You are on page 1of 2

JUNIOR HIGH SCHOOL

FILIPINO 7 | HAMSFIL TP 2017-2018


MARKAHAN 2

Ang sumusunod ay mga itinakdang gawain na may kinalaman sa paghahanda para sa susunod na pagsusulit o
talakayan. Inaasahang gagawin ang mga paghahandang ito sa mga araw na walang pasok sa linggo ng
Nobyembre 13-17.

Gawain A: SULATIN 2

1. Gawin ang kaukulang rebisyon sa saknong 1-3 kung may mga kailangan pang ayusin. Kung wala nang dapat
baguhin, muli na lamang itong isulat sa itinakdang papel at ipagpatuloy na ang pagbuo ng korido. Gagawin n’yo
na ngayon ang ikaapat na saknong ng korido. Ito na ang huling saknong ng inyong tula kaya higit na pag-isipan
ang isusulat sa bahaging ito. Tingnan ang papel na ibinigay sa inyo ng inyong guro kaugnay sa gawaing ito.

Gawain B: PAGTATALA (Saknong 177-188)

1. Gumawa ng tala sa saknong 177-188 upang mapaghandaan ang talakayan sa unang sesyon ng linggo ng
Nobyembre 20-24.
a. Alamin ang kahulugan ng mga salitang hindi maintindihan.
b. Gawan ng buod ang bawat taludtod o saknong. Pasimplehin ang sinasabi nito upang madali mong
maunawaan kapag binalikan ang saknong.
c. Sa inyong pagbabasa, alamin kung ano ang nangyari sa magkakapatid. Ilista ang pagkakasunud-
sunod nito.
d. Ano ang ipinayo ng ermitanyo sa magkakapatid? Bakit kaya ganito na lamang ang kanyang sinabi?

(Isulat ang sagot sa c at d sa mga espayong nakalaan sa aklat o sa ibang papel. Titingnan ng guro ang
talang ginawa at mamarkahan ito bilang takdang-aralin.)

Gawain C: PAGTATALA (Saknong 189-220)

1. Paghandaan ang Ikalawang Mahabang Pagsusulit na magaganap sa ikalawang sesyon ng linggo ng


Nobyembre 20-24. Sakop nito ang Saknong 189-220.
a. Alamin ang kahulugan ng mga salitang hindi maintindihan.
b. Gawan ng buod ang bawat taludtod o saknong. Pasimplehin ang sinasabi nito upang madali mong
maunawaan kapag binalikan ang saknong.
c. Sa inyong pagbabasa, tuklasin kung sino sa mga prinsipe ang nakaisip ng masamang plano kay Don
Juan? Bakit kaya niya ito ginawa?
d. “Ang taong mabait, tinutulungan ng langit.” Anong pangyayari ang magpapatunay na tinutulungan ng
langit ang taong mabait?

(Isulat ang sagot sa c at d sa mga espayong nakalaan sa aklat o sa ibang papel. Titingnan ng guro ang
talang ginawa at mamarkahan ito bilang takdang-aralin.)

Gawain D: PAGTATALA (Saknong 221-260)

1. Paghandaan ang Ikalawang Markahang Pagsusulit na magaganap sa Nobyembre 27-29. Sakop nito ang
Saknong 221-260.
a. Alamin ang kahulugan ng mga salitang hindi maintindihan.
b. Gawan ng buod ang bawat taludtod o saknong. Pasimplehin ang sinasabi nito upang madali mong
maunawaan kapag binalikan ang saknong.
c. Sa inyong pagbabasa, alamin kung sino ang nagsabi kay Haring Fernando ng pinagdaanan ni Don
Juan. Kung ikaw ang hari, maniniwala ka ba sa kanya? Bakit?
d. Ano ang naging hatol ng hari sa dalawang prinsipe? Sang-ayon ka ba sa parusang ito? Bakit?
e. Ano ang naging reaksyon ni Don Juan sa naging desisyon ng hari sa kanyang dalawang kapatid?
Sumasang-ayon ka ba sa kanyang pasya?

(Isulat ang sagot sa c-e sa mga espayong nakalaan sa aklat o sa ibang papel.Titingnan ng guro ang talang
ginawa at mamarkahan ito bilang takdang-aralin.)

You might also like