You are on page 1of 1

Mito

- galing sa salitang latin na mythos at mula sa salitang Greek na muthos na ang kahulugan ay
kwento
Mitolohiya
- pag-aaral ng mga mito o myth
- Tumutukoy ito sa kaliounan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na
naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos at diyosa
- May kaugnayan sa mga ritwal at teolohiya
- Hindi man ito kapan - paniwalang kwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani ito ay itinuturing
na isang sagrado, at pinaniniwalaaang naganap

MITOLOHIYA
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o
mito ( Ingles : myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala . Karaniwang
tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas
na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan
ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan.
Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na
mitolohiyang Griyego . Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na
sina Zeus , Aphrodite , Athena , at iba pa.
Ang kwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na
tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.
Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa .
Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng
kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang, mayroong pa din itong mga nai-aambag sa
kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral.
Ang mitolohiya ay parating mayroong mga gintong aral na ipinagkakaloob sa mga nakakarinig o
nakababasa nito. Dagdag na rin ito sa kaalaman kung ano ang tradisyon at kultura ng nasabing lugar ng
mitolohiya dahil isinasalamin nito ang kabuhayan noong ito ay isinusulat.

Gamit ng Mitolohiya:
1. Ipaliwanag ang pagkalikha ng daigdig.
2. Ipaliwanag ang pwersa ng kalikasan.
3. Magkuwento ng mga sinaunang fawaing panrelihiyon.
4. Magturo ng mabuting aral.
5. Maipaliwanang ang kasaysayan.
6. 6.Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng sangkatauhan.

You might also like