You are on page 1of 9

Mitolohiyang Griyego

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigation Jump to search
Busto ni Zeus, Otricoli (Sala Rotonda, Museo Pio-Clementino, Vatican).

Ang metolohiyang griyego ang katawan ng mga mito at katuruan ng mga Sinaunang Griyego na
nauukol at nagpapaliwanag ng pinagmulan at kalikasan ng mundo at nagdedetalye ng mga buhay
at pakikipagsapalaran ng kanilang iba't ibang mga Diyos at mga Bayani. Ang mitolohiyang
Griyego ay isang bahagi ng relihiyon sa modernong Gresya at sa buong mundo na kilala bilang
Hellenismos. Ang mga modernong skolar ay nag-aaral ng mitolohiyang Griyego upang
magbigay linaw sa mga institusyong relihiyoso at pampolitika ng Sinaunang Gresya at ng
kabihasnan nito. Pinag-aaralan rin ito ng mga skolar upang maunawaan ang kalikasan ng
mismong paggawa ng mito. Sa simula, ang mga salaysay na ito ay pinapakalat sa Sinaunang
Gresya sa isang tradisyong tulang-pabigkas. Sa kasalukuyan, ang ating mga nanatiling
sanggunian ng mga mitolohiyang Griyego ay mga gawang pang-panitikan ng mga tradisyong
pagbigkas. Sumasalamin din ang mitolohiyang Griyego sa mga artipakto, ilang mga gawang
sining, lalo na iyong mga pintor ng mga plurera. Tinutukoy ng mga Griyego mismo ang mga
mitolohiya at mga kaugnay na gawang sining upang magbigay liwanag sa mga kultong
pagsasanay at ritwal na mga tradisyon na napakaluma na at, minsan, hindi nauunawang mabuti.

Ang Mitolohiyang Griyego ay pangunahing alam ngayon mula sa panitikang Griyego at mga
representasyon sa mga biswal na media na mula pa sa panahong Heometriko mula c. 900
hanggang 800 BCE at pasulong.[1] Sa katunayan, ang mga sangguniang pampanitikan at
arkeolohikal ay nagsasama at minsang parehong sumusuporta sa bawat isa at minsan
magkasalungat. Gayunpaman, sa maraming mga kaso, ang pag-iral ng corpus ng datos ay isang
malakas na indikasyon na ang marami sa mga elemento ng mitolohiyang Griyego ay may
malakas na pinag-ugatang paktuwal at historikal.[2] Ang kabilang sa pinakamaagang mga
sangguniang pampanitikan ang dalawang mga tulang epiko ni Homer na Iliad at Odyssey. Ang
ibang mga manunula ay bumuo ng isang siklong epiko ngunit ang mga kalaunan at mas
mababang mga tula ay halos buong nawala. Sa kabila ng kanilang pangalang tradisyonal, ang
mga imnong Homeriko ay walang direktang kaugnayan kay Homer. May mga pang-korong
himno mula sa mas maagang bahagi ng tinatawag na panahong Liriko. Si Hesiod na isang
posibleng kontemporaryo ni Homer ay nagbibigay sa kanyang Theogony (Pinagmulan ng mga
Diyos) ang pinakabuong salaysay ng ng mga pinakamaagang mitong Griyego na nauukol sa
paglikha ng mundo, ang pinagmulan ng mga Diyos, mga Titan, mga Higante gayundin din ang
masalimuot na mga henealohiya, mga kuwentong bayan, at mga mitong etiolohikal. Ang Mga
Gawa at Araw ni Hesiod ay isang didaktikong tula tungkol sa buhay pagsasaka na
kinabibilangan rin ng mga mito ni Prometheus, Pandora at ng Mga Apat na Panahon. Ang
manunula ay nagbibigay ng mahusay na paraan upang magtagumpay sa isang mapanganib na
mundo na mas ginawa pang mapanganib ng mga Diyos nito.
ng Romanong makata na si Virgil, na inilalarawan dito sa loob ng isang manuskriptong nagmula
sa ika-5 daantaon: ang Vergilius Romanus, na nakapagpreserba ng mga detalye ng mitolohiyang
Griyego sa loob ng marami niyang mga sulatin.

