You are on page 1of 13

Mitolohiyang

Pilipino
Philippine Mythology
Mitolohiya ng Pilipinas

Mga diyos ng Paglikha

Bathala

Iba pang mga diyos

Bakunawa

Kan-Laon

Mangindusa

Mga mitikal na nilalang

Aswang

Anito o Diwata
Duwende

Engkanto

Juan Tamad

Malakas at Maganda

Mambabarang

Manananggal

Mangkukulam

Mariang Makiling

Nuno sa punso

Maalamat na mga Hayop

Bakunawa

Ekek

Kapre

Manaul

Sarimanok

Sigbin
Sirena

Siyokoy

Tikbalang

Tiyanak

Maalamat na mga Tao

Ama-ron

Bernardo Carpio

Lam-Ang

Maalamat na mga Bagay

Agimat

Kaugnay na mga Paksa

Alamat ng mga Ifugao

Alamat ng Mindanao

Paganismo

Mga Relihiyon ng Pilipinas


Alamat ng mga Tagalog

Alamat ng mga Tagbanua

Alamat ng mga Bisaya

Ang mitolohiyang Pilipino at mga


kuwentong bayan ay kinabibilangan ng
mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga
masalamangkang mga nilalang at nilikha
ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na
mula sa mga panahon bago dumating ang
mga Espanyol at ipinakilala ang
Kristyanismo. Hanggang ngayong ang
paniniwala sa mga diyus-diyusan sa
mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay
buhay pa rin sa kulturang Pilipino lalo na
sa mga probinsiya. Sa mitolohiyang
Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang
ang makapangyarihan na diyos sa buong
daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-
halo dahil sa rami ng mga etnikong grupo
at katutubo na may sari-saring paniniwala
at diyus-diyusan.

Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng


mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang
nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo
ng mga panitikan; mga epiko, alamat at
kuwentong bayan.
Kasaysayan at impluwensiya
ng mga Asyano
Bago dumating ang mga sina-unang
Pilipino ay mayroon na ng mga sariling
relihiyon tulad ng Animismo; ang
pagsamba sa kalikasan, at Paganismo.
Ang mga paniniwala nila ay
inipluwensiyahan ng mga banyaga lalo na
ang mga Indiyano, Malay at Indones at
ibang mga Asyano na lumahok sa
pangangalakal sa

Bathala - ang pinaka makapangyarihang


diyos sa lahat ng mga diyos, siya rin ay
kilala bilang Maykapal
Pilipinas. Si Bathala ay may pagkakatulad
sa diyos ng mga Indones na si Batara Guru
at ng mga Indiyano na si Shiva, habang
ang Indiyanong Epiko na Ramayana at
Mahabharata ay isinalin sa katutubong
wika ng Pilipino at maraming salin ito sa
iba't ibang relihiyon ng mga katutubong
Pilipino. Ang mga impluwensiya na ito ay
idinala ng mga nangangalakal mula sa
karatig na mga bansa noong nabuhay pa
ang Indiyanong kaharian sa Thailand,
Malaysia at Indonesia. Ang mga diyos sa
mitolohiyang Pilipino ay bahagyang dahan-
dahan na nawala sa pagdating ng mga
Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo.
Ang mga Espanyol ay naging agresibo sa
kanilang kampanya laban sa mga
katutubong relihiyon na naging resulta sa
diskriminasyon sa mga hindi Kristyano.
Inutos ng Simbahang Katoliko na isunog at
itapon ang mga anito ng mga Pilipino at
lahat ang mahuhuli na sumasamba sa
mga anito ay susunugin o kaya
paparusahan. Sa modernong panahon
ngayon marami pa rin ang naniniwala.

Panteong Pilipino
Lakapati - ang diyosa ng
pagkamayabong.
Pati - ang diyos ng ulan.
Lakambakod - ang diyos ng mga palay
at ang paghilom ng mga sugat.
Apolaki - siya ang pinapaniwalaan na
siya ang diyos ng digmaan, paglalakbay
at pangangalakal.
Mayari - ang diyosa ng buwan.
Lakambini - ang diyosa ng pagkain.
Lingga - ang diyos ng paghilom ng sugat
at pagkamayabong.
Mangkukutod - ang diyos ng isang
partikular na grupo ng mga Tagalog.
Anitong Tao - ang diyos ng ulan at
hangin.
Agawe - diyos ng tubig
hayo - diyos ng dagat
idionale - diyosa ng pagsasaka
Lisbusawen - diyos ng mga kaluluwa

Mga mahiwagang nilalang


Aswang - siya rin ay isang diyos pero
ang Aswang ay pinaniniwalaan na ito'y
tao na kumakain ng kapwa tao, kung
minsan ang mga ito ay pinapaniwalaan
na may mga pakpak at sila raw ay gising
kung gabi para maghanap ng
makakantot or maaswang.
Duwende - pinapaniwalaan bilang isang
maliit na tao na may mga mahiwagang
kapangyarihan.
Kapre - isang uri ng halimaw na
napakalaki at napaka mabalahibo,
pinaniniwalaang ito ay mahilig sa tabako
Maligno - ay isang nilalang na
pinaniniwalaang nahahati sa mabuti at
masamang grupo.
Manananggal - ay isang nilalang na may
kakayahang magbago ng anyo tuwing
kabilugan ng buwan.
Tikbalang - ay isang nilalang na may
mala-kabayong hitsura.
Tiyanak - isang sanggol na nagiging
halimaw tuwing sasapit ang gabi at
lalong mabangis tuwing kabilugan ng
buwan.
Lolong - isang matandang nagkakatotoo
ang panaginip.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Mitolohiyang_Pilipino&oldid=2045842"

Huling pagbabago: 02:17, 25 Setyembre 2023. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like