You are on page 1of 13

PANGALAN:

BAITANG/SEKSYON:
10
FILIPINO
Kwarter III – Linggo 6
Pag-ugnay ng Suliranin sa Lipunan
at Pagbigay ng kahulugan
sa Damdaming Nangingibabaw sa Akda

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino – Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 6: Pag-ugnay ng Suliranin sa Lipunan at Pagbigay
ng Kahulugan sa Damdaming Nangingibabaw sa Akda
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Jinky M. Bolasoc
Pangnilalamang Patnugot: Lodevics E. Taladtad
Editor ng Wika: Lodevics E. Taladtad
Tagawasto: Luis R. Mationg
Tagasuri: Luis R. Mationg, Lodevics E. Taladtad,
Mary Jane Altes, at Ligaya A. Miraflor
Tagalapat: Jinky M. Bolasoc

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 6
Pag-ugnay ng Suliranin sa Lipunan at Pagbigay
ng Kahulugan sa Damdaming Nangingibabaw sa Akda

MELCs:Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang


pangyayari sa lipunan (F10PN-IIId-e-79)
Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa
(F10PT-IIId-e-79)
Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda
(F10WG-IIId-e-74)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga suliraning pandaigdig na maiuugnay sa akda
2. Naibibigay ang kaugnayan ng mga salita sa isa’t isa
3. Natutukoy ang kahulugan ng damdaming nagingibabaw sa may akda

Ating Subukin
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang napiling sagot sa patlang
bago ang bilang.

1. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging


tuluyan.
A. Epiko C. Sanaysay
B. Anekdota D. Mitolohiya

2. Alin sa sumusunod na pangkat ng salita ang hindi magkakaugnay?


A. Mangangaso Panday Kawal
B. Anting-anting Manghuhula salamangkero
C. Maskara Posporo Paru-paro
D. Tauhan Tagpuan Tunggalian

3. Alin sa sumusunod ang sanhi ng hidwaan sa pagitan ni Mari Djata at Dankaran


Touma?
A. Nagmahal sila sa iisang babae.
B. Pareho silang napagbintangan sa isang krimen.
C. Pareho silang anak ng hari at nagtatagisan ng lakas para sa tronong iniwan ng
ama.
D. Wala sa pagpipilian

4. Nasaksihan ni Sogolon ang unang hakbang ng kanyang anak. Anong damdamin


ang nangingibabaw sa pahayag?
A. Masaya B. Malungkot C. Nanghihinayang D. Naiinis

5. Ang mga kaisipang nakapaloob sa epiko ay ang mga sumusunod maliban sa isa.
A. Maging matatag sa mga pagsubok sa buhay
B. Huwag magpadalos-dalos sa gagawing aksyon
C. Huwag maging mapagmataas sa kapwa
D. Isisi sa iba ang pagkakamali

1
6.Alin ang hindi layunin ng may-akda sa nasabing Epiko?
A. Maipakita ang epekto ng pagiging makasarili
B. Magbigay aral sa mambabasa patungkol sa kultura ng Africa
C. Magbigay ng ideya na ang paghihiganti ay mabuti
D. Maipamalas na kailangan nating maging matapang sa pagharap sa pagsubok.

7. Anong ugali mayroon si Mari Dyata upang siya ang magtagumpay sa kanyang
buhay sa kabila ng panghahamak sa kanila ng unang asawa ng kanyang ama?
A. Pagiging mapaghiganti
B. Pagiging mapanlamang sa kapwa
C. Pagiging masunurin
D. Pagiging matatag at hindi pagsuko sa pagsubok

8. Ang mga sumusunod ay mga suliraning nangingibabaw sa epikong Sundiata


maliban sa;
A. Pagkakaroon ng isa o higit pa na pamilya.
B. Pang-aapi sa mga mahihina.
C. Pag-aabuso sa kapangyarihan.
D. Laganap na pagnanakaw.
Para sa bilang 9 -10
Tukuyin kung Naganap o Di-naganap ang sumusunod na pangungusap base sa
mga pangyayari sa Epiko.

9. Tinupad na nga ni Maghan Sundiata ang kanyang pangako sa ina, binunot


niya ang buong puno ng baobab at itinanim sa harapan ng kanilang bahay.

10. Si Sundiata ay kinilala ng mga griot na kanilang pinakahari at pinamunuan


niya ang buong Emperyo ng Mali.

