You are on page 1of 6

SAINT MARY’S ACADEMY

LUNAO, GINGOOG CITY

Basic Education Department


SY: 2021-2022

Pangalan: Marka:

MODYUL 1.1 – FILIPINO 10

MITOLOHIYANG GRIYEGO
PANIMULA:

Ang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/ myth at alamat. Ito ay mga kuwentong
naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinipintasan
ng mga mga sinaunang tao. Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na
muthos, na ang kahulugan ay kuwento.

Sa Pilipinas, ang mitolohiya ay makikita sa mga kuwentong-bayan. Ang mga kuwentong ito ay may mga tauhang
tulad ng anito, Diyos, Diyosa at iba pang mga nilalang tulad ng duwende, tikbalang, aswang at iba pa.

Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao ng mga
katangian ng iba pang mga nilalang. Inilalahad din ng mitolohiya ang misteryo sa likod ng mga nakakatakot na
puwersa ng kalikasan tulad ng kidlat, kulog, baha, apoy at kamatayan. Hindi man ito kapani-paniwala, itinuturing
itong sagrado ng iilan dahil sa mga tauhan nito ay mga Diyos at Diyosa.

Ang gawaing ito ay upang maunawaan ang tatalakaying aralin. Tuklasin at kilalanin ang mga tauhan ng
mitolohiyang Pilipino upang maihambing sa mga tauhan ng mitolohiyang Griyego. Ang layunin ng mga gawaing ito
ay upang mabigyang patunay na ang Panitikang Pilipino ay may kaugnayan at hindi nalalayo sa mga panitikan sa
mundo.

LAYUNIN:

 Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan mitolohiya


 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian (F10PT-Ia-b-61)
 Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa Paksang tinalakay (F10PS-Ia-b-64)
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa sarili, pamilya, at
pamayanan o bansa. (F10PB-Ia-b-62)

Simulan natin ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagkilala ng mga tauhan ng mitolohiyang
Pilipino at ilarawan ang kanilang pagkakakilanlan.

GAWAIN 1: Sino sila?


Ilarawan ang mga larawan batay saiyong pagkakilala.

Anong masasabi mo batay sa mga larawan? Ipaliwanag.


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Matapos mong kilalanin ang mga Mitolohiyang Pilipino. Gusto mo bang malaman ang mga Mitolohiyang mula sa
Gresya? Kung OO

Susunod tayo sa pagkilala ng mga diyos at diyosa ng Olympus upang iyong matuklasan kung paano nakatutulong
ang mitolohiyang mula sa Gresya sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino.

Ang mga Diyos at Diyosa ng Olympus


Zues/Jupiter Hera/Juno
 Pinuno ng mga Diyos sa Olympus..
 Ginagamit niya sandata ang kidlat na  Diyosa ng langit, mga
may kasamang kulog. babae, kasal at panganak.
 Ang kanyang simbolo ay agila, toro,  Asawa ni Zues
kulog at puno ng oak.  Ang kanyang simbolo ay
korona, trono at peacock.

Poseidon/ Neptune Hades/Pluto

 Diyos ng karagatan.  Diyos ng kamatayan at pinuno ng


 may kapangyarihan sa pagmama- Tartarus.
nipula ng alon, bagyo at lindol.  Asawa ni Persephone
 Ang kanyang simbolo ay piruya o trident  Ang kanyang simbolo ay sentro
na hawig sa isang malaking tinidor. na may ibon sa dulo, itim na
karawahe at itim na kabayo.

Ares/Mars
Artemis/Diana
 Diyos ng digmaan.
 Diyosa ng buwan, pangangaso, ligaw na hayop
 Anak nina Zues at Hera at at tagapagtanggol ng mga bata.
kalaguyo ni Aphrodite.
 Anak nina Zues at Leto at kakambal ni Apollo.
 Ang kanyang mga simbolo
 Ang kanyang mga simbolo ay pana at chiton
ay buwitre, kalasag at sibat.
(isang uri ng damit)

