You are on page 1of 48

St.

Augustine Catholic School


Dela Rama St., Dumangas, Iloilo

GRADE 10

FILIPINO

IKALAWANG MARKAHAN

WEEK 3-4
PANALANGIN
Mahal naming Diyos, bigyan mo po ako ng kalaman, kalakasan at pag-
ibig. Panatilihin mo po kami sa tamang landas na dapat naming lakaran at
buksan mo po lagi ang iyong pintuan para sa amin. Gagamitin po namin ang
aming kaalaman sa kabutihan ng aking mga mahal sa buhay at kapwa-tao,
ang kalakasan ay aming magiging sandata sa mga pagsubok na aking
makakasalubong at ang pag-ibig ay aking ipamamahagi sa iba kong kamag-
aral upang matulungan din sila sa anumang suliranin na kanilang
dinaraanan.
Tulungan mo po kami. Panginoon na makagawa ng tamang desisyon sa
ikalulugod ng iyong kalooban at sa kapakinabangan ng karamihan.
Gawaran mo po kami ng malinis na puso at tuwid na kaisipan upang
matupad namin ang aming mga pangarap.
Bigyan mo naman kami ng kababaang-loob upang matanggap namin ang
aming mga pagkakamali at kasalanan. At pusong mapagkumbaba na siyang
magsisilbing tagatanggap ng aming mga kahinaan at pagkukulang .
Inihahabilin po namin sa inyo ang aming buong isang araw. Sa pangalan ng
iyong anak na si Jesus.
Amen.
Yunit II: PANITIKAN NG MGA BANSA SA
KANLURAN
  
Unit Topic: Panitikan: Tula
Gramatika: Pokus ng Pandiwa:
Pinaglalaanan, Kagamitan,
Matatalinhagang Pahayag
Content Standard:
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng mga bansang
kanluranin.
Performance Standard:
Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng
sariling akda sa hatirang pangmadla
(social media).
Most Essential Learning Competencies:
1. Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula.(A)
2. Naibibigay ang kahulugan ng
matatalinhagang pananalita na ginamit sa tula.
(A)
Most Essential Learning Competencies:
3. Naisusulat ang sariling tula na may
hawig sa paksa ng tulang tinalakay. (T)
4. Nagagamit ang matatalinhagang
pananalita sa pagsulat ng tula. (T)
Panimula: Ang tula ay isa sa
pinakamasining na uri ng akdang
pampanitikan. Sa araling ito atin muling
tunghayan ang tula bilang sining.
Isang tula mula sa bansang Aleman
naman ang ating susuriin at bigyang
pansin. Kilalanin din natin si Bertolt
Brecht isang mandudulang Aleman.
Tatalakayin din natin ang matatalinhagang
mga salita na siyang nagbibigay buhay sa
tula.
I - PAGTUKLAS: (Explore)
Pakinggan ang kantang “Padayon” ni Joey
Ayala. Ilista ang mga bagay na kayang
gawin ng isang manggagawa at ang mga
bagay na mayroon lamang siya habang
gumagawa ng malalaking bagay.
Si Bertolt Brecht ay isang mandudulang
Aleman na nabuhay noong 1898
hanggang 1956. Nakapagsulat din siya ng
mga mahuhusay na tula gaya ng
“Questions from a Worker Who Reads,”
na tungkol sa maraming tanong ng isang
manggagawa pagkatapos mabasa ang
mga nakasulat tunngkol sa kasaysayan.
Nailathala ang kaniyang unang tula noong
siya ay 16 taong gulang lamang at
nagpatuloy sa pagsulat ng marami pang
iba.