2
Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid Ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na


Imperyong Manding ay naging makapangyarihan sa West
Epiko - ito ay tulang Africa noong 1230 hanggang 1600 na siglo. Sa
pamamayagpag nito, ang imperyo’y higit pang malawak sa
pasalaysay na Western Europe. Dito’y umusbong ang isang epiko na
nagsasaad ng kabilang sa maituturing na dakilang kayamanan ng
panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa epiko ng Hindu
kabayanihan ng na Ramayana at Mahabarata at epikong Griyego na Iliad at
pangunahing tauhan Odyssey. Ang epikong pag-aaralan ay taal na tulang
pasalaysay na pinagsalin-salin ang mga berso ng
na nagtataglay ng mahuhusay na mananalaysay na sinasaliwan ng
katangiang nakahihigit instrumentong musikal. Itatampok dito ang mabuting
pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa kasamaan.
sa karaniwang tao na
kadalasan siya’y buhat Mayroon ka bang
Oo naman, ilan sa mga epikong
alam na mga epiko? alam ko na mula sa ating bansa ay
sa lipi ng mga diyos o
ang Biag ni Lam-ang ng mga
diyosa. Ilokano at ang Indarapatra at
Sulayman ng mga taga Mindanao.

Natatandaan mo pa ba ang aralin sa Aralin 5? Nawa ay napagtanto mo ang kaibahan ng


maikling kuwento sa iba pang uri ng akdang pampanitikan. Ngayon naman ay ating
babasahin ang isang epiko mula sa bansang Mali, West Africa, matatalos mo rin ang
kasagutan sa mga pokus na tanong na: bakit hinalaw ang pangunahing-tauhan ng epiko
sa Africa sa bayani ng kanilang kasaysayan.

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali


Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D.
Pickett Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mga Tauhan:
Mari Djata / Maghan Sundiata-Magiging magaling na magdirigma ayon sa hula
Maghan Kon Fatta - Hari ng Emperyong Mali; Ama ni Sundiata
Sogolon Kadjou - Ina ni Maghan Sundiata; Ikalawang asawa ni Maghan Kon Fatta
Sassouma Bé ré té - Unang asawa ni Maghan Kon Fatta
Dankaran Touma -Anak ni Haring Maghan Kon Fatta kay Sassouma Bé ré té
Balla Fassé ké - anak ni Gnankouman Doua
Mandang Bory - Matalik na kaibihan ni Maghan Sundiata
Farakourou - Pinakamagaling na panday sa Emperyong Mali
Soumaoro Kanté - Malupit na hari ng lungsod ng Sosso
Iba pang tauhan sa Sundiata
Fakoli-Pamangkin ni Soumaoro
Nana Triban- nagsabi kay sundiata ng lihim na kahinaan ni Soumaoro
Sosso Balla - Ang anak ni Soumaoro
Mga Sossong sofas - Mga mandirigma ng Sosso.
3
Sa kaharian ng Niani, nahinuha na ng isang mahiwang mangangaso na si Maghan
Sundiata (Mari Djata) ay magiging isang magaling na mandirigma. Ngunit pitong gulang na
siya pero hindi pa siya nakakalakad. Sa paglisan ni Haring Maghan Kon Fatta, itinalaga ng
kanyang pinaka-unang asawa na si Sassouma Bé ré té na si Dankaran Touma, kanyang
anak ang magmamana ng trono. Pinalayas nila sa kahariaan si Mari Djata at ang kanyang
ina na si Sogolon Kadjou, at sila ay naghirap.
Isang araw, nais mamitas si Sogolon Kadjou ng dahon ng baobab kaya nagpunta
siya kay Reyna Sassouma Bé ré té upang humingi ng kaunting dahon, ngunit sa halip na
bigyan siya ay pinahiya pa siya ni Sassouma.
Umuwi siya na puno ng kahihiyan at poot. Pagka-uwi ng bahay ay napagbuhusan
niya ng galit ang kanyang anak na si Mari Djata. Pinangako naman ni Sundiata na
makakatayo na siya sa araw ding iyon, at di lamang dahon ang dadalhin niya sa ina, kundi
buong puno at ugat ng baobab.
Inutusan ni Sundiata na hanapin ang pinakamagaling na panday ng kanyang ama,
si Farakourou, upang gumawa ng isang tungkod na bakal. Noong araw na iyon ay
natunghayan ng mga panday ang himala ng Diyos para kay kanya.
Gumapang siya patungo sa dambuhalang bakal. Sa pamamagitan ng kamay, siya
ay lumuhod habang ang isang kamay naman niya ay inihawak sa bakal. Pilit niyang itinaas
ang kanyang mga tuhod mula sa lupa, ang hawak niyang bakal ay bumaluktot at naging
pana. Umawit ng “Himno ng Pana” si Balla Fassé ké habang lubos ang galak na nadama ni
Sogolon nang nasaksihan ang unang hakbang ng kanyang anak.
Tinupad na nga ni Maghan Sundiata ang kanyang pangako sa ina, binunot niya ang
buong puno ng baobab at itinanim sa harapan ng kanilang bahay. Simula ng araw na yun
ay lubos na paggalang na ang tinamasa ng kanyang ina.
Sa kanyang pagbibinata, naging isang magaling na mangangaso at lider ng kanyang
hukbo si Maghan Sundiata. Samantalang si Soumaoro Kanté naman, isang salamangkero
at haring mananakop ng Sosso ay unti unting sinasakop na ang mga lungsod na kalapit
ng Mali. Malakas at makapangyarihan si Soumaoro ngunit siya ay may kahinaan, sa
kagustuhang makapaghiganti ng pamangkin niyang si Fakoli, sumagpi siya kay Sundiata.
Sinabi nila Fakoli at Nana Triban kanya ang makakapagpabagsak kay Soumaoro, ito ay
ang pagdampi ng tari ng tandang sa balat nito. At dito nabuo ang kanilang planong paggapi
kay Soumaoro. Sa pagtatagpo ng dalawa, itinutok ni Sundiata ang kanyang pana na may
tari ng tandang, pag atake, dumaplis ito sa balikat ni Suomaoro.
Unti-unting nanghina si Suomaoro at nawalan ng kapangyarihan. Tumakas siya
gamit ang kanyang kabayo at nagtago. Nagtago rin ang iba pang sofas ng Sosso. Di
kalaunan, napabagsak nadin nila ang lungsod ng Sosso.
Mula noon, si Sundiata ay kinilala ng mga griot na kanilang pinakahari at
pinamunuan niya ang buong Emperyo ng Mali.

