You are on page 1of 4

IMUS NATIONAL HIGH SCHOOL

Schools Division of Imus City


Region IV – CALABARZON

FILIPINO 10
GAWAING PAMPAGKATUTO

ARALIN BLG. 1 KWARTER: 3


NILALAMAN: Mitolohiya

Iskor :
Pangalan : FRANCISCO JON MAVERICK N.
Antas at Seksyon : 10-AMENTHYST
Guro : REA JOANNA DAYRIT

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO at KODA

F10PN-IIIa-76 : Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at


Persia.
F10PB-IIIa-80 : Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa :
-suliranin ng akda
- kilos at gawi ng tauhan
- desisyon ng tauhan

II. MGA GAWAIN

ISAISIP MO: MGA GAWAIN AT PAGSASANAY

PANITIKAN

Babasahin ng Guro

Ang mitolohiya ay koleksyon ng mga mito. Ang mga mito ay tradisyonal na istorya na karaniwang
tumutukoy sa sinaunang tao o pangyayari. Ito ay karaniwang may bahid ng mga kakaibang
kapangyarihan ng mga tao at pangyayari. Ang Aprika at Persia ay may mga mitolohiya rin. Narito
ang pagkakaiba ng mitolohiya ng Aprika at Persia:

I. Mitolohiya ng Aprika
Ang mitolohiya ng Aprika ay may makabuluhang parte sa araw-araw na pamumuhay ng mga
Aprikano. Kadalasan, ang mga mito nila ay tumutukoy sa mga unibersal na mga tema, kagaya na lamang
ng pinagmulan ng mundo at kapalaran ng sangkatauhan pagkatapos ng kamatayan.
Ginagamit ng maraming mga mito ng Aprika ang mga lugar, kundisyon at kasaysayan ng kontinenteng
Aprika.

II. Mitolohiya ng Persia


Sa kabilang banda, ang mitolohiya naman ng Persia ay mga tradisyonal na kwento na tumutukoy
sa mga kakaibang mga nilalang. Ang mitolohiya ng Persia ay sumasalamin sa mga kaugalian ng lipunan
kung saan nabibilang ang mga taga-Persia. Kabilang dito ay ang kaugalian sa pagharap sa mga mabubuti
at masasama, mga aksyon ng mga diyos at mga karanasan ng mga bayani at kakaibang nilalang.
Iyan ang ilan lamang sa mga pagkakaiba ng mitolohiya sa Aprika at Persia.

Source: https://brainly.ph/question/1944700

GAWAIN 1:
Panuto: Pakinggang mabuti ang teksto/talatang nasa itaas na babasahin ng magulang (MDL).
Isulat ang PK sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng PAGKAKAIBA at PT naman
kung nagsasaad ng PAGKAKATULAD ng Mitolohiya ng Aprika at Persia.

__PK___ 1. Ang mitolohiya ng Aprika ay may makabuluhang parte sa araw-araw na pamumuhay


ng mga Aprikano samantalang ang mitolohiya naman ng Persia ay mga tradisyonal na kwento
na tumutukoy sa mga kakaibang mga nilalang.
__PK___ 2. Nagtataglay ng mga mitolohiya na tradisyonal na istoryang karaniwang tumutukoy sa
sinaunang tao o pangyayari.
__PK____ 3. Ang mga mito ng Aprika ay tumutukoy sa mga unibersal na mga tema, kagaya na
lamang ng pinagmulan ng mundo at kapalaran ng sangkatauhan pagkatapos ng kamatayan.

__PT____ 4. Ang mitolohiya ng Persia ay sumasalamin sa mga kaugalian ng lipunan kung saan
nabibilang ang ang kaugalian sa pagharap sa mga mabubuti at masasama, mga aksyon ng mga
diyos at mga karanasan ng mga bayani at kakaibang nilalang.

__PT____ 5. Ang mga mito ay karaniwang may bahid ng mga kakaibang kapangyarihan ng mga
tao at pangyayari.

GAWAIN 2:
Panuto: Lagyan ng ( ∕ ) ang patlang sa unahan ng bilang kung ang pangungusap ay nagsasaad
at nagpapaliwananag ng pagkakaiba at pagkakatulad ng Mitolohiya ng Persia at Africa at (X)
naman kung hindi.
___/___ 1. Ang Mitolohiya ng Africa at Persia ay binubuo ng ibat-ibang karakter na mala Diyos at
sumailalim sa ibat-ibang kultura at paniniwala na nabuo sa mga bayan na ito.

___/___ 2. Ang Mitolohiya ng Persia ay puno ng mga nakakatakot na halimaw gaya ng


Hadhayosh
Manticor at iba pa, samantalang ang mitolohiya ng Africa ay may mga karakter na gumagawa ng
kabutihan para sa komunidad.