Ang pagkakatuklas ng kabihasnang Mycenaean ng arkeologong baguhang Aleman na si Heinrich


Schliemann noong ika-19 na siglo at pagkakatuklas ng kabihasnang Minoan sa Creta ng
arkeologong Britaniko noong ika-20 siglo ay nakatulong sa pagpapaliwanag ng maraming mga
umiiral na katanungan tungkol sa mga epiko ni Homer at nagbigay ng ebidensiyang arkeolohikal
para sa maraming mga detalyeng mitolohikal tungkol sa mga Diyos at mga bayaning Griyego.
Ang Digmaang Trojan na isa sa pinakamahalagang mga pangyayari sa Mitolohiyang Griyego ay
pinaniniwalaan ng karamihan ng mga skolar na tunay na nangyari at ang Troy ay isang tunay na
siyudad.[3] Ang mga heometrikong disenyo sa mga palayok ng ika-8 siglo BCE ay nagpapakita
ng mga eksena mula sa siklong Trojano gayundin din ang mga pakikipagsapalaran ni Heracles.[4]
Ang mitolohiyang Griyego ay nagkaroon ng isang malawak na impluwensiya sa kultura, sining,
at panitikan ng sibilisasyong Kanluranin at nananatiling kabahagi ng pamana at wikang
Kanluranin. Ang mga makata at mga alagad ng sining mula noong sinaunang mga kapanahunan
hanggang sa pangkasalukuyang panahon ay humango ng inspirasyon magmula sa mitolohiyang
Griyego at nakatuklas ng kontemporaryong pagpapahalaga at kaugnayan sa mga tema.[5] Ang
mga biswal na representasyong ng mito ay mahalaga sa dalawang mga kadahilanan. Marami sa
mga mitong Griyego na napatunayan sa mga baseng mas maaga sa mga sangguniang
pampanitikan. Sa labindalawang mga paggawa ni Heracles halimbawa, ang pakikipagsapalarang
Cerberus ay umiiral sa isang kontemporaryong tekstong pampanitikan.[6] Sa karagdagan, ang
mga sangguniang biswal ay minsang kumakatwan sa mga mito o mga eksenang mitikal na hindi
pinatutunayan sa anumang umiiral na sangguniang literaryo. Sailang mga kaso, ang unang alam
na representasyon ng isang mito sa isang sining na heometriko ay nauuna sa unang alam na
representasyon nito sa huling tulang sinauna ng ilang mga siglo.[1] Sa mga Panahong Arkaiko (c.
750–c. 500 BCE), Klasiko (c. 480–323 BCE), at Helenistiko (323–146 BC), ang Homeriko at iba
ibang mga ibang eksenang mitolohikal ay lumilitaw na nagdaragdag sa umiiral na ebidensiyang
pampanitikan.[4]

Kosmogoniya at kosmolohiya
Ang mga "mito ng pinagmulan" o "mito ng paglikha" ay kumakatawan sa pagtatangka ng
magpaunawa sa uniberso sa mga terminong pantao at ipaliwanag ang pinagmulan ng mundo.[7]
Ang pinakamalawak na tinatanggap na bersiyon sa panahong ito bagaman isang pilosopikal na
salaysay ng pinagmulan ng mga bagay ang inuulat ni Hesiod sa kanyang Theogony. Kanyang
sinimulan ang isang Kaguluhan na isang nakangangang kawalan. Mula sa kawalan ay lumitaw si
Gaia (ang mundo) at iba pang mga pangunahing diyos: Eros (Pag-ibig), Kalaliman (ang Tartarus)
at Erebus.[8] Nang walang pagtulong ng isang lalake, si Gaia ay nanganak kay Uranus (ang
Kalangitan) na nagpunlay sa kanya. Mula sa unyong ito ay ipinanganak ang mga Titan na mga
anim na lalakeng sina Coeus, Crius, Cronus, Hyperion, Iapetus, atOceanus at mga anim na
babaeng sina Mnemosyne, Phoebe, Rhea, Theia, Themis, at Tethys. Pagkatapos ipanganak si
Cronus, sina Gaia at Uranus ay nag-utos na wala nang mga Titan na ipapanganak. Sila ay
sinundan ng may isang matang mga Cyclop at mga Hecatonchires na parehong inihagis sa
Tartarus ni Uranus. Ito ay nagpagalit kay Gaia. Si Cronus ay hinikayat ni Gaia na kapunin ang
kanyang ama. Kanyang ginawa ito at naging pinuno ng mga Titan kasama ng kanyang asawa-
kapatid na si Rhea bilang konsorte. Ang ibang mga Titan ay kanyang naging korte. Ang isang
motif ng alitang ama-laban-sa-anak ay inulit nang si komprontahin ng kanyang anak na lalakeng
si Zeus. Dahil nagtaksil si Cronus sa kanyang ama, natakot siya na ang parehong bagay ay
gagawin ng kanyang anak kaya sa bawat panganganak ni Rhea, kanyang inaagaw ang bata at
kinakain ito. Nagalit si Rhea dito at dinaya niya si Cronus sa pamamagitan ng pagtatago kay
Zeus at pagbabalot ng isang bato sa balutan ng sanggol na kinain ni Cronus. Nang lumaki si
Zeus, pinakain niya si Cronus ng isang may drogang inumin na nagpasuka sa kanya na nagsuka
sa ibang mga anak ni Rhe at sa bato na nasa tiyan ni Cronus sa simula pa. Hinamon naman ni
Zeus si Cronus sa isang digmaan para sa paghahari ng mga Diyos. Sa wakas, sa tulong ng mga
Cyclop na pinalaya ni Zeus mula sa Tartarus, sina Zeus at ang kanyang mga kapatid ay nagwagi
samantalang si Cronus at ang mga Titan ay inihagis sa pagkabilanggo sa Tartarus.[9]