MAHALAGANG ELEMENTO NG EPIKO

Ang epiko ay ipianapahayag nang pasalita, patula, o paawit. Minsan ay sinsaliwan


ito ng instrumentong pangmusika. Mahaba ang epiko, binubuo ito ng 1,000 hanggang
55,000 na linya. Maaring abutin ng ilang oras o araw ang pagattanghal nito.

Ang epiko bilang tulang pasalaysay, ay may mga elementong kagaya ng


sumusunod:

 Sukat at indayog – Tumutukoy nag sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa


bawat tiyak na hati ng taludtod o mga taludturan. Ang sukat sa bawat taludtod ay
maaaring maging wawaluhing pantig (8) o lalabindalawahing pantig (12), lalabing-
animing pantig (16), o lalabinwaluhing pantig (18). Isinasaayos ang epiko sa
parang maindayog o maaliw-iw.
 Tugma - Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa dulompantig ng
mga taludtod. Tinatawag itong tugma.
 Taludturan – Ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod ng iang tula ay
tinatawag na taludturan. Karaninang apat na taludtod ang bumubuo sa isang
taludturan o saknong.
4
 Matatalinhagang Salita – ang epiko ay gingamitan ng matatalinhagang ssalita o
idyoma. Ang mga ito ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.
 Banghay – ang epiko bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Ito ay ang banghay.
 Tagpuan – Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw
sa paksa, sa banghay at tauhan.
 Tauhan – Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan.

(Pinagkunan: Vilma C. Ambat et al., Panitikang Pandaigdig Filipino 10, Pasig City:
Department of Education, Vibal Group Inc., 2015. 302-311.)

Tayo’y Magsanay

GAWAIN
1
Panuto: Tukuyin ang suliraning nangingibabaw sa akda na katulad ng mga pangyayari o
nagaganap sa lipunan. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ang titik sa patlang.

1. A. Pagkakaroon ng isa o higit pa na pamilya.


2. B. Pang-aapi sa mga mahihina.
3. C. Pag-aabuso sa kapangyarihan.
4. D. Laganap na pagnanakaw.
5. E. Pagsakop sa mga lugar o bayan.
F. Hindi pantay na tingin sa bawat isa.
G. Pagkahumaling mga kabataan sa online Games.

GAWAIN
2
Panuto: Iguhit ang iyong maaaring maramdaman sa sumusunod na pangyayari. Pumili
ng isang emosyon na magapapakita ng iyong nararamdaman. Ilagay ito sa patlang bago
ang bilang.