__X____ 3. Ang mga akda ng Africa at Iran (Persia) ay nagdala ng kakaibang pagbabago sa
panitikan. Isa sa mga naiambag ng dalawang bansa ay ang kanilang mahuhusay at malikhaing
manunulat na nagpakilala sa kanilang paniniwalang surfism kung saan ang isang indibidwal ay
napapaunlad sa pamamagitan ng kanyang pandama.

__/____ 4. Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mga
mitolohiya na higit na nagpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang
Kenya, Ang heograpiya naman ng Persia (Iran) ksama ang matataas na saklaw ng bundok
ay gumaganap sa isang mahalagang papel sa mga kwento ng kanilang mitolohiya.

___/___ 5. Ang kawastuhan at katapatan sa pagsulat ay isa rin sa mga naibahagi ng Africa at
Persia
sa mundo ng panitikan lalo sa larangan ng pilosopiya at paniniwala.

Source: https://mimirbook.com/tl/1b399d4fc89

GAWAIN 3 :
Panuto: Basahin ang mito at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Kwento ( Mitolohiya ng Pilipinas : Bersiyon ng Visayas )


Ilang daang libong taon na ang nakakaraan, wala pang kalupaan sa mundo at tanging
karagatan lang at malawak na himpapawid ang makikita dito. Sa ilalim ng karagatan ay ang
kaharian ng napakagandang Bathalang si Maguayen, kasama niya ang kanyang anak na babae
na si Lidagat. Sa likod naman ng mga ulap, ang kaharian ng magiting na Bathalang si Kaptan at
ang anak niyang lalaki na si Lihangin. Isang kasalan ang naganap ng umabot sa hustong gulang
ang dalawang anak ng mga bathala ayon na din sa kanilang kasunduan, di naglaon ay
nagkaroon ng tatlong anak na lalaki at isang babae sila Lihangin at Lidagat. Ang panganay nila
ay si Likalibutan; matapang, malakas at malaking nilalang na ang katawan ay gawa sa mga lupa
at malalaking bato. Ang ikalawa ay si Liadlaw; gawa sa ginto ang katawan, masayahin,
masunurin at gustong gusto niya na napapasaya niya ang mga magulang at kapatid. Ang ikatlo
ay si Libulan; taglay ang katangian ng isang tingga, mahina ang pangangatawan, tahimik at
mahiyain. Ang huli ay ang nag iisang anak na babae na si Lisuga; maganda, mabait at
nagniningning dahil sa gawa ang katawan sa purong pilak. Masayang masaya sa kanilang mga
anak sila Lihangin at Lidagat. Ibinigay kay Likalibutan ang pamamahala sa kaharian ng hangin
ng pumanaw ang kanilang ama na si Lihangin, hindi nagtagal ay sinundan ni Lidagat ang
kanyang kabiyak. Ilang taon makalipas ang pagpanaw ng mga magulang, dumalaw si
Panlinugun; ang Bathala ng kailaliman, kay Likalibutan, kasama niya si Burigadang Pada
Sinaklang Bulawan; ang Bathala ng kasakiman. Ipinagmalaki ni Likalibutan ang kanyang taglay
na kapangyarihan sa dalawa, ngunit sinabi nila na higit na mas malakas ang taglay na
kapangyarihan ni Kaptan na ama ng kanilang ama kung ihahambing sa kanya. Dahil sa
kagustuhan na madagdagan pa ang kanyang kapangyarihan at sa pangbubuyo ng dalawa pang
Bathala, nagplano sila kung paano makakapunta sa Kaitaasang Kaharian, sinabi nila
Panlinugun at Burigadang Pada Sinaklang Bulawan na may kakilala si Saraganka Bagyo; ang
bathala ng mga bagyo, na makakatulong sa kanya. Pinilit niya na tulungan siya ng kanyang
dalawang kapatid na lalaki. Sa una ay ayaw pumayag ni Liadlaw sa plano ng kapatid na
pagsugod sa Kaitaasang Kaharian kung nasaan si Kaptan at ang Kataastaasang Bathala na si
Tungkong Langit. Sa huli ay napapayag na din siya dahil ayaw niyang magalit sa kanya ang
nakakatandang kapatid, napapayag din nila si Libulan dahil din sa takot sa galit ni Likalibutan.
Pinuntahan nila si Saraganka Bagyo ng magkasundo silang tatlo, naabutan nila ang Bathala na
naglalaro at gumagawa ng isang malaking bagyo kasama si Ribong Linti; ang Bathala ng kulog,
itinuro sila ng mga ito kay Barangaw; ang bathala ng bahaghari, hindi nila sinabi ang tunay na
pakay ng pagpunta sa Kaitaasang Kaharian gaya ng bilin ng dalawang Bathala na nangbuyo sa
kanila. Iginawa sila ni Barangaw ng isang tulay na gawa sa bahaghari, at tinungo na ng tatlong
magkakapatid ang Kaitaasang Kaharian. Isang napakalaking pinto na gawa sa makapal na bakal
ang bumungad sa kanila, sinira ito ni Likalibutan sa pamamagitan ng pagpapakawala ng tatlong
malalaking buhawi, papasok na sila sa loob ngunit isang matalim na kidlat ang tumama sa
lalakaran nila. Naglalagablab ang mga mata ni Kaptan sa galit dahil sa pagkakasira ng kanyang
pinto, nangatog ang tuhod nila Liadlaw at Libulan ng maramdaman na nasa likuran na nila ang
galit na Bathala. Nagpakawala ng limang buhawi at inihip ni Likalibutan ang pinakamalakas na
