You are on page 1of 3

Khea Marie B.

Dela Cruz STE 10 – Lead

“12 Diyos at Diyosa ng mga Griyego/Roman”

1. Zeus/Jupiter
 Pinuno ng mga Diyos sa Olympus, siya ang
pinakamakapangyarihan, pinakamataas o supremong Diyos.
Ang kanyang sandata ay kidlat na may kasamang kulog,
sinisimbolo siya ng agila, toro, kulog, at puno ng oak.

2. Hera/Juno
 Diyosa ng langit, mga babae, kasal, at panganganak. Siya ang
kapatid at asawa ni Zeus. Ang kanyang simbolo ay korono,
trono, at peacock.

3. Poseidon/Neptune
 Diyos ng karagatan na may kapangyarihang manipulahin ang
alon bagyo, at lindol. Sinisimbolo ng piruya na hawig sa isang
malaking tinidor.

4. Hades/Pluto
 Diyos ng kamatayan ang ang pinuno ng Tartarus, asawa ni
Persephone. Sinisimbolo ng setro na may ibon sad ulo, karwahe
at itim na kabayo.

5. Ares/Mars
 Diyos ng digmaan na anak nina Zeus at Hera, at kalaguyo ni
Aphrodite. Ang kanyang simbolo ay buwitre, kalasag, at sibat.
6. Apollo/Pallas Apollo
 Diyos ng propesiya, liwanag, araw musika, at panulaan, siya’y
anak nina Leto at Zeus, at kakambal ni Artemis. Sinisimbolo ng
pana, uwak, at lyre.

7. Artemis/Diana
 Diyosa ng buwan, pangangaso, ligaw na hayop, at
tagapagtanggol ng mga bata, siya’y anak nina Leto at Zeus, at
kakambal ni Apollo. Ang kanyang simbolo ay pana at chiton
(isang uri ng damit).

8. Athena/Minerva
 Diyosa ng karunungan, sining, industriya, digmaan, at
katusuhan. Anak nina Metis at Zeus na sinisimbolo ng ahas,
puno ng oliba, helmet at kalasag.

9. Hephaestus/Vulcan
 Diyos ng apoy at sining ng iskultura, siya’y anak nina Zeus at
Hera, at asawa ni Aphrodite. Ang kanyang simbolo ay martilyo
at buriko.

10. Hermes/Mercury
 Diyos ng komersyo, siyensiya, biyahero, laro, pagnanakaw, at
panlilinlang. Kilala bilang mensahero ng mga Diyos at gabay ng
mga manlalakbay. Sinisimbolo ng sandalyas at sumbrerong may
pakpak, at baton na may nakapulupot na ahas at pakpak sa dulo.
11. Aphrodite/Venus
 Diyosa ng kagandahan at pag-ibig at nagging kalaguyo ni Ares
dulot ng pagtataksil. Ang kanyang simbolo ay kalapati, rosas,
salamin, kabibe, at sisne.

12. Hestia/Vesta
 Diyosa ng tahanan at apoy mula sa pugon na anak nina Cronus
at Rhea. Ang kanyang simbolo ay takure at walang hanggang
apoy.

You might also like