Apollo/Pallas Apollo
Athena/ Minerva
 Diyos ng propesiya, liwanag,
araw, musika at panulaan.  Diyosa ng karunungan, sining,
 Anak nina Leto at Zues at industriya, digmaan at katusuhan.
kambal ni Artemis.  Anak nina Metis at Zeus.
 Ang kanyang mga simbolo ay  Ang kanyang simbolo ay ahas,
pana, uwak, lyre. puno ng oliba, helmet at kalasag

Hephaestus/Vulcan
Hermes/Mercury
 Diyos ng apoy at sining
ng iskultura.  Diyos ng komersyo, siyensya biyahero,
 Anak nina Zeus at Hera medisina, laro, pagnanakaw at panlilinlang
at asawa ni Aphrodite.  Kilala bilang mensahero ng mga diyos at ang
 Ang kanyang simbolo ay gabay ng mga manlalakbay.
martilyo at buriko.  Ang kanyang mga simbolo ay sandalyas at
sumbrerong may pakpak at baton na may
nakapulopot na ahas at pakpak sa dulo.
Dionysus/Bacchus
Hestia/Vesta
 Diyos ng alak, pista,
kasiyahan, kaguluhan at  Diyosa ng tahanan at apoy mula sa pugon.
pagkagumon
 Anak nina Cronus at Rhea.
 Ang kanyang simbolo ay
 Ang kanyang mga simbolo ay takure at
ubas, kopita at tigre.
walang hanggang apoy.

Aphrodite/Venus

 Diyosa ng kagandahan at pag-ibig.


 Asawa ni Hephaestus at nagging
kalaguyo ni Ares dulot ng pagtataksil
 Ang kanyang mga simbolo ay kalapati,
rosas, salamin, kabibe at sisne.
Sino sa mga Diyos at Diyosa ang iyong nagustuhan? Bakit siya ang iyong napili?
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Bago natin basahin ang mga mitolohiya. Sagutin muna natin ang mga mahihirap na salita na matatagpuan natin sa ating
pagbabasa.

GAWAIN 2: Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian

Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng kayariang payak, maylapi inuulit, at tambalan. Maaaring maiugnay ang kayarian ng
salita sa kahulugan nito, Ibigay ang kasingkahulugan ng salita batay sa kayarian at sa iba pang katangian nito,

1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang salitang pag-iisang-dibdib? Ang isa pang kahulugan
nito'y pag-aasawa.

Iniibig Minamahal Sinisinta Hinahangaan

2. Alin sa mga salitang maylaping nasa kahon ang may naiibang kasingkahulugan? Isulat ito sa linya.

Iniibig Minamahal Sinisinta Hinahangaan

3. Anong payak na salita ang kasingkahulugan ng salitang galak sa pangungusap na: "Ligaya ang dulot ng
muli naming pagtatagpo ng dati kong kaibígan

4. Anong inuulit na salita ang puwedeng gamiting pamalit sa pariralang sobrang minamahal o labis na iniibig?

5. Alin sa mga salitang payak na nása kahon ang may naiibang kahulugan? Isulat ito sa linya.

lilok Ukit guhit

SI PYGMALION AT SI GALATEA

Si Pygmalion ay isang makisig na eskultor na kinahuhumalingan ng


maraming kadalagahan. Subalit kailanma'y hindi siya nagpakita ng interes sa
sinumang babae dahil sa pagkainis niya sa ilang babaeng bayaran sa kanilang
bayan.
Para sa kanya'y isang pag-aaksaya lämang ng panahon ang
makipagmabutihan sa mga babae. Kaya naman, sa bawat pagkakataong may
makasasalamuha siyang babae ay lagi siyang umiiwas. "Hindi ko uubusin
ang Oras ko sa pakikipag-usap sa inyo," ang palaging bulong niya sa sarili.

