You are on page 1of 58

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________

Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________


____________________________________________________________________________

Aralin : Markahan 3, Linggo 1, LAS 1


Paksa : Mitolohiya mula sa Kenya (Liongo)
Layunin : Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia
Sanggunian : LM Filipino 10 , (F10PN –llla -76)
Manunulat : Arlene Finlac Botes - Letigio
______________________________________________________________________________
Mitolohiya ng Africa at Persia
Ang mitolohiya ay koleksyon ng mga mito. Ang mga mito ay tradisyonal na storya na
karaniwang tumutukoy sa sinaunang tao o pangyayari. Ito ay karaniwang may bahid ng mga
kakaibang kapangyarihan ng mga tao at pangyayari. Ang Aprika at Persia ay may mga mitolohiya.

Mitolohiya ng Aprika
Ang mitolohiya ng Aprika ay may makabuluhang parte sa araw-araw na pamumuhay ng
mga Aprikano. Kadalasan, ang mga mito nila ay tumutukoy sa mga unibersal na mga tema,
kagaya na lamang ng pinagmulan ng mundo at kapalaran ng sangkatauhan pagkatapos ng
kamatayan.
Ginagamit ng maraming mga mito ng Aprika ang mga lugar, kundisyon at kasaysayan ng
kontinenteng Aprika.
Mitolohiya ng Persia
Ang mitolohiya ng Persia ay mga tradisyonal na kwento na tumutukoy sa mga kakaibang
mga nilalang.
Ang mitolohiya ng Persia ay sumasalamin sa mga kaugalian ng lipunan kung saan
nabibilang ang mga taga-Persia. Kabilang dito ay ang kaugalian sa pagharap sa mga mabubuti at
masasama, mga aksyon ng mga diyos , mga karanasan ng mga bayani at kakaibang nilalang.

Gawain I – Paghahambing

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng

mitolohiya ng Africa at Persia. Kopyahin at sagutin sa sagutang papel

Mitolohiya ng Mitolohiya ng
Africa Persia
Pagkakatulad

1
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________

Aralin : Markahan 3, Linggo 1,LAS 2


Paksa : Mitolohiya mula sa Kenya (Liongo)
Layunin : Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa
suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan at desisyon ng tauhan
Sanggunian : SLM Filipino 10 (F10PB –llla -80)
Manunulat : Sheena Mae R. Azares
______________________________________________________________________________
Ang Republika ng Kenya
Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa. Napalilibutan ito ng Ethiopia
sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan, Tanzania sa Timog, Uganda sa Kanluran, at Sudan sa
Hilagang Kanluran. Kasama ang karagatang Indian sa Timog-Silangan. Mayaman ang bansa sa
mga akdang pampanitikan, sining sa inukit na bato, arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari
sa putik, may musika, at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi. Masasalamin natin
ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na higit na
magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya.

Gawain 1. Pagkakatulad at Pagkakaiba

Panuto: Paghambingin ang dalawang mitolohiyang tinalakay sa pamamagitan ng pagpupuno ng


mahahalagang elemento ng bawat isa sa bawat kolum. Pagkatapos, ipaliwanag sa isang
makabuluhang pangungusap ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito. Gayahin ang pormat at
gawin ito sa hiwalay na papel.

Ang mga Unang Hari Maaaring Lumipad ang Tao


Elemento ng Mitolohiya (Mitolohiyang binasa) (Mitolohiyang pinanood)
A. Tauhan

B. Tagpuan

C. Tema

D. Banghay

Paliwanag tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang mitolohiya


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2
Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Ang mga Unang Hari


Abolqasem Ferdowsi
(Sinaliksik at isinalin ni Alvin Ringgo C. Reyes)

Ano ang kuwento ng makatang Persiano tungkol sa unang taong naghangad na pamunuan
ang daigdig? Walang sinoman ang nakababatid ng mga nangyari sa mga unang araw na iyon,
liban na lang kung narinig niya ang mga kuwentong ipinasa-pasa mula mga ama tungo sa
kanilang mga anak na lalaki. Ito ang sinasabi ng kuwento: Ang unang taong naging hari at siyang
naglatag ng mga seremonyang may kinalaman sa korona at trono ay si Kayumars. Nang maging
panginoon siya ng daigdig, nanirahan muna siya sa kabundukan na siyang pinaglagyan niya ng
kaniyang trono. Siya at ang kaniyang mga tagasunod ay nadamitan ng balat ng leopardo. Siya
ang unang nagturo sa mga tao kung paano maghanda ng pagkain at kung paano gumawa ng mga
damit, na bago pa lang sa daigdig noong mga panahong iyon. Nakaluklok sa kaniyang trono,
nagliliwanag na gaya ng araw, namuno si Kayumars sa loob ng tatlumpung taon. Ang gaya niya
ay isang mataas na punong sipres na napuputungan ng bilog na buwan sa ulo. Siya ang bukal ng
marangal na farr. Lahat ng hayop sa daigdig, maamo man o mabangis, ay nag-ukol ng taimtim na
paggalang sa kaniya. Yumukod sila sa harap ng kaniyang trono. Ang pagsunod nila ang lalong
nagpasidhi sa kaniyang kadakilaan at nagpalago ng kaniyang yaman.

May anak si Kayumars na isang magandang lalaki. Marunong ito at bantog gaya ng
kaniyang ama. Ang ngalan niya ay Siamak at mahal na mahal siya ni Kayumars. Ang tanging
nagpapaligaya kay Kayumars ay ang Makita ang kaniyang anak. Lumuluha siya kapag naiisip na
mawawalay ito sa kaniya.

Lumaking isang mabuting tao si Siamak at wala itong sinomang kaaway, maliban siguro
kay Ahriman na naiinggit sa kaniyang kabantugan at laging naghahanap ng paraan na siya ay
madaig. May anak na lalaki si Ahriman na sinlupit ng mabangis na lobo; ang binatang ito na
walang kinatatakutan ay nagtipon ng kaniyang hukbo, humimok sa daigdig na mag-aklas, at
naghandang salakayin ang hari.

Walang kamalay-malay si Kayumars sa mga pagkilos laban sa kaniya. Gayunman, ang


anghel na si Sorush ay nagpakita kay Siamak nang nakabalatkayong isang mahiwagang nilalang
na nadadamitan ng balat ng leopard. Sinabi nito sa anak ng hari ang mga pagkilos laban sa
kaniyang ama. Napuno ng galit ang puso ng prinsipe at tinipon niya ang kaniyang hukbo. Wala
pang mga armas-pandigma noong mga panahong iyon at naghanda ang prinsipeng makipaglaban
suot lamang ang balat ng leopardo. Nagharap ang mga hukbo ni Siamak at ng anak ni Ahriman.

3
Sumalakay si Siamak ngunit sinakmal siya ng demonyong itim. Bumaon ang mga kuko nito sa
katawan niyang walang anomang pananggalang at naging abo si Siamak.

Nang mabalitaan ng hari ang sinapit ng kaniyang anak, gumuho ang kaniyang mundo.
Bumaba siya sa kaniyang trono, tumangis, at pinukpok ang kaniyang ulo, sinaktan ang kaniyang
maharlikang katawan dahil sa matinding kalungkutan. Duguan ang kaniyang mukha, ang puso ay
lugami, at napuno ng pighati ang kaniyang bawat araw. Humanay ang hukbo sa harap ng hari.
Narinig sa kanila ang mapait na pagtangis. Bawat isa ay nagsuot ng asul tanda ng pagluluksa at
ang lahat ng hayop, maamo man o mabangis, gayundin ang mga ibon, ay nagtipon-tipon.
Tumangis sila at pumalahaw sa mga kabundukan. Pumailanlang sa kalangitan, sa ibabaw ng
palasyo ng hari, ang alikabok na nagmula sa mga nagluluksa.

Isang taon silang nagluksa hanggang dumating ang dakilang si Sorush dala ang mensahe
mula sa diyos. Wika niya, “Kayumars, huwag ka nang tumangis. Magbalik ka sa katinuan. Tipunin
mo ang iyong hukbo at maghandang labanan ang mapaminsalang demonyo”. Tumingala si
Kayumars sa langit at nanalangin sa Diyos na kasamaan sana ang sapitin ng mga nag-iisip ng
kasamaan. Naghanda siyang ipaghiganti ang pamamaslang kay Siamak, hindi natulog sa gabi o
huminto sa umaga upang sumubo man lang ng pagkain.

Ang dakilang si Siamak ay may anak na lalaki – si Hushang, na nagsilbing tagapayo ng


kaniyang lolong si Kayumars. Tila puspos ng talino at ringal ang kahanga-hangang binatang ito.
Pinalaki ni Kayumars si Hushang na para na rin niyang anak dahil ipinaalala nito sa kaniyang lolo
ang ama niyang si Siamak. Kay Hushang na lamang umikot ang mundo ni Kayumars. Noong
handa nang makidigma si Kayumars at ipaghiganti si Siamak, tinawag niya si Hushang upang
sabihin ditto ang kaniyang mga balak at lihim. Wika niya “Titipunin ko ang aking hukbo at
patatangisin ang mga demonyo. Ikaw ang mag-utos sa mga mandirigmang ito sapagkat bilang na
ang aking mga araw at ikaw na ang dapat mamuno”.

Nagtipon si Kayumars ng hukbo ng mga engkantada, leopardo, leon, mababangis na lobo,


mga tigreng walang-takot, mga ibon at mga alagang hayop. Pinamunuan sila ng matapang na
batang prinsipe. Nanatili sa likod ng hukbo si Kayumars habang nasa unahan naman si Hushang.
Sumugod ang demonyong itim – walang-takot – pumailanlang sa kalangitan ang alikabok ng
hukbong kasama niyang kumilos. Ngunit nawalan ng saysay ang matatalim na kuko ng mga
demonyo dahil sa ngitngit ng hari at gilas ng mga hayop. Nang magtagpo ang kanilang mga
puwersa, natalo ng mga hayop ang mga demonyo; gaya ng isang leon, nahawakan ni Hushang
ang demonyong itim, biniyak ang katawan nito at pininsala ang malaki nitong ulo. Inihagis niya sa
lupa ang demonyo at binalatan ito.Nang matamo ni Kayumars ang paghihiganting kaniyang
inaasam, pumanaw na siya at nagpaalam na ang mundo sa kaniyang kadakilaan.

4
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 1, LAS 3
Paksa : Mitolohiya
Layunin : Nabibigyang puna ang napanood na video clip
Sanggunian : Choa, Jan Henry Jr. et. al. WOW Filipino! 10, Vibal Group, Inc. Quezon
City, 2020; MELC (F10PD-IIIa-74)
Manunulat : Sheena Mae R. Azares
______________________________________________________________________________

Gawain I – PunaNood
Panuto: Bigyang-puna ang napanood na video clip tungkol sa mitolohiyang pinamagatang,
“Maaaring Lumipad ang Tao” sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=J0YtbnzR7IYsa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaisipang nakapaloob dito. Itala ito sa tsart at lagyan ng tsek
(√) ang kolum kung ito ay makatotohanan o ‘di makatotohanan. Ipaliwanag ang iyong sagot sa
huling kolum. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Kaisipan Makatotohanan ‘Di Makatotohanan Paliwanag

Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Maaaring Lumipad ang Tao


Isinalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Mapanonood ang video clip sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=cDLokCmEBCE

Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis
nila ang kanilang pakpak. Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila
ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila maaaring
ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi.
May matandang lalaking nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang
ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang nakatali sa kaniyang
likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari, sisigawan siya ng
tagapagbantay ng lupain.

5
Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad daw siya sa kumpol ng putik, uling na
kumikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping
mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis
ang kanilang paggawa.
Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako nang mabilis,” sabi
niya pagdaka.
Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang bata ay tulog sa
kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito
mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil
anak niya ang bata.
“Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa balikat si
Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay
bumagsak naman sa lupa.
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang kaniyang
mukha. Ang bata ay umiyak nang umiyak. “Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami.” Malungkot si
Sarah dahil sa
nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil.
“Tumayo ka, ikaw, maitim na bata,” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na
naming hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa
kaniyang sugat ay humalo sa putik, ‘di siya makatayo.
Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.
“Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.”
“Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung alam mo kung paano
ka makaaalis.”
“Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan ang kanilang mabilis
na nasambit nang pabulong at pabuntonghininga. Tumaas ang isang paa ni Sarah sa hangin.
Noong una ay ’di maayos ang kaniyang paglipad na hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang
anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na malaya na
siya tulad ng isang ibon, na animo’y balahibong umiilanlang sa hangin.
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah at ang
kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na hindi sila
nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti
na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi
makapaniwala, subalit nakita nila ito.
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na palayan,
isang batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya, bumagsak ang bata.
Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na minsan lang niyang narinig
kaya hindi niya agad maintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at
muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin.
Pansamantala siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng hangin at muli siyang
nakalipad.
Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa nakikita niyang
bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay “kumkumka yali, kum… tambe!”
Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang
lumilipad ay maitim at may makislap na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng
tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan, sa bakuran,
at sa batis na dinadaluyan ng tubig.
“Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay.

