa, si ulilang kaluluwa
ay isang serpyente na naninirahan sa mga ulap. Si galang kaluluwa ay diyos na may pakpak at siya ay
mahilig maglakbay.

May tatlong anak si bathala sa isang mortal, sila mayari,tala at hanan. Si mayari ay diyos ng buwan at
sabi ay siya may isang mata lamang, susunod si tala na diyos ng mga bituin at si hanan na diyos ng mga
umaga.I to ay isa sa mga kuwento ng mga katutubo ng Pampanga na base sa mitolohiya ng mga Tagalog.

Aman Sinaya ay Dyosa ng karagatan at siya ang taga pangalaga ng mga mangingisda mula sa tagalog
region at siya ang karibal ni bathala at ang kanilang dahilan ng pag aaway ay ang pag kabuo ng ating
arkipelago. Nabuo ang ating mga isla at kabundukan dahil sa pinadalhan niya ng malakas na alon ang
diyos ng langit.

Idianale siya ang diyosa ng Paggawa at Mabuting Gawain at isa ito sa katulong ni bathala na nakatira sa
langit, at dito niya napangasawa ang diyos na si dumangan

Dumangan ang Diyos ng masaganang ani sa kultura ng zambales, at nakatira rin sa kalangitan at ang ama
nila Dumakulem at Anitun Tabu.

Anitun Tabu - Diyosa ng Hangin at Ulan, o kilala sa zambalaes na aniton tauo at sinasabi na may mataas
siyang posisyon pero binaba lang ang kaniyang posisyon dahil sa kanyang kayabangan

Mapulon, ang Diyos ng Panahon mula sa tagalog region na asawa ni lakapati. Siya ang itinuturing
pinakamabait sa mga diwata at kilala bilang diwata ng kalusugan ang ama ni Anagolay at minamanipula
niya ang panahon para magpatubo ng mga halamang gamot para sa mga may sakit.

Lakapati - ang diyosa ng pagkamayabong at agrikultura ng tagalog region at isa mga pinakamabait na
diwata sa mga tagalog. Tuwig panahaon ng ani ay itinataas nila langit ang kanilang mga anak at
nagdadasal.

Dumakulem, ang diyos o tagapangalaga ng Kabundunkan. Siya ay isa sa mga magaling na mangangaso
noong sinaunang tagalog

Dian Masalanta diyosa ng pag-ibig, pagsilang, pagkamabunga at pinakamabait at mapagmahal sa mga


diyos ng langit, pinarusahan si Dian Masalanta nang umibig siya sa isang mortal. Ipinatapon siya sa
mundo ng mga tao, isang parusa na labis niyang ikinasaya dahil makakasama na niya ang kanyang mahal

Apolaki ay diyos ng araw at mandirigma na mula sa tagalog at pangasinan region, ang liwanag ng
kaniyang mata ay nagsisilbing ilaw sa buong mundo. Nabulag ang isang mata ni mayari dahil piang
awayan nila kung sino dapat ang magmamana sa trono.

Libulan diyos ng buwan at Patron God ng Homosexuality sabi ng iba ay naakit ng kagandahan si Sidapa
at niligawan niya ito at ngayon ay magkasama pa rin sila at masayang naninirahan sa Mt. Madjaas sa
Panay.
The 3 Anito (Tagalog and Pampanga Regions)- Lakan Bakod diyos ng Bakod, Lakambini diiyos ng
kapurihan at si Lakan Danum diyos ng tubig ito ang mga diwata na inatasan ni Bathala na mamuhay
kasama ang mga mortal

Sitan diyos ng kamatayan o pinuno ng kasamaan at inakit niya ang mga mortal na gumawa ng masama
sa tulong ng kanyang apat na alagad na sila Manggagaway, Manisilat, Mangkukulam, and Hukluban.

Aring Sinukuan – (Kapampangan Region) diyos ng digmaan at kamatayan na naninirahan sa mt. arayat.
Siya ang nagturo sa mga sinaunang kapampangan ng metalurhiya, pangangahoy at pagpapalay at may
tatlo siyang anak sina Munag Sumalâ, , Lakandanup, and Gatpanapun

Apung Malyari- kapampangan region diyosa ng buwan at walong ilog na mortal kaaway ni aring
siukuan at taga bantay ng mt.pinatubo

Nilalayong ng pilipinong mitolohiya na ipaliawag ang mundo na sumasalamin sa kultura, mga kaganapan
sa mga lipunan na lumilikha ng mga kwento.

ang mitolohiya ay ang katawan ng mga kwento at epiko na nagmula sa mga katutubong relihiyon ng nga
Pilipino, na nagsasama ng iba`t ibang paniniwala sa etniko na magkakaiba sa bawat isa. Ang
mitolohiyang Pilipino ay isinama mula sa iba`t ibang mga mapagkukunan, na may pagkakatulad sa mga
alamat ng Indonesia at Malay

Kaya ko napili ang sirena dahil ang mga sirena ay magaganda pero mapanganib. isang tradisyon ang
nagsasaad ng kanilang pinagmulan at sa kabiguan upang maiwasan ang panggagahasa sa kanila, sila ay
ginawang Sirena bilang parusa.

Kung ako ay mabibigyan ng tyansya na makasali sa mitolohiyang pilipino, ang pipiliin ko ay si Idianale
dahil siya ang diyosa ng Paggawa at Mabuting Gawain at isa ito sa katulong ni bathala na nakatira sa
langit. Siya ang aking napili dalhil nais kong itama ang ang gawain ng mga ibang tao at para gumaya ang
kapwa ko pilipino na sa panggawa ng mabuti.

You might also like