Professional Documents
Culture Documents
Filipino Q3 Reviewer
Filipino Q3 Reviewer
Gabay sa Pagsasaling-Wika
1. Isaisip ang unang pagsalin.
- Isaisip ang diwa hindi ang salita
2. Basahin at suriing mabuti ang
pagkakasalin.
- Ang pagdaragdag, pagbabawas,
pagpapalit, o pagbabago sa orihinal
na diwa ng isinasalin nang walang
napakalaking dahilan ay isang
paglabag sa tungkulin ng pagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging
totoo sa diwa ng orihinal.
- Pagsasaayos ng mga bahaging
hindi malinaw.
Halimbawa:
Pagsasalaysay
- isang diskurso na naglalatag ng mga
karanasang magkakaugnay.
- pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita.
- itinuturing ito na pinakamasining,
pinakatanyag, at tampok na paraan ng
pagpapahayag.
- ang pagpili ng paksa ang unang
mahalagang hakbang sa pagsulat ng
pagsasalaysay.
Balangkas
- isang lohikal o kaya’y kronolohikal at
pangkalahatang paglalarawan ng paksang
isusulat.
- isang panukalang buod ng komposisyon.
- sa anyong salita o parirala, hindi
ginagamitan ng bantas.
PORMAL
Sanysay ni Nelson Mandela:
- Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
- Bayani ng Africa.
- Nagtalumpati sa harap ng mga
mamamayan ng Timog Africa
- Tinatalakay ang suliranin tungkol sa
diskriminasyon sa mga Africano.
ARALIN 5 : Nelson Mandela : Bayani ng
- Layuning wakasan ang rasismo.
Africa (Talumpati mula sa South Africa)
- Kalayaan mula sa diskriminasyon at
rasismo para sa mga Africano.
Sanaysay
- Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y
“pagsasalaysay ng isang sanay.”
Halimbawa ng Paglinang ng Talasalitaan
- Analohiya
DI-PORMAL
Sanaysay ni Hans Roemar T. Salum:
- Ako ay Ikaw. Parehos na Pilipino, iisa ang
wika.
- Tungkol sa wika : pambansang wika at
ang modernong wika (taglish at jejemon)
- Tinalakay ang awit ni Florante na
naglalarawan ng pagiging makabayan nito
sa puso’t diwa.
- Tinalakay ng sanaysay na sa paglipas ng
panahon, ang ating nasyon ay naging
moderno. Naging maunlad. Ngunit bakas sa
kanyang tono ang pagkalungkot at
pagkadismaya na “kailangan bang kasabay
ng pagbabago at pagiging modernong ito ay
tayo rin ay magiging moderno?”
- Isinalaysay dito na ang mga kabataan ay
naging moderno na rin kasabay sa pagiging
moderno ng bansa.
- Sinasaad dito na wala namang masama
sa paggamit ng ibang wika kung ito ay
nagagamit sa tamang panahon at
sitwasyon.
Mga pang-ugnay na nagpapatibay o
nagpapatotoo sa isang argumento upang
makahikayat:
- sa katunayan
- ang totoo
- bilang patunay
At iba pa.
Tuwirang pahayag
- mga pahayag na may pinagbatayan at
may ebidensya kaya’t kapani-paniwala.
Di-tuwirang pahayag
- mga pahayag na bagaman batay sa
sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa
mga tagapakinig o tagapagbasa.
Tula
- anyo ng panitikan na binubuo ng saknong
o taludtod.
- bawat saknong ay binubuo ng mga
taludtod o linya.
- bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig.
- ang mga pantig ng taludtod ay may mga
tayutay o mayaman sa matatalinghagang
pananalita, simbolismo, masining bukod sa
pagiging madamdamin, at maindayog kung
bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng
himig.
Mga elemento ng tula:
1. Sukat
2. Tugma
3. Kariktan
4. Talinghaga
(Opinionated Part)
- Ang tula ay nagbigay daan tungo sa
modernisasyon ng estruktura ng tula (hindi
pareho ang mga sukat at tugma). “Ako ang
tula ng daigdig,” Nangangahulugang tayo
bilang isang indibidwal ang may kontrol sa
ating buhay. Ang boses ng ating mga sarili.
- Ang sukat nito kung iisa-isahin ay:
I. 2-4, 2-3-2-4-3-3-4, 2-8-9-7
II. 2-7-2-7, 8-7-6-3, 2-3-4-3-2
III. 2-7, 2-4-2, 2-3-5, 2-4-4-3, 3-3-2-2-2
IV. 2-4-3, 2-3-4, 2-4, 2-3, 3-2-2
Matatalinghagang pahayag o pananalita Tinataglay ng maikling kuwento:
- ito ay may malalim o hindi lantas na 1. Iisang kakintalan.
kahulugan. 2. May isang pangunahing tauhang may
- bilang parte ng kariktan para sa isang tula mahalagang suliraning kailangan bigyan ng
ang matatalinghagang pahayag o solusyon.
pananalita. 3. Tumatalakay sa isang madulang bahagi
Halimbawa: ng buhay.
1. Butas ang bulsa - walang pera 4. May mahalagang tagpuan.
2. Ilaw ng tahanan - ina 5. May kawilihan hanggang sa kasukdulan
3. Kalog na ang baba - gutom na agad susundan ng wakas.
4. Alimuom - tsismis
5. Bahag ang buntot -duwag NOTE : Isa sa mga uri ng maikling kuwento
ay ang kuwento ng tauhan - binibigyang
Simbolismo diin ang usali o katangian ng tauhan. Ang
- naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa tauhan sa akda ay kumilos ayon sa
pamamagitan ng sagisag at mga bagay na kaniyang paligid.
mahiwaga at metapisikal.
- ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao,
o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.
Halimbawa:
1. Silid-aklatan - karunungan o
kaalaman
2. Gabi - kawalan ng pag-asa
3. Pusang-itim - malas
4. Tanikalang-bakal - kawalan ng
kalayaan
5. Bulaklak - pag-ibig
Maikling kuwento
- o maikling katha ay nililikha nang masining
upang mabisang maikintal sa isip at
damdamin ng mambabasa ang isang
pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o
lugar na pinangyarihan ng mahahalagang
pangyayari.
Pagtatalo
- isang sining ng gantihang katuwiran o
matuwid ng dalawa o higit pang
magkasalungat na panig tungkol sa isang
kontrobersiyal na paksa.
Dalawang Uri:
1. Pormal na pagtatalo - ang paksa sa
uring ito ay masining na pinag-uusapan at
masusing pinagtatalunan.
2. Di-pormal na pagtatalo - hindi maayos
na pagpapalitang-kuro at palagay matapos
ihayag ng tagapangulo ang paksang
pagtatalunan.
Panunuring Pampelikula
- Ito ay ang pagsuri o kritisismo ng isang
pelikulang napanood o natanghal, kung - Galingan natin! Godbless!
saan ay sinisipat ang bawat elemento-
ang kwento, pagdidirekta/direhe, Pesyaii sa sajan