6
“Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.” Samantala, may isang
tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang latigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang
kaniyang baril upang patayin ang negrong si Toby.
Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyo kilala kung sino ako.
Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa palayan.” At muli niyang naibulong
ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga
kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo.
“Buba… Yali... Buba... tambe…”
May napakalakas na sigawan at hiyawan, ang baluktot na likod ay naunat, matatanda at
batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawakkamay. Nagsasalita habang nakabilog na
animo singsing. Umaawit pero hindi sila magkakahalo. Hindi pala sila umaawit; sila ay lumilipad sa
hangin, langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na anino.
Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon, ang
taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan.
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi siya
tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong alipin na naghihintay
kung sila ay makalilipad na tulad nila.
“Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na makatakbo,
“paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “Kausapin mo sila, ulilang kaluluwa!” At
siya ay lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito ay isang
kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ay hindi nagsalita
sapagkat alam niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga anak. Ang
pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid
ng kanilang lupang tinubuan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang ngayon.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA

7
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________

Aralin : Markahan 3, Linggo 1,LAS 4


Paksa : Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon
Layunin : Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang
binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo)
Sanggunian : LM Filipino 10 , MELC (F10PS –llla -78)
Manunulat : Arlene Finlac Botes - Letigio
______________________________________________________________________________
Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon
Sa pagpapahayag ng opinyon hindi maiiwasan ang pagsalungat ng pagsang-ayon. Bawat
isa ay may kaniya-kaniyang opinyong dapat igalang , pabor man ito sa atin o hindi. Ilan sa mga
hudyat na ginagamit na ginagamit sa pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon.

1. Pahayag na pagsang-ayon – nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o


pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Kabilang sa mga hudyat na ginagamit ay ang pang-
abay na panang-ayon, gaya ng bilib ako sa iyong sinasabi, ganoon nga, kaisa mo ako sa
bahaging iyan, maaasahan mo ako riyan, iyan din ang palagay ko, iyan ay nararapat, totoo,
siyang tunay at marami pang iba.
2. Pahayag na pagsalungat – nangangahulugan ng pagtanggi, pagsalungat, pagtaliwas,
pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga hudyat na ginagamit sa
pagsalungat ay kabilang sa pang-abay na pagtanggi. Halimbawa: ayaw ko, hindi ako
naniniwala, hindi ako sang-ayon, hindi ko matanggap, hindi totoong, ikinalulungkot ko at
marami pang iba.

Panuto: Subuking gumawa ng sariling debate o pagtatalo kaugnay sa ginawang desisyon ni


Liongo. Kopyahin sa iyong sagutang papel ang pormat sa ibaba.

Paksa: Makatarungan ba ang ginawang desisyon ni Liongo?


Pagsang-ayon(Proposisyon):
Pagsalungat (Oposisyon)
Rubrik:
Pamantayan 5 3 1
Maayos na nailalahad May ilang bahagi na Magulo ang paglalahad
ang mga hindi maayos ang ng mga pangangatwiran
Paglalahad ng
pangangatwiran at paglalahad ng mga at panunuligsa
Katibayan
panunuligsa pangangatwiran at
panunuligsa
Ang lahat ng Hindi lahat ng .Lahat ng
pangangatwiran at pangangatwiran at pangangatwiran at
Pangangatwira
panunuligsa ay may panunuligsa ay may panunuligsa ay may

8
n at matibay na sandigan matibay na sandigan matibay na sandigan
Panunuligsa

Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin.

Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybayingdagat ng Kenya. Siya ang
nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at
mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit
kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at
ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta,
at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kaniyang pinsang
si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kaunaunahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay
naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng kababaihan tungo sa Patrilinear na
pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo
kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala
(Refrain) nito ay inaawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala
nang hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pagawit. Tumakas siya
at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang
mabuti sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa pagpana.
Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas.
Kakaunti lang ang nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan
laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang
bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng
isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya.

- Mula sa http://www.a-gallery.de/docs/mythology.htm

9
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________

Aralin : Markahan 3, Linggo 2,LAS 1


Pamagat ng Gawain : Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika
Layunin : Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
Sanggunian : LM Filipino 10 , MELC (F10PB – llla – 71)
Manunulat : Arlene Finlac Botes - Letigio
______________________________________________________________________________
Pagsasaling-wika
Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas
na diwa at estilong nasa wikang isasalin.

Ito ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap
sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na
pahayag sa ibang wika (C.Rabin, 1958)
Pamantayan sa Pagsasaling-wika
1. Alamin ang paksa ng isasalin.
2. Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang
ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan.
3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita.
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa.
5. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng
wika ang iyong isinalin.
6. Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng akdang isasalin
7. Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang isasalin at ng pagsasalinan.
8. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang sa pagdaan ng panahon at pagbubuti
ng karanasan.
https://unangaralin/wordpress.com

Pagsasaling-wika: Kopyahin sa sagutang papel ang mga sumusunod at isalin ito sa Filipino.
1. The Kikuyos are a large tribe . They speak a beautiful Bantu language and lived on the
slopes of Movement Kenya.
2. The Yoruba believe that there is a god, Ori, who supervised people’s choice in heaven.

Rubrik:
Pamantayan 5 3 1

Matapat ang puro May mga bahagi ng Masasalamin sa


pagsasalin sa pahayag pagsasalin na pagsasalin na merong
Katapatan at walang kinikilingan. kinakitaan ng kinikilingan ang
pagkikiling tagapagsalin.
Angkop ang wikang May mga salin na hindi Hindi angkop ang mga
ginamit sa pagsasalin angkop ang mga salitang ginamit sa
Kawastuhan salitang ginamit.. pagsasalin.

10
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 2, LAS 2
Pamagat ng Gawain : Pagsusuri
Layunin : Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.
Sanggunian : LM Filipino 10, MELC (F10PN- lllb-77)
Manunulat : Arthur Luardo Letigio
______________________________________________________________________________

Ang Anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa


buhay ng isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.

Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng
interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang
magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na
ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota

Pagsusuri: Basahin ang anekdotang “Akasya o Kalabasa” ni Consolation P. Conde , at sagutin


ang mga sumusunod na tanong. Kopyahin sa sagutang papel.
1. Ang “Akasya o Kalabasa “ ay isang anekdota. Ibigay ang katangian ng akda.
2. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang genre?
3. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay .

Rubrik:
Pamantayan 5 3 1

Tama at malinaw ang May kaguluhan ang Malayo sa pinag-


pagkalahad ng sagot. sagot. uusapan ang sagot.
Nilalaman

Pormal at angkop ang Di-gaanong pormal ang Hindi angkop ang mga
mga salitang ginamit sa mga salitang ginamit sa salitang ginamit sa
Gamit ng Wika
paglalahad ng sagot. paglalahad ng sagot paglalahad ng sagot

11
Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin.

Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde

Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa
maliit ang naturan. Gayondin ang paghahanda at pagpupunyagi ng taong pinamumuhunanan ng
puupuung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo
ang kapalaran. At ito’y matutulad din nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod… Maagang nagbangon nang umagang
yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si
Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-
aaralin sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama. Isang balitang
paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng
‘di kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng
Tanggapan ng Punong-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punong-
guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating-galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punong-guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at
nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punong-guro. “Katatapos pa po lamang niya ng
elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng hayskul, ano po?”
“Ngunit… ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-
ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”
“Aba, opo,” maagap na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang
kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay
magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang
kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
Dili ‘di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayondin si Iloy.
Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay patungong lalawigan ay tatambis-
tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa hayskul at saka na siya kumarera.
Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.

12
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 2, LAS 3
Paksa : Anekdota (Mullah Nassreddin)
Layunin : Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan,
motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa
Sanggunian : LM Filipino 10, MELC (F10PB- lllb-81)
Manunulat : Arthur Luardo Letigio
______________________________________________________________________________

Katangian ng Anekdota
1. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota.
Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad.

2. Ang isan g Anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong


ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na
may susunod pang mangyayari.
Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota

Pagsusuri: Suriin ang mahalagang bahagi ng Anekdota na may pamagat na Mullah Nassreddin.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng tsart sa ibaba. Kopyahin sa sagutang papel.

Mullah Nassreddin

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:
Rubrik:
Pamantayan 5 3 1

Tama at malinaw ang Tama subalit may Malayo sa pinag-


sagot konting kakulangan uusapan ang sagot.
Nilalaman
ang sagot

Pormal at angkop ang Pormal subalit hindi Hindi pormal at hindi


mga salitang ginamit sa angkop ang mga rin angkop ang mga
Gamit ng Wika
pagpapahayag ng salitang ginamit sa salitang ginamit sa

13
sagot pagpapahayag ng pagpapahayag ng
sagot sagot

Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating
mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni
Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento
dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga
tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng


maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?”
Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita
sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.

Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga
tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam
na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang
umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na
anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba
ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at
ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati
ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking
sasabihin,” at siya ay lumisan.
- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-who-was-master-
anecdotes.html

14
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin :Markahan 3, Linggo 2, LAS 4
Paksa : Panlapi
Layunin : Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.
Sanggunian : LM Filipino 10, MELC (F10PT- lllb-77)
Manunulat : Arthur Luardo Letigio
______________________________________________________________________________

Kahulugan ng Panlapi at Uri Nito


Ang panlapi ay salitang ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salitang
naghahatid ng kahulugan. Mayroon itong limang uri;
1. Unlapi – mga panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat
Halimbawa : Uminom (Ang panlaping ikinabit ay um at ito’y matatagpuan sa unahan ng
salitang inom.
2. Gitlapi – mga panlaping ikinakabit sa gitna ng salita.
Halimbawa : Kinain (Ang panlaping ikinabit ay in at ito’y matatagpuan sa gitna na salitang
kain
3. Hulapi – mga panlaping ikinabit sa hulihan ng salita
Halimbawa: Sayawan (Ang panlaping ikinabit ay an at ito’y matatagpuan sa hulihan ng
salitang sayaw.
4. Kabilaanan – mga panlaping ikinabit sa unahan at hulihan ng salita.
Halimbawa: Kabataan (Ang panlaping ikinabit ay ka na matatagpuan sa unahan at an na
matatagpuan sa hulihan ng salitang bata.
5. Laguhan – panlaping ikinabit sa unahan, gitna at hulihan ng salita.
Halimbawa: Pagsumikapan ( Ang panlaping ikinabit ay pag na matatagpuan sa unahan,
um na matatagpuan sa gitna at an na matatagpuan sa hulihan ng salitang sikap.

Maramihang Pagpipili: Kopyahin sa sagutang papel ang mga pahayag, pagkatapos bilugan ang
titik ng kahulugan ng salitang mayguhit na ginamit sa pahayag.

1. Si Mullah Nassreddin ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan.


a. pinakamagaling b. pinakadakila c. pikamabait d. pinakasinungaling
2. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang
lipunan.
a. katatakutan b. kasisiyahan c. karangyaan d. kalungkutan
3. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento
a. kinantiyawan b. kinainngitan c. kinaiinisan d. kinilala
4. Naimbitahan si Mullah Nassredin na magbigay ng talumpati sa harap ng maraming tao
a. naanyayahan b. nautusan c. napakiusapan d. nasabihan

15
5. Nang hindi alam ng mga tao ang kanyang sasabihin siya’y umalis.
a. tumakbo b. lumisan c. pumalaot d. natulog
6. Hindi niya aaksayahin ang kanyang panahon sa mga taong alam na ang kanyang sasabihin.
a. gagamitin b. titipirin c. uubusin d. sasayangin

16
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 3, LAS 1
Paksa : Komik Istrip
Layunin : Naisusulat ang isang orihinal na komik istrip batay sa isang anekdota
Sanggunian : SLM Filipino 10, MELC (F10PU-IIIb-79)
Manunulat : Sheena Mae R. Azares

Ang komiks ay isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita at larawan na
siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento. Sa Pilipinas, sinasabing si Dr. Jose Rizal ang kauna-
unahang Pilipinong sumulat ng komiks na pinamagatan niyang, “Pagong at Matsing.”