Isang Attic na amphora na mayroong mga pigurang kulay itim, na naglalarawan ng "muling
pagsilang" ni Athena magmula sa ulo ni Zeus, na lumunok sa ina ni Athena na si Metis, na
diyosa ng panganganak. Si Eileithyia, na nasa kanan ay tumutulong sa muling pagpapanganak na
ito, circa 550–525 BK (Musée du Louvre, Paris).

Si Zeus ay sinalot ng parehong pagkabahala at pagkatapos isang hula na ang supling ng kanyang
unang asawang si Metis ay manganganak sa isang Diyos na mas dakila sa kanya, siya ay nilamon
ni Zeus.[10] Gayunpaman, siya ay buntis kay Athena at lumabas mula sa kanyang ulo na isang
buong malaki at nagdamit para sa digmaan.[11]

Ang pinakamaagang kaisipang Griyego tungkol sa tula ay tumuturing sa mga theogoniya na mga
prototipikal na genreng pangtula na prototipikal na mythos na nagtakda ng halos mga
kapangyarihang mahikal dito. Si Orpheus na manunulang arketipal ay isa ring mang-aawit na
arketipal ng mga theogoniya na kanyang ginagamit upang pakalmahin ang mga dagat at bago sa
Argonautica ni Apollonius at upang ilipat ang mga mabatong puso ng mga diyos ng mundong
ilalim sa Hades. Nang imbentuhin ni Hermes ang lira sa Homerikong Himno kay Hermes, ang
kanyang unang ginawa ay umawit tungkol sa kapanganakan ng mga Diyos.[12]

Griyegong Panteon
Ayon sa klasikong panahong mitolohiya, pagkatapos pabagsakin ang mga Titan, ang bagong
panteon ng mga Diyos at Diyosa ay kinumpirma. Kabilang sa mga pangunahing Diyos an
Griyego ang mga Labindalawang mga Olimpiyano na nananahan sa tuktok ng Bundok Olympus
sa ilalim ng mata ni Zeus. Ang limitasyon ng kanilang bilang sa 12 ay tila isang komparatibong
modernong ideya.[13] Bukod sa mga Olimpiyano, ang mga Sinaunang Griyego ay sumamba rin sa
mga iba't ibang diyos ng nayon, ang diyos-satyr na si Pan, mga Nympha (mga espirito ng mga
ilog), mga Naiad (na tumatahan sa mga batis), mga Nereid (na tumatahan sa dagat), mga diyos
na ilog, mga Satyr at iba pa. Sa karagdagan, ang mga madidilim na kapangyarihan ng mundong
ilalim gaya nina Erinyes (o Furies) ay sinasabing nagpupursigi sa mga nagkasala ng mga krimen
laban sa mga dugong-kamag-anak.[14]

Sa mawalak na iba-ibang mga mito at alamat na bumuo sa mitolohiyang Griyego, ang mga diyos
na katutubo sa mga taong sinaunang Griyego ay inilarawn bilang likas na korporeal ngunit mga
ideal na katawan. Ayon kay Walter Burkert, ang naglalarawang katangian ng antromorpismong
Griyego ay "ang mga diyos na Griyego ay mga tao, hindi mga abstraksiyon, mga ideya o mga
konsepto".[15] Ang mga Diyos na Sinaunang Griyego ay maraming mga kakaibang kakayahan.
Ang mga diyos na ito ay hindi tinatamaan ng mga sakit at masusugatan lamang sa ilalim ng
malaking hindi karaniwang mga sirkumstansiya. Itinuring ng mga Sinaunang Griyego ang
imortalidad bilang isang natatanging katangian ng kanilang mga Diyos gayundin ang hindi
kumukupas na kabataan na siniguro ng patuloy na paggamit ng nectar at ambrosia na sa mga ito
ang dugong diyos ay muling nababago sa kanilang mga ugat.[16]

