You are on page 1of 18

PANITIKANG

MEDITERRANEAN
ANO ANG MITOLOHIYA?
• Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga mito o myth.
• Ang salitang mito ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa salitang
Griyego na muthos na ang kahulugan ay “kuwento.”
• Ang mitolohiya ay tumutukoy sa mga kalipunan ng mga mito na nanggaling
sa isang pangkat ng tao na nagmula sa isang lugar na nagsasalaysay ng
kasaysayan ng mga diyos-diyosan.
• Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay
ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
MITOLOHIYANG GRIYEGO AT ROMANO
MITOLOHIYANG GRIYEGO
MGA DIYOS AT DIYOSA NG
MITOLOHIYANG GRIYEGO
• ZEUS- itinuturing na Hari ng mga Diyos; Diyos ng kalangitan, mga batas, at
panahon. Siya ang anak nina Kronos at Rhea; ama nina Apollo, Aphrodite,
Ares, Hermes, Athena, Hephaestus, at Persephone.
• POSEIDON- Diyos ng karagatan; ang kanyang simbolo ay ang trident o sibat
na may tatlong talim
• HADES- Diyos ng kamatayan at hari ng kailaliman ng lupa; asawa ni
Persephone; ang kanyang simbolo ay isang setro ng ibon na nasa tuktok
• HEPHAESTUS- Diyos ng apoy at sining ng eskultura; ang kanyang mga
simbolo ay martilyo, tongs, at donkey.
• HERA- itinuturing na Reyna ng mga Diyos; Diyosa ng pag-aasawa at ng mga
kababaihan; simbolo ay ang korona at isang tungkod.
• HERMES- anak nina Zeus at Meia; mensahero ni Zeus at Diyos ng mga
ugnayang may kinalaman sa pera, pagnanakaw, at atleta; simbolo niya ang
isang wand, bota na may pakpak, at telang balabal.
• HESTIA- anak nina Kronos at Rhea; Diyosa ng mga tahanan; ang kanyang
simbolo ay belo, mabulaklak na sangay ng puno, at kettle (isang initan ng
tubig).
• KRONOS- Diyos ng oras at panahon; scythe ang kanyang simbolo
(kagamitang pangtabas); anak nina Ouranos at Gaia.
• PERSEPHONE- Diyosa ng kamatayan at Reyna ng kailaliman ng lupa; ang
kanyang simbolo ay isang bungkos ng palay at nagliliyab na sulo.
• ATHENA- Diyosa ng katalinuhan, digmaan, at sining; ang kanyang mga
simbolo ay Crested Helmet, kalasag, sibat, at telang balabal.
• ARTEMIS- Diyosa ng pangangaso at pangangana; Chiton (isang uri ng
damit) at pana ang kanyang mga simbolo.
• ARES- Diyos ng digmaan; ang kanyang mga simbolo ay kalasag at sibat.
• APOLLO- Diyos ng araw, musika, pagpapana, medisina, at propesiya; Isang
korona at sangay ng laurel, pana, uwak, at lyre ang kanyang mga simbolo.
• APHRODITE- Diyosa ng kagandahan at pag-ibig; Isang kalapati,
mansanas, kabibi, at salamin ang kanyang mga simbolo.
• DEMETER- Diyosa ng agrikultura at kasaganaan; isang korona, tali ng
trigo, at sulo ang kanyang mga simbolo.
MITOLOHIYANG ROMANO
MGA DIYOS AT DIYOSA NG
MITOLOHIYANG ROMANO
• JUPITER- Hari ng mga Diyos; Diyos ng Kalangitan; ang kanyang mga
simbolo ay oak, agila, kulog, at toro.
• NEPTUNE- Diyos ng Karagatan at patrono ng pangangabayo; kabayo at
trident (sibat na may tatlong talim) ang kanyang mga simbolo.
• PLUTO- Diyos ng Kamatayan; isang sumbrero, itim na karwahe, at itim
na mga kabayo ang kanyang simbolo.
• VULCAN- Diyos ng Apoy; Pandayan at palihan ang kanyang simbolo.
• PROSEPINA- Diyosa ng Kamatayan; isang paniki, poppy, puting rosas, at
granada ang kanyang mga simbolo.
• SATURN- Diyos ng oras, pag-aani, at agrikultura; ang kanyang mga simbolo
ay trigo at sickle (gamit pang-agrikultura).
• VESTA- Diyosa ng Tahanan; Banal na walang hanggang hapoy ang
kanyang simbolo.
• MERCURY- Mensahero ni Jupiter; itinuturing na Diyos na may kinalaman sa
pera, magnanakaw, at atleta; Sapatos at sumbrero na may pakpak at isang
wand ang kanyang mga simbolo.
• JUNO- Diyosa ng pag-aasawa at panganganak; Reyna ng mga Diyos;
Peacock at baka ang kanyang mga simbolo.
• CERES- Diyosa ng agrikultura at kasaganaan; ang kanyang mga simbolo ay
binhi ng trigo at cornucupia.
• MINERVA- Diyosa ng Karunungan; kuwago, ahas, at puno ng oliba ang
kanyang mga simbolo.
• DIANA- Diyosa ng buwan at pangangaso; tagapagtanggol ng mga bata; isang
puno ng cypress at usa ang kanyang mga simbolo.
• MARS- Diyos ng digmaan; Buwitre, isang lobo, at duguang sibat ang
kanyang ma simbolo.
• APOLLO- Diyos ng araw, musika, medisina, at pagpapana; ang kanyang mga
simbolo ay halamang hyacinth, ginintuang kudyapi, ahas, at laurel.
• VENUS- Diyosa ng pag-ibig at kagandahan; kalapati, sisne, mga rosas,
halamang mertil, at kabibe ang kanyang mga simbolo.
MAPANG MEDITERRANEAN
PANITIKANG MEDITERRANEAN
• Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila ang humubog at
nagpabago sa lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo.

• Ito ay dahil sa kadahilanang sila ang nakatuklas ng sistema ng pagsusulat.


Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang maraming akda sa mitolohiya, epiko,
nobela, at iba pang panitikan.

• Kabilang sa kanilang natuklasan ay ang sistematikong paraan ng pagsusulat-


ang Cuneiform.
MGA HALIMBAWA NG PANITIKANG
MEDITERRANEAN
A. Mitolohiya mula sa Rome, Italy- Ang mga kuwentong ito ay itinuturing ng mga
sinaunang Romano na nangyayari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong
mahimala at supernatural. Halimbawa: Cupid at Psyche
B. Sanaysay (Greece)- Isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista
(pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga elemento ng
pagpuna, opinyon, obserbasyon, kuro-kuro, atbp. Halimbawa: Alegorya ng Yungib
C. Parabula (Syria)- Isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango sa
Bibliya. Halimbawa: Ang Tusong Katiwala
D. Maikling Kuwento (France)- Maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan
at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Halimbawa: Ang Kuwintas
E. Nobela (France)- Mahaba at makathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng katunggali sa kabila- isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkaugnay. Halimbawa:
Buod ng Ang Kuba ng Notre Dame.
F. Tula (Egypt)- Ang paggamit ng tula sa pagpapagaling ng mga taong mayroong
karamdaman. Halimbawa: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
G. Epiko (Iraq)- Mahabang pasalaysay na tula na karaniwang inaawit o binibigkas.
Halimbawa: Epiko ni Gilgamesh
MGA SANGGUNIAN
• https://filipino33.wordpress.com
• https://www.slideshare.net
• www.Wikipedia.org

You might also like