hangin na ikinatalsik ni Kaptan sa kawalan, humugot pa ito ng isang malaking bato sa katawan
at inihagis sa Bathala. Binasag niya sa pamamagitan ng kanyang kamao ang batong inihagis ng
kanyang apo, lalo niyang ikinagalit ng malaman mismo sa apo ang dahilan ng pag punta,
hinding hindi niya mapapalampas ang ganitong kalapastanganan sa kanya, pinatamaan niya
ang tatlong apo ng mga matatalim na kidlat, sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na nagawang
makaiwas ng magkakapatid. Natunaw at nagkorteng bilog ang mga tingga at gintong katawan
nila Libulan at Liadlaw, nabasag naman sa malalaki at maliliit na parte ang batuhang katawan
ni Likalibutan at nahulog sa karagatan. Galit na binaba ni Kaptan si Maguayen at
pinagbintangan na siya ang nag utos sa ginawang pag salakay ng tatlo sa kanya, pilit itinaggi ito
ng magandang bathala at sinabing wala siyang kinalaman tungkol dito. Napadaan naman si
Lisuga sa kinaroroonan nila Kaptan at Maguayen, balak niyang itanong sa dalawang Bathala
kung nakita nila ang kanyang mga kapatid, ngunit nakita niya ang mga galit na galit na mata ni
Kaptan na nakatitig sa kanya at bigla isang matalim na kidlat ang tumama sa kanya. Nakita nila
na nagkadurog durog sa maliliit na piraso ang katawan na purong pilak ni Lisuga, hindi
makapaniwala si Kaptan sa nagawa , nadala siya ng sobrang galit at nilamon ang kanyang pang
husga, huli na ng bumalik sa katinuan ang kanyang isip. Ikinalingkot ng dalawang bathala ang
trahedyang naganap, hindi na nila mababalik ang buhay ng kanilang mga apo kaya bilang
paghingi ng tawad binigyan nila ng liwananag ang mga wala ng buhay na katawan ng mga apo.
Ang ginintuang katawan ni Liadlaw ang ginawang araw at naging buwan naman ang katawan ni
Libulan, mga bituwin naman sa langit ang nagkadurog durog na katawan ng kaawa-awang si
Lisuga. Wala silang ibinigay na liwanag sa katawan ni Likalibutan, ito ay bilang parusa sa
kasakiman nito pero ang mga nalaglag na katawan nito sa karagatan ay magiging kalupaan na
siyang titirhan ng mga tao na kanilang lilikhain. Binigyan ni Kaptan si Maguayen ng buto upang
itanim sa isa sa mga isla, makalipas ang ilang panahon tumubo ang isang halaman na kawayan
at sa mga sanga nito lumabas ang isang lalaki na pinangalanan na Sikalak, Sikabay naman ang
sa babae. Sila ang mga unang magulang ng mga tao, ang unang anak nila ay si Libo, ang
sumunod ay babae na si Saman. Si Pandaguan ang pinakabatang anak nila ay maalam o
matalino at ang unang bagay na kanyang inimbento ay isang panghuli ng isda. Isang pating ang
unang isda na nahuli niya, labis niyang hinangaan ang kanyang nahuli at sa laki nito inakala
niya na isa itong Bathala, kaya ng dalhin niya ito sa kanila inutusan niya ang mga tao dito na
sambahin ito, kaya naman araw araw tuwing umaga at hapon ay iniikutan ng mga tao ang
dambuhalang pating habang kinakantahan at dinadasalan. Ikinagalit ni Kaptan ang ganitong
gawain, bumuka ang kalangitan at karagatan at lumabas ang dalawang Bathala, iniutos nila kay
Pandaguan na itapon ang pating sa dagat at sila lang ang tanging dapat sambahin. Natakot ang
lahat ngunit hindi si Pandaguan, naibulong niya sa sarili na ang pating ay kasing laki at
nakakatakot tulad ng mga Bathala ngunit nagawa niya itong mahuli at mapatay, siguro maaari
din niya itong magawa sa isa sa mga Bathalang nasa harapan nila ngayon at tiyak na
sasambahin siya ng mga kanyang kasama. Narinig ito ng magiting na bathalang si Kaptan at
nagalit, isang matalim na kidlat sana ang kanyang pakakawalan ngunit siya ay natigil ng
hawakan ni Maguayen ang kanyang kamay, naalala niya ang pagkamatay ng kanilang mga apo
dahil sa hindi niya napigilan ang sarili pero hindi dapat palampasin ulit ang ganitong
kalapastanganan. Kaya pinatamaan niya si Pandaguan ng isang mahinang kidlat upang hindi
mapatay ngunit sapat ng parusa sa kalapastanganan, pinarusahan din nila ang ibang mga tao
at ikinalat sa ibat ibang isla, ang iba ay dinala sa hilaga kung saan inalis ng sobrang lamig ang
kanilang mga pakiramdam, ang iba naman ay dinala sa timog kung saan sa sobrang init ay
hinapo ang kanilang mga katawan, ang iba ay dinala sa silangan kung saan ang lupain ay
walang mapagkukunan ng pagkain kaya napilitan silang kumain ng putik. Tatlumpung araw
ang nakalipas ay nagbalik ang lakas ni Pandaguan at muling nakatayo pero ang katawan nito ay
nasunog dahil sa kidlat ni Kaptan, naging kulot din ang kanyang mga buhok dahil sa
pagkasunog at siya ang naging unang angkan ng tribo ng mga negrito.