1. Pinalayas nila sa kahariaan si Mari Djata at ang kanyang ina na si Sogolon


Kadjou, at sila ay naghirap.
2. Humingi ng dahon ng baobab Sogolon Kadjou kaya nagpunta siya kay Reyna
Sassouma Bé ré té upang humingi ng kaunting dahon, ngunit sa halip na bigyan
siya ay pinahiya pa siya ni Sassouma.
3. Nasaksihan ni Sogolon ang unang hakbang ng kanyang anak.
4. Tinupad na nga ni Maghan Sundiata ang kanyang pangako sa ina,
binunot niya ang buong puno ng baobab at itinanim sa harapan ng kanilang
bahay.
5. Sundiata ay kinilala ng mga griot na kanilang pinakahari at pinamunuan niya
ang buong Emperyo ng Mali.
5
Replektibong Tanong:
Mula sa ginawang gawain, ano ang pagkakatulad ng iyong binasang epiko sa mga
pangyayari sa ating kasalukuyan?

Ating Pagyamanin

GAWAIN
1
Panuto: Basahin at unawain ang buod ng epiko. Bilugan ang salitang hindi dapat
mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang kahulugan nito.
Buod ng Indarapatra at Sulayman (Epiko ng Maguindanao)

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang


malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang
panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga
naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.
Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang
na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop
na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman,
nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, “Sa
pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay
ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.”
Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang
nakitang tao. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas,
napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang krus.
Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na
kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni
Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si
Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao.
Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang
dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas
ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad
nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.
Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni
Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si
Sulayman.
Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at
nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya
ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang
bangkay ni Sulayman. Sa di kalayua’y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya
ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si sulayman.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok
Gurayu. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang
engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon.

(Pinagkunan: Ailene Baisa-Julian et al., Pinagyamang Pluma 7 (K to 12), Pasig City:


Department of Education, Poenix Publishing House Inc., 2015.52-56.)

6
1. Agad Dagli Mabilis Mabagal
2. Nag-aalab Nag-iinit Nagpupuyos Namatayan
3. Matalas Matalim Mapurol Nahasa
4. Kinain Inumin Nilapa Sinibasib
5. Kahindik-hindik Malagim Masalimuot Nakakatakot

GAWAIN
2
Panuto: Tukuyin ang damdamin o katangian ng tauhang ipinakikita kaugnay sa kanilang
sinasabi sa akda. Lagyan ng tsek (✔) ang napiling sagot.
1. Indarapatra: “Prinsipe Sulayman, ako’y sumsamo, Na iyong iligtas ang maraming
taong nagangailangan ng tulong mo’t habag”.
A. Likas na maawain
B. Mahina ang loob
C. May malasakit sa kapwa

2. Sulayman: “O mahal na hari na aking kapatid, Ngayon din lilipad at maghihiganti


sa mga halimaw, ang talim ng tabak.”
A. Mapagmalsakit sa iba
B. Masunurin sa kapatid
C. Takot sa kaptid

3. Sulayman: Ikaw’y magbabayd mabangis na hayop?”


A. Mabangis sa hayop
B. Mapaghiganti sa kapwa
C. Matapang na mandirigma

4. Indarapatra: “Siya ay patay na!” Ang sigaw ng kanyang namumutlang labi, Ang
kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”
A. Madaling matarantang hari
B. Mapagmahal na kapatid
C. Matapang na kapatid

5. Diwata: “Salamat sa iyo, butihing bayani, na ubod ng tapang, kaming mga labi ng
ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.”
A. Mapagpasalamat
B. Marunong tumanaw ng utang na loob
C. Magalang sa makapangyarihan

Replektibong Tanong:
Anong mga katangian ng mga tauhan sa epiko ang sa palagay mo ay magandang
taglaying ng bawat tao?

7
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Piliin mula sa kahon sa ibaba ang mga salitang bubuo ng diwa ng pangungusap
tungkol sa epikong binasa. Isulat ang salita sa bawat patlang

Ang epiko ay maihahambing sa 1. na nagdurugtong ng


2. sa hinaharap. Ito ay salaysay ng buhay ng mga naglahong bayaning
kalahati’y tao at kalahati’y 3. . Masasalamin sa epiko ang mataas na
pagpapahalaga ng lipunan, kasaysayan, at napapaunawa sa kultura at
4. . Kaya mainam na basahin at unawain mo ang akda upang masuri at
mapagtibay mo na ang bayani ng epiko ng Africa ay hinahalaw sa kanilang magigiting
na bayani ng 5. .

