You are on page 1of 8

10 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION


Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 3: Week 4

Learning Activity Sheets

0
FILIPINO 10

Pangalan: Ikatlong Markahan – Ikaapat na Linggo


Pangkat: Petsa:

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali

Panimula (Susing Konsepto)


Ang epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap. Ito ay salaysay ng
buhay ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’y supernatural. Masasalamin sa epiko ang
mataas na pagpapahalaga ng lipunan, kasaysayan at napapaunawa sa kultura at tradisyon kaya mainam na
basahin at unawain mo ang akda upang masuri at mapagtibay mo na ang bayani ng epiko ng Afrika ay hinahalaw
sa kanilang magigiting na bayani ng kasaysayan.
Ang Epikong Sundiata ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na isinalaysay ng Griot (mananalaysay)
na si Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na alagad ng kwentong-bayan. Isinalin niya ito mula sa Mandigo sa
wikang Pranses. Kalaunan ang kanyang salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles.
Inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa epikong Sundiata: Ang Epiko ng
Sinaunang Mali na isinalin sa Filipino ni Mary Grace A.Tabora hango sa salaysay ni D.T.Niane at salin sa
Ingles ni J.D. Pickett sa pinakatanyag na epiko ng Africa sa kasalukuyan, ang Sundiata: An Epic of The Old
Mali. Layon ng araling ipakita ang kaugnayan ng Epiko sa kasaysayan.
Sa araling ito, matatalos mo rin ang kasagutan sa mga pokus na tanong na: Bakit hinalaw ang
pangunahing- tauhan ng epiko sa Africa sa bayani ng kanilang kasaysayan?

MGA TAUHAN:
Maghan Sundiata /Mari Djata – ayon sa hula, siya ay nakatakdang maging isang makapangyarihang pinuno.
Hindi pa nakakalakad sa edad na pitong taon.
Haring Maghan Kon Fatta ng Mali – ama ng pangunahing tauhan na si Maghan Sundiata Sogolon
Kadjou – ina ni Maghan Sundiata, Ikalawang asawa ni Haring Maghan Kon Fatta Sassouma Bérété –
unang asawa ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali. Nagpalayas sa pamilya ni Sundiata nang namatay ang
hari.
Dankaran Touma – anak ng Haring Maghan Kon Fatta at ni Sassouma Berete; naging hari ng Mali sa pagkamatay ng
ama.
Farakourou – itinuturing na pinakamahusay na panday sa Mali
Balla Fasséké - anak ni Gnankouman Doua, siya ang tumungo kay Farakourou upang hingin ang mga
bakal na hiniling ni Maghan Sundiata
Manding Bory – kapatid ni Sundiata sa ikatlong asawa ng Haring Maghan Kon Fatta. Matalik na kaibigin ni
Sundiata
Soumaoro – ang mapangdigmang hari ng Sosso na sumakop sa Mali. Tinalo ni Sundiata sa pamamagitan ng
pagpana nito.

(Buod) Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali


Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Ito ay isang epiko ng Imperyong Mali sa Africa. Ito ay tungkol sa isang prinsipe na dumaan sa mahirap
na kapalaran na si Maghan Sundiata Keita na tinawag ding Mari Djata.

1
Nagsimula ang lahat sa kaharian ng Mandinka na ang hari ay si Maghan Kon Fatta at ang reyna ay si
Sassouma Berete. Isang araw, may dumalaw sa kanilang manghuhula at sinabi na ang hari ay makapapangasawa
ng isang kubang babae at magkakaanak ng isang sanggol na lalaki na magiging tanyag at
pinakamakapangyarihang hari. Sa panahong iyon, ang hari at reyna ay may anak ng lalaki na si Dankaran Touma
Keita.
Ngunit, dumating nga sa palasyo ang isang kuba na babaeng nagngangalang Sogolon Kadjou. Naalala ng
hari ang sinabi ng manghuhula at dahil sa kagustuhang magkaroon ng anak na magiging
pinakamakapangyarihan, pinakasalan niya ito. Sila ay nagka-anak ng lalaki na pinangalanang Sundiata Keita o
Mari Djata. Siya ay nagmana sa kanyang ina sa itsura at sa pagiging kuba.
Nang pumanaw si Haring Konate, pumalit sa trono si Dankaran at ipinag-utos niya na ipatira ang mag-
inang Sogolon at Sundiata sa labas ng kaharian. Sila ay nanirahan sa kaharian ng Mema kung saan dumaan si
Sundiata sa pagsasanay at naging magaling na tagapagtanggol. Siya ay naging dakilang kawal at inatasang
maging susunod na tagapagmana ng trono ng kaharian ng Mema.
Sa kabilang dako, ang kaharian ng Mandinka ay nilusob ng hari ng Sosso na si Soumaoro isang
manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian ay nang-aagaw at nananakop ng maraming bayan. Sinasabing
isang halimaw na pinuno na gumagamit ng salamangka. Ang hari ng Mandinka na si Dankaran ay tumakas at
nagtago kung kaya humingi ng tulong ang mga mamamayan nito kay Sundiata at matagumpay na nanalo ito.
Natalo niya si Haring Soumaoro sa pamamagitan ng pana. Ayon sa kagustuhan ni Sundiata naging ganap ang
paggunaw sa Sosso,ipinasunog ang mga kabahayan,tinibag ang mga pader, winasak ang pundasyon ng Sosso.
Naging alikabok at humalo sa lupa ang lungsod. Dahil dito, siya ay tinaguriang pinakamakapangyarihang hari sa
pinagsamang kahariang pinamumunuan ang Mandinka at Mema.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


