You are on page 1of 2

Mga diyos-diyosan ng Roma at Gresya

Ang sinaunang Roma at Gresya ay mayaman sa diyos-diyosan. Ang ilan sa kanila ay sina:

Zeus at Jupiter

Hera at Juno

Poseidon at Neptune

Hades at Pluto

Aries at Mars

Apollo

Athena at Minerva

Artemis at Diana

Hephaestus at Vulcan

Hermes at Mercury

Aphrodite at Venus

Hestia at Vesta

Sino sila?

Ang pinaniniwalaang nilang mga diyos at diyosa ay gumabay sa kanilang pamumuhay, pamumuno at
paglago. Kilalanin natin sila.

Sina Zeus ng Griyego Jupiter ng Romano ay ang hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at panahon at
sandata nila ang kulog at kidlat. Sina Hera ng Griyego at Juno ng Romano ay ang reyna ng mga diyos. Si
Juno ay asawa ni Jupiter at tagapangalaga ng pagsasama ng mag asawa. Sina Poseidon ng Griyego at si
Neptune ng Romano ay kapatid ni Jupiter, hari ng karagatan may kapangyarihang lindol at kabayo ang
kanyang simbolo.

Sina Hades ng Griyego at Pluto ng Romano ang panginoon ng impyerno. Sina Aries ng Griyego at si Mars
ng Romano ay ang diyos ng digmaan at buwitre ang ibong maiuugnay sa kanila. Si Apollo ng Griyego at
Romano ang diyos ng propesiya, liwanag, araw, misuka at panulaan , diyos din siya ng salot at paggaling.
Ang dolphin at uwak ang kanyang simbolo. Sina Athena ng Griyego at Minerva ng Romano ay ang diyosa
ng karunungan, digmaan at katusuhan. Ang kuwago ang ibong maiuugnay sa kanya.

Sina Artemis ng Griyego at Diana ng Romano ang diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop at ng buwan.
Sina Hephaestus ng Griyego at Vulcan ang Roman ang diyos ng apoy at bantay ng mga diyos. Sina
Hermes ng Griyego at Mercury ang Roman ang mensahero ng mga diyos, paglalakbay, pangangalakal,
siyensya, pagnanakaw at panlilinlang. Sina Aphrodite at Venus ng Romano ay ang diyosa ng kagandahan,
pag-ibig at kalapati ang ibong maiuugnay sa kanya. Sina Hestia ng Griyego at Vesta ng Romano ang diyosa
ng apoy mula sa pugon.

You might also like