You are on page 1of 19

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
UNANG NA MARKAHAN
ARALIN 1.1
Panitikan : Mitolohiya
Teksto : Cupid at Psyche (Mito mula sa Rome, Italy)
Isinalaysay ni Apuleius
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Wika : Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksiyon,
Pangyayari at Karanasan
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ia-b-62)


 Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ia-b-62)


 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa
sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-Ia-b-61)


 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.

PANONOOD (PD) (F10PD-Ia-b-61)


 Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng
isang mitolohiya.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ia-b-64)


 Naipapahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay.

PAGSULAT (PU) (F10PU-Ia-b-64)


 Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ia-b-57)


 Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksyon, pangyayari at
karanasan.

Unang Markahan| 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-Ia-b-61)


 Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang
mitolohiya.
II. PAKSA

Panitikan : “Mitolohiya”
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang cartoon na mitolohiya.


https://www.youtube.com/watch?v=DcST43jggFc

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PICK A QUESTION
a. Ano ang paksa ng napanood mong cartoon?
b. Anong mahalagang mensahe ang nais nitong ibahagi sa mga
tagapanood?

Unang Markahan| 2
2. Pokus na Tanong

a. Paano nakatutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad


ng panitikang Pilipino?
b. Paano mabisang magagamit ang pandiwa bilang aksiyon, karanasan
at pangyayari sa pagsasalaysay ng mito o ng kauri nito?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: KNOWLEDGE POWER!


Ang Mitolohiya ng Taga-Rome
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
pahina 12-13

GAWAIN 1: Gamit ang klu na larawan, tukuyin kung sino ang diyos/diyosa
mula sa mitolohiya ng Rome. Pagkatapos, ibigay ang
maaaring katangian ng mga ito batay sa larawan. Piliin sa
kahon ang tamang sagot.

Mercury Jupiter Venus

Apollo Juno Diana

_______________ _______________ _______________

_______________ _______________ _______________

Unang Markahan| 3
http://rome.mrdonn.org/romangods/greece_hermes.gif
https://s-media-cache-ak0.pinimg.com/736x/a2/d9/92/a2d9923547a71d5878e20f5d2e46fc62.jpg
http://rome.mrdonn.org/romangods/greece_hera.gif
http://rome.mrdonn.org/romangods/greece_aphrodite.gif
https://s-media-cache-
ak0.pinimg.com/originals/fe/93/ab/fe93ab57727313c40e69485546c6be7e.gif
https://s-media-cache-
ak0.pinimg.com/originals/9d/98/7c/9d987c8e4ee8e5a9ba5383aecff5dd95.gif

AN A L I S I S

1. Bakit masasabing kakaiba ang mga mitolohiya ng taga-Roma?


2.Paano nakakatulong ang mga ito sa iba’t ibang larangan?
3. Ano-anong mahahalagang bagay ang maaaring maidulot ng pag-aaral
ng mitolohiya? Bigyang patunay.

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng


mga mito/myth at alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa
isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga
diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi
ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galling sa salitang Latin na mythos at mula sa
Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa
mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa klasikal na
mitolohiya, ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at
takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga
sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga
katangian ng iba pang nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakakatakot na
puwersa ng kalikasan sa daigdig-tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat,
baha, kamatayan, apoy. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at
ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa
at mga bayani subalit itinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong
naganap. Karaniwang may kaunayan ito sa teolohiya at ritwal.
Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-
bayang naglalahad ng mga tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga
kakaibang nilalang at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring
matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong bayan at epiko ng mga
pangkating etniko sa kasalukuyan. Mayamansa ganitong uri ng panitikan ang
mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang may kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ay ang mga
Ifugao; bahagi ito ng kanilang epiko. Inilarawan sa kanilang epikong “Alim”
kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon sa epiko nagkaroon ng malaking

Unang Markahan| 4
pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang magkapatid na sina
Bugan(babae) at Wigan(lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong henerasyon
ng mga tao sa mundo.

Gamit ng Mitolohiya
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon.
4. Magturo ng mabuting aral.
5. Maipaliwanag ang kasaysayan.
6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot at pag-asa ng
sangkatauhan.
mula sa Literature-World Masterpieces (Prentice Hall, 1991)
atPanitikang Pilipino 2 (Pandalubhasaan), (Gonzales, 1982)

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON


Sa tulong ng grapikong presentasyon, ilahad ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mitolohiya ng Pilipinas sa mitolohiya ng Roma.
Mitolohiya
ngPilipinas
ng Roma
Mitolohiya Pagkakatulad
Pagkakaiba
Pagkakaiba Konklusyon

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: CARTOON NETWORK


Tukuyin ang mensahe at layunin ng mapapanood na cartoon ng
isang mitolohiya. (pangkatang paggawa)
https://www.youtube.com/watch?v=qg7WoRqEQis

IV. KASUNDUAN

1. Pumili ng dalawang diyos at diyosa ng taga-Roma, anong katangian


nila ang pinakanagustuhan mo at ninanais magkaroon. Ipaliwanag.
2. Basahin ang akdang “Cupid at Psyche” sa pp 14-20. Kilalanin ang mga
pangunahing tauhan sa akda.

