Professional Documents
Culture Documents
pinagmulan ng Sinaunang Roma at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga kuwentong ito ay
itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala at
supernatural. Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol sa politika at moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga
Diyos. Ang kabayanihan ay isang mahalagang tema sa mga kuwentong Romano. Kapag ang nagbibigay linaw sa mga
kasanayang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano, ang mga kuwento ay nauukol sa ritwal at mga institusyon sa halip
na teolohiya o kosmogoniya. Ang mga pangunahing sanggunian ng mitolohiyang Romano ang Aenid ni Virgil, kasaysayan
ni Livy, Fasti ni Ovid, isang anim na tulang nakaistruktura sa kalendaryong relihiyoso ng mga Romano at ikaapat na aklat
ng mga elehiya ni Propertius. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw rin sa mga dibuhong nasa pader sa Roma, mga
baryang Romano at mga iskultura partikular sa mga relief.
Ang isa sa pinakakilala sa mga mitong Romano ang pagkakatatag ng Roma ng kambal na sina Romulus at Remus na anak
ng Diyos ng Digmaan na si Marte (Mars) at birheng si Rhea Silvia. Ang kambal ay pinaniniwalaang ipinanganak noong 771
BCE. Ang kuwentong ito ay pinagkasundo sa kuwentong nauukol sa ninuno nina Romulus at Remus na prinsipe ng Troya
na si Aeneas ng anak ng Diyosang si Venus (ang ina ng mga Romano) at prinsipe Anchises na lumikas tungo sa Italya at
nagtatag ng liping Romano sa pamamagitan ng kanyang anak na si Ascanius na nagpuno sa puwang na 400 taon pagitan
ng pagtira ni Aeneas sa Italya at pagkakatatag ng Roma noong mga 753 BCE nina Romulus at Remus. Ang pamilya ni Julio
Cesar at ni Cesar Augusto ay nag-angking inapo ni Aeneas. Kabilang din sa mga mitong Romano ang panggagahasa sa
mga babaeng Sabino na nagsasalaysay ng pagkakabuo ng kulturang Romano, kuwento ng hari ng Roma na si Numa
Pompilius na ahente ng mga Diyos at nagtatag ng mga institusyong pambatas at panrelihiyon ng Roma, kuwento ni
Servius Tullius na kasintahan ng Diyosang si Fortuna, ang Batong Tarpeian kung bakit ito ginamit para patayin ang mga
taksil sa Roma, kuwento ni Lucretia na ang pag-alay ng kanyang sarili ang nagtulak sa pagpapabagsak ng maagang
monarkiyang Romano at pagkakatatag ng Republika, ang kuwento ni Horatius Cocles, kuwento ni Mucius Scaevola,
kuwento ni Caeculus at pagkakatatag ng Praeneste.[1], kuwento ni Manlius at ang gansa na nauukol sa pamamagitan ng
Diyos sa Paglusob na Gallic sa Roma, kuwento ng mga pistang Nonae Caprotinae at Poplifugia, kuwento ni Coriolanus na
nauukol sa politika at moralidad, kuwento ng siyudad ng Corythus bilang duyan ng kabihasnang Troyano at Italyano, at
pagdating ng Dakilang Inang Cybele sa Roma.
Itinuring ng mga Sinaunang Romano ang kanilang mga sarili na napaka-relihiyoso. Kanilang itinuro ang kanilang mga
tagumpay bilang isang pandaigdigang kapangyarihan sa kanilang kabanalan sa pagpapanatili ng mabuting mga ugnayan
sa kanilang mga Diyos. Ayon sa mitong Romano, ang mga institusyong panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano ay
itinatag ni Numa Pompilius na ikalawang hari ng Roma na tuwirang nakipagtalastasan at tinuruan ng mga Diyos.
