You are on page 1of 1

BATHALA

Si Bathala ay ang kataas-taasang diyos ng mitolohiyang Tagalog, at ang hari ng mga Diwata at nilalang. Ayon sa
Outline of Philippine Mythology (1969) ni F. Landa Jocano, si Bathala ay ang nag-aaruga sa buong daigdig- ito rin ang
etimolohiya ng salitang bahala, na ibig sabihin ay “to care”. Responsable siya sa lahat ng buhay- mula sa pinakamaliit na
langgam hanggang sa pinakamalaking higante.

Naninira siya sa Kaluwalhatian kasama ng mas mababang diyos at diyosa, at sinasabi na pinapadala niya ang mga
anito upang tulungan ang buhay ng lahat ng tao. Ang anito ay espiritu ng ninuno, diwata, at nimpa, at sila ang mensahero ni
Bathala- at dahil masyadong mataas si Bathalang Maykapal, hari ng hari, iisang diyos- gumawa ka nalang ng pag-aalay sa anito.

Sinasabi rin na ginawa ni Bathala ang mundo habang inaaway niya si Sitan/pagkatapos mamatay si Ulilang
Kaluluwa/habang inaaway si Aman Sinaya, ngunitiyon ay isang kuwento para sa ibang artikulo.

Sa ibang dako naman, si Bathala at isa sa mga sinaunang Diyos ng mundo ayonsa alamat ng mga tagalog, kasama
niyang nilikha si Amihan (Ang hilagang Hangin) at siAman Sinaya (Diyosa ng Dagat). Sa pasimula ay ang langit at ang dagat. Ang
patuloy na pagsasalpukan ng dalawang element ang siyang lumikha sa tatlong kaunaunahang Diyos. Sa kagustuhang
magkaroon ng kahariang paghaharian, napagkasunduan ng tatlong Diyos napaghatian ang mundo, si bathala ang naghari sa
langit, si aman saya ang naghari sa dagat at si amihan sa hangin. Ayon rin sa mitolohiyang tagalog, si Bathalang Maykapal o
Bathala ang siyang kataas-taasang Diyos at hari ng mga Diwata na kasamang naninirahan ng Diyos at Diyosa sa kalangitang
tinatawag na Kalualhatian.Para sa mga sinaunang tagalog, ang mga anito o espiritu ng mga namatay, mga elementong laman
lupa at mga diwata ang nagsisilbing tagapagpamahala at tagapamagitan ni bathala, ng mga Diyos at Diyosa sa mga tao. Ang
Katunggaliang Diyos ni Bathala ay si bakonawa- ang hari ng kasamaan o kadiliman at ang kaniyang mga lagad ay ang mga
aswang at mangkukulam. Ayon sa alamat, Si bathala ay sumiping saisang babaeng mortal ng minsang bumisita sa lupa. Sila’y
nagpakasal at nagkaroon ng tatlong supling: Si Apolaki (Diyos ng pakikidigma at Araw), si Mayari (Diyosa ng Buwan) at si Tala
(Diyosa ng mga bituin).

You might also like