Ang bawat diyos ay nagmumula sa kanyang sariling henealohiya, nagpupursigi ng iba't ibang
mga interes at ay isang sakop ng kabihasaan at pinangangasiwaan ng walang katulad na
personalidad. Gayunpaman, ang mga paglalarawan ay lumilitaw mula sa pagiging marami ng
mga sinaunang anyong lokal na hindi palaging umaayon sa bawat isa. Kapag tinatawag ang mga
diyos na ito sa isang tula, awit o kulto, ang mga ito ay tinutukoy sa isang kombinasyon ng
kanilang mga pangalan at epithet na kumikilala sa kanila sa mga pagtatanging ito mula sa ibang
mga manipestasyon ng kanilang mga sarili. Sa alternatibo, ang epithet ay maaaring tumukoy ng
isang partikular at lokalisadong aspeto ng diyos na minsang pinaniniwalaang sinauna na noong
klasikong panahon ng Gresya. Ang karamihan ng mga Diyos na ito ay nauugnay sa mga
spesipikong aspeto ng buhay. Halimbawa, si Aphrodite ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan, si
Ares ang diyos ng digmaan, si Hades ang diyos ng namatay, at si Athena ang diyosa ng
karunungan at katapangan.[17] Ang ilang mga Diyos gaya nina Apollo at Dionysus ay naghahayag
ng mga masalimuot na personalidad at mga halo ng tungkulin samantalang ang iba gaya nina
Hestia at Helios (araw) ay kaunting higit sa mga personipikasyon. Ang pinakakahanga-hangang
mga templong Griyego ay inaalay sa isang limitadong bilang ng mga diyos na pinagtutuunan ng
malalaknig mga pan-Helenikong kulto. Gayunpaman, karaniwan sa mga indibidwal na rehiyon at
nayon na magtalaga ng kanilang mga kulto sa mga maliit na mga diyos. Ang maraming mga
siyudad ay nagpaparangal rin sa mas kilalang mga diyos ng mga hindi karaniwang rito at mga
nauuganay na kakaibang mito na hindi alam sa iba. Noong panahong bayani, ang mga kulto ng
mga bayani (o mga demi-diyos) ay nagdagdag sa mga kulto ng mga diyos.

Panahon ng mga diyos at mga mortal


Ang pagtutulay ng panahon nang ang mga diyos ay namuhay nang mag-isa at panahong nang
ang panghihimasok ng mga diyos sa mga bagay ng tao ay isang panahong paglipat nang ang mga
diyos at mortal na tao ay magkasamang gumagalaw. Ito ang mga maagang panahon ng mundo
nang ang mga pangkat ay nakisalamuha nang mas malaya kesa sa kalaunan. Ang karamihan ng
mga kuwentong ito ay kalaunang isinalaysay sa Metamorphoses ni Ovid at kadalasang nahahati
sa dalawang mga tematikong pangkat: mga kuwento ng pag-ibig at mga kuwento ng
kaparusahan.[18]

Dionysus with satyrs. Interior of a cup painted by the Brygos Painter, Cabinet des Médailles.

Ang mga kuwento ng pag-ibig ay kadalasang kinasasangkutan ng insesto o pang-aakit o


panghahalay ng isang lalakeng Diyos sa isang mortal na babae na humahantong sa isang
bayaning supling. Ang mga kuwentong ito ay pangkalahatang nagmumungkahi na ang mga
relasyon sa pagitan ng mga diyos at mortal ay isang bagay na dapat iwasan. Kahit ang mga
nagpapahintulot na mga relasyon ay bihirang may masayang mga wakas.[19] Sa ilang mga kaso,
ang isang babaeng diyos ay nakikipagsiping sa isang mortal na tao gaya sa Homerikong Himno
kay Aphrodite kung saan ang diyosa ay nakipagsiping kay Anchises upang lumikha kay Aeneas.
[20]

