You are on page 1of 10

IkatlongMarkahan–Modyul 1:

Panitikan: Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya) Isanalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles


Gramatika at Retorika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika

Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-
ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya
tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y
tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang
inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa
Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring
Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis
mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng
kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at
ikinulong siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay
inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita
ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa
Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak
ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng
hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam
tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya
naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa
kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay
sa kaniya.

Gawain 1 A. Tukuyin ang pinagmulan ng mga salita na may kaugnayan sa mitolohiya.


1. Matrilinear - 4. Faza -
2. Patrilinear - 5. Gala -
3. Ozi -
Zahhak, Ang Pinuno ng Merkado (Basa sa mitolohiya ng Persia)
Sa darating na panahon, mayroon isang kompanya na gumagawa ng halos lahat na produkto sa
mundo. Ito ay pangalan na Xerxes Industries. Ang pinakapinuno ng Xerxes Industries ay si
Mardash, isang mayaman at mabait na pinuno. Siya ay matulungin sa mga empleyado niya at sa
mga parokyano ng kompanya niya. Mayroon siyang isang anak at ang kapalit niya sa pagiging
pinuno, si Zahhak. Si Zahhak ay tinuturuan ni Mardash para maging mabait sa mga tauhan sa
ilalim niya. Ngunit, mayroon isang miyembro ng lupon sa Xerxes Industries, si Ahriman, na
kinumbinse si Zahhak para tulungan siyang tanggalin si Mardash sa pwesto niya para palitan ni
Zahhak. Tinulungan ni Zahhak si Ahriman gumawa ng iskandalo para alisin si Mardash sa pwesto
niya sa pagiging pinuno sa kompanya. Umalis si Mardash at nawalan na ng balita tungkol sa
kanya. Pinagpatuloy ni Zahhak ang magandang ugali niya sa mga empleyado at sa mamimili
ngunit, umarkila si Ahriman ng dalawang tao para patnubayan si Zahhak. Ang ginawa ng dalawang
bagong empleyado ay pinapataas ang presyo ng mga paninda ng kompanya niya kay Zahhak,
tinatangalan ng trabaho ang maraming empleyado at pinapabaya ang mga mamimili nila. Tinuturo
nila ng mga masamang ugali si Zahhak, at hindi niya malaman na hindi tama ang mga ginagawa.
niya. Ngunit, dahil isang malaking kompanya ang Xerxes Industries, walang magawa ang mga tao
sa ginagawa ni Zahhak. Tinatangalan niya ng negosyo rin ang mga ibang kompanya at nawawalan
sila ng pera. May nakuha na balita si Zahhak, na mayroon isang mapaglunggati na empleyado sa
sariling kompanya niya, ang pangalan niya ay Feryadoun sinasabi na ang tao nito ay pwede
makapalit kay Zahhak sa pagiging pinuno. Lumipas ang maraming taon, at nawawalan ng suporta
na si Zahhak sa kompanya niya. Nakilala rin niya si Feryadoun, isang bata na tagaprograma.
Nakahanap ng magandang paraan si Feryadoun para makuha nila ulit ang suporta at pera ng
Xerxes Industries. Dahil dito, at sa mga iba pang aksyon ni Feryadoun para sa kompanya niya,
tumaas siya sa posisyion, Hanggang sa tinanggal si Zahhak sa pagkapinuno niya at inilipat siya
kay Feryadoun.

Gawain 1 B. Pag-isipan at Sagutin


1. Sino ang sumusunod na tauhan?
a. Mardash - c. Ahriman-
b. Zahhak - d. Feryadoun-
2. May mga tao pa bang gaya ni Mainyu sa kasalukuyan? Patunayan.
3. Paano nagkakatulad ang mga mitolohiya ng Persia at Africa?
4. Magbigay ng pagkakaiba ang mga mitolohiya ng Persia at Africa?Sagutin sa tulong ng
talahanayan.
Pagkakatulad Pagkakaiba