Mga Bahagi ng Komiks


1. Kuwadro – naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)
2. Kahon ng salaysay – pinagsusulatan ng maikling salaysay
3. Pamagat ng kuwento
4. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento
5. Lobo ng usapan – pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.

17
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Komik Istrip
1. Alamin ang sariling hilig o istilo.
2. Tukuyin ang pangunahing tauhan.
3. Tukuyin ang balangkas ng kuwento.
4. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kuwento.
5. Ayusin at pagandahin ang gawa.

Gawain 1: Kuwentong Guhit


Panuto: Mula sa binasa at pinanood na anekdota, pumili ng pinakamahalagang bahagi ng palitan
ng usapan ng mga tauhan at sumulat ng isang orihinal na komik istrip tungkol dito. Gawin ito sa
hiwalay na papel.

Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng Komik Istrip


Mga Kraytirya 10 puntos 6 puntos 4 puntos

Angkop na angkop May ilang larawan at Walang kaugnayan


ang mga larawan at pahayag na hindi ang larawan sa
Larawan at pahayag
pahayag na ginamit. gaanong malinaw ang pahayag na ginamit.
na ginamit.
inihahatid na
interpretasyon.

Kaisipang taglay ng Buo ang kaisipan o Medyo kulang ang Nakalilito ang kaisipan
komiks. diwa ng komiks at kaisipan o ang diwa ng o ang diwa ng komiks.
nakaaaliw. komiks.

18
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 3, LAS 2
Paksa : Pagsasalaysay
Layunin : Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa
pagsulat at pagsasalaysay ng orhinal na anekdota
Sanggunian : SLM Filipino 10, MELC (F10PU- lllb-79)
Manunulat : Sheena Mae R. Azares

Karagdagang Kaalaman
Ang diskorsal ay ang sangkap na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita na palawakin ang
kaniyang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita, mas maunawaan ang
salita, at maipahayag ang mas malalim na kahulugan nito.
Ang pagsasalaysay naman ay isang diskursong naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang
sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat at epiko,
at mga kuwentong-bayan ng mga ninunong Pilipino maging sa ibang bansa man.
Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay.
Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may
dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa


1. Kawilihan ng Paksa – Dapat na ito ay likas na napapanahon, may mayamang damdaming
pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na
paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig, at layunin ng
manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa
malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya,
mahalagang iwasan ang labis na
paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan
ng salaysay.
5. Kilalanin ang Mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang pansariling
kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.

19
Mga Mapagkukunan ng Paksa
1. Sariling karanasan – pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao
sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang
isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay
totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyong makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – ang mga panaginip o hangarin ng tao ay maaari ding maging batayan
ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – mula sa anomang tekstong nabasa, kailangang ganap na nauunawaan ang mga
pangyayari.
Katangiang dapat Taglayin ng Pagsasalaysay
1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon.
2. Mahalaga ang paksa o diwa.
3. Maayos at ‘di-maligoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
4. May kaakit-akit na simula.
5. Kasiya-siyang wakas.

Mga Bahagi ng Pagsasalaysay


1. Simula
2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kuwento
b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan – ito ang kapana-panabik na bahagi ng isang kuwento.
4. Kakalasan – ito ang nagbibigay-linaw sa mga tanong na nagpanabik sa mga mambabasa sa
bahaging kasukdulan.
5. Wakas – kahihinatnan ng mga tunggalian sa kuwento. Dito rin ipinahahayag ang mahalagang
kaisipan o mensahe sa kuwento.

Gawain 1: Hayskul Life


Panuto: Mula sa natutuhan tungkol sa paggamit ng kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic
sa pagsulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota, mag-isip ng isang nakatutuwang
pangyayari sa iyong buhay noong nagsisimula ka pa lamang mag-aral sa hayskul. Isalaysay ang
iyong naging karanasan batay sa mga kraytiryang nakasulat sa ibaba. Isulat ito sa hiwalay na
papel.

Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng Sanaysay

20
Mga Kraytirya Puntos

Kahusayang gramatikal 5
Paggamit ng diskorsal at strategic sa pagsulat ng orihinal na anekdota 5
Nakatutuwang basahin 5
Orihinalidad ng akda 5
Kabuuan 20

21
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 3, LAS 3
Paksa : Tula
Layunin : Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan
Sanggunian : SLM Filipino 10 , MELC (F10PB – lllc-78)
Manunulat : Sheena Mae R. Azares
______________________________________________________________________________

Mga elemento ng tula


1. Sukat- ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Halimbawa:
Ako ay isang tao. = A/ko /ay /i/sang /ta/o = pitong pantig

2. Tugma- ito ay tumutukoy sa magkakatulad na tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may-sala
May isang lupain sa Silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw

3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.
Halimbawa:
Ito ba ang mundong hinila kung saan,
Ng gulong ng inyong /hidwang kaunlaran?
Kariktan – lalabindalawahing pantig, tugmaang ganap at nagtataglay ng tayutay.

4. Talinghaga- tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinghagang salita at tayutay; ito ang


pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Halimbawa:

"Rosas ma’y mukhang maamo, tinik sa loob nito'y namumuo."


Kahulugan: Mukha mang maamo ang pisikal na itsura ng isang tao o bagay, may itinatago pa rin
itong kasamaan.
“Bakit kaya rito sa mundong ibabaw,
Marami sa tao’y sa salapi silaw?”
- Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit
Kahulugan: Ito ay nagpapahiwatig na may mga tao sa ating lipunan na
sa salapi umiikot ang pamumuhay

Gawain I: Patunayan Mo!


Panuto: Suriin ang napakinggang tulang “Hele ng Isang Ina sa Kaniyang Panganay” batay sa
kasiningan at bisa nito. Gamit ang tsart, bigyan ng patunay ang iyong mga kasagutan. Gawin ito
sa isang hiwalay na papel.

22
Hele ng Isang Ina sa Kaniyang Panganay
Elemento ng Tula Pagsusuri
Sukat
Tugma
Kariktan
Talinghaga
Bisang Pandamdamin
Bisang Pangkaisipan
Naging mabisa ba ang istilo ng pagkakasulat ng tula? Paano mo mailalapat sa pang-araw-araw na
buhay ang aral na natutuhan mo sa tula?

Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


(A Song of a Mother to Her Firstborn)
Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at
nagniningning na mga mata, Wangis ng
mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
At mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,

23
Hindi ka rin ipapangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi ng iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.

Ngayon, ako’y ganap na asawa.


Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Iingatan moa ng kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.

Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.


Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing, ako’y wala nang mahihiling.

24
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 3, LAS 4
Paksa : Simbolismo at Matalinghagang pahayag
Layunin : Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at
matatalinghagang pahayag sa tula
Sanggunian : LM Filipino 10 , MELC (F10PB – lllc-82)
Manunulat : Maria Amethyst Galvadores Pagaduan - Letigio
______________________________________________________________________________

Ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit
ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga
simbolismo at matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na


kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika.
Halimbawa: butas ang bulsa – walang pera
ilaw ng tahanan – ina
kalog na ang baba – gutom
alimuom – tsismis
bahag ang buntot - duwag

Samantalang ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa


pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay,
pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa: silid-aklatan – karunungan o kaalaman
gabi – kawalan ng pag-asa
pusang itim – malas
tanikalang-bakal – kawalan ng kalayaan
bulaklak – pag-ibig
Pagtatapat-tapatin: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na simbolismo at matalinghagang
pananalita sa Hanay A at piliin ang kahulugan sa Hanay B . Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang. Kopyahin ito sa malinis na papel.
Hanay A Hanay B
_______ 1. salapi silaw. a. taksil
_______ 2. kapus kapalaran. b. mahinhin
_______ 3. kaututang dila c. di magkahiwalay
_______ 4. Maria Clara d. walang modo
_______ 5. haba ng buhok e. mukhang pera
_______ 6. linta f. pasanin sa buhay
_______ 7. kambal tuko g. mahirap
_______ 8. Goliath h. sipsip
_______9. balasubas i. pakiramdam ay maganda
_______ 10. ahas j. kakwentuhan
k. malaking tao

25
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 4, LAS 1
Paksa : Pag-aantas ng mga salita
Layunin : Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng
bawat isa
Sanggunian : SLM Filipino 10 , MELC (F10PB – lllc-78)
Manunulat : Sheena Mae R. Azares
______________________________________________________________________________

Paano maiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag?


Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi maaaring
pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagama’t iisa ang malawak na kahulugan, magkakaiba naman
ang tindi ng ipinahahayag nito at ang pag-aantas nito ay tinatawag na pagkliklino. Kaya’t maingat
din ang mga manunulat sa paggamit ng mga salita sa pagsulat.
Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihing ikaw ay napopoot kung naiinis ka lamang. Kung iaantas natin ang
sumusunod na salitang magkakatulad ng kahulugan na magkaiba naman sa tindi o digri ng nais
ipahayag, ganito ang magiging ayos ng mga ito.
inis → galit → muhi → poot
2. Pansinin ang salitang may pagkakatulad sa kahulugan, ngunit nagkakaiba sa tindi o digri ng
pagpapahayag. Ganito ang magiging ayos kung iaantas ito.
a.pagkawala → pagkaubos → pagkasaid
b.nasira → nawasak

Gawain 1: SUL-DAMDAMIN!
Panuto: Iayos ang mga salita sa loob ng kahon at iantas ito batay sa damdaming ipinahahayag
ng bawat isa. Kopyahin ang pyramid sa hiwalay na papel at isulat dito ang mga isinaayos na mga
salita. Sa ituktok ng pyramid ilagay ang salitang may pinakamasidhing damdamin.

26
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 4 LAS 2
Paksa : Maikling Kuwento ( Ang Alaga ni Barbara Kimenye )
Layunin : Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan.
Sanggunian : Filipino LM 10, MELC (F10PN-IIId-e-79)
Manunulat : Analiza Q. Catap
______________________________________________________________________________
Maikling kuwento – Ito ay isang maiksing salaysay (narration) hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan. Isa itong masining na anyo ng ating
panitikan. Ito’y paggagad o paggaya sa realidad ng buhay ng isang tauhan na ang karaniwang
paksa ay tungkol sa pag-ibig, mga nakatatawang pangyayari, pangangaral tungkol sa
pakikipagkapuwa at kabutihang-asal.
Suliranin – problemang kinahaharap ng tauhan sa kuwento.

Gawain I -
Panuto: Tukuyin ang suliraning nangingibabaw sa bawat pahayag na mapapakinggan. Ipaliwanag.

Pahayag mula sa Nangingibabaw na Suliranin Paliwanag


Awtobiyograpiya

“Isang araw, habang nasa itaas


ako ng puno sa bakuran namin
at nagbabantay, nakita kong
may isang lalaking pumasok sa
bakuran ng katabing-bahay
naming para manguha ng bata
dahil maraming matatabang
bata roon”.

“Nagmakaawa kaming huwag


nila kaming paghiwalayin
ngunit nauwi sa wala ang
pagmamakaawang ito; kinuha
nila sa akin ang aking kapatid
at agad na inilayo habang
naiwan akong gulong-gulo.”

“Ang una kong amo, kung iyon


man ang itatawag ko sa kaniya,
ay isang panday at ang
pangunahin kong trabaho sa

27
kaniya ay ang paganahin ang
pampaypay niya ng apoy na
kagaya rin ng pampaypay ng
apoy na nakikita ko sa aming
lugar”.

“Masyado itong nakabahala sa


akin at naisip ko nang
lalatiguhin ako”.

“Unti-unti kong tinanggap n


aposible kong matakasan ang
lahat ng hayop sa gubat ngunit
hindi ang tao; at dahil hindi ko
alam ang daan, mamamatay
ako sa kakahuyan”.

Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Ang Kawili-wiling Salaysay ng Buhay ni Olaudah Equaino o Gustavus Vassa, ang


Aprikano
Bahagi ng Kabanata II
(Sinaliksik at isinalin ni Alvin Ringgo C. Reyes)

Sana, hinid isipin ng mambabasa na sinasagad ko ang kaniyang pasensiya nang ipakilala ko
ang aking sarili sa pamamagitan ng ilang kuwento ng mga pag-uugali at kagawian sa aming
bayan. Maingat na naitanim sa akin ang mga ito, at nag-iwan ng bisa sa aking isip na hindi
mabubura ng panahon, at anomang kamalasan o suwerte ang naranasan ko sa buhay, nagsilbi
lamang tagapagtibay o tagapagpaalala ang mga ito ng mga gunita ng aking bayan; sapagkat ang
pagmamahal sa sariling bayan, totoo man ito o kathang-isip, isa man itong aral o dahilan, o bahagi
ng kalikasan ng tao, laging kaligayahan sa akin na balikan ang mga unang araw ng aking buhay,
bagama’t ang kaligayahang iyon ay laging nahahaluan ng higit na lungkot.
Naikuwento ko na sa mambabasa ang oras at lugar ng aking kapanganakan. Ang aking ama,
bukod sa pagkakaroon ng maraming alipin, ay marami ring pamilya. Pito ang kaniyang naging
mga anak, kasama na ako at isang kapatid na babae. Dahil ako ang bunso sa mga anak na lalaki,
ako ang naging pinakapaborito sa aking ina, at lagi kaming magkasamang dalawa; ang dami
niyang hirap para maturuan ako. Mula kamusmusan, sinanay na akong makidigma; ang araw-
araw kong ensayo ay pagtira at paghahagis ng javelin; at binigyan ako ng aking ina ng maraming
palamuti sa katawan, gaya ng ginagawa sa aming pinakadakilang mga mandirigma. Ganito ako
lumaki hanggang sumapit ako sa edad na labing-isa na tumuldok sa aking kaligayahan.

28
Nakagawian nang kapag magtatrabaho sa malalayong bukid ang matatanda, magsasama-
sama ang mga bata sa kapitbahayan upang maglaro; karaniwan ding may ilan sa aming umaakyat
sa puno upang magbantay sa sinomang maaaring sumalakay o dumukot sa amin; minsan kasi,
kapag wala ang aming mga magulang, saka sila sumasalakay at nangunguha ng maraming bata
hangga’t kaya nila. Isang araw, habang nasa itaas ako ng puno sa bakuran namin at nagbabantay,
nakita kong may isang lalaking pumasok sa bakuran ng katabing-bahay naming para manguha ng
bata dahil maraming matatabang bata roon. Agad-agad akong nag-ingay para maalarma ang
lahat. Biglang-bigla, nasa tabi nan hg masamang-loob ang pinakamalaki sa mga bata. Itinali siya
para hindi siya makatakas hanggang dumating ang matatanda. Ngunit isang kasawian! Nasa
tadhana ko pala ang masalakay at matangay habang wala ang matatanda.
Isang araw, habang nasa trabaho ang matatanda gaya ng karaniwan, at kami lang ng
kapatid kong babae ang nasa bahay, pinasok kami ng dalawang lalaki at isang babae. Sa isang
iglap, hinuli nila kami. Hindi man lang kami nakasigaw o nakapalag, natakpan agad nila ang mga
bibig naming at dinala kami sa pinakamalapit na kakahuyan. Doon, itinali nila ang mga kamay
naming at isinama kami sa pagtakas hanggang sa magdilim. Nakakita sila ng isang kubo, doon
kumain, at doon na rin nagpalipas ng gabi. Kinalag kami sa pagkakatali pero hindi kami nakakain;
pinanghina na rin kami ng pagod at kalungkutan at ang lunas na lang namin ay ang matulog
upang sandaling pawiin an gaming kasawian. Kinabukasan, nilisan namin ang kubo at
ipinagpatuloy ang paglalakad buong araw.
Matagal kaming nasa loob lang ng kakahuyan hanggang makalabas kami sa isang daanang
parang pamilyar sa akin. Nagkaroon ako ng pag-asang makalaya dahil kaunti pa lang ang
itinatakbo namin nang madiskubre kong may mga tao sa kalayuan. Sinubukan kong humingi ng
saklolo pero wala itong naging bisa liban sa binilisan ang pagtatali sa akin at ang pagtatakip sa
aking bibig bago ako ilagay sa isang malaking sako. Binusalan din nila ang bibig ng kapatid ko at
itinali ang kaniyang mga kamay hanggang mailayo kami sa paningin ng mga tao.
Noong magpapahinga na kami nang sumunod na gabi, inalok nila kami ng makakain pero
pareho kaming tumanggi ng aking kapatid; ang tanging nagpapayapa sa aming mga kalooban ay
ang magdamag naming pagyakap sa isa’t isa at pagpaligo ng luha sa isa’t isa. Ngunit kaylupit na
tadhana! Kahit ang kaunting ginhawang hatid ng magkasabay na pagluha ay inagaw sa amin. Mas
malupit na kasawian ang ipinalasap sa akin noong sumunod na araw, higit pa sa anomang
kasawiang naramdaman ko sa nagdaang mga araw. Pinaghiwalay nila kaming magkapatid
habang magkayakap. Nagmakaawa kaming huwag nila kaming paghiwalayin ngunit nauwi sa
wala ang pagmamakaawang ito; kinuha nila sa akin ang aking kapatid at agad na inilayo habang
naiwan akong gulong-gulo. Umiyak ako at nagluksa nang walang-tigil; wala akong kinaing anoman
sa sumunod na mga araw maliban sa pagkaing puwersahan nilang ipinalunok sa akin.
Matapos kong magpalipat-lipat ng amo sa ilang araw naming paglalakbay, napunta ako sa
kamay ng isang punong-bayan sa isang napakagandang bansa. Ang lalaking ito ay may dalawang
asawa at ilang mga anak at napakabuti ng nagging pagtrato nila sa akin. Ginawa nila ang lahat
upang payapain ang kalooban ko; lalo na ang unang asawa na para ko nang ina. Kahit ilang-araw
na paglalakbay ang layo ko sa tahanan ng aking ama, ang mga taong ito’y nagsasalita ng wikang
katulad na katulad ng sa amin. Ang una kong amo, kung iyon man ang itatawag ko sa kaniya, ay
isang panday at ang pangunahin kong trabaho sa kaniya ay ang paganahin ang pampaypay niya
ng apoy na kagaya rin ng pampaypay ng apoy na nakikita ko sa aming lugar. Nababalot ito ng
balat ng hayop at sa gitna nito ay nakadikit ang isang istik. Tatayo ang tao at pagaganahin ito
gaya ng ginagawa niya sa pambomba ng tubig na ginagamitan ng kamay. Palagay ko, ginto ang
pinapanday niya dahil ang kulay nito ay matingkad na dilaw na kaibig-ibig at isinusuot ito ng
kababaihan sa kanilang mga braso at sakong.
Palagay ko, may isang buwan akong nagtagal sa kanila at pinagkatiwalaan nila akong
makalabas ng bahay basta hindi lalayo. Ginamit ko ang kalayaang ito para gawin ang lahat upang
maipagtanong-tanong ang daan pauwi: iyon din ang dahilan kung bakit sumama-sama ako sa
kadalagahan sa malalamig na gabi para mag-igib ng tubig na gagamitin sa bahay. Habang

29
naglalakad, tinatandaan ko kung saan sumisikat ang araw sa umaga at saan ito lumulubog sa
gabi; tanda kong ang bahay ni Ama ay nasa sinisikatan ng araw. Nagpasiya akong samantalahin
ang unang pagkakataong darating upang ako’y makatakas. Paghahandaan koi to. Sapagkat ako’y
isang api at nilugmok ng pagluluksa sa pagkakalayo sa aking ina at mga kaibigan; at ang pag-ibig
ko sa paglaya na lagging masidhi ay lalong pinalalakas ng pag-iwas kong kumain kasama ang
mga batang isinilang nang Malaya kahit madalas ko silang kasama.
Habang pinaplano ko ang aking pagtakas, may nangyaring kamalasan isang araw na
humadlang sa aking plano at tumapos sa aking pag-asa. Paminsan-minsan, inuutusan akong
tumulong sa isang matandang aliping babae sa pagluluto at pag-aalaga ng mga manok. Isang
umaga, habang nagpapakain ng mga manok, nakapaghagis ako ng isang maliit na bato na
deretsong tumama sa isa sa mga manok at pumatay rito. Nang hindi makita ng matandang alipin
ang manok, inusisa niya kung nasaan ito; at nang aminin ko ang aksidenteng nangyari (sinabi ko
sa kaniya ang totoo dahil hinding-hindi gugustuhin ng aking ina na ako’y magsinungaling), bigla na
lang siyang nagwala at nagsabing dapat kong pagbayaran ang ginawa ko; at dahil nasa labas ang
amo kong babae, hinanap siya ng matandang alipin para sabihin ang nangyari. Masyado itong
nakabahala sa akin at naisip ko nang lalatiguhin ako- isang nakaririmarim na karanasan na di-
karaniwan sapagkat madalang lang naman akong saktan sa tahanan ng aking amo.
Nagpasiya akong tumakas. Tumakbo ako sa kalapit na kagubatan at nagtago sa mga
halaman. Maya-maya pa, nakauwi na ang amo kong babae at ang matandang alipin, aat nang
hindi nila ako Makita, hinanap nila ako sa buong bahay at nang hindi nila ako mahagilap at hindi
ako sumagot sa kanilang tawag, inisip nilang tumakas na ako, at inalerto ang buong kapitbahayan
upang hanapin ako. Sa bahaging iyo ng bansa (gaya rin sa amin), ang mga bahay at nayon ay
napapalibutan ng mga punongkahoy at mga halaman. Napakakapal ng mga ito na kayang-kaya
silang pagtaguan ng tao upang makaiwas sa pinakamahigpit na paghahanap. Buong araw akong
hinanap ng kapitbahayan at sa maraming pagkakataon, halos makatabi na nila ako sa aking
pinagtataguan. Sumuko na ako at umasang sa bawat kaluskos, may makakakita na sa akin at
parurusahan ako ng aking amo: ngunit hindi nila ako nahanap kahit minsan, ang lapit-lapit na nila
sa akin na naririnig ko na kung ano ang kanilang pinagbubulungan habang hinahanap ako. Sa
kanila ko nalamang walang saysay ang anomang pagtatangkang makauwi. Marami sa kanila ang
nag-isip nab aka bumalik na ako sa aming tahanan; pero napakalayo ng aming bahay at
napakasalimuot ng daan at hindi sila naniniwalang mahahanap ko ang daan pauwi at mawawala
na lang ako sa kakahuyan. Nang marinig ko ito, nataranta ako at nawalan ng pag-asa.
Unti-unti nang lumatag ang dilim na nagpalala ng aking takot. Dati, sumagi sa isip ko ang
pag-uwi at binalak kong gawin ito kapag madilim na; ngunit ngayon, kumbinsido na akong hindi ito
mangyayari. Unti-unti kong tinanggap na posible kong matakasan ang lahat ng hayop sa gubat
ngunit hindi ang tao; at dahil hindi ko alam ang daan, mamamatay ako sa kakahuyan. Ang gaya
ko’y isang usang tinutugis.

30
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 4, LAS 3
Paksa : Paghahanay
Layunin : Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t
isa.
Sanggunian : LM Filipino 10, MELC (F10PT-IIId-e-79)
Manunulat : Analiza Q. Catap

Paghahanay – ay paghelira ng mga salita o kaisipan ayon sa kaugnayan nito sa bawat isa.

Halimbawa: Lydia’s: Baboy , Manok: Baliwag

Gawain: Ihanay mo

Panuto: Hanayin ang mga salita batay sa kaugnayan nito sa bawat isa. Ito ay nakabatay sa
kuwento na “Ang Alaga” ni Barbara Kimenye na makikita sa ibaba. Pilin ang tamang sagot sa
loob ng kahon at isulat sa patlang. Gayahin ang pormat sa ibaba sa sagutang papel.

Masayang naghahati-hati sa baboy


Barbara Kimenye
Retiro
Kibuka
Pig protien

(Analohiya)

1. 60: __________________, 18: Tamang edad ng pagtatrabaho.