Ang mga kuwento ng kaparusahan ay kinasasangkutan ng pang-aangkop o imbensiyon ng isang


mahalagang artipaktong kultural gaya nang nakawin ni Prometheus ang apoy mula sa mga diyos,
nang nakawin ni Tantalus ang nectar at ambrosia mula sa hapagkainan ni Zeus at ibigay sa
kanyang mga nasasakupan na naghahayag sa kanila ng mga lihim ng mga diyos, nang
imbentuhin ni Prometheus o Lycaon ang paghahandog, nang magturo si Demeter ng agrikultura
at mga misteryo kay Triptolemus o nang imbentuhin ni Marsiyas ang aulos at pumasok sa isang
paligsahang pang-musika kay Apollo. Itinuturin ni Ian Morris ang mga pakikipagsapalaran ni
Prometheus bilang "isang lugar sa pagitan ng kasaysayan ng mga diyos at ng sa tao".[21] Ang
isang hindi kilalang pragmentong papyrus na nagmula sa ika-3 siglo ay kumakatawan sa
kaparusahan ni Dionysus ng hari ng Thrace, Lycurgus na ang pagkilala ng bagong diyos ay
dumating ng napakakalaunan, na humantong sa isang horipikong mga kaparaushan na lumawig
sa kabilang buhay.[22] The story of the arrival of Dionysus to establish his cult in Thrace was also
the subject of an Aeschylean trilogy.[23] Sa isang trahedya na Ang Bacchae ni Euripides, ang hari
ng Thebes, Gresya na si Pentheus ay pinarusahan ni Dionysus dahil sa paglalapastangan at pag-
eespiya nito sa mga Maenada na mga mananambang babae ni Dionysus.[24]

Panahong bayani
Ang panahon nang ang mga bayani ay nabuhay ay kilala bilang Panahong Grieyong Heroiko.[25]
Ang epiko at heneolohikal na tula ay lumikha ng mga siklo ng kuwentong nakakumpol sa
partikular na bayani o pangyayari at nagtatag ng mga relasyong pampamilya sa pagitan ng mga
bayani ng mga iba't ibang kuwento at kaya ay isinaayos nila ang mga kuwento sa sekwensiya.[26]
Pagkatapos ng paglitaw ng kultong bayani, ang mga diyos at mga bayani ay bumubuo ng sakral
na spero at sabay na hinihimok sa mga panata at panalangin na hinimok para sa kanila.[27]
Salungat sa panahon ng mga diyos, noong panahong heroiko, ang talaan ng mga bayani ay hindi
kailanman binigyan ng nakatakda at huling anyo. Ang mga dakilang diyos ay hindi na
ipinapanganak ngunit ang mga bagong bayani ay palaging mabubuhay mula sa hukbo ng mga
namatay. Ang isa pang pagkakaiba sa pagitan ng kultong bayani at kulto ng mga diyos ay ang
bayani ay nagiging sentro ng isang pagkakakilanlan ng lokal na pangkat.[27]

Ang mga monumental na pangyayari ni Heracles ay itinuturing na bukang liwayway ng panahon


ng mga bayani. Sa panahong Heroiko ay itinuturo rin ang mga tatlong dakilang pangyayari: Ang
ekspedisyong ng mga Argonaut, ang siklong Theban at Digmaang Trojan.[28]

Heracles at Heracleidae

Silipin din: Heracles, Heracleidae, at Hercules

Si Heracles at kanyang sanggol na si Telephus (Louvre Museum, Paris).