At upang hindi magambala ng kababaihan, ginugol ni Pygmalion ang lahat ng kanyang oras sa paglilok.
Hanggang isang araw isang napakagandang babae ang kanyang nalikha. Hindi kapani-paniwalang ang isang
tulad niyang labis na umaayaw sa kababaihan ay lumikha ng isang babae bilang kanyang obra maestra.
pinagpatuloy niya ang pagpino sa kanyang gawa hanggang sa ang alagang nilililok ay magkaroon ng perpektong
kagandahan. Tila ibinuhos ni Pygmalion sa kanyang obra ang lahat ng katangiang hanap niya sa isang
babaeng hindi niya natagpuan sa sinumang totoong babae sa kanyang paligid. Subalit habang nabubuo ang
estatwa ng babae ay nagkakaroon din ng pagbabago kay Pygmalion

Ang bawat pukpok ng kanyang paet, ang bawat haplos ng kanyang liha ay
kakikitaan ng ingat at pagmamahal, Umiibig si Pygmalion kay Galatea, ang
Subalit walang halaga kay Pygmalion ang anumang isipin o sabihin ng sinuman. Patuloy siya sa
paggawa ng lahat ng inaakala niyang makabubuti sa kanyang minamahal kasáma na ang pagsusuot dito ng
pinakamagagandang kasuotan at paglalagay ng pinakamakikinang na alahas tulad ng singsing, kuwintas, at
hikaw.
Ang balita ng pagkahumaling ni Pygmalion sa isang estatwa ay kumalat sa bayan at nakarating sa kaalaman
ni Aphrodite, ang diyosa ng pag ibig at ng kagandahan. "Kaawa-awang Pygmalion," ang naibulong sa sarili ng
butihing diyosa. "Hindi ko matitiis ang isang nilalang na umiibig nang tapat subalit hindi nasusuklian ang
kanyang pag-ibig," ang muli'y nasabi niya sa sarili habang pinag-isipan ang isang plano.

Nang sumapit ang kapistahan ng diyosang si Aphrodite ay nagtungo si Pygmalion sa templo upang mag-
alay ng isang báka. Habang nag-aalay ay taimtim niyang nausal ang pagnanais na magkaroon ng kasintahang
katulad ng babaeng kanyang nililok. Narinig ni Aphrodite ang hiling ng puso ng binata kayå binigyan siya nito ng
isang tanda. Ang apoy mula sa sinusunog na alay ay tatlong beses pumailanlang. Ipinagtaka ni Pygmalion ang
nakitang tanda subalit hindi niya maisip kung tungkol saan ito. Hanggang sa siya’y makauwi at makita ang
estatwa ni Galatea. Muli, ang kanyang buong atensiyon ay naukol sa dalaga at nakalimutan na niya ang tungkol
sa nakitang tanda sa templo.

Agad niyang niyakap ang estatwa subalit anong laking pagtataka niya. "Bakit parang mainit ang katawan ni
Galatea?". "Ah nása tabi kasi siya ng bintana.
Tulad ng nakagawian ay hinalikan din niya ang estatwa subalit bigla siyang napaurong "Bakit malambot
ang labi ni Galatea?" ang buong pagtataka niyang sabi habang matamang tinititigan ang estatwa ng dalaga.
Halos mapasigaw sa galak si Pygmalion. Hindi siya nananaginip, buháy si Galatea! Hindi na isang estatwa kundi
isa nang tunay o ganap na babae.
Ngayo'y alam na niya. Ang tandang nakita niya sa templo ay ang tanda ng pagbibigay-búhay ng diyosang si
Aphrodite kay Galatea. Muli niyang hinaplos si Galatea dahil naghahalo pa rin sa kanya ang pagtataka at
kaligayahan. Subalit ang anumang pagdududa ay napawi at ito'y napalitan ng labis na kaligayahan.

Buháy ang kanyang pinakamamahal. Gusto niyang ipagsigawan ito


sa buong mundo! Subalit hindi niya nakalimutang magpasalamat
Sa diyosa ng pag-ibig at ng kagandahan sa pagbibigay-buhay kay
Galatea. Agad siyang nagbalik sa templo at nanikluhod sa paanan ni
Aphrodite bilang pasasalamat.
At hindi nagtagal, naganap ang pinakamasayang araw sa búhay ni
Pygmalion. Ikinasal silá ng pinakamamahal niyang si Galatea! Ang pag-
iisang-dibdib ila ay binasbasan ni Aphrodite. Biniyayaan silá ng
panganay, isang sanggol na lalaki, tulad ng kanyang magulang ay
nagtataglay rin ng pambihirang kagandahan.