Unang Markahan| 5
LINANGIN
I.LAYUNIN

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-Ia-b-61)


 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ia-b-62)


 Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ia-b-62)


 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa
sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ia-b-64)


 Naipapahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay.

II. PAKSA

Panitikan : Cupid at Psyche


Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: MITO-RIFIC!


https://www.youtube.com/watch?v=s1BzLtuGWLE

Unang Markahan| 6
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: FREEDOM WALL
a. Paano ipinakita sa napanood ang dakilang pagmamahalan ng mga
tauhan?
b. Paano ba napapatunayan kung ang isang pag-ibig ay wagas?

2. Presentasyon

Cupid at Psyche
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
pahina 14-20

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: MUSIC-KAHON
a. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na
suliranin sa kanyang buhay?
b. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ng hamon ni Venus para
sa pag-ibig? Bakit?
c. Paano nalampasan ni Psyche ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan
nya para sa minamahal?

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: MINUTE TO WIN IT!


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
bawat bilang, pagkatapos, gamitin sa makabuluhang pangungusap.

1. Hindi umibig si Psyche sa nakapangingilabot na nilalang at higit


pang nakapagtataka, hindi siya inibig ng sinuman.
2. Nahapis ang ama at ipinarating sa pamilya ang malulungkot na
balita.
3. Pupuntahan niya ito at itatarak ang patalim sa katawan nito, na
sa isip niya ay katawan ng isang nakahihindik na halimaw.
4. Sinindihan niya ang lampara at lumakad nang patiyad sa higaan
ng asawa.
5. Ang mga langgam ay nakadama ng simpatya kay Psyche, kaya
inihiwalay ng mga ito ang binhi.

Pangkat II: Mungkahing Estratehiya: TALK SHOW


Ilahad ang mahalagang kaisipan na nakapaloob sa mitolohiyang
napakinggan.

Unang Markahan| 7
Pangkat III: Mungkahing Estratehiya: FLOW CHART
Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa
sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig.
Cupid at Sarili
Pamayanan/Lipunan
Pamilya
Daigdig
Psyche

Pangkat IV: Mungkahing Estratehiya: THE BOTTOM LINE


Ipaliwanag ang pahayag sa ibaba batay sa sariling opinyon.

Paksa: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala”.

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.

Unang Markahan| 8
Malikhain at
Napakamalikhain at
mahusay ang Walang buhay
napakahusay ng Maayos na
pagpapalutang ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa napalutang ang
sa nais ipabatid pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na ideya na nais
na ng mensahe /
mensahe/impormas ipabatid.
mensahe/impor ideya.
yon
masyon.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
pangkat ay maayos ang
at pangkat ay hindi
nagkakaisa at may presentasyon.
pagtutulungan maayos na
respeto sa isa’t isa. Nangangaila-
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang ipinakitang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon dahil respeto sa
ipinakitang nilang
lahat ng miyembro bawat
presentasyon ng presentasyon at
ay kumikilos sa isa.Kailangan
bawat isa. may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.

 Pagtatanghal ng pangkatang gawain


 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Paano nakakatulong ang mga salitang binigyang kahulugan sa


pagpapaganda ng mitolohiya?
2. Patunayang nakatutulong ang mga natutunan sa akda sa pagharap mo
sa mga pagsubok sa buhay.
3. Bakit mahalaga ang tiwala sa isang relasyon? Ipaliwanag.

Unang Markahan| 9
 Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang Mitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong


tradisyonal na nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng Sinaunang Roma
at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga
kuwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa
kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala at supernatural.
Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol sa politika at moralidad na naayon
sa batas ng kanilang mga Diyos. Ang kabayanihan ay isang mahalagang
tema sa mga kuwentong Romano. Kapag ang nagbibigay linaw sa mga
kasanayang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano, ang mga kuwento ay
nauukol sa ritwal at mga institusyon sa halip na teolohiya o kosmogoniya. Ang
mga pangunahing sanggunian ng mitolohiyang Romano ang Aenid ni Virgil,
kasaysayan ni Livy, Fasti ni Ovid, isang anim na tulang nakaistruktura sa

kalendaryong relihiyoso ng mga Romano at ikaapat na aklat ng mga elehiya ni


Propertius. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw rin sa mga dibuhong
nasa pader sa Roma, mga baryang Romano at mga iskultura partikular sa
mga relief.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mitolohiyang_Romano

mula sa Tuklas 10, Aklat sa Wika at Panitikan


isinulat nina Kristine I. Sevilla at Maribel M. De Castro-Dulay

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: POST IT!