Ang ilang mga skolar ay naniniwalang sa likod ng masalimuot na mitolohiya ni Heracles ay
malamang na isang tunay na indibidwal na tao na marahil ay isang hepeng-basalyo ng kaharian
ng Argos.[29] Ang ilan ay nagmungkahing ang kuwenton ni Heracles ay isang alegorya para sa
taunang pagdaan ng araw sa mga labindalawang konstelasyon ng zodiac.[30] Ang ilan ay nagturo
ng mas maagang mga mito mula sa ibang mga kultura na nagpapakitang ang kuwento ni
Heracles ay isang pag-aangkop na lokal ng mga mitong bayani na mahusay nang naitatag. Sa
tradisyon, si Heracles ang anak nina Zeus at Alcmene na apo ni Perseus.[31] Siya ay inilalarawan
bilang isang tagapaghandog, binanggit bilang tagapagtatag ng mga altar at naisipan na mismong
matakaw na mangangain. Sa papel na ito na siya ay lumitaw sa komedya samantalang ang wakas
na trahiko ay nagbigay ng karamihang materyal para sa trahedya.[32] Si Heracles ay pumasok rin
sa mitolohiya at kultong Romano at Etruskano at ang eksklamasyong "mehercule" ay naging
kasing pamilyar sa mga Romano gaya ng "Herakleis" sa mga Griyego.[33] Sa Italya, siya ay
sinamba bilang isang diyos ng mga mangangalakal bagaman ang iba ay nananalangin sa kanya
dahil sa kanyang mga pagkakaloob ng mga mabuting swerte o pagsagip sa panganib.[31]
Nagkamit si Heracles ng pinakamatas na prestihiyong panlipunan sa pamamagitan ng kanyang
pagkahirang bilang opisyal na ninuno ng mga haring Dorian. Si Hyllus na eponimosong bayani
ng isang phyle na Doriano ay naging anak ni Heracles at isa sa mga Heracleidae o Heraclids (na
maraming mga inapo ni Heracles lalo na ang mga inapo ni Hyllus). Ang ibang Heracleidae ay
kinabibilangan ng Macaria, Lamos, Manto, Bianor, Tlepolemus, at Telephus. Sinakop ng mga
Heraclid na ito ang mga kahariang Peloponnesian ng Mycenae, Sparta at Argos na nag-aangkin
ng isang karapatan na mamuno sa kanila sa pamamagitan ng kanilang ninuno. Ang kanilang pag-
akyat sa pananaig ay kadalasang tinatawag na Pananakop na Dorian. Ang mga haring Lydia at
kalaunang mga haring Macedonian ng parehong ranggo ay naging Heracleidae rin.[34]

Ang ibang mga kasapi ng pinakamaagang henerasyong ito ng mga bayani gaya nina Perseus,
Deucalion, Theseus at Bellerophon ay mayroong maraming mga katangian na karaniwan kay
Heracles. Tulad niya, ang kanilang mga gawa ay mag-isa, pantastiko at humahangganan sa isang
kuwentong bibit dahil kanilang pinaslang ang mga halimaw gaya nina Chimera at si Medusa.
Ang mga pakikipagsapalaran ni Bellerophon ay isang karaniwang mga uri katulad ng kina
Heracles at Theseus. Ang pagpapadala ng isang bayani sa kanyang ipinagpapalagay na
kamatayan ay isa ring umuulit na tema sa maagang tradisyong heroikong ito na ginamit sa mga
kaso nina Perseus at Bellerophon.[35]

Mga Argonota

Pangunahing lathalain: Mga argonota

Ang tanging nakaligtas na epikong Helenistiko na Argonautica ni Apollonius ng Rhodes ay


nagsasalaysay ng mito ng paglalakbay ni Jason at mga Argonaut upang mabawi ang Ginintuang
Lana mula sa lupaing mitikal ng Colchis. Sa Argonautica, si Jason ay nahimok sa kanyang
paghahanap ni Haring Pelias na tumanggap ng isang hula na ang isang tao na may isang sandalya
ay kanyang magiging nemesis. Naiwala ni Jason ang isang sandalyas sa ilog, dumating sa korte
ni Pelias at ang epiko ay pinasimulan. Ang halos bawat kaspi ng sumunod na henerasyon ng mga
bayani gayundin si Heracles ay sumama kay Jason sa barkong Argo upang kunin ang ginintuang
lana. Ang henerasyong ito ay kinabibilangan rin nina Theseus na tumungo sa Creta upang
paslangin ang Minotauro, Atalanta na babeng bayani, at Meleager na minsang may isang siklong
epiko sa kanyang sarili upang makipagtungali sa Iliad at Odyssey. Sina Pindar, Apollonius at
Bibliotheca ay nagsikap na magbigay ng isang buong talaan ng mga Argonaut.[36]

Bagaman isinulat ni Apollonius ang kanyang tula noong ika-3 siglo BCE, ang komposisyon ng
kuwento ng mga Argonaut ay mas maaga sa Odyssey na nagpapakita ng mga pamilyaridad sa
mga gawa ni Jason. Ang paggala ni Odysseus ay maaring parsiyal na itinayo dito.[37] Sa mga
sinaunang panahon, ang paglalakbay ay itinuring na katotohanang historikal na isang insidente sa
pagbubukas ng Dagat Itim sa komersiyong Griyego at kolonisasyon.[38]