2. Nelson Mandela Bayani ng Afrika, Ang Alaga: ________________________.
3. Kapitbahay:__________, Kibuka: Malungkot dahil na siyang alagang baboy at wala ng
katabi sa pagtulog.
4. Apo: Nagbigay ng baboy, ____________: Nag-alaga ng baboy.
5. Baboy: ____________________ , Manok: 7 kinds.

31
Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Ang Alaga
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson

Naniniwala si Kibuka na hindi para sa kaniya ang pagreretiro. Isa siyang


mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters. Hanggang isang araw, may
pinapunta mula sa Komisyon ng Serbisyo Publiko sa kanilang tanggapan upang alamin kung sino
ang mga kawaning dapat nang magretiro. Ang sumunod na pangyayari sa likod ng maitim na
kulay ng kaniyang buhok, may pensiyon na siya, may Sertipiko ng Serbisyo, at wala ng trabaho.
Sa pagkakaretiro niya, nag-aalala pa rin siya kung paano ginagawa sa kasalukuyan ang dati
niyang trabaho. Minsan, ipinatawag siya sa dati niyang tanggapan upang tingnan kung kailangan
ng kaniyang kapalit ang payo at tulong. Hindi siya makapaniwala sa nadatnan niyang makalat na
mga papeles at napatunayan niya ang kawalan ng kaayusan. Sa buong paligid ng tanggapan,
nagkalat din ang iba’t ibang papeles, maging ang mga kompidensiyal na papeles na hindi dapat
makita ng kung sino-sino ay nababasa na ng lahat. Sa ganitong sitwasyon, tila walang pakialam
ang kaniyang kapalit. Mas binibigyang-pansin pa nito ang pakikipag-usap sa telepono habang
napaliligiran ng ilang babae.
Hindi naging maganda ang pagpunta niya sa dating tanggapan. Maging ang dati niyang mga
kasamahan ay hindi na interesado sa sinasabi ni Kibuka.
Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa
Kalansanda na maraming muling babalikan ngunit hindi gaano sa kaniyang haharapin. Nagkataon
pa na ang matalik niyang kaibigan na si Yosefu Mukasa ay nasa Buddu Country para sa
pagnenegosyo. Naiisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na lamang. Paulit-
ulit niya itong naiisip habang nag-iinit ng tubig para sa iinuming tsaa. Sa ganoong sitwasyon,
nakarinig siya ng tunog ng paparating na kotse. Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang
alamin kung sino ang dumating. Siya ang pinakamatanda sa kaniyang mga apo, mataas, payat, at
kaboses ni Kibuka.
Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.
“Napakagandang sorpresa! Tuloy ka mahal kong apo, tamang-tama, naghanda ako ng
maiinom na tsaa.”
“Lolo, sandali lang po ako. Hindi po ako magtatagal. Tiningnan ko lamang po ang katayuan
ninyo at dinalhan ko po kayo ng pasalubong.”.
“Napakabuti mo, aking apo. Ang biglang pagbisita mo at may pasalubong pa ay lubha kong
ikinatuwa.” Dahil dito, nabaligtad na lahat ang hindi niya magagandang naiisip tungkol sa buhay,
puno na siya ng kapanabikan.
“Isang biik ang pasalubong ko po sa inyo mula sa Farm School. Hindi na siya mapakain
doon at naisip ko na baka gusto ninyong mag-alaga nito.”
Kinuha ng apo ni Kibuka, ang itim na biik.
Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung minuto
ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa,
at pagwagwag ng buntot. Masayang nagpaalam si Kibuka sa apo at habang kumakaway siya rito,
sumisiksik naman sa kaniyang dibdib ang biik.
Sinabi niya sa apo na dadalhin niya sa Markansas ang biik at kakausapin si Miriami na
ihanda ang biik bilang espesyal na pagkain sa hapunan para sa pag-uwi ni Yosefu.
Nagdalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod nang sunod
ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito. Hindi ito umaalis sa tabi niya. Parang
taong nakikinig sa bawat sasabihin ni Kibuka. Pagdating ng gabi, biglang maiisip ni Kibuka na
pakainin ang biik ng tirang pagkain sa sarili niyang pinggan, bukod pa sa talagang kinakain niyon.

32
Pagkalipas ng ilang araw, lumalaki na ang biik, malakas nang kumain at kailangang manguha ng
matoke si Kibuka sa mga kaibigan at kapitbahay.
Nalaman na sa buong Kabzanda na may alagang baboy si Kibuka. Mula noon, hindi na
nagbabahay-bahay si Kibuka upang manguha ng matoke para sa alaga niyang baboy sapagkat
ang mga babae at bata na nag-iigib ng tubig na malapit sa bahay ni Kibuka ang nagdadala na ng
mga matoke. Nagiging dahilan iyon upang makita at makipaglaro sila sa alagang baboy ni Kibuka.
Para na nilang kamag-anak ito na sinusundan at inaalam ang paglaki nito.
Ito lamang ang baboy na napakalinis dahil naaalagaan ito nang maayos. Dahil dito,
pinapayagan ni Kibuka na matulog ito sa kaniyang paanan bagaman ingat na ingat siya na
malaman ito ng kaniyang mga kapitbahay. Naging mabilis ang paglaki ng alagang baboy. Lumaki
ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, napamahal na iyon kay Kibuka.
Sa paglipas ng mga linggo, habang lumalaki ang alagang baboy, maraming problema ang
dumarating. Halimbawa, kailangan na nang mas maraming pagkain at hindi naman ganoon
karami ang makukuha sa mga kapitbahay kaya kapag wala nang makain ang baboy, pupunta ito
sa shamba ng mga kapitbahay at kakainin ang tanim na mga gulay at kape. Maging si Kibuka ay
naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alagang baboy.
Hindi na rin gusto ni Kibuka na natutulog sa kaniyang paanan ang alagang baboy gaya
noong biik pa lamang ito. Ngayon, napakalakas niyong maghilik na nakapagpapapuyat kay Kibuka.
Isang mabigat na desisyon na hindi na magtatagal ay ilalabas na niya ang alagang baboy at itatali
na lamang sa puno.
Kung sino kaya ang magdurusa, si Kibuka o kaniyang alagang baboy ay mahirap na sagutin.
Walang malayang alagang baboy at si Kibuka lamang ang makapagsasabi.
Sa araw, malayang nakagagala pa ang baboy, bagaman laging nahuhulog sa ilog.
Hindi tiyak ang lalim ng ilog sa Kalansanda. Karaniwang naliligo o nagtatampisaw ang mga
taga-Kalansanda sa nasabing ilog. Minsan, kapag umuulan, malakas ang agos ng tubig na
maaaring madala nito ang isang bata. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito.
Naglalaro sa imahinasyon ni Kibuka na baka paglaruan ang alagang baboy ng mga batang
naglalaro na maaaring hulihin at dalhin sa gitna ng ilog at lunurin ang baboy.
Para hindi ito mangyari, tuwing magdidilim na, ipinapasyal niya ang alagang baboy na
kinasanayan nang makita ng mga taga-Kalansanda at tanging hindi mga tagaroon ang tila
nagugulat sa ginagawa niyang pagpasyal sa alagang baboy habang may tali ito. Naging
magandang ehersisyo ito ni Kibuka dahil sa pananakit ng kaniyang mga kalyo na sa bawat
hakbang niya upang masiyahan ang alagang baboy ay katumbas naman ng labis na sakit ang
dulot sa kaniya na halos ikaiyak niya. Sinabi niya kay Daudi Kulubya na nagmamalasakit sa
papilay-pilay niyang lakad na nasisiyahan naman siya sa ginagawa niya sa alagang baboy.
Masaya siyang uuwi at ibababad ang mga paa sa isang palanggana ng mainit na tubig ng isang
oras. Hindi na niya iisipin ang pananakit ng kaniyang mga kalyo.
Gaano pa katagal ang ganitong sitwasyon? May mga pagkakataon na kinakausap ni Kibuka
ang ilang kilala niyang bumibili ng alaga niyang baboy. Ngunit ang pagmamahal sa alagang baboy
ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili dahil para na rin itong pagtataksil sa
alaga.
Isang araw, habang papunta si Kibuka sa Sagradong Puno at habang naghahalukay sa
kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang ‘di inaasahang pangyayari ang naganap. Si
Kibuka, ang alagang baboy, at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang
direksiyon. Nasagasaan sina Kibuka at alagang baboy ng isang motorsiklo. Nang magkamalay na
siya, natuwa siya sapagkat buo pa rin ang kaniyang katawan maliban sa isang balikat na
sumasakit at dugo sa mga kamay niya. Nakilala niya ang drayber na si Nathaniel Kiggundu na tila
hindi naman gaanong nasaktan. Inalis niya ang mga damong nakatabon sa kaniyang mukha at
makikita ang mahabang punit ng pantalon sa tapat ng isa sa kaniyang tuhod.
Mula sa kung saan, narinig nila ang napakalakas na iyak ng alagang baboy ni Kibuka at
doon nagpunta ang dalawang lalaki. Pagdating nila, ay umiiyak ang baboy dahil sa pagkakaipit ng

33
leeg nito at namatay na. Totoong nakasama kay Kibuka ang aksidente na nag-iwan sa kaniya ng
kondisyong walang katiyakan. Habang nakaupo siya sa tabi ng namatay na alagang hayop, iniisip
niya ang kasunod na mga pangyayari. Marami nang taong nag-uusyoso, titingnan si Kibuka at
namatay na alagang hayop at pagkatapos ang motorsiklo naman ang kanilang titingnan. Dumating
si Musisi, ang Hepe ng Ggogombola. Kinuha ang pahayag ni Kiggundu at pagkatapos nilapitan si
Kibuka at pinipilit na isakay sa kaniyang sasakyan upang iuwi sa bahay niya.
“Sir, mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lang kayo kukunan ng pahayag.
Magpahinga muna kayo.”
“Pero hindi ko maaaring iwanan ang namatay kong alagang baboy.”
“Maaari po nating ilagay sa likod ng aking sasakyan kung ibig po ninyo. Mas mabuti sana
kung puputol-putulin na ito ng matadero dahil hindi na ito maaaring magtagal sa klase ng klima
ngayon.”
Kailanman ay hindi pumasok sa isipan ni Kibuka na kainin ang alagang hayop. Iniisip niya
kung saang bahagi ng shamba ililibing ang alagang hayop. Sinabi niya na ang pagkain ng isang
napamahal na alaga ay isang barbarong gawain. Naiisip niya na naghuhukay na siya ng
paglilibingan ng alaga. Natitiyak niyang hindi siya tutulungan ng mga taga-kalsada na gawin ito.
Sa bandang huli, naisip niya na bakit hindi magkaroon ng bahagi ang kaniyang mga kapitbahay sa
namatay niyang alaga. Sila naman ang nagpakain sa nasabing alaga.
Dinala sa Ggogombola Headquarters ang nasabing alaga ni Kibuka at ipahahati-hati ito sa
askaris na naroon. Sinoman ang may gustong kumain ng baboy ay pumunta roon bago mag-
ikapito ng gabi, ayon kay Musisi na siya nang nag-asikaso sa namatay na baboy.
Sa pagbalik ni Kibuka sa kaniyang tahanan, ginamot niya ang kaniyang balikat ng gamot na
karaniwang ginagamit niya sa anomang sakit na nararanasan niya. Umupo sandali habang
umiinom ng tsaa. Maaga siyang natulog at nagising sa magandang sikat ng araw. Nasabi niya sa
kaniyang sarili na ito ang pinakamaganda niyang pagtulog at nasiyahan siya pagkatapos ng
maraming buwan na nagdaan. Dumating si Musisi habang papaalis na si Kibuka upang tingnan
kung ang pata ng alaga niyang baboy ay nadala kay Yosefu at Miriamu.
“Hindi pa, Sir, ngayon ko pa lamang dadalhin doon, ibig ba ninyong sumabay na sa akin
pagpunta roon?”
Pumayag si Kibuka na makisabay. Tinanggihan naman niya ang laman ng baboy na dinala
sa kaniya ni Musisi.
“Sa iyo na iyon, anak, hindi ako mahilig kumain ng baboy.”
Kinuha ni Miriamu ang pata ng baboy at ang interes naman ni Yosefu ay ang mga detalye ng
aksidenteng naranasan ni Kibuka. Pinilit ni Yosefu at Miriamu na mananghalian sa kanila ang
dalawa. Ngunit kailangang dumalo sa isang pulong ni Musisi sa Mmengo, kaya si Kibuka na
lamang ang iniwan. Maraming napag-usapan sina Kibuka at Yosefu. Matagal silang hindi nagkita
kaya magiging masarap ang pagkain nila ng pananghalian.
“Talagang napakahusay mong magluto, Miriamu,” wika ni Kibuka habang naglalagay ng
maraming pagkain sa kaniyang pinggan.”
“Napakalambot ng karne ng baboy na iyon na parang isang manok at napakasarap pa,”
pahayag naman ni Miriamu.
May ilang sandali na nalulungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang
alaga at masaya niyang kinakain ito. Ngunit sandali lamang ito at patuloy pa rin niyang nilalagyan
ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at alam niya na hindi na siya maglalakad
tuwing hapon at sa halip, makakatulog na siya nang maayos.