- Mitolohiya ng Africa –
- Mitolohiya ng Persia –

ALAMIN NATIN…
Ang pagsasaling-wika ayon kay Alfonso O. Santiago ay ang paglilipat sa pagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad sa wikang isasalin.
Ilan sa mga layuning nagbubunsod sa pagsasaling-wika ay ang pagpapalaganap ng kaalaman o
kaisipang nakapaloob sa akda, sa pagbibigay-liwang sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o
panahon, at sa pagpapakilala sa mga bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na
makabuluhan ng isa o ilang tao (Lumbera, 1982).
Mga Katangiang dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Salin
1. Kailangang katulad na katulad ng orihinal na diwa, ang estilo at paraan ng pagsusulat at
katulad ng sa orihinal at taglay ang luwag at dulas ng pananalitang tulad ng sa orihinal (Santiago,
1976).
2. Kailangan matagumpay na natamo ang mga layuning maipabatid ito sa kinauukulang target
(Nida, 1976).
3. Kailangang kumakatawan ito sa orihinal nang hindi nilalapastangan ang wikang kinasalinan
(Medina, 1988).
4. Kailangan meaning-based na nagngahulugang dapat itong magpahayg ng tamang kahulugan o
diwa ng orihinal sa tunay na porma ng pokus ng wika (Larson, 1984).
5. Kailangang may sensibilidad, naipahahayag ang nilalaman at paraan ng orihinal, may natural at
madulas na ekspresyon at tumutugon sa pagtanggap na tulad ng orihinal (Nida, 1954).
Gawain2 : PAGSASALING WIKA
Pumili ng isang banyagang awitin at isalin ito sa wikang Filipino. Aawitin ng grupo ang isinalin sa
harap ng klase. (BY GROUP)

Ikatlong Markahan – Modyul 2: Anekdota : Mula sa mga Anekdota ni Saadi ( Persia)


Ang Anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng
mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik.
Naririto ang ilang katangian ng anekdota:
a. Kailangan na may tanging paksa na tinatalakay. Ang pangkalahatan ng mga pangyayari ay
dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad.
b. Nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.
Hindi nararapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod na
mangyayari.
Nararapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
1. Kasiyahan ng paggawa ng Paksa (Tema) -May maayos na damdaming pantao, may
pinakaaantay –antay na kasukdulan, kakaibang tunggalian, at may malinaw at maayos na
paglalarawan ng tauhan at tagpuan. Nararaat na likas na napapanahon.
2. Sapat na Kaalaman- Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari
3. Panloob na kakayahan – Ang naisin sa pagpili ng paksang tatalakayin ay naaayon din sa
kahusayan at layunin ng manunulat.
4. Panahon at Pook na may katiyakan- Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay
sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito.
5. Ang mambabasa ay isaalang-alang- Gumagawa ang isang tao hindi para lamang sa kaniyang
pansariling kaligayahan at kapakinabangan, kundi para sa mga babasa ng likha niya.

BASAHIN:
Mula sa mga Anekdota ni Saadi Persia ni Idries Shah : Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.
Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman
na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga
tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan
siya. Nagalit ang Sultan at nagwika “ Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya
ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika, “Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng buong
mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya bnigyan ng kaukulang paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para
hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay
nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para
paglingkuran g Sultan.”
-Mula sa Elements of literature nina Holt et al. 2008. Texas, USA
Gawain 3 A : Panuto: Suriin mo ang mga mahahalagang pangyayari sa akda sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong.
1. Ilarawan ang Mongheng Mohametano?
2. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang naibigan mo?
3. Sumasang-ayon ka ba sa kanyang mga ipinahayag patungkol sa mga sinabi ng Sultan sa kanya?
4. Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng akda sa mambabasa?
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang maihahambing mo sa Mongheng Mohametano?

Gawain B. Panuto: Suriin ang binasang anekdota.