Gaano kahalaga ang mga maliit na tao at


manggagawa sa pagpapatakbo ng
mundo?
Mga Tanong Mula sa Isang
Manggagawang Nakapagbasa
ni Bertolt Brecht
Isinalin sa Filipino ni:
Rommel Pamaos
Sino ang nagtayo ng Thebes na may pitong tarangkahan?
Panay pangalan lang ng hari ang mababasa mo sa mga libro.
Ang mga hari ba ang nagbihat ng malalaking tipak ng bato?
At ang Babylon, ilang ulit nang nasira
Sino ang paulit-ulit na nagtayo nito? Sa anong bahay
Na balot sa ginting Lima nanirahan ang mga manggagawa
tumira?
Kapag natatapos ang trabaho sa Higanteng Pader ng Tsina, saan
Umuuwi ang mga mason? Ang dakilang Roma
Na puno ng arko ng tagumpay, ang Byzantium na pinupuri sa mga
awit
Ay palasyo lamang para sa mga nakatira dito? Kahit ang malamat na
Atlantis
Sa gabing nilamon ito ng karagatan
Ang mga nangalulunod ay sumisigaw para sa kanilang mga alipin.
Ang magiting na si Alexander ay sinakop ang India.
Mag-isa lang ba siya?
Tinalo ni Cesar ang mga Gaul.
Wala man lang ba siyang kasamang kusinero?
Lumuha si Felipe ng Espanya para sa kanyang armada
Nang ito ay nagapi. Siya lang ba ang nanangis para sa
kanila?
Naipanalo ni Frederick ang ikalawa ang Pitong Taong
Digmaan. Sino pa ang nanalong kasama nito?
Sa bawat pahina ay tagumpay.
Sino ang naghanda ng piging para sa mga nanalo?
Sa bawat sampung taon may isang dakilang tao. Sino
ang naging kabayaran?
Napakaraming mga tala.
Napakaraming mga tanong.
Pag-unawa sa Panitikan
Tula
Madalas na narinig nating paksa sa mga tula ay tungkol
sa pag-ibig o kaya naman ay paghanga tungkol sa isang
bagay na magnada o kalikasan. Pero may mga tula ring
pumupukkas ng ating mga kamalayan gaya na lamang
ng tulang nabasa.
Sa tulang ito, naipapakita na kahit ang manggagawa,
kung makakapagbasa lamang siya ng mga akda sa
kasaysayan, malalaman niyang hindi pala malaki ang
papel na ginagampanan niya sa ksaysayan, malalaman
niyang hindi pala malaki ang papel na ginagampann
niya sa mundo, taliwas sa lama niyang kabilang siya sa
tagapagtaguyod ng lipunan.
Ginagamit din ang tula upang maging boses sa mga
taong hindi binigyan ng pahina sa kasaysayan.
Matatalinghagang Salita
Ang paggamit ng matatalinhagang salita ang
nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa mga
salitang ginamit sa tula. Ang mga matalinghagang salita
ay mga pahayag na hindi tuwirang sinasabi ang nais
sabihin.
Matatalinghagang Salita
1. Pagwawangis o metapora-ito ay tiyak at tuwirang
paghahambing sa dalawang bagay na magkaiba.
Hal.- Si Alexander ay isang dragon sa digmaan.
Ang ina ay ilaw ng tahanan.
Matatalinghagang Salita
2. Pagsasatulad o simile-hindi tuwirang paghahambing
na ginagamitan ng mga salitanng tulad ng, gaya ng,
parang, kawangis at tila.
Hal. Ang kanyang pisngi ay tila makpa sa kapulahan.
Ang mga gusali ay mamatayog gaya ng mga puno.
Matatalinghagang Salita
3. Pagsasatao o personipikasyon- pagbibigay ng
katangian ng tao sa isang bagay o hayop.
Hal. - Ang mga gusali ay umaawit ng papuri sa mga
mason.
Ang mga libro ay nagkukuwento din ng kabiguan.
Matatalinghagang Salita
4. Pagmamalabis-labig-labis na paglalarawan upang
mabigyang diin ang nais sabihin.
Hal.- Umabot hanggang langit ang kanyang kaligayahan.
Isang buong bundok ang pinasan niya sa kanyang
likod.
Matatalinghagang Salita
5. Tanong retorikal-mga pahayag na nasa anyong
patanong na hindi nangangailangan ng sagot.
Hal.- Natutulog ba ang Diyos?
Nasaan ang kapayapaan sa panahon ng digmaan?
Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at Kagamitan
Pokus sa Pinaglalaanan (Benepaktib)
Nasa pokus sa pinaglalaanan o benepaktib ang pandiwa
kapag ang paksa ng pangungusap ay ang nakikinabang
sa resulta ng kilos na isinasagawa ng pandiwa. Ang
pandiwang nasa ganitong pokus ay karaniwang
gingamitan ng mga panlaping i-, ipa-, ipag-. Sinasagot
nito ang tanong na “para kanino” o “sino ang
makikinabang.”
Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at Kagamitan
Pokus sa Pinaglalaanan (Benepaktib)

Hal: Ipinagluto ni Alfeus ang kaniyang kapatid.


Para kanino ang iniluto ni Alfeus?
Inihanda ng guro ang aralin para sa klase.
Para kanino ang inihanda ng guro?
Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at Kagamitan
Pokus sa Kagamitan (Instrumental)
 
Ang pandiwa naman ay nasa pokus instrumental kapag
ang paksa ay ang bagay na ginagamit o naging
kagamitan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. Ang
pandiwang nasa ganitong pokus ay karaniwang
ginagamitan ng mga panglaping ipang-, o maipang-.
Sinasagot nito ang tanong na “ ano ang ginamit” o “ sa
pamamagitan ng ano”.
Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at Kagamitan
Pokus sa Kagamitan (Instrumental)
 
Hal. – Ang mga gintong barya ang ipinang –engganyo ng
guro sa mga batang pumili.

Inengganyo ng guro ang klase sa pamamagitan ng


ano?
Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at Kagamitan
Pokus sa Kagamitan (Instrumental)
 
Hal. – Ipinag-araro ng bukid ang kalabaw ng magulang ni
Alfeus.

Inararo ang bukid sa pamamagitan ng ano?


PANALANGIN
Panginoon, kami po ay nagpapasalamat sa binigay nyo pong
katalinuhan upang maintindihan po namin ang aming mga
pinag aralan. Marami pong salamat sa proteksyon nyo sa
amin sa maghapon na aming pag aaral sa eskwelahang ito.
Salamat po sa bawat isang kaklase at guro po na andito
ngayon at kasama po naming mag-aral
Panginoon, sa amin pong pag uwi, dalangin po namin na
ingatan mo po ang bawat isa, ilayo mo po sa kapahamakan
at kami ay makauwi nang ligtas sa aming mga tahanan. Ito
po ang aming dalangin at sumamo sa pangalan ni Jesus na
aming tagapaligtas, Amen.!

You might also like