Paano nakatutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad ng


panitikang Pilipino?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: SINE-LISIS


Panoorin ang bahagi mula sa fantaseryeng Encantadia at ilahad
ang mensahe at kaisipang nakapaloob dito. Magpahayag ng sariling
opinyonbatay sa paksa ng napanood.
https://www.youtube.com/watch?v=PC7Q3cg5M1o

Unang Markahan| 10
4. Ebalwasyon

Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan.


1. Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia upang siya’y
maging mortal.
a. suklay ng maharlika c. pagkain ng diyos-diyosan
b. inuming alak d. kuwintas na kristal

2. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal


batay sa mitong Cupid at Psyche?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay
Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa
pagmamahal niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang
magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kanyang mga kapatid kung
paano makakaligtas sa halimaw na asawa.

3. Anong suliraning pampamilya ang angkop sa binasang


mitolohiya?
a. pagpapahirap ng ina sa anak
b. pananakit ng asawa sa kanyang kabiyak
c. pagtutol ng magulang sa minamahal ng anak
d. pagtataksil sa asawa

4. Kung ikaw ay nakaranas ng hirap na gaya ng kay Psyche,


tatanggapin mo rin ba ang hamon para sa pag-ibig?
a. Opo, dahil masarap magmahal.
b. Hindi po, sapagkat mahirap ang kanyang pinagdaanan.
c. Opo, sapagkat dito masusukat kung gaano ko siya
kamahal.
d.Hindi po, hahanap na lamang ako ng ibang mamahalin.

5. Alin ang pinakamabisang kahulugan ng pahayag na “Hindi


mabubuhay ang pag-ibig ng walang pagtitiwala.”
a. Kailangan ng katapatan at pagtitiwala sa isang relasyon
upang magtagal.
b.Kung walang tiwala, walang ligaya.
c. Maging tapat sa karelasyon upang huwag mag-away
d. Mauuwi sa kamatayan ang kawalan ng tiwala sa isa’t isa.

Unang Markahan| 11
Susi sa Pagwawasto:

1. C 2. B 3. C 4. C 5. A

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Magsalaysay ng sariling karanasan o sa iba na nagpapakita ng


pagsubok sa katapatan sa minamahal. Paano ito nakaapekto sa
inyo/kanilang relasyon?
2. Pag-aralan ang paggamit ng pandiwa bilang aksyon, pangyayari at
karanasan.

Unang Markahan| 12
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ia-b-57)


 Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksyon, pangyayari at
karanasan.

II. PAKSA

Wika : Paggamit ng Pandiwa Bilang Aksyon,


Pangyayari at Karanasan
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon: MY DEAR HEART

Magbabahagi ang mga mag-aaral ng sariling mga karanasan sa pag-


ibig. Gumamit ng mga pandiwa sa ibabahaging karanasan. Ipasulat sa pisara
ang nabuong mga pangungusap.

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: TANONG KO, SAGOT MO!
a. Anong mga pandiwa ang ginamit ng mga kamag-aaral ninyo
ang may tagaganap?
b. Alin ang nagpapahayag ng damdamin? ang nagpapahayag ng resulta
ng pangyayari?

Unang Markahan| 13
2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGANG PAGBASA


Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan
Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Carino
Isinalin ni: Vilma C. Ambat
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.

GAWAIN 1: Itala ang mga pangungusap na ginamitan ng pandiwa sa


binasang mitolohiya. Isulat sa talaan kung alin ang nagpakita ng
aksyon, karanasan at pangyayari.

AN AKSYON
ALI
SIS

1
.
KARANASAN
P
a
a
n
o PANGYAYARI

n
a
k
a
tulong ang angkop na paggamit ng mga inilahad na pandiwa sa
mitolohiyang binasa?
2. Bilang manunulat na Pilipino, paano mo mas mapapaganda ang
mga mitolohiya ng Pilipinas?

Unang Markahan| 14
 Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

ANGKOP NA PAGGAMIT NG PANDIWA


BILANG AKSYON, KARANASAN AT PANGYAYARI

1. Kilos, Aksyon o Gawa


May aksyon, kilos o galaw ang pandiwa kapag may actor o tagaganap
ng aksyon, tao man o bagay.
Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping –um,
mag-, ma-, mang-, maki-, mag-an.