34
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 4 LAS 4
Paksa : Teaser o Trailer ng Pelikula
Layunin : Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na
may paksang katulad ng binasang akda.
Sanggunian : SLM Filipino 10, MELC (F10PD-IIId-e-77)
Manunulat : Sheena Mae R. Azares
______________________________________________________________________________
Ano ang teaser o trailer?
Ang teaser o trailer ay isang maikling patikim sa manonood sa kabuuang pelikulang
kanilang mapapanood. Dito ipinakikita ang sunodsunod na eksena sa pelikula na pinaikli upang
bigyan ang manonood ng preview sa nasabing pelikula.
Narito ang karagdagang kaalaman upang lubos mo pang maunawaan ang aralin. Madali
lamang itong unawain sapagkat lahat ng tao ay nakapagbibigay ng reaksyon, opinyon o puna sa
lahat ng bagay.
Makatutulong din ito upang makapagbigay-puna ka sa nilalaman ng trailer na iyong napanood o
nabasa. Alamin natin kung ano-ano ang mga ginagamit na salita upang makapagbigay ng opinyon.

Buod ng Unforgettable

Nakatira si Jasmine (Sarah Geronimo) sa Baguio kasama ang kaniyang Lola Olive (Gina
Pareno) na siyang nagpalaki sa kaniya simula nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Hindi
pangkaraniwan si Jasmine — mayroon siyang photographic memory at mayroon din siyang mga
kilos at gawing maituturing na katangi-tangi o special gaya ng sensitibo siya sa ingay at malakas
na tunog at kung minsan ay mayroon din siyang tantrums o nagwawala nang walang malinaw na
dahilan. Hindi rin siya maaaring makapag-isa dahil sa kaniyang kalagayan. Nang magkasakit ang
kaniyang Lola Olive, kinailangan ni Jasmine na mamalagi muna sa Maynila kasama ang kapatid
na sina Dahlia (Ara Mina) at Violet (Meg Imperial). Dito siya nagkaroon ng bagong kaibigan —
isang aso na pangangalanan niyang Happy — dahil kamukha ito ng laging ikinukuwentong aso ng
kaniyang lola noon at ito raw ang nagpagaling sa kaniyang lola noong siya ay nagkasakit. Kaya
naisip din ni Jasmine na baka si Happy ang maging daan sa paggaling ng kaniyang Lola. ‘Yun nga
lang, hindi magiging madali para sa kaniya ang pumunta sa Baguio sapagkat tutol ang kaniyang
mga kapatid. Dahil pursigido, pipilitin ni Jasmine na makarating sa Baguio nang mag-isa kasama
lamang si Happy kahit sa ano pa mang paraan.

Gawain I -
Panuto: Bigyang-puna ang suliraning nangibabaw sa napanood na teaser o trailer ng pelikula at
iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan sa pamamagitan ng pagbuo ng 2-3 talata.
Gumamit ng mga salitang magkakaugnay ang mga kahulugan. Isulat ang sagot sa hiwalay na
papel.

35
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 5, LAS 1
Paksa : Maikling Kuwento (Ang Alaga)
Layunin : Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa: sarili, panlipunan, pandaigdig.
Sanggunian : LM Filipino10, MELC (F10PS-IIId-e-81)
Manunulat : Esmeralda M. Sucal

Ang Maikling Kuwento o maikling katha ay nilikha nang masining upang mabisang
maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o
ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari. Basahin ang maikling kuwento ni
Barbara Kimenye “Ang Alaga” na isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson.
Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa kanyang
alaga. Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan ang binibigyang diin ay ang
ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyong binasa ay nakatuon sa katangian ng
tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumikilos ayon sa kanyang paligid.

Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa batay sa: sarili, lipunan at daigdig.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

SARILI LIPUNAN DAIGDIG

Rubrik sa Pagmamarka
5 4 3 2 1
Nilalaman
Lalim ng Repleksyon
5-pinakamahusay 4-mahusay 3-katanggap-tanggap 2-mapaghuhusay
1-nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay

36
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan3, Linggo 5, LAS 2
Paksa : Paraan ng Pagpapahayag ng Damdamin
Layunin : Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda.
Sanggunian : LM Filipino 10, MELC (F10WG-IIId-e-74)
Manunulat : Esmeralda M. Sucal

Ang Damdamin o emosyon ay pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal


kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang
indibidwal. Ibat-ibang emosyon ang mararamdaman ng tao tulad ng saya, lungkot, pagsisisi, galit,
tuwa at iba pa.
Ang mga tao ay nagpapakita ng damdamin o emosyon sa ibat-ibang paraan. Ang
damdaming nangingibabaw sa isang akda ang sumasalamin sa nais nitong iparamdam sa
kaniyang mambabasa.

Halimbawa:
Sabik niyang tinungo ang pinto ng bahay upang alamin kung sino ang dumating.
Ang kahulugan ng salitang sabik ay paghahangad para sa isang tao o bagay o pag-asa
para sa isang resulta o kinalabasan. Ang katulad na diwa ay ipinahayag ng damdaming
katulad ng pagmimithi.

Panuto: Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag. Bigyang kahulugan ang bawat
salitang may salungguhit. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Masayang-masaya si Kibuka habang nanginginig na niyakap ang apo.


Kahulugan:
2. Ibig na ibig ng alagang baboy na magtampisaw rito.
Kahulugan:
3. Naisip ni Kibuka na kaawa-awa na siya at mabuting mamatay na lamang.
Kahulugan:
4. Nagdadalawang-isip si Kibuka para sa planong gagawin sa biik sapagkat sunod nang
sunod ang biik at bawat pag-upo niya laging nasa paanan niya ito.
Kahulugan:
5. May ilang sandali na nalungkot siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang alaga
at masaya niyang kinain ito.
Kahulugan:

37
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 5, LAS 3
Paksa : Patalastas
Layunin : Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa
at ng alinmang social media.
Sanggunian : LM Filipino 10, MELC (F10PU-IIId-e-81)
Manunulat : Esmeralda M. Sucal

Ang Patalastas ay maaaring pasalita at pasulat. Ang pagsasahimpapawid ay ginagamit sa


pagbibigay ng patalastas sa paraang pasalita tulad ng ginagawa sa radyo at sa telebisyon.
Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustuhan ng mga tao o kaya’y mga paligsahang
ipinababatid sa publiko.
Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa pahayagan, billboards, poster, at
magasin. Nakalimbag dito ang nais ianunsyong mga gawain o hanapbuhay na kailangan ng isang
tao o kompanya, mga larawan o hitsura’t katangian ng produkto o kaya’y panawagan para sa mga
nagnanais lumahok sa paligsahan.

Panuto: Suriin ang patalastas na nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

www.imageVIRUS-BrigadaNewsDavao.com
1. Tungkol saan ang patalastas?
2. Ano ang epekto ng Coronavirus sa tao?
3. Ano ang solusyon sa Coronavirus ayon sa anunsyo?
4. Paano maiiwasan ang sakit dulot ng Coronavirus?
5. Sa iyong palagay nakatutulong ba ang mga ibinigay na paalala upang maiwasan ang
Coronavirus?

38
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 6, LAS 1
Paksa : Sanaysay at Talumpati (Nelson Mandela: Bayani ng Africa)
Layunin : Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan;
Sanggunian : LM Filipino 10; MELC (F10PN-IIIf-g-80)
Manunulat : Ferlyn Sepe – Joaquin

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling
kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa. Ang
dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal.
Pormal Di-Pormal o Personal
Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan/libangan.
Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng
kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-
lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay. araw-araw, at personal.
Maingat na pinipili ang pananalita. Ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-
usap lamang.
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin
may-akda at paniniwala ng may-akda.

Gawain 1: Pagsubok ng Kaalaman


Panuto: Ipaliwanag ang likhang sanaysay na nasa loob ng grapikong pantulong batay sa napakinggang
talumpati ni Nelson Mandela. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Ayon kay Pangulong Nelson Mandela, magiging susi tayo ng


pinapangarap na kapayapaan, kalayaan at katarungan sa pamamagitan ng
pagkilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa
pambansang pagkakasundo-sundo para sa pambansang pagkakabuo-buo,
para sa pagsilang ng bagong mundo. Sa tingin ko, bilang kabataan
magiging susi tayo ng pinapangarap na kapayapaan, Kalayaan, at
katarungan sa pamamagitan ng pagkakapantay-pantay, walang
diskriminasyon, at pagpapahalaga at paniniwala sa bawat isa.

39
Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…


Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa
kasisilang na kalayaan gayon din naman sa mganagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo.
Mula sa mga karanasan ng ‘di pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang
matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.
Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay kailangang
magbunga ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng sangkatauhan sa
katarungan, magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos sa lahat ng ating
pag-asa sa
kapakinabangan ng buhay ng lahat.
Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto ngayon.
Sa aking mga kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin ay
kasinlapit ang puso sa lupa ng napakagandang bansang ito, sa tanyag na puno ng jacaranda sa
Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.
Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin ang
pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon.
Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa
pagbukadkad ng mga bulaklak.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa
lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-
unting nalulugmok ng ‘di pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban
sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang
nakamamatay na ideolohiya at
pagkakaroon ng rasismo.
Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik sa
sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng
bihirang pribilehiyong
mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.
Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sa pagparito upang
angkinin, kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa
kapayapaan, at para sa dignidad.
Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap sa mga
pagsubok sa pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae,
walang diskriminasyon sa
lahi, at demokrasya.
Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang kanilang
kalayaang politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga
pinuno na isagawa ang kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy
President, ang Kagalanggalang na si F. W. de Klerk.
Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa pagganap sa
kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa
demokrasya, mula sa
“hukbong uhaw sa dugo” na nag-aalangan pa ring makakita ng liwanag.
Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na.

40
Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging dahilan ng
pagkakahati-hati ay dumating na.
Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na.
Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong palalayain ang
ating mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon.
Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga natin
ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan.
Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan. Pumasok
tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog
Africa, itim man o puti, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang
karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.
Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of National
Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng
mga taong kasalukuyang nakakulong.
Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba pang bahagi
ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya.
Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog.
Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw,
mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa,
malaya, walang diskriminasyon ng lahi, at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng
kasarian.
Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan.
Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay.
Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa
pambansang pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng
bagong mundo.
Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat lumaya
upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng kawalang-
katarungan at sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan.
Pagpalain ka ng Diyos, Africa!
Salamat

41
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 6, LAS 2
Paksa : Sanaysay at Talumpati (Nelson Mandela: Bayani ng Africa)
Layunin : Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa
ibang akda.
Sanggunian : LM Filipino 10; MELC (F10PB-IIIf-g-84)
Manunulat : Ferlyn Sepe – Joaquin

Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang
sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang sanay.” Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel
de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay.” Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses
na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.

Paghahambing: (5 Puntos) Punan ang Venn Diagram sa pamamagitan ng paghahambing.


Ihambing ang mga ito ayon sa iyong pagsasaliksik. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba.
Gayahin ang pormat at sagutin sa iyong sagutang papel.