1. Zeus, Jupiter
at panahon
2. Hera, Juno
- asawa ni Jupiter
3. Poseidon, Neptune
- kapatid ni Jupiter
4. Hades, Pluto
- kapatid ni Jupiter
- panginoon ng impiyerno
5. Ares, Mars
- diyos ng digmaan
6. Apollo, Apollo
panulaan
7. Athena, Minerva
8. Artemis, Diana
buwan
9. Hephaestus, Vulcan
pangangalakal, siyensiya
, pagnanakaw, at panlilinlang
Ang Mitolohiyang Griyego ay pangunahing alam ngayon mula sa panitikang Griyego at mga representasyon sa mga
biswal na media na mula pa sa panahong Heometriko mula c. 900 hanggang 800 BCE at pasulong.[1] Sa katunayan, ang
mga sangguniang pampanitikan at arkeolohikal ay nagsasama at minsang parehong sumusuporta sa bawat isa at minsan
magkasalungat. Gayunpaman, sa maraming mga kaso, ang pag-iral ng corpus ng datos ay isang malakas na indikasyon na
ang marami sa mga elemento ng mitolohiyang Griyego ay may malakas na pinag-ugatang paktuwal at historikal.[2] Ang
kabilang sa pinakamaagang mga sangguniang pampanitikan ang dalawang mga tulang epiko ni Homer na Iliad at
Odyssey. Ang ibang mga manunula ay bumuo ng isang siklong epiko ngunit ang mga kalaunan at mas mababang mga
tula ay halos buong nawala. Sa kabila ng kanilang pangalang tradisyonal, ang mga imnong Homeriko ay walang direktang
kaugnayan kay Homer. May mga pang-korong himno mula sa mas maagang bahagi ng tinatawag na panahong Liriko. Si
Hesiod na isang posibleng kontemporaryo ni Homer ay nagbibigay sa kanyang Theogony (Pinagmulan ng mga Diyos) ang
pinakabuong salaysay ng ng mga pinakamaagang mitong Griyego na nauukol sa paglikha ng mundo, ang pinagmulan ng
mga Diyos, mga Titan, mga Higante gayundin din ang masalimuot na mga henealohiya, mga kuwentong bayan, at mga
mitong etiolohikal. Ang Mga Gawa at Araw ni Hesiod ay isang didaktikong tula tungkol sa buhay pagsasaka na
kinabibilangan rin ng mga mito ni Prometheus, Pandora at ng Mga Apat na Panahon. Ang manunula ay nagbibigay ng
mahusay na paraan upang magtagumpay sa isang mapanganib na mundo na mas ginawa pang mapanganib ng mga
Diyos nito.
Zeus- Diyos ng kalangitan at kulog -pinuno ng mga diyos -nangingibabaw, pinakamakapangyarihan, pinakamataas, o
supremong diyos ng sinaunang Griyego-sandata ang kidlat na may kasamang malakas na kulog, kaya't kilala rin siya
bilang"Zeus ang Tagapagkulog"-kilala bilang Hupiter sa Romano habang sa mitolohiyang Etruskano naman, siya si Tinia
Poseidon- Diyos ng dagat, lindol at kabayo-isa sa mga tatlong naging anak na lalaki nina ronos at Rhea-siya ang
panginoon at diyos ng karagatan kaya!t mayroon siyang kapangyahiran sapagtaban ng mga alon, bagyo, at maging ng
mga lindol-sa paglalarawan ng kanyang katangian ay may hawak siyang sandatang piruya o tridente-sa mitolohiyang
Romano, kilala siya bilang si eptuno at bilang si ethuns sa mitolohiyang Etruskano
Hermes-Diyos ng komersyo at biyahero-diyos na mensahero ng mga diyos at mga diyosa-gabay ng mga manlalakbay,
kabilang ang mga nagbibiyahe patungo sa mundong ilalim-anak ni Zeus at ng isang diwata
Apollo-Diyos ng araw, liwanag, medisina, propesiya at musika-anak siyang lalaki ni Zeus kay $eto-kakambal ni %rtemis-
binabansagang si &hoebus na nangangahulugang maliwanag, nakakasilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang angking
kabataan at kaakit-akit na mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng araw na si Helios sa Griyego o ol sa
Romano-kilala bilang si %pulu o %plu sa mga Etruskano
Athena-Diyosa ng karunungan, digmaan, sining, industriya at hustisya-diyosa na katumbas ni #iner(a sa mitolohiyang
Romano-isang parthenos, sa wikang Griyego, o birhen-nagmula siya sa ulo ng kanyang ama na si Zeus at noong siya ay
ipinanganak, balot na ang kanyang buong katawan ng baluting pandigma-mataas niyang hinahawakan ang kanyang
sibat-pinakamarunong at pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga diyosa
Aphrodite-Diyosa ng kagandahan at pag-ibig-kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang si )enus o *enus-anak na babae
ni Zeus at Dione, isang diwata-sinasamba ng mga lalaki at babae sa mundo kapag sila ay nakadama ng pag-ibig
Ares-Diyos ng digmaan-kinikilala bilang #arte o #ars sa Romano at $aran naman sa mitolohiyang Etruskano-agad-agad
siya napupukaw papunta sa pook ng kinagaganapan ng digmaan-kabilang sa kanyang katangian ay ang pagiging kaaya-
aya at malakas na lalaki subalit laging handang pumaslang-kinatatakutan ng lahat ng mga Griyego ang galit ni %res
Demeter-Diyos ng agrikultura at pertilidad-pangatlong kapatid na babae ni Zeus-diyosa ng mga butil o buto ng halaman
o pananim kaya't siya rin ang diyosa ng agrikultura-siya ang nagturo sa mga tao kung paano magtanim at magsaka batay
sa mitolohiyang Griyego-kilala bilang si +eres o eres sa mitolohiyang Romano
Hestia-Diyosa ng apuyan at tahanan-kilala bilang )esta o *esta sa Romano-pinakamatandang anak na babae nina
ronos at Rhea-kapatid at asawa ni Zeus
Mitolohiyang Nordiko
Ang paglikha sa daigdig ng diyos na si Odin at ng kanyang mga kapatid.