Nakompleto ang kanilang pamilya sa pagsilang ng isa pang malusog


at napakagandang sanggol na babaeng pinangalanan nilang Metharme.
Bilang pasasalamat sa kabutihan ni Aphrodite ay hindi nakalimot sina Pygmalion, Galatea, at ang
kanilang mga anak na mag-alay sa templo ng diyosa taon-taon.
Tinutumbasan naman ito ng diyosa ng kaligayahan at pagmamahal para sa buong pamilya. Ang
pagtatagpo nina Pygmalion at Galatea ay isang pag-iibigang nakatadhana at ito y patuloy na nagbibigay-
inspirasyon sa marammi na kavang lagpasan ng tunay na pag-ibig ang anumang hadlang o pagsubok at
ito'y mananatili magpakailanman.

GAWAIN 3: Ipaliwanang.
Paano makikilala ang isang tunay at wagas nap ag-ibig? Anu-ano ang maaaring gawin
ng isang tao upang mapatunayang malinis at wagas ang kanyang pag-ibig?

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

GAWAIN 4: Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa Paksang tinalakay

Basahin ang mga pahayag o kaisipang nasa kahon. Mag pahayag ng sariling
opinion o pananaw kaugnay nito.

Hindi pangkaraniwan ang pag-iibigan nina Pygmalion at Galatea kaya’t naging tampulan sila ng pag-usapan.

Ano naman ang magiging pananaw o opinyon mo kung may makita kang magkasintahang sa tingin ng lipunan ay
hindi magkabagay tulad ng:

 Ang babae ay ubod ng ganda samanatalang ang lalaki ay hindi guwapo;


 Ubod ng yaman ang lalaki subalit napakahirap ng babae;
 Matalino at nakapag-aral ang lalaki subalit hindi nakatapos ng pag-aaral ang babae?

Ang opinyon ko sa sitwasyon nila ay


Ang unang naisip ko ay

Ang sasabihin ko sa mga taong nanghuhusga ay __________________________________________

_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

GAWAIN 5: Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa sarili,


pamilya, at pamayanan o bansa.

Ang Bibliya ay may napakagandang pagpapakahulugan sa tunay na pag-ibig. Basahin ito sa ibaba:

“Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi mainggitin, hindi mayabang ni


mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitiin, o
mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang
katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis
hanggang wakas.”
1 Corinto 13:4-7
Baon ang kaisipang ito kaugnay ng pag-ibig, paano maipakikita ang tunay na pag-ibig sa sumusunod na mga
sitwasyon:

Sa iyong sarili; Umaabot ng mula apat hanggang anim na oras ang tagal ng paggamit mo sa Internet at computer araw-araw
para sa pag-update ng social media account, paglalaro ng video games, panonood ng video sa YouTube, at iba pa. lagi ka tuloy
puyat at kapansin-pansin ang kawalan mo ng sigla kapag nasa paaralan ka. Paano mo maipakita ang pagmamahal saiyong
sarili sa sitwasyong ito?

_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Sa iyong pamilya: Ugali mong tumambay muna sa paaralan at makipagkuwentuhan sa iyong mga kaibigan pagkatapos ng
klase. Subalit alam mong ang iyong nanay na pagod din mula sa trabaho ay nangangailangan ng tulong sa paghahanda ng
inyong hapunan at iba pang gawain sa bahay. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong kaibigan sa sitwasyong ito?

_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Sa iyong pamayanan o bansa: mas gusto mo ng anumang bagay na imported kaysa sa mga bagay na gawang pinoy. Subalit
alam mong ito ay may epekto sa ating mga manggagawa at sa ekonomiya. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo saiyong
pamayanan o bansa sa sitwasyong ito?

_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

REFERENCES:
o Emily V. Marasigan at Mary Grace G. Del Rosario. (2017). Pinagyamang Pluma 10 (Aklat 1: Kabanata
1 hanggang 3). 927 Quezon Ave., Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.
o PEAC JHS INSET Learning Module Exemplar 2016
o DepEd Curriculum Guide
o Google images

FEEDBACK/ COMMENTS: (if any)


Parents
Students

Student/Parent/Guardian

You might also like