A. (5 Puntos)
Pagkakatulad Pagkakatulad
Sanaysay Talumpati
Pagkakaiba

B. (5 Puntos)

Pagkakatulad Pagkakatulad
Sanaysay Tula

42
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Sanaysay at Talumpati (Nelson Mandela: Bayani ng Africa)
Markahan 3, Linggo 6, LAS 3
Pamagat ng Gawain : Pagbibigay ng Katumbas na Salita (Analohiya)
Layunin : Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda;
Sanggunian : SLM Module 1; LM Filipino 10; MELC (F10PT-IIIf-g-80)
Manunulat : Ferlyn Sepe – Joaquin

Ang anolohiya ay ang paghahambing ng dalawang magkatulad na pag-uugnayan ng tao o


bagay....... Ito'y nagagamit din sa pagkuha ng konsepto at kahulugan ng salita....
Halimbawa:
Rizal : bayani :: Pia Adelle Reyes : kampeon
Pansinin ang tutuldok na ginamit para kumatawan sa katagang tulad sa o katulad
ng. Dahil dito, kung babasahin ang anolohiya sa halimbawang ibinigay sa itaas, ito;y dapat
basahin ng: Si Rizal ay sa bayani katulad ng si Pia Adelle Reyes ay sa kampeon…

Pagbibigay ng Katumbas: Ibigay ang hinihinging katumbas na salita ng sumusunod mula sa


talumpating binasa. Piliin ito sa kasunod na kahon. Ibigay ang ugnayan sa isa’t isa upang
mabigyang-linaw kung bakit ito ang iyong naging sagot.

kagubatan prutas tula


karagatan silid-aklatan himagsikan
katawan tinapay mata
butil sakuna

1. bulaklak : hardin :: aklat : __________


2. berde : kapaligiran :: asul : __________
3. espiritwal : kaluluwa :: pisikal : __________
4. puso : katawan :: __________ : puno
5. __________ : gutom :: tubig : uhaw
6. sanaysay : talata :: saknong : __________
7. bughaw : kapayapaan :: pula : __________
8. peligro : panganib :: kalamidad : __________
9. ulan : patak :: bigas : __________
10. kundiman : tainga :: pelikula : __________

43
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 7, LAS 1
Paksa : Sanaysay at Talumpati (Nelson Mandela: Bayani ng Africa)
Layunin : Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango sa
youtube
Sanggunian : Modyul para sa mga Mag-aaral Filipino 10; MELC (F10PD-IIIf-g-78)
Manunulat : Lara Jane Bariñan

Binigkas ni Nelson Mandela ang kaniyang talumpati noong Mayo 10, 1994 nang siya ay
pasinayaan bilang pangulo. Naging daan ang panitikan partikular na ang sanaysay o talumpati sa
paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ng kanilang bansa. Sa talumpati a y naipapahayag din nila
ang pagkauhaw sa kalayaan, karapatan at katarungan na naging bahagi na ng kanilang buhay, ng
kanilang kultura.

Pagpapaliwanag: Muling balikan ang pinanood at napakinggang talumpati ni Nelson Mandela na


isinalin sa Filipino sa mga link na ito : https://www.youtube.com/watch?v=IzjA7BTr_yo&t=21s at
https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/nelson_mandela_bayani_ng_africa.html .
Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong at ibigay ang inyong sariling reaksiyon inyong
napanood at napakinggan.

1. Batay sa talumpati, ilarawan ang kalagayan ng mga taga Timog- Africa.


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog- Africa, ano ang iyong magiging damdamin sa
talumpati ni Mandela?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa ano- anong sitwasyon maituturing na hindi malaya ang isang tao, lahi o bansa?
____________________________________________________________________________

3. Bilang kabataan, paano ka magiging susi sa pinapangarap na kapayapaan, kalayaan at


katarungan ng ating lipunan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

44
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 7, LAS 2
Paksa : Sanaysay at Talumpati
Layunin : Nakasusulat ng isang talumpati na pang-SONA
Sanggunian : Modyul para sa mga Mag-aaral Filipino 10; MELC (F10PU-IIIf-g-82)
Manunulat : Lara Jane Bariñan

Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbibigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa


paksang nais nitong talakayin. Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa
mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong
ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng
komposisyon.
Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay na bibinibigkas sa maraming tao. Ang
sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan,
kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal.

Pagsulat: Muling basahin ang kahulugan ng dalawang uri ng sanaysay pormal at di- pormal. Sa
isang buong papel sumulat ng isang talumpati at pumili ng isang paksa gaya ng ;(1) Pagdiriwang
ng Buwan ng Wika, (2) Pagtakbo sa Halalan at (3) Pang-Sona.
Rubrik sa Pagsulat ng Talumpati:
Pamantayan Nakamit ang Bahagyang Nakamit Hindi nakamit Nangangailangan
Inaasahan ang Inaasahan ang Inaasahan ng Pagsasanay
(10) (6) (3) (1)
Panimula Nakapanghihikayat Nakalahad sa Hindi malinaw Nangangailangan
ang panimula. panimula ang ang panimula at ng pagsasanay.
Malinaw na pangunahing paksa ang pangunahing
nakalahad ang subalit hindi sapat paksa.
pangunahing ang pagpapaliwanag
paksa. ukol dito.
Organisasyon Organisado at Organisado ang Hindi organisado Nangangailangan
ng mga Ideya mahusay ang pagkakaayos ng mga ang sanaysay ng pagsasanay
pagkakasunud- talata subalit ang mga
sunod ng mga ideya ay hindi ganap
ideya. na mahusay.

45
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 7, LAS 3
Paksa : Paggamit ng Tuwiran at Di- Tuwirang Pahayag
Layunin : Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di- tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe
Sanggunian : SLM Filipino 10; MELC (F10WG-IIIf-g-75)
Manunulat : Sheena Mae R. Azares

Ano ang Tuwiran at ‘Di Tuwirang Pahayag?


Ang tuwirang pahayag ay kilala bilang direct speech sa wikang Ingles. Ito ang tawag sa
pahayag na mismong ang nagsasalita ang nagsambit ng nasabing pahayag. Ginagamitan ito ng
bantas na panipi (“ ”).

Halimbawa:
“Ngayon, tinanggal ko sa politiko kasi maraming reklamo ‘yung distribution ng pera pati ang
bigas na pagkain.”
- Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Ang 'di tuwirang pahayag naman ay kilala bilang “indirect speech” sa wikang Ingles. Ito ang
tawag sa pahayag na may ibang taong nagsabi ng sinabi ng nagsasalita.

Halimbawa:
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tinanggal niya sa politiko ang distribution ng pera
pati na bigas na pagkain kasi maraming reklamo.

Gawain 1: Sagot Ko… Itatala Ko


Panuto: Basahin ang sumusunod na mensahe mula sa tinalakay na SONA ni Pangulong Rodrigo
Roa Duterte. Tukuyin kung ang ginamit sa mensahe ay tuwiran o ‘di tuwirang pahayag. Kung ito
ay tuwiran, gawin itong ‘di tuwiran at kung ito naman ay ‘di tuwiran, gawin itong tuwirang pahayag.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. “Do not entertain doubts about dishonesty and corruption. Hindi panahon na ‘yan ngayon. Not
this time.”
2. Sinabi ng pangulo na huhulihin at ikukulong niya ang lahat ng gagawa ng hindi maganda sa
mga frontliners at makalabas lang pagkatapos ng COVID-19
3. "Ang pera, dadating. Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo.”
4. Sabi ng pangulo sa kaniyang SONA, ngayon ang panahon para maging ehemplo sa bawat isa.
5. “Magtiis na lang siguro kayo ng delayed delivery pero dadating ‘yan at hindi ka magugutom.”

46
Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Basahin ang SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa COVID-19 noong Abril taong 2020.
Maaari ding panoorin ito sa Youtube gamit ang link na: https://youtu.be/goNimeWt4GE

State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-
19) Pandemic

Mga kababayan kong Pilipino, I am addressing you once again about the problem of COVID-19
pandemic.
It is getting worse. So once again, I’m telling you the seriousness of the problem and that you must
listen.
We are awaiting for God’s blessing na magkaroon tayo ng vaccine either from China, Russia, America.
I’m sure na kung meron na sila, they will share it with the rest of the world.
In the meantime, habang naghihintay tayo, maraming problema na pumuputok na. Hirap na nga tayo,
wala ng trabaho, walang negosyo, and there are people trying to mess up.
Ang ating suplay hanggang diyan lang ‘yan, ‘yung inabot kasi hindi natin alam ganun kabilis. In two
days’ time, patay ka. So we are trying to manage na lahat magkaroon equally. Equally is equally, pera pati
pagkain. Ano ‘yung parte ko, parte mo ‘yan.
Pero maghintay kayo. Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am addressing the left na ‘yung
pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution. Remember kayong mga left: You are not the
government. Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are
planning to do for the nation.
Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I
will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID.
Ngayon, ‘pag kayo ang na-detain, bahala kayo sa pagkain ninyo. Kaysa ibigay ko doon sa mga loko-
loko, kagaya ninyo panggulo, ibigay ko na lang ‘yon sa mga matino pati nangangailangan.
My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na
lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead.
Ngayon, tinanggal ko sa politiko kasi maraming reklamo. Tinanggal ko sa politiko ‘yung distribution ng
pera pati ang bigas na pagkain. Ibinigay ko kay Secretary Bautista lahat na ‘yan kasi itong DSWD may
sariling distribution network na ‘yan, ‘yung Pantawid. Idagdag na lang nila doon sa matatanggap doon sa
recipient ng Pantawid. Idagdag mo na lang ang pera na ‘yan doon sa kanila kasi kanila ‘yan.
Iyong pera na ‘yan, inyo ‘yan. Kaya lang hindi ko man maibibigay lahat unevenly kaya ako na ang —
kami na sa gobyerno ang mag distribute pati to determine how much.
Do not entertain doubts about dishonesty and corruption. Hindi panahon na ‘yan ngayon. Not this time.
Ako mismo nagsasabi.
Kasi ‘yung iba nagdi-distribute kina-cutting. Instead of seven gawain ninyong five doon sa itaas sa
repacking. Kaya ngayon DSWD na at ‘yung pera DSWD pati si Secretary Galvez.
Naintindihan ninyo ‘yan? Tinanggal ko na ang politiko. Puro na ito sa gobyerno. Mga military ito pero
retired. Sibilyan na ‘yan.
Iyong mga goods, bigas, kung ano pang iba ibigay ng gobyerno, bilisan ninyo at pagkain ‘yan. Mayroon
tayong ginawang mga hakbang na to sustain us but only if there is order in the society. Kasi ‘pag magulo,
walang order, walang distribution na mangyari kasi inaagaw, ina-ambush. Kaya mapipilitan ako na sabihin:
Huwag na huwag ninyong gawin ‘yan kasi I will not hesitate to order to shoot you.
‘Yun namang mga repacking, well anyway it’s DSWD. But everybody else connected with the exercise
of preparing the food and money, huwag ninyong kaltasan, huwag ninyong kunan.
Huhulihin ko kayo and I will detain you. Makalabas lang kayo pagkatapos ng COVID kung dadating.

47
Kung walang magdating na pang-kontra ng COVID, hanggang matapos itong mundong ito diyan ka sa
kulungan. ‘Yan ang gusto mo, nag-warning na ako gagawain mo pa rin. Eh ‘di gusto mo. Hiningi mo ‘yan
eh. Hiningi mo ‘yan.
Ang pera, dadating. Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo. Do not challenge government.
Matatalo kayo, sigurado.
Magtiis na lang siguro kayo ng delayed delivery pero dadating ‘yan at hindi ka magugutom. Hindi ka
mamamatay sa gutom.
Ito namang isa, itong mga trabahante, mga doktor, mga nurse, health workers, attendants and all, eh
hindi makauwi ng bahay, tinatapunan ninyo ng kung ano-anong mga chemicals na nakasisira ng katawan.
Mas una silang mamatay kaysa dun sa pasyente doon sa COVID.
‘Yung mga tao na gumagawa ng ganun, I am ordering the police to go around. Huwag kayong mag-
istambay diyan sa istasyon. Maglakad kayo, at maghanap kayo ng mga taong bastos. At kung mahuli mo,
kung ano ‘yung binubuhos niya doon sa health worker o sa doktor, ibuhos mo rin sa kanya para tabla. Eh
bakit? Ikaw lang ba ang marunong? ‘Di tikman mo rin ‘yung ginagawa mo and see if it would make you
happy.
Ulitin ko: ‘Yung mga doktor, pagpunta mo doon sa ospital, ‘yon ‘yung doktor na binuhusan mo, ‘yon
‘yung maggagamot sa iyo sa loob ng ospital. ‘Yung mga frontliners, huwag kayong mag-alala. I will support
and defend you.
Ulitin ko: Ngayon, DSWD na kasi sanay na sila sa distribution ng pera pati bigas. Secretary Galvez will
help in the distribution of the money or he can handle the distribution of the money while leaving Secretary
Bautista to attend to other matters.
‘Yan ang warning ko sa inyo ha. ‘Yung distribution, huwag ninyong idelay.
Meron na akong ipinakulong kung makinig kayo sa radyo. At ‘yung sa TV, may nakita akong traffic
enforcer na lumapit siya doon sa tricycle na puno ng goodies at pinilit niyang kinuha ‘yung isang balot at
lumakad siya. I don’t know if it was a joke or if it was really intended for him, inuna lang niya.
Pero kung pinilit niyang kinuha ala nakaw. Nakita ko sa ABS-CBN and na-retrieve ‘yung footage,
ipakulong ko siya.
Now is the time to set an example to everybody.
So let this be a warning to all. Follow government at this time because it is really critical that we have
order. And do not harm the health workers, the doctors, and everything because that is a serious crime.
At sabi ko sa pulis, siguro bawal man ‘yan pero ako na ang sasagot. Ibuhos mo uli doon sa nagbuhos sa
mga doktor pati nurses. O kung kaya mo, ipainom mo lahat para matapos na ang problema natin.
Maraming salamat po.