Ating Tayahin
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat katanungan. Pilliin ang titik ng tamang sagot sa
bawat tanong. Isulat sa patlang ang sagot bago ang bilang.

1. Anong mga suliraning pandaigdig ang ipinapakita sa binasang akda?


A. Pananakop at pang-aapi sa mahihina
B. Pagnanakaw at pang-aabuso
C. Pagpatay at panloloko
D. Wala sa nabanggit

2. Anong damdamin ang ipinapakita sa binasang akda?


A. Pagiging mabait sa kabila ng ginagawang mali sa iyo
B. Paggamit ng dahas para sa sariling kagustuhan
C. Pagiging matatag at hindi pagsuko sa buhay
D. Pang-aabuso sa mga mahihina

3. Alin sa sumusunod na pangkat ng salita ang hindi magkakaugnay?


A. Mangangaso Panday Kawal
B. Anting anting Manghuhula salamangkero
C. Maskara Posporo Paru-paro
D. Tauhan Tagpuan Tunggalian

4. Alin sa sumusunod ang sanhi ng hidwaan sa pagitan ni Mari Djata at Dankaran


Touma?
A. Nagmahal sila sa iisang babae.
B. Pareho silang napagbintangan sa isang krimen.
C. Pareho silang anak ng hari at nagtatagisan ng lakas para sa tronong iniwan ng
ama.
D. Wala sa pagpipilian

8
5. Ano ang pagkakatulad ng ugali ni Mari Djata at ng magkaptid na Indarapatra at
Sulayman?
A. Pagiging mapaghiganti
B. Laging naghahanap ng away
C. Pagkakaroon ng paninidigan at hindi pagsuko
D. Paggiging mapagmataas

6. Anong pangyayari sa kasalukuyan ang mahahalintulad mo sa pangayayari sa


Indarapatra at Sulayman?
A. Agawan ng teritoryo o lupain
B. Pagnanakaw
C. Panloloko sa kapwa tao
D. Iba’t ibang kalamidad

7. Paano naiba ang epiko sa ibang uri ng panitikan?


A. Ang kwento ay tungkol sa pag-ibig
B. May kakaibang kakayahan ang mga tauhan
C. Mahaba ang epiko
D. Isinasalaysay ng patula

Para sa bilang 8-10: Tukuyin ang damdaming ipinakikita sa bawat pangyayari na mula
sa akda.

8. Gumapang siya patungo sa dambuhalang bakal. Sa pamamagitan ng kamay, siya


ay lumuhod habang ang isang kamay naman niya ay inihawak sa bakal. Pilit niyang
itinaas ang kanyang mga tuhod mula sa lupa, ang hawak niyang bakal ay
bumaluktot at naging pana.
A. Pagiging determinado
B. Paghingi ng awa sa iba
C. Pagiging mahina
D. Pagiging malakas

9. Pagka-uwi ng bahay ay napagbuhusan niya ng galit ang kanyang anak na si Mari


Djata.
A. Pagka-poot
B. Kalungkutan
C. Kasiyahan
D. Pagkainis

10. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman.
A. Nalungkot
B. Naiinis
C. Nababahala
D. Kinakabahan

9
Susi sa Pagwawasto

Ang Aking
Ating Subukin Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin
Natutuhan

1. A Gawain 1 Gawain 1
1. tulay
2. C 1. A 1. Matagal
2. nakaraan
3. C 2. B 2. Namatayan
3. supernatural
4. A 3. C 3. Mapurol
4. tradisyon
5. D 4. E 4. Inumin
5. kasaysayan
6. C 5. F 5. Masalimuot
7. D
8. A Gawain 2 Gawain 2
Ating Tayahin
9. Naganap 1. C
10. Naganap 1. 2. B
1. A
3. C
2. C
2. 4. B
3. C
5. B
4. C
3. 5. C
6. A
4. 7. B
8. A
5. 9. A
10. C

Sanggunian
Aklat

Ambat, Vilma C, Ma. Teresa B. Eric O. Carino , Mary Jane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela
C. Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T. Salum, Joselyn C. Sayso, Mary Grace A.
Tabora, at Roderic P. Urgelles. Panitikang Pandaigdig Filipino10 Modyul para sa
Mag- aaral. Pasig, City: Department of Eductaion, Vibal Group Inc.,2015.

Julian, Ailene B., Carmele H. Esguerra, Alma M. Dayag, Nestor C. Lontoc. Pinagyamang
Pluma (K to 12) Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.,2015.

10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono :

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

11

You might also like