1. Pamagat 4. Motibo ng Awtor
2. Paksa 5. Paraan ng Pagsulat
3. Tauhan

Akasya o Kalabasa
Consolacion P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa
maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunan ng
puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay
maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at mataas na paaralan saMaynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod….
Maagang nagbangon si Aling Irene at inihanda ang pangangailangan ng kabuto-butong anak na si
Iloy. Si Mang Simon ay hindi nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-
aaralin sa Maynila. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Pumasok sila sa opisina ng punong-guro.
Agad sinabi ni Mang Simon ang kanilang sadya. “Magandang umaga po, ibig ko po sanang ipasok
ang aking anak dito sa inyong paaralan.” “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-
guro. “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,”
paliwanag ni Mang Simon. “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?” ang tanong ng
punong-guro. “Ngunit…ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay
isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y matapos agad, maaari po
ba?”ang tanong ni Mang Simon. “Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punung-guro. “Maaaring ang
lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong
kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol
kayo ng puu-puung taon, subalit ang kailangan ninyo ay ilang buwan lamang upang
makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.” Dili di natubigan si Mang Simon sa huling
pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At…umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay
tatambis-tambis sa sarili. “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka
siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
Gawain . Panuto: Suriin ang binasang anekdota.
1. Pamagat 4. Motibo ng Awtor
2. Paksa 5. Paraan ng Pagsulat
3. Tauhan
GAWAIN: Muling balikan ang isang masaya at kakaibang pangyayari sa iyong buhay na nagbigay
sa iyo ng magandang inspirasyon o alaala. Isalaysay.

ANG AKING ANEKDOTA

Pamantayan sa Pagsulat ng Salaysay Bahagdan


Nilalaman Paraan o estilo/ orihinalidad sa pagsasalaysay/ 40%
Organisasyon ▪ Mensahe / Kakintalan 60%
▪ Wasto at Angkop na gamit ng Gramatika
▪ Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Kabuuan 100%

IkatlongMarkahan–Modyul 3: Anekdota
Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota
Ang Anekdota ay isang uri ng panitikang nalalayong magsalaysay ng mga pagyayari. Ang
pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalahad ng mga karanasang magkakaugnay. Paglalahad ito
ng mga kawili-wiling pangyayari sa buhay ng isang tao, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag.
Sinasabing ang mga kuwentong anekdota ay ang pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat
dito nagmula ang mga kuwentong alamat o epiko, mga kuwentong bayan na pamana ng ating
ninunong Pilipino maging sa ibang bansa man. Isa sa dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang
anekdota ay ang kakayahang diskorsal. Ito ay kakayahan ng isang indibiduwal na pag-ugnay-
uganyin ang mga salita o pangungusap upang makabuo ng isang makabuluhang teksto. May
dalawang bagay ang dapat isaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal, ang
cohesion o pagkakaisa at coherence o pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Sumunod na
dapat isaalang-alang ay ang estratehiya. Sa kahit anong uri ng sulatin, kinakilangan ang isang
manunulat ay maalam sa mga estratehiya pagdating sa pagsulat ng alin mang uri ng kuwento o
panitikan. Ilan sa mga estratehiya pagdating sa pagsulat ay ang pagpili ng isang maganda at
kawili-wiling paksa.
Sa pagsulat ng mga anekdota o alimang uri ng panitikan, ang pagpili ng paksa ang unang
mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili.
Bukod dito, mahalaga napapanahon ang paksang gagamitin, may dalang lugod at kabutihan sa
mga mambabasa. Narito ang ilang mungkahi na maaaring pagkunan ng paksa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
➢ Sariling Karanasan – uri ng paksang madaling ilahad, detalyadong ang pagsasalaysay ng isang
tao sapagkat ito ay hango sa sariling karanasan ng may-akda.
➢ Nabasa – ang mga paksang ito ay hango sa mga tekstong nabasa. Ang paksang ito ay
nangangailangan ng ganap na pagkaunawa sa mga impormasyon at pangyayari.
➢ Narinig o napakinggan sa iba – ang mga paksang tulad nito ay maaaring usapan ng mga tao
tungkol sa isang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, laging tandaan sa
pagpili ng ganitong paksa hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang
tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
➢ Napanood – ang mga ideya at impormasyon para sa paksang ito ay maaaring makuha sa mga
palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
➢ Likhang-isip – Ito ay nagmumula sa imahinasyon ng may-akda, katotohanan man o ilusyon ay
makalilikha ng isang salaysay. Ang uri ng paksang ito ay malawak, kinakailangang maging
malinaw at polido ang pamamaraan ng manunulat sa pagsasalaysay ng mga pangyayari isinusulat
na akda.
➢ Panaginip o Pangarap – Ang mga paksang ito ay mula sa mga panaginip at hangarin ng tao,
maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
Maliban sa mga mungkahi na maaaring pagkuhanan ng mga paksa, dapat din isaalang-alang ang
pagpili nito.
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
• Kawilihan ng Paksa – Kinakailangang napapanahon ang pipiliing paksa, binibigyang pansin at
diin ang mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian,
at malinaw na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
• Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga impormasyon at pangyayari na
makakatulong sa maayos na pagsasalaysay.
• Kakayahang Pansarili – Hanggat maaari ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,
hilig, at layunin ng manunulat.
• Tiyak na Panahon o Pook – Kung susulat ng isang kwento, ang kagandahan ng isang akda ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito.
Kaya, sikaping maging tiyak sa panahon kung kailan nangyari ang kuwento at iwasang magbanggit
ng napakaraming pook bilang tagpuan sa kuwento.
• Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao para sa mga mambabasa hindi para sa
pansariling kasiyahan. Naglalayong magbahagi ng mga impormasyon sa mga mambabasa kung
kaya’t dapat kilalanin muna ng isang manunulat ang kaniyang mga mambabasa.