Sambahayan ni Atreus at siklong Theban

Silipin din: Siklong Thebano at Pito Laban sa Thebes

Sa pagitan ng Argo at Digmaang Trojan, may isang henerasyong pangunahing kilala sa mga
horipikong krimen nito. Ito ay kinabibilangan ng mga gawa nina Atreus at Thyestes sa Argos. Sa
likod ng mito ang sambahayan ni Atreus (na isa sa dalawang mga pangunahing dinastiyang
heroiko) ay umiiral ang problema ng debolusyon ng kapangyarihan at modo ng pag-akyat sa
soberanya. Ang mga kambal na sina Atreus at Thyestes at mga inapo ay gumampan ng
nangungunang papel sa trahedya ng debolusyon ng kapangyarihan sa Mycenae.[39]

Ang siklong Theban ay nauukol sa mga pangyayaring nauugnay lalo na kay Cadmus na
tagapagtatag ng siyudad at kalaunang mga gawa nina Laius at Oedipus sa Thebes. Ang isang
serye ng mga kuwento na humahantong sa kalaunang pananamsam sa siyudad sa mga kamay ng
Pito Laban sa Thebes at Epigoni.[40] Tungkol kay Oedipus, ang maagang salaysay na epiko ay tila
nagpapatuloy sa kaniya sa pamumuno sa Thebes pagkatapos ng pahayag na si Jocasta ay ang
kaniyang ina at kalaunang nagpakasal sa kaniyang ikalawang asawa na naging ina ng kanyang
mga anak na iba mula sa kuwentong gaya halimbawa ng Oedipus ang Hari ni Sophocles.[41]

Digmaang Troyano at kinalabasan

Pangunahing lathalain: Digmaang Troyano

Sa The Rage of Achilles ni Giovanni Battista Tiepolo (1757, Fresco, 300 x 300 cm, Villa
Valmarana, Vicenza). Si Achilles ay nagalit na nagbanta si Agamemnon na sunggaban ang
kanyang gantimpala ng digmaan na Briseis at kanyang hinugot ang kanyang espada upang
patayin si Agamemnon. Ang biglaang paglitaw ng diyosang si Athena na sa frescong ito ay
sumunggab kay Achilles sa buhok ay pumigil sa karahasan.

Ang Mitolohiyang Griyego ay nagtatapos sa Digmaang Troyano na nilabanan sa pagitan ng mga


Griyego at Troya at ang kinalabasan nito. Ang Digmaang Troyano ay pumukaw ng malaking
interes sa kultura ng Sinaunang Roma dahil ang kuwento ni Aeneas na isang bayaning Troyano
na ang paglalakbay mula sa Troy ay humantong sa pagkakatatag ng siyudad na naging Roma
gaya ng isinasalaysay sa Aenid ni Virgil.[42] Ang siklong Epiko na isang kalipunan ng mga
epikong tula ay nagsisimula sa mga pangyayari na humahantong sa digmaan: si Eris at ang
ginintuang mansanas ng Kallistik, ang Paghatol ni Paris, ang pagdukot kay Helen, ang
paghahandog ng Iphigenia sa Aulis.
Ang digmaan ng Troya ay nagmula sa kasal nina Peleus at ng diyosang-dagat na si Thetis na
hindi nag-anyaya sa diyosa ng sigalutan na si Eris na hinarang sa pintuan ni Hermes sa kautusan
ng Diyos na si Zeus. Nagalit si Eris at naghagis ng isang ginintuang mansanas na sinulatan ng
"para sa pinakamaganda." Ang mga diyosang sina Hera, Athena at Aphrodite ay nagtalo kung
sino ang pinakamaganda. Inutos ni Zeus na pangunahan ni Hermes ang tatlong diyosa sa prinsipe
ng Troya na si Paris na napiling maging hukom. Hindi magpagpasyahan ni Paris kung sino ang
pinakamaganda at kaya ay bumaling sa panunuhol ang tatlong diyosa. Si Paris ay inalukan ni
Athena ng karunungan at kasanayan sa labanan at mga kakayahan ng pinakadakilang mga
mandirigma , ni Hera ng kapangyarihang pampolitika at kontrol sa lahat ng Asya at ni Aphrodite
ng pag-ibig ng pinakamagandang babae sa buong mundo ni Aphrodite. Ang pinakamagandang
babae sa buong mundo ay si Helen na isa sa mga anak ng Hari ng Sparta at ang asawa ni
Menelaus. Pinili ni Paris si Aphrodite. Sa pagbabalat kayo ng isang diplomatikong misyon, si
Paris ay tumungo sa Sparta upang kunin si Helen at dalhin siya pabalik sa Troya. Bago
makatingin si Helen na makita siyang pumasok sa palasyo, siya ay tinudlaan ng isang palaso ni
Eros (katumbas ni Kupido sa mitolohiyang Romano) at si Helen ay napaibig kay Paris gaya ng
ipinangako ni Aphrodite.

