You are on page 1of 18

Aralin

3.1
A. Panitikan : Liongo
(Mitolohiyamula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P.
Urgelles
B. Gramatika at Retorika: Mga
Pamantayan sa Pagsasaling-wika
C. Uri ng Teksto: Naglalahad
Panimula
Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa,
Napalilibutan ito ng Ethiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan,
Tanzania sa Timog, Uganda sa Kanluran, at Sudan sa Hilagang
Kanluran. Kasama ang karagatang Indian sa Timog-Silangan.
Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining sa inukit na
bato, arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari sa putik, may
musika, at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi.
Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng
kanilang mga mitolohiya na higit na magpapakilala sa atin ng kultura at
tradisyon ng bansang Kenya.
Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkakalikha
Mula sa primebal na hayop na Gayomart na hindi lalaki at babae. Nagmula ang
ikaanim na paglikha ni Ahura Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu na
sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na wasakin
ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohrmuzd. Inisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin
si Gayomard kaya nagpadala siya ng demonesa sa katauhan ni Jeh. Nagtagumpay
ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula sa binhi ni Gayomard
bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may tumubong isang
puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman. At dito nanggaling sina
Mashya at Mashyana. Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay
Ahriman Mainyu. Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15
kambal na kumalat sa buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Liongo – isang malakas at higanteng makata na may karangalan bilang


pinakamahusay sa kanyang lugar, na hindi nasusugatan ng kahit anong
armas maliban sa pagtusok ng karayom sa kanyang pusod.

Mbwasho – ina ni Liongo na siyang tumatayong tagapagtanggol at nag-


aalaga sa kanya.

Haring Ahmad (Hemedi) – pinsan ni Liongo na siyang unang namuno sa


Islam at nagbago sa pamamahala mula sa Matrilinear tungo sa Patrilinear.
Nais niyang mawala si Liongo at naglunsad ng mga pakana upang siya ay
madakip.
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Anak na dalaga ng hari – ipinagkaloob ng hari sa bayaning si Liongo


upang mapabilang siya sa kanyang pamilya

Anak na lalaki ni Liongo – anak ni Liongo na nagtraydor at pumatay


sa kanya.

Mga tao sa Watwa – mga naninirahan sa kagubatan na tumulong kay


Liongo habang siya ay tumakas mula sa kanyang pinsan.
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Mga tao sa bilangguan – mga taong inawit ang pagpupuri ni


Liongo na naging daan para makawala siya sa kanyang mga
tanikala.

Mga Gala (Wagala) – ang mga kalaban na tinalo ni Liongo sa


isang digmaan
Maaaring Lumipad ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Ang mga taga-Africa at ang kapangyarihan Ang mga indibidwal na


naninirahan sa bansang Africa ay mayroong natatanging lihim na
kanilang pinaka-iniingatan.

Ito ay ang kanilang kapangyarihan na lumipad. Ang kapangyarihang


ito ay iniingatan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang pag-aalis
ng kanilang mga pakpak.
Maaaring Lumipad ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Ang parusa Ang mga indibidwal na taga-Africa kabilang na si Sarah ay naninilbihan sa


bukirin o palayan. Sila ay pinagtatrabaho subalit ang masalimoot na katotohanan ay sa
gitna ng pagod at paghihirap, ang mga manggagawa o magbubukid na may kabagalan
sa pagkilos ay walang awing hinahampas ng latigo ng isang tagapagbantay na lulan ng
isang kabayo.

Ang Takdang Panahon Sa gitna ng tirik na araw, habang si Sarah kasama ang sangggol
na dala niya sa kanyang likuran ay nag-aayos at naghuhukay ng pilapil sa may palayan,
biglang umiyak ang sanggol dala na rin ng gutom na nararanasan.
Maaaring Lumipad ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Hindi ito napatigil ng inang si Sarah kung kaya lumapit ang tagapagbantay at walang
awa silang hinampas ng latigo.

Nang ito ay matigil, nilapitan ng isang matandang nagngangalang Toby ang sugatang si
Sarah at nagwikang iyon na ang takdang panahon. Pagkatapos ay nagkaroon ng sariling
pakpak ito na siyang naging tulay upang makatakas siya at ang kanyang anak sa
masalimoot na pamumuhay.

Sa kabilang banda, ang matandang lalaki ay tinulungan din ang iba pang mga
magbubukid na makalaya samantalang patuloy na naghihintay ng takdang panahon ang
iba pa.
Maaaring Lumipad ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Tauhan Ang mga tauhang itinampok sa kwentong “Maaaring Lumipad ang Tao” ay
sina:

Sarah – na isang magbubukid na may dala-dalang sanggol na anak sa kanyang likuran.

Toby – na isang matandang lalaki na siyang tumulong upang mapalaya ang mga tao.

Ang tagapagbantay – na siyang humihigit ng latigo sa mga magbubukid na nakikita


niyang mabagal kumilos.

Ang mga magbubukid – na kapwa pinalaya at naghihintay pa ng takdang panahon ng


paglaya sa tulong ni Toby.
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alam mo ba na... ang pagsasaling wika ay ang


paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit
na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi
ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago, 2003).
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang
Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang
kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya'y mahusay na. Kumokonsulta sa
diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa


pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay
kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid
ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong
pagkakabuo, at pagsusunod-sunod.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang
Tagapagsalin
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang
kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at
kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang
lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang
manunulat.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay


may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang
Tagapagsalin

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa


pagsasalin.

Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay


may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa
pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng bang bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika

Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang


kabuuang diwa nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na
magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa
wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang
maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.
Gabay sa Pagsasaling-wika
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng
isasalin at hindi salita.

2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang


pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa
ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa
tungkulin ng tagapagsalin.
Gabay sa Pagsasaling-wika
3. Rebisahin ang salin upang ito'y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan.
Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang
kasama sa pagsasalin.

Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba't ibang


kahulugan ng isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang
pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng
pangungusap
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like