Mga Uri ng Pagsasalaysay


1. Maikling Kuwento- Ito ay naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan at
nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
2. Nobela- Isang uri ng pagsasalaysay na nahahati sa mga kabanata.
3. Tulang Pasalaysay- Pagsasalaysay na ginagamitan ng mga saknong, taludtod at mga
matatalinhagang pahayag.
4. Dulang Pandulaan- isang uri ng pagsasalaysay na binibigyang diin ang bawat kilos ng mga
tauhan, pagbikas ng mga diyalogo, paggamit
ng iba’t ibang kasuotan, ayos ng entablado at higit sa lahat ito ay itinatanghal sa entablado.
5. Alamat- Pagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o alinman sa paligid.
6. Anekdota- Isinasalaysay dito ang mga tunay na pangyayari sa buhay ng isang tao.
7. Talambuhay- kilala din sa tawag na “Tala ng Buhay” ng isang tao sapagkat ang uri ng
pagsasalaysay na ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa buhay ng isang tao mula ng ito ay
ipinanganak hanggang sa wakas.
8. Kasaysayan- Pagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayaring naganap sa isang lugar.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue)- Isang uri ng pagsasalaysay na nagbabahagi ng kuwento ng
paglalakbay ng isang tao.
“Si Pangulong Manuel L. Quezon at ang Magwawalis”
Sa Zamboaga, Nagkakagulo ang mga kasamahan ni Pangulong Quezon. Hinahanap nila si
Pangulong Quezon. Hanap dito, hanap doon ang kanilang ginagawa. Ngunit wala ang Pangulong
Quezon. Samantala, sa isang malaking bato sa pangpang, isang lalaking kakisigan ang matiwasay
na nakikipag-usap sa isang matandang may hawak na walis. Naghihinaing ang matanda sa
lalaking makisig.Batang bata pa daw nang siya’y magsimulang gampanan ang kaniyan tungkulin.
Marami daw siyang anak. At hanggang ngayon nagwawalis pa rin siya. Tinatanong niya kung ano
ang magagawa sa kanya ng pamahalaan. Dinadaing niya na kulang ang kaniyang arawang kita at
hirap makatungtong ng paaralan ang kanyang mga anak. Pinapagaan ang pakiramdam ng lalaki
ang kausap nitong matandang nawawalan na ng pag-asa.
At pagkatapos nito, bumalik na ang lalaki sa mga kasamahan nito na gulat na gulat nang siya’y
matagpuang kausap ng magwawalis. Pagkaraan ng ilang araw, dumatingang gantimpala sa
matanda. Tuwang tuwa ito sapagkat tumaas ang kanyang tngkulin at nadagdagan ang kanyang
sahod. Hindi alam ng matanda na si Pangulong Quezon na pala ang kausap niya.
http://docslide.net/documents/anekdota-5584495740c0f.html

Gawain : Naunawaan ko!


Sagutin ang gabay na katanungan tungkol sa kuwentong iyong binasa
1. Tungkol saan ang anekdotang iyong binasa?
2. Ilarawang ang dalawang tauhan sa kuwento.
3. Bakit ganoon na lamang ang hinaing ng magwawalis sa kanyang kausap?
4. Sa iyong palagay ano ang angkop na kasabihan o kaisipan ang akma sa kuwento at ipalawag.

Ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit o idinudogtong sa isang salitang-ugat upang malikha
ng isang bagong salita o anyo ng salita. Maaring ilagay ang panlapi sa una (unlapi), gitna (gitlapi) ,
huli (hulapi) o kabilaan ng isang salita..
Halimbawa:
• Unlapi • Hulapi
pala + biro = palabiro aral + in = aralin
(panlapi) (salitang-ugat) (Pang-uri) (Salitang- ugat) (panlapi) (Panggalan/ Pandiwa)
• Gitlapi • Kabilaan
bato + in = binato ka + laya + an = Kalayaan
(Salitang- ugat) (panlapi) (Pandiwa) (panlapi) (salitang-ugat) (panlapi) (panggalan)

GAWAIN: Suriin ang mga nakaitim na salita kung anong panlapi ang ginamit at ibigay kung ano
ang salitang-ugat ang ginamit.
a. naeengganyo b. tahimik c. mapapakinggan
d. napagalaw e. mahinahon

1. Dahil sa sobrang galak, napakisot ang paa ni Pepe dahilan ng pagkahulog ng kaniyang tsinelas
sa ilog.
2. Mataimtim na pinagmamasdan ng mag-ama ang tahimik na karagatan.
3. Nalilibang ang batang si Pepe sa paglalaro ng kanyang repleksyon sa malinaw na tubig dagat.
4. Malumanay na agos ng tubig at humuhuning ibon ang maririnig sa araw na iyon.
5. Pagkatapos ihulog ang kapares ng tsinelas, malumanay na pinaliwanag ni Pepe sa kaniyang
ama ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa

Ikatlong Markahan – Modyul 4: TULA Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


Ano ang tula?
Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng mga taludtod. Ang tula ay isang anyo ng
panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga
saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga
taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.
Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, gamit ng marikit na salita.
Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga
paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga
talata, ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.
Narito ang ilan sa mga Pilipino na kilala sa larangan ng pagsulat ng Tula:
1. Ponciano Pineda - “Pilipino: Isang Depenisyon”
2. Virgilio Almario - “Doktrinang Anak Pawis” (aklat)
3. Alejandro G. Abadilla - “Parnasong Tagalog”, Ako ang Daigdig (aklat)
4. Teo Antonio - “Litanya kay Sta. Clara”
5. Ruth Elynia Mabanglo - “Regla sa Buwan ng Hunyo” (1982)
6. Amado V. Hernandez - “Isang Dipang Langit”Mga Manggagawa

Ang tula ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo
o rhythm. Kilala rin ito bilang patula sa panitikan. Kabilang sa tula ang sumusunod:
Ritmo -Tumutukoy sa pagkahaba at pagkaikli na mga pattern sa pamamagitan ng nagbibigay-diin
at hindi nagbibigay-diin na mga pantig.
Metro -Isang serye ng mga patakaran na namamahala sa mga numero at pag-aayos ng mga pantig
sa bawat linya.
Narito ang mga Elemento ng Tula…
Mga Elemento ng Tula
1. Sukat -Tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Pantig – ang paraan ng pagbasa
Halimbawa:
isda = is/da = dalawang pantig
Ako ay isang tao = A/ko/ay/i/sang/ ta/ o/ = pitong pantig
May apat na uri ng sukat ito:
Wawaluhin – walong pantig
Lalabindalawahin – sandosenang pantig
Lalabing-animin – labing-anim na pantig
Lalabing-waluhin – labing-walong pantig
2. Saknong -Tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod
2 na taludtod – couplet 6 na taludtod – sestet
3 na taludtod – tercet 7 na taludtod – septet
4 na taludtod – quatrain 8 na taludtod – octave
5 na taludtod – quintet
3. Tugma
Isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay tumutukoy sa
magkakasintunog ng huling pantig ng huling salita ng bawat linya.

May dalawang uri ito:


Tugmang ganap (Patinig)
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Tugmang di-ganap (Katinig)
Halimbawa:
Mahirap sumaya at umawit,
Ang taong may sala at lumbay.
4. Kariktan
Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw ang damdamin at
kawilihan
Halimbawa
Maganda – marikit
5. Talinghaga
Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na binabanggit sa tula.
Halimbawa
1.Balat-sibuyas – sensitibo, madaling makaramdam
2. Agaw-buhay – malapit nang mamatay
3.Luha ng buwaya – Hindi totoo ang pag-iyak
4. Nagdidilang angel – Naging totoo ang sinalita
5. Ahas-bahay – Hindi mabuting kasambahay
6. Persona -Ang tinutukoy na nagsasalita sa tula
Unang panauhan , Ikalawa panauhan , Ikatlong panauhan
7. Larawang-diwa -Ito ay ang mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak
na larawan sa isipan ng mambabasa.
Halimbawa: Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
8. Simbolismo -Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng
mambabasa.
Halimbawa: puno – buhay ilaw – pag-asa
tinik – pagsubok / hirap pusang itim - malas
gabi –kawalang pag-asa bulaklak – pag-ibig
Ang tulang pasalaysay ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento. Ito’y kadalasang
ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan; at ang buong istorya ay nasusulat sa
may sukat na taludtod. Hindi kailangang mayroong huwarang pang-ritmo ang tulang pasalaysay.
Ang ganitong uri ng tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang istoryang kinukwento nito ay
maaaring komplikado. Ito ay karaniwang dramatiko, may layunin, iba’t ibang tauhan, at sukat.
Kabilang sa tulang pasalaysay ang epiko, ballad, idyll at lays.
May ilang tulang pasalaysay na gaya ng sa nobela ang anyo ng berso tulad ng The Ring and the
Book ni Robert Browning. Ang romansa ay isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kwento ng
pagkamaginoo. Ang mga halimbawa nito ay ang Romance of the Rose at ang Idylls of the King ni
Tennyson. Bagaman ang mga halimbawang ito ay gumagamit ng medyebal at temang mala-Arthur,
maaari rin namang manggaling sa klasikal na mitolohiya ang kwento ng romansa.
Ang mga maiikling tulang pasalaysay ay kadalasang kapareho ng istilo ng maikling kwento. Kung
minsan, ang mga ganitong tula ay pinagsasama sa magkakaugnay na grupo, gaya ng sa
Canterbury Tales ni Chaucer.

A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg


Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.

PAGKILALA SA MAY-AKDA Si Jack H. Driberg ay naging parte ng Uganda Protectorate noong 1912
at nagsilbi sa Anglo-Egyptian Sudan. Isinulat niya ang The Lango: A Nilotic Tribe of Uganda noong
1923. Habang nasa Uganda Protectorate, siya ay namuhay kasama ng mga Langi sa Uganda at
naisulat niya ang The Lango: A Nilotic Tribe of Uganda. Ito ay tungkol sa Etnograpiya patungkol sa
mga Langi kagaya lamang ng mga diksyonaro, pabula at iba pa.
Ang nag-udyok sa kanya upang isulat ito ay ang kaniyang magagandang karanasan habang naroon
sa lugar na iyon. Ang kaniyang mga karanasan ang naging inspirasyon upang maisulat ang “The
Lango: A Nilotic Tribe of Uganda at Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay : A Song of a Mother to Her
Firstborn.
Gawain B - Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang lalo mong maunawaan ang nilalaman
ng akda.
1.Sino ang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang pangarap?
2. Anong kaugalian at kultura sa bansang Uganda ang inilalarawan sa tula ng makata?Patunayan?
3. Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa kaniyang ama?
Bakit?
4. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugaliang nating mga Pilipino? Patunayan.
5. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang makikita sa akda? Ipaliwanag
6. Nasasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Patunayan

Ikatlong Markahan – Modyul 5:


Epiko: Si Rustam at Si Sohrab
Ang Epikong Shahnameh ay itinuring na isa sa napakahahalagang panitikan ng Iran. Katulad ng
ilang klasikong epiko, ang Gilgamesh, Odyssey, Nibelungenlied, at Ramayana, ang Shahnameh ay
produkto ng malikhain at makulay na kamalayan at karanasan ng tao. Ang epiko ay nakilala rin sa
taguring Aklat ng mga Hari. Ito ay isinulat ng makatang si Hakim Abul-Quasim Mansur na nagmula
sa bansang Iran. Nang maglaon ay nakilala ang makata sa pangalang Ferdowsi Tusi. Tumagal ng
tatlumpung taon bago natapos ang epikong ito.
Inilahad ng epiko ang mahabang kasaysayan ng mga sinaunang tao sa Iran. Nagsimula ito sa
paglikha ng sangkatauhan, sa pinagmulan ng sibilisasyon hanggang sa pagsakop ng Arabo sa
Persiya noong ika-labimpitong siglo.
Ito ang pinakamahabang epikong isinulat ng iisang tao. Mayroon itong 60,000 na berso.

You might also like