Mula sa https://pcoo.gov.ph/presidential-speech/nation-address-ofpresident-roa-duterte-on-coronavirus-
disease-2019-covid-19-pandemic/

48
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Markahan 3, Linggo 8 , LAS 1
Paksa : Nobela
Layunin : Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa
napakinggang diyalogo
Sanggunian : Filipino 10 Learners’ Material, MELC (F10PN-IIIh-i-81)
Manunulat : Diego Pareja Lambac Jr.

Nobela

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Isang masining na
pagsasalaysay ng maraming magkasunod at magkaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kaniya – kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili – wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. (Filipino 10 Learners’ Material, p.322)

Gawain 1. Basahin ang buod ng nobelang Paglisan (Things Fall Apart) ni Chinua Achebe na
isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. (Filipino 10 LM, p.323)

Gawain 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa binasang buod ng nobela. Isualt ang
kasagutan sa sagutang papel.

1. Batay sa binasang nobela, tukuyin ang mga tradisyon at kaugalian ng mga taga –
Nigeria na mababasa sa buod ng nobela.
Mga Tradisyon at Kaugalian na mababasa sa
Nobelang Paglisan (Things Fall Apart)

1.
2.
Paglisan (Things Fall Apart)
3.
4.
5.

49
Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Paglisan (Buod)
Mula sa Ingles na Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga


Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.

Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si
Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang
Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang
mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang
tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa
kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-
iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang
pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang
naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno,
pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging
asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag.
Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay
kinilalang lider ng kanilang tribo.

Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang


ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan
sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang
babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo
naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang.

Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-Umuofia, ang
planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si
Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat
isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito,
gumawa ng paraan si Okonkwo. PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay
na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang
paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang
bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si
Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa
kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni
Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay sa
kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain,
hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang
depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at
huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si
Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob.
Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng
mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.

Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.


Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong
bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno
ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril
ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Kagimbal-gimbal na trahedya ang

50
bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-
anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang
nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng
Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian
at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina
dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-
aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman
silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina
Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na
pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo,
pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.

Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon
matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar.
Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa
hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita naman noon ang
ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng
mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.

Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang


interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta.
Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi
katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta kung
paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga
misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga
misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G.
Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng
relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba
sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng
pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at
ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.

Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa


kanilang simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa
pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng
pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.

Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at napagkasunduang


tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit ang
machete pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan
naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi
handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.

Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya sa isang
pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si
Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang
nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at
bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at
tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa
isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.

51
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Nobela
Markahan 3, Linggo 8, LAS 2
Paksa : Pagsusuri sa nobelang Paglisan (Things Fall Apart)
Layunin : Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw /
teoryang pampanitikan na angkop dito
Sanggunian : LM Filipino 10; MELC (F10PN-IIIh-i-81)
Manunulat : Diego Pareja Lambac Jr.

Teoryang Pampanitikan
Ang Teoryang Pampanitikan ay isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag – aaral
na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng tekstong panitikan na ating
binabasa tulad ng maikling kuwento, tula, dula, at nobela.
Mga Halimbawa ng Teoryang Pampanitkan
1. Realismo - ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na
buhay pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan
Halimbawa: Korapsyon sa gobyerno, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon.
2. Romantisismo -Pagtakas mula sa realidad o katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng
tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa.
Halimbawa: Pagtakas sa katotohanan, imahinasyon, perpeksyon sa buhay, puro
kasiyahan.
3. Feminismo - maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga
babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga
babae .Halimbawa: diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan.
4. Marxismo - pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na
puwersa malakas at mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi.
Halimbawa: gobyerno laban lipunan, mayaman laban mahirap.
5. Humanismo - ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o
katangian ng tao sa maraming bagay.
6. Sikolohikal - makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan,
pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-
akda.
Halimbawa: Nakakaramdam tayo ng pagkatakot kapag pinapagalitan tayo ng ating
magulang.
7. Sosyolohikal - mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang
panitikan.
Halimbawa: Pagnanakaw, kawalan ng hustisya, pananamantala.

52
Gawain: Suriin kung anong mga teorya ang maaaring ilapat sa nobelang Paglisan (Things
Fall Apart). Ipaliwanag ang bawat teoryang nailapat sa akda. Isulat ang pagpapaliwanag sa
sagutang papel.
Pamantayan
Ang pagpapaliwanag ay may kaugnayan sa inilapat na teorya………………………….5
May kaguluhan ang mga pagpapaliwanag na may kaugnayan sa inilapat na teorya… 3
Ang pagpapaliwanag ay hindi nagpapakita ng kaugnayan sa teorya……………….… 1

53
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Isinapelikulang Nobela
Markahan 3, Linggo 8, LAS 3
Pamagat ng Gawain : Pagsusuri sa isinapelikulang nobela (A Little Princess)
Layunin ng Pagkatuto : Nasusuri ang napanood/nabasa na excerpt ng isang isinapelikulang
nobela (A Little Princess)
Sanggunian : Filipino 10 Learners’ Material p. 328, MELC (F10PD-IIIh-i-79)
Manunulat : Diego Pareja Lambac Jr.

Pagsusuri ng Isinapelikulang Nobela


Sa pagsusuri ng o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay na dapat
bigyan ng pansin, ayon kay Ricky Lee, una kailangang maging malinaw muna ag koseptong
pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang
lahat ng gusting sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya.

Sa pagsusuri naman ng isang peliula, bumuo ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais na


bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang Nakita sa iskrip at sa o pelikulang
pananood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng mga kahinaan ng iskrip at/o pelikulang
pinanood. Ayon sa aklat ni Vilma Resuma na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino,
maipapaliwanag ang (1) pagpapalawak at pagpapaliwanag ng kahulugan (2) pagbibigay ng mas
tiyak, detalyado at higit na maliwanag na deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga
paggamit ng pag-ugnay, pagtutulad ng pag-iiba-iba at (3) pagbibigay ng halimbawa.

Gawain 1. Basahin ang bahagi ng iskrip ng Sarah, Ang Munting Prinsesa na adaptasyon sa
nobelang A Little Princess. (Filipino 10 LM, p. 327).

Gawain 2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sino – sino ang mga tauhan na mababasa sa iskrip?
2. Anong mga ugali mayroon sa dalawang nag-uusap?
3. Malinaw ba ang pagkakasunod-sunod ng iskrip? Ipaliwanag.

54
Pamantayan 5 3 1

Ang Ang pagpapaliwag May pagpapaliwanag


pagpapaliwanag ay ay may tiyak na ngunit may iilang bahagi
may tiyak na paksa. paksa at may lamang ang nagpapakita ng
Nilalaman Ang lahat ng isinulat kaugnayan ang may kaugnayan sa paksa.
ay may kaugnayan isinulat sa paksa.
sa hinihinging
pagpapaliwanag.
Natatangi ang Masining at maingat Masining at maingat na
paggamit ng wika na nagamit ang wika nagamit ang wika ngunit
nang higit pa sa sa kabuuang may iilang mga salita ang
inaasahang pagpapahayag at mali ang pagbabaybay.
pamamaraan at tama ang mga
Kasiningan tama ang lahat ng pagbabaybay sa
pagbabaybay sa mga salitang
mga salitang isinulat.
isinulat.

55
Kalakip
Paalala: Basahin lamang at huwag kopyahin

Ang Munting Prinsesa


(A Little Princess)
Isinulat ni Shaira Mella Salvador
Direksiyon ni Romy V. Suzara

Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ng kaniyang ama na si
Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na
si Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa boarding house ng head mistress na si Miss Minchin
(Jean Garcia). Ipinagtanggol siya ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).

SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE DAY


Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (Doll). Hustong nakalabas na ng office ni Miss
Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main entrance. Sarah sees him.
SARAH: Papa! Papa! Mr. Barrow does not look back. Tuloy- tuloy ito sa paglakad. Sarah
runs after him. Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look at her.
Saw the surprise and disappointment on Sarah’s face. Mr. Barrow shakes his head sadly and walks
away.

SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY


Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is depressed about
Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo bahay-ampunan, baka
akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow... Walang ibang
kukupkop sa kaniya.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa bangko ang eskwelahang ito… baon na baon na
tayo sa utang kay Mr. Crisford… nasaan na ang utak mo Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s presence. Sarah is
standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS AMELIA: Sarah… Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks
away, clutching Emily close to her.

56
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Seksiyon:_____________
Asignatura: Filipino 10 Guro: Sheena Mae R. Azares Iskor :_________________
______________________________________________________________________________
Aralin : Mga Salitang Pang-ugnay
Markahan 3 Linggo 8, LAS 4
Pamagat ng Gawain : Paglalapat
Layunin : Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit
ang mga pagugnay sa panunuring pampelikula
Sanggunian : Filipino 10 Learners’ Material p. 328, MELC (F10PS-IIIh-i-83)
Manunulat : Diego Pareja Lambac Jr.

Pang-ugnay na mga Salita


- Anumang salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay at pangungusap gaya ng
pangatnig, pang-angkop at pang-ukol.
- Salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayang ng dalawang yunit sa pangungusap.
- Tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, pariral o sugnay na
pinagsunod-sunod sa pangungusap.
Mga Halimbawa ng Pang-ugnay na mga salita
● Pang -angkop – nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. May dalawang pang-
angkop na itinuturing sa filipino: NA at NANG.
- Mapagmahal na ina. - Masarap na pagkain. - Maruming damit. - Masunuring
bata.
● Pang -ukol – tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan at sa
iba pang salita sa pangungusap tulad ng: NG, NI/NINA, KAY/KINA, LABAN SA/KAY,
PARA SA/KAY, ALINSUNOD SA/KAY, HINGGIL SA/KAY at TUNGKOL SA/KAY.
- Alinsunod sa batas, bawal ang pagpuputol ng mga puno galling sa kabundukan.
● Pangatnig – ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala o sugnay napinagsunod-sunod sa pangungusap tulad ng: AT, PATI, NANG,
BAGO, HABANG, UPANG, SAKALI, KAYA, KUNG, GAYON.
- Pumunta sila sa palengke upang bumili ng mga pagkaing ihahanda sa noche Buena.

Gawain 1. Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang talata.
Kopyahin ito at isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe, matagumpay na nailahad ang kagiliw-giliw
_______ tradisyon ng mga taga – Africa. ______ sa simula ay negatibo ang ipinamalas na paraan
ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng noblea, siya ang protagonista. ______ susuriing
Mabuti kapansin – pansin ang isa pang kultura na mababanaag sa mga taga – Umuofia. Akala ng
mga Kanluranin, ang mga taga – Africa ay lubos na tahimik ________ malinaw na ipinakita ni
Achebeang kabalintunaan nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika,

57
punong-puno ng talinghaga ________ may masining na pamamaraan ng pamamahayag.
Kapansin-pansin din ang pagbabalik loob no Okonkwo sa kanyang pinagmulan, pagkilala sa
kanyang pagkagapi, at pagtanggap mga parusang ipinataw sa kaniya sa kabila ng imahe ng
katapangan na siya niyang ipanamumukha sa kaniyang mga katribo.

58

You might also like