C 1. Siya ang tinatawag na katas-taasang Bathala?


a. Panlinugun b. Likalibutan c. Tungkong Langit d. Kaptan
C 2. Siya ang bathalang kumitil ng buhay ng kanyang mga apo. Tinatawag din siyang
Bathala ng Kalangitan.
a. Burigadang b. Saraganka Bagyoc. Kaptan d. Ribong Linti
D 3. Ang panganay na anak nina Lihangin at Lidagat. Siya ay may katawang gawa sa
lupa at malalaking bagyo?
a. Liadlaw b. Libulan c. Lisuga d. Likalibutan
A 4. Siya ay may ginuntuang katawan at ginawang araw ng siya ay mamatay?
a. Liadlaw b. Libulan c. Lisuga d. Likalibutan
C 5. Siya ay may pilak na katawan at ginawang buwan ng siya ay mamatay?
a. Liadlaw b. Libulan c. Lisuga d. Likalibutan

GAWAIN 4:
Panuto: Suriin ang kaisipang nakapaloob sa mitolohiya. Tukuyin at isulat sa patlang kung ito
ay naglalarawan sa suliranin ng akda, kilos/galaw ng tauhan o desisyon ng tauhan.

KILOS NG TAUHAN Ipinagmalaki ni Likalibutan ang kanyang taglay na kapangyarihan, ngunit


sinabi nila na higit na malakas ang taglay na kapangyarihan ni Kaptan na ama ng kanilang ama
kung ihahambing sa kanya.
DESISYON NG TAUHAN Dahil sa kagustuhan ni Likalibutan na madagdagan ang kanyang
kapangyarihan nagplano sila kung paano makakapunta sa Kaitaasang Kaharian.
KILOS NG TAUHAN Nasunog ang katawan ni Pandaguan dahil sa kidlat ni Kaptan, naging
kulot din ang kanyang buhok dahil sa pagkasunog
KILOS NG TAUHAN Sinira ni Lugatiman ang isang napakalaking pinto na gawa sa makapal na
bakal na bumungad sa kanila sa pamamagitan ng pagpapakawala ng tatlong malalaking
buhawi.
SULIRANIN NG AKDA Hindi matanggap ni Likalibutan na may nakahihigit sa kanyang
kapangyarihan.

Repleksyon:
Magsusulat ang mga mag-aaral ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
susmusunod na prompt: (Inaasahang ang mga mag-aaral ay maging masining sa paglalarawan
at pagbabahagi ng kanilang natutunan)

Naunawaan ko na ay mahirap ngunit nakakatulong upang ako ay mag pursige sa pagaaral upang makamit ang
aking mga pangarap

Nabatid ko na Nauunawaan Ko ang lahat ng aralin na ito dahil madali lang itong matutunan dahil binasa at pinag
aral ko ito ng maayos

Napag-isip-isip ko na walang mahirap na gawain kung babasahin ng mabuti at hindi huhulaan


Pangalan at Lagda ng Magulang/ Tagapangalaga

You might also like