1. Epiko/ Maikling Kuwento: Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan (F10PN-IIId-e-79)
2. Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa (F10PT-IIId-e-79)
3. Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili,panlipunan at
pandaigdig (F10PS-IIId-e-81)
4. Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang social media
(F10PU-IIId-e-81)

Pagsasanay 1
Panuto: Ihanay sa dalawang pangkat ang mga salitang magkakaugnay na nasa loob ng kahon. Ipaliwanag ang lohika
ng isinagawang pagpapangkat .(10 puntos)

mananalaysay kapangyarihan anting-anting


kawal panday manghuhula
salamangkero mangangaso mahiwaga mamamana

Pangkat 1 a.
b.
c.
d.
e.

Pangkat 2 a.
b.
c.
d.
e

2
Pagsasanay 2
Panuto:Magbigay ng katangian ng mga tauhan na naibigan.(5 puntos bawat tauhan)
Sundiata
katangian
a.
b.
Bakit ito naibigan?

Soumaoro
katangian
a.
b.
Bakit ito naibigan?

Pagsasanay 3
Panuto: Bigyang kasagutan ang mga sumusunod na mga katanungan.(2 puntos bawat bilang)

1. Bakit nasabing si Sundiata ay tunay na bayani sa kasaysayan ng Africa? Ipaliwanag

2. Kahanga-hanga ba ang ipinakitang pamumuno ni Sundiata sa kanyang


nasasakupan?Pangatwiranan.

3. Ano ba ang katangiang dapat taglayin ng isang mabuting pinuno?

4. Magbigay ng dalawang suliraning nangibabaw sa akda.

5. May kaugnayan ba ang mga suliraning ito sa kasalukuyan? Patunayan.

3
Pagsasanay 4
Panuto: Tukuyin ang kahalagahan ng epikong binasa sa sarili, lipunan, at daigdig. Isulat ang iyong kasagutan sa
loob ng kolum. (10 puntos)
Kahalagahan sa sarili Kahalagahan sa lipunan Kahalagahan sa daigdig
(3puntos) (3puntos) (4 na puntos)

Pagsasanay 5
Panuto:Bumuo ng islogan na maaari mong ialay sa mga itinuturing mong bayani sa panahon ng pandemya. ( 10
puntos )

4
Rubrik sa pagsulat ng Islogan
Pamantayan Puntos sa bawat Pamantayan Marka ng guro
Nilalaman 3
Mensahe 3
Kasiningan 2
Kalinisan 2
KABUUAN 10

Pangwakas
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba ayon sa iyong sariling pananaw.

Sang-ayon ka ba na mahalaga ang pagpaplano upang


matiyak ang pagtatagumpay sa hinaharap gaya ng
ipinakita sa akda?Ipaliwanag ang sagot.

Sanggunian:

Ambat, Vilma C., et al, “Filipino 10 Panitikang Pandaigdig Modyul Para sa Mag-aaral” (Department
of Education-Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS), Unang Edisyon, 2015), 173-

5
6
Inihanda ni:

LAURENCE B. TUMANG
Manunulat/Naglapat MALIWALO
NATIONAL HIGH SCHOOL

Sinuri nina:

HELEN G. LAUS EdD


EPSvr Filipino

LILY BETH B. MALLARI


EPSvr-LRMS

ROBERT E. OSONGCO EdD


CID-Chief

You might also like