Ang mitolohiyang Nordiko, mitolohiyang Norsiko (o Norseko), o mitolohiyang Nors (kilala rin bilang mitolohiyang
Eskandinaba o Eskandinabyano) ay ang mitolohiyang nagmula sa mga Norsman (o Norsmen), literal na "mga tao ng
hilaga" ng Europa, na tila mandirigmang Alemanikong tribong namuhay bago dumating ang kapanahunan ni Hesus.
Dating inaawit ang mga ito ng mga skald, o mga manunulang Nors. Matutunghayan ang mitolohiyang at mga awiting ito
mula sa mga Edda: ang Matandang Edda (Patulang Edda o Poetikong Edda) at ang Batang Edda (Tuluyang Edda o
Prosang Edda).
Naglalahad ang mga Edda ng mga pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao sa hilagang Europa. Naglalarawan rin ito ng mga
pinananaligang mga diyos at diyosa ng mga taong ito. Ipinakikita sa mga ito na dumanas ng paghihirap at pagtitiis ang
mga Nordikong diyos at diyosa. Nasulat ang unang Edda noong ika-9 daantaon. Nagpapaliwanag naman at nagsisilbing
gabay sa mga nakababatang mga manunula at makata ang pangalawang Edda ukol sa naunang Edda. Isinulat ni Snorri
Sturluson ang pangalawang Edda. Naging batayan ang mga Eddang ito ng Nibelungenlied o "Awit ng mga Niblung" (o ng
mga Nibelung, sa pagbaybay sa Aleman), isang epikong Aleman. Pinagbatayan naman ito ni Richard Wagner, isang
Alemang kompositor, ng apat sa kanyang mga opera.[1] Bukod sa nasa wikang Alemang Nibelungenlied, nilalaman din
ng nasusulat sa Matandang Norseng Saga ng Volsunga (Volsunga Saga sa Ingles) ang mitolohiyang Nordiko. Bagaman
magkaiba ang mga bersyong ito, magkapareho lamang ang nilalahad nilang salaysay.
Noong ika-8 daantaon, malawakang nawala ang kalinangang Nors o Norse nang dalhin ng Simbahang Katoliko ang
Kristiyanismo sa Alemanya at Eskandinabya. Subalit napanatili ng matagal ang kulturang ito sa Aisland o Lupangyelo.
Kabilang sa mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Nordiko sina Heimdall, Mga Valkyrie, Odin (Wotan sa Aleman), Frigga,
Thor, Sif, Loki, Balder, Hoder, Frey, Freya, Tyr, Bragi, Idun, Hermod, mga Norn, at mga duwende ng Svartalfheim.
Namumuhay at naninirahan ang mga diyos na ito sa Asgard. Kabilang sa mga nilalang sa Asgard si Yggdrasil, isang
"punong abo". Isa namang pook sa Asgard ang tulay na Bifrost, ang palasyong Valhalla.
Kaiba ang mga pananaw sa daigdig ng Sinaunang mga Ehipsiyo kung ihahambing mula sa kanilang mga
kanugnog bayan sa sinaunang Mediteraneo at Malalapit sa Silangang bahagi ng mundo. Naniniwala ang mga
Ehipsiyo at mga Ehipsiya na, bago magsimula ang panahon, nag-iisang umiiral ang Nun, ang pinakaunang
katawan ng mga katubigan. Sa mismong oras ng paglikha, lumitaw mula sa Nun ang isang bunton ng lupa o
putik, ang ben-ben. Sa ibabaw ng bunton, lumitaw naman si Amen, ang diyos na manlilikha at supremo o
pangunahing diyos, upang magdala ng liwanag sa daigdig, at para likhain din ang iba pang mga diyos at diyosa
ng Sinaunang Ehipsiyo. Si Amen din ang diyos ng araw