Upang mabawi si Helen, ang mga Griyego ay naglunsad ng isang malaking ekspedisyon sa
ilalim ng kabuuang pangangasiwa ng kapatid na lalake ni Menelaus na si Agamemnon na hari ng
Argos o Mycenae ngunit tumanggi ang mga Troyano na ibalik si Helen. Ang Iliada na inilagay
sa ikasampung taon ng digmaan ay nagsasaad ng alitan sa pagitan nina Agamemnon at Achilles
na pinakamahusay na mandirigmang Griyego at ang kinalabasang kamatayan ni minamahal na
kasama ni Achilles na si Patroclous at pinakamatandang anak na lalake ni Priam na si Hector.
Pagkatapos mamatay ni Hector, ang mga Troyano ay sinalihan ng mga dalawang eksotikong
kaalyado na si Penthesilea na Reyna ng mga Amazon, at Memnon na hari ng mga Ethiopian at
anak na lalake ng diyosang-bukang liwayway na si Eos.[43] Parehong pinatay ni Achilles ang mga
ito ngunit nagawa ni Paris na mapatay si Achilles gamit ang isang palaso sa sakong. Ang sakong
ni Achilles ang tanging bahagi ng kanyang katwan na marupok sa pinsala ng sandatang pantao.
Bago nila makuha ang Troy, kinailangang nakawin ng mga Griyego mula sa citadel ang isang
imaheng kahoy ni Pallas Athena (ang Palladium). Sa huli, sa tulong ni Athena, kanilang itinayo
ang Kabayong Trojan. Sa kabila ng mga babala ng anak na babae ni Priam na si Cassandra, ang
mga Troyano ay nahikayat ni Sinon na isang Griyegong nagpanggap ng pag-aabandona na kunin
ang kabayo sa loob ng mga pader ng Troy bilang handog kay Athena. Ang saserdoteng si
Laocoon na nagtangkang magpawasak ng kabayo ay pinatay ng mga serpiyente ng dagat. Sa
gabi, ang armadang Griyego ay bumalik at binuksan ng mga Griyego mula sa kabayo ang mga
bakuran ng Troy. Sa kabuang pananamsam na sumunod, sina Priam at ang kanyang mga
natitirang anak na lalake ay pinaslang. Ang mga babaeng Trojano ay inalipin sa iba't ibang mga
siyudad ng Gresya.[44] The Ang siklong Troyano ay kinabibilangan rin ng mga
pakikipagsapalaran ng mga anak ng henerasyong Troyano (e.g., Orestes at Telemachus).[43]

Ang Digmaang Trojan ay nagbigay ng iba't ibang mga tema at naging pangunahing pinagkunan
ng inspirasyon para sa mga magsisining na Griyego (e.g. mga metope sa Parthenon na
nagpapakita ng pananamsan sa Troy). Ang preperensiyang artistikong para sa mga temang
hinango mula sa siklong Trojan ay nagpapakita ng kahalagahan nito sa kabihasnang Sinaunang
Grriyego.[44] Ang parehong siklong mitolohikal ay nagbigay inspirasyon rin sa isang serye ng
mga posterior na kasulatang panitikan na Europeo.[45]
Mga konsepsiyong Griyego at Romano ng mito
Ang mitolohiya ay nasa puso ng araw araw na pamumuhay sa Sinaunang Griyego.[46] Itinuring ng
mga sinaunang Griyego ang mitolohiya bilang isang bahagi ng kanilang kasaysayan. Kanilang
ginamit ang mga mito upang ipaliwanag ang mga natural na phenomena, mga pagkakaibang
kultura, mga tradisyonal na kaaway at kaibigan. Isang pinagkukunan ng pagmamalaki ang
mabakas ang ninuno ng isang pinuno mula sa isang mitolohikal na Griyegong Diyos o Bayani.
Kaunti ang kailanmang nagduda na may katotohanan sa likod ng salaysay ng Digmaang Trojan
sa Iliad at Odyssey. Ayon sa militar na historyan na si Victor Davis Hanson at sa kaugnay na
propesor ng Klasiko na si John Heath, ang malalim na kaalaman ng mga epos na Homeriko ay
itinuturing ng mga Griyego na saligan ng kanilang akulturasyon. Si Homer ang "edukasyon ng
Gresya" (Ἑλλάδος παίδευσις) at ang kanyang tula "ang Aklat"[47]

You might also like