Halimbawa:
a. Nag-isip ang mag-asawa hanggang sa magdesisyon si Bugan.
b. Sumang-ayon si Wigan sa tinuran ni Bugan.
ABSTRAKSYON
Pagsusuri:
Pandiwa: Nag-isip
Sumang-ayon
Aktor: ang mag-asawa
si Wigan

2. Karanasan
Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin o
saloobin. Dahil dito, may tagaranas ng damdamin o saloobing iyon na
inihuhudyat ng pandiwa.

Halimbawa:
a. Nasiyahan si Igat sa isinagot ni Bugan.
b. Humanga ang buwaya sa ganda ni Bugan.
Pagsusuri:
Pandiwa: Nasiyahan
Humanga
Tagaranas ng Damdamin: si Igat
ang buwaya

3. Pangyayari
Kapag nagsasabi ng isang pangyayari ang pandiwa, may prosesong
nagaganap, ipinahihiwatig na naapektuhan ng naturang proseso na
karaniwang sadya o di sadya, likas o di-likas. Tatawaging tagatanggap ng
proseso ang bagay na naaapektuhan na tinatawag na pangyayari.

Unang Markahan| 15
Halimbawa:
a.”Nahihibang ako?” Ang tanong ni Bugan kay Bumabhaker.
b. Magpapakamatay si Bugan dahil hindi biniyayayaan ng anak.
Pagsusuri: Nahihibang
Magpapakamatay
Tagatanggap: ako (Bugan)
Si Bugan
Gayunman, may mga pandiwang naghahayag ng mga pangyayari na
hindi tinitiyak ang tagatanggap ng pangyayari tulad ng mga pandiwang
nagpapahayag ng mga pangyayaring naganap sa kalikasan.
Halimbawa:
lumilindol!
nasusunog!
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: BRAINSTORMING

Paano mabisang magagamit ang pandiwa bilang aksiyon, karanasan at


pangyayari sa pagsasalaysay ng mito o ng kauri nito?

APLIKASYON

Mungkahing Istratehiya: PARTNER’S FOREVER

Kumuha ng kapareha. Magbigay ng pangungusap na may


pagkakakilanlan o paglalarawan sa iyong kapareha gamit ang mga
pandiwang nagpapahayag ng aksyon, pangyayari at karanasan.

3. Ebalwasyon

Panuto: Isulat kung ang pandiwang may salungguhit ay


nagpapahayag ng aksyon, pangyayari o karanasan.

______________ 1. Nagbigay si Venus ng kagandahan kay Pandora.

______________ 2. Namangha ang babae sa ganda ng kahon.

Unang Markahan| 16
______________ 3. Natuwa ang mga diyos at diyosa sa kanilang likha.

______________ 4. Ang mga kulisap ay nagliparan hanggang makalabas


sa bintana.

______________ 5. Nabigla si Pandora sa nangyari.

Susi sa Pagwawasto:

1. aksyon 2. karanasan 3. karanasan


4. pangyayari 5. karanasan

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Bumuo ng tig-5 pangungusap na ginagamitan ng pandiwang


nagpapahayag ng aksyon, karanasan at pangyayari.
2. Mag-isip ng sariling mitolohiya na may kinalaman sa paksa ng akdang
tinalakay. Humanda sa paglikha ng awtput sa susunod na araw.

Unang Markahan| 17
ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-Ia-b-64)


 Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.1


Kagamitan : Pantulong na Biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: MASINING NA PAGKUKUWENTO

Pagbabahagi ng naisip na kuwento ng sariling likhang mitolohiya sa klase.


Ilahad kung bakit ito ang napili mong kwento.

ANALISIS

. 1. Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa mitolohiya sa ating buhay?


2. Paano mo mapapaganda ang sariling likhang mitolohiya?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: ANG SA AKIN LANG!

Paano makakatulong ang mga nakuha mong kaalaman sa


tinalakay na aralin?

Unang Markahan| 18
APLIKASYON

GOAL – Makasulat ng sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa.

ROLE - Isa kang sikat na blogger.

AUDIENCE – Mga gumagamit ng social media.

SITUATION – Lilikha ng blog o article ng sariling likhang mitolohiya ang mga


kilalang blogger sa Pilipinas. Ang paksa ay tungkol sa pag-
ibig at isa ka sa napiling gumawa nito.

PRODUCT – Pagsulat ng sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang


binasa.

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Nilalaman
B. Kahusayan sa Paglikha ng mitolohiya
C. Kaugnayan sa paksa ng akdang binasa
D. Kalinisan ng Awtput

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10 puntos - lahat ng pamantayan ay naisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Basahin at pag-aralan ang Aralin 1.2 Ang Alegorya ng Yungib,


pahina 28-40.
2. Alamin ang mga bahagi at elemento ng sanaysay.

Unang Markahan| 19

You might also like