You are on page 1of 2

Mitolohiya

ang kumpletong explanation ng lahat ng mitolohiyaAno nga ba ang mga katangian ng Mitolohiya? Ang kwentong
mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at
diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.

Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak
na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip
lamang, mayroong pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral.
ng mitolohiya ay parating mayroong mga gintong aral na ipinagkakaloob sa mga nakakarinig o nakababasa nito. Dagdag
na rin ito sa kaalaman kung ano ang tradisyon at kultura ng nasabing lugar ng mitolohiya dahil isinasalamin nito ang
kabuhayan noong ito ay isinusulat.

Mitolohiya Noon
Sinasabing ang mitolohiya ay nag-umpisa pa bago naitaguyod ng kanya-kanyang mga sekta ang relihiyon. Buhat dito, ang
mga lokal na lumaking nakikinig sa mga mito ng kanilang bayan ay tiningala ang mitolohiya bilang kanilang relihiyon at
ginagamit nilang gabay upang mabuhay ng matiwasay.

Ang pinakamainam na halimbawa ay ang Griyego, na kung saan ang kanilang mitolohiya ay kitang-kita sa kanilang
literature, kultura, arkitektura at porma ng sining.

Ang mga sinaunang tao ay nagpatayo ng mga monumento, estatwa, gusali at mga larawan para sa tinitingala nilang mga
diyos at diyosa. Noon rin ay nagsasagawa sila ng mga ritwal para sa mga diyos at diyosa na pinaniniwalaan ng mga tao
upang maitaboy ang mga masasamang elemento at ispirito at humingi ng gabay sa kanilang pagdedesisyon.

Mitolohiya Ngayon
Sapagkat tayo ay nabubuhay na sa bagong panahon, marami na ang tumalikod sa pagsamba sa mga diyos at diyosa ng
mga mito. Ngunit, kahit na may mga bago ng pananaw at paniniwala ang mga tao, nanatili pa rin na isang malaking parte
ng kultura ang mitolohiya.

Madami na ring mga nagpapakadalubhasa sap ag-aaral ng mitolohiya. Ito ay pinag-aaralang upang maintindihan ang ang
mga iba’t ibang estilo ng pagsusulat, mga patalinhagang porma ng pagsasalaysay, at iba pang uri ng mga elemento ng
pananalita.

ano na ang mitolohiya ngayon sa pilipinasBukod riyan ay malaking tulong ito sa pag-intindi ng kasaysayan ng isang pook,
rehiyon o bansa, dahil nga, sa isinasalamin nito ang kabuhayan noong panahong ito ay ginawa.

Ito rin ay madalas na gamiting basehan sa mga pelikula at kung ano-ano pang palabas, tulad na lamang ng mga
sumusunod:

Troy, Clash of the Titans at Percy Jackson na ibinase sa Mitolohiya ng Griyego at Roma
Naruto at Spirited Away sa Mitolohiya ng Hapon
Zodiac: The Race Begins at The Little Fairy sa Mitolohiya ng Tsina
Amaya, Mulawin, Aswang at Bagani ng Mitolohiya ng Pilipinas

Ang Mitolohiya ng Iba’t-bang Bansa


Maraming mga bansa ang mayroong sari-sariling mitolohiya. Mayroon silang kani-kanilang bersyon ng diyos at diyosa,
diwatas, engkanto at iba pa.

Mitolohiyang Pilipino
Dahil ang ating bansa ay binubuo ng napakaraming mga isla, nagkaroon ng maraming bersyon din ang mga mito.
Sa mga bisaya, ito ang kanilang kwento ng pagkakabuo ng daigdig at ng sanlibutan. Pinaniniwalaan ng mga Pilipino na
noong unang panahon, walang lupa, araw, buwan or bituin.
Ang mayroon lamang ay karagatan at kalangitan. Ang kaharian ng tubig ay pinamumunuan ni Maguayan, habang ang
kalangitan naman ay pinaghaharian ni Captan.

1.) Ang Kwento ng Pagbuo sa Pilipinas – Noong unang panahon, wala pang lupa. Ang makikita lamang ay ang Langit,
Karagatan at isang tila-ibon na nilalang. Ang Ibon ay lumilipad sa pagitan ng Langit at Karagatan. Dahil wala siyang
madapuan, napagpasyahan niyang pag-awayin ang dalawang nilalang.
Nag-away nga ang dalawa. Nagpadala ng kidlat si Langit at humampas naman ang alon ng Dagat. Upang mapatigil si
Dagat, nagpaulan ang Kalangitan ng mga bato. Ang mga naipong bato ang siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng
Pilipinas.

2.) Si Malakas at Si Ganda – Ginawa ni Bathala ang lahat ng hayop at halaman dala ng kanyang kalungkutan. Malaparaiso
ang sinaunang mundo ngunit walang tao na nakatira rito. Hanggang sa isang araw, may isang ibong lumipad sa
himpapawid.
Natanaw nito ang pagkataas-taas na kawayan. Dala ng pagod, ito ay nagpasyang dumapo sa naturang kawayan. Habang
nagpapahinga ay nakarinig siya ng tumutuktok sa loob ng halaman. May tinig na nakiusap na sila ay pakawalan.

Noong una ay ayaw ng ibon na biyakin ang kawayan dahil baka ito ay patibong lamang. Ngunit, may Nakita siyang butiki
kaya inumpisahan niya itong tinuka. Kinalaunan ay nakawala ang butiki kaya pinagpatuloy na lamang ng ibon ang
pagtuktok. Hanggang sa nabiyak ang kawayan at lumabas si Malakas.

Isinunod niya ang isa pang kawayan at doon naman lumabas ang isang mahinhing dilag na ang pangalan naman ay
Maganda. Ang dalawa ang siyang nag-umpisa ng lahing kayumanggi.

You might also like