You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 10
Kuwarter 3 Bilang 2

Pangalan ng Mag-aaral ____________________________________________________


Baitang/Seksiyon : ______________________________Petsa:___________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Sa mga araling ito, mababatid mo ang mga pangunahing batayang
simulain sa pagsasalin. Kung ano nga ba ang pagsasaling-wika at ang mga
dapat tandaan ng isang tagapagsalin.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika


(F10WG-IIIa-71)

III. MGA GAWAIN

A. PAGBALIK-ARALAN MO!
Panuto: Hanapin sa ibaba ang salin sa Ingles ng sumusunod na salita. Titik
lamang ng wastong sagot ang isulat sa sanayang papel.

____1. bagyo
____2. nasasakupan
____3. kalawakan
____4. kalikasan
____5. pilak

a. covered c. typhoon e. nature


b. galaxy d. sliver

1
B. PAG-ARALAN MO!
Ang pagsasaling- wika ay ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang
isinasalin ay ang diwa ng bawat talata at hindi ang bawat salita na bumubuo
rito. (Santigao, 2003)
Wala pang isinagawang pagtalakay sa mga simulain at prinsipyo sa
pagsasaling- wika ang hindi bumanggit tungkol sa tagapagsaling-wika.

Alam mo ba kung ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang


tagapagsaling- wika? Basahin mo muna ang inilahad kong paliwanag upang
lalong maging malinaw ito sa iyo.

Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika.

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya


ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na
kumonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himay
may ng kahulugan at halagang pandamdamin taglay ng mga salitang
gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa
pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng
diwang nais ipabatid ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga
salita, wastong pagkakabuo, at pagsusunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang
kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya
kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na
tagapagsalin.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin
ay may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na
nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin

GABAY SA PAGSASALING-WIKA

1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng


isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang
pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa
ng isinasalin nang walang dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng
tagapagsalin.
2
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan.
Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang
kasama sa pagsasalin.

C. PAGSANAYAN MO!
Panuto. Punan ng mga wastong titik ang mga kahon upang mabuo
ang idyomang katumbas ng sumusunod na idyomang ingles.

1. burning the midnight oil

n s u g g k y

2. Blows his 0wn horn

n g b t g s r n

b g o
3. moonlighting

n G l a e

4. no word of honor

a n g s g s i A

5. as white as the snow

k s m p g b k

D. TANDAAN MO!

May ibang pangkat ng tagapagsalin ang naniniwalang hindi dapat sa


pagtutumbas ng mga salita ng isinasaling teksto nakabuhos ang
atensyon ng tagapagsalin kundi sa ideya o mensahe ng kaniyang
isinasalin. Hindi maitatatwa na may mga salita sa wikang isinasalin na
hindi natutumbasan ng isa ring singkahulugan ng salita sa wikang
pinagsasalinan. May mga pagkakataon na ang isang kaisipan o ideya sa
isang wika ay hindi maipahayag nang maayos sa ibang wika dahil sa
magkalayong kultura ng mga taong gumagamit sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin. Isa pa, ang literal nasalin ay hindi nagiging

3
mabisa, lalo na kung ang kasangkot na dalawang wika ay hindi
magkaangkan.
Kapag literal ang salin, humigit-kumulang, ito’y himig- salin na rin. At
kapag naman idyomatiko ang salin, humigit- kumulang, ito’y himig-
orihinal. Nagiging himig-salin ang isang salin sapagkat karamihan ng
mga salita ay halatang-halatang katumbas ng mga nasa orihinal na
teksto; gayundin, sapagkat literal ang salin, may mga balangkas ng
mga parirala at pangungusap sa orihinal na makikitang nalipat sa wikang
pinagsalinan.
Kapag naman idyomatiko ang salin, nagiging himig-orihinal na rin ito
sapagkat hindi na halos napapansin ng mambabasa na ang kanyang
binabasa ay una palang isinulat sa ibang wika. Higit na nakararami
marahil ang mga tagapagsalin na naniniwala na ang isang salin ay dapat
maging natural at himig-orihinal.

IV. PAGTATAYA

A. Panuto: Isalin mo sa Filipino ang kasunod na talata. Mamarkahan ka batay sa


pamantayan sa pagmamarka na inihanda ng iyong guro.

There was a great outcrying. The bent


backs straighted up, old and young
who were called slaves and could fly
joined hands. Say like they would
ring-sing but they didn’t shuffle in a
circle

B. Panuto: Isalin mo sa Ingles ang awiting Kung ‘Di Rin lang Ikaw. Mamarkahan
ka batay sa pamantayan sa pagmamarka na inihanda ng iyong guro.

Kung ‘Di Rin lang Ikaw


December Avenue

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan


Pipiliin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa ‘ting dalawa

Kung ‘di rin tayo sa huli


Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung ‘di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

4
V. SUSI SA PAGWAWASTO
Pamantayan sa pagsasalin
Kawastuhan/Kaangkupan sa salin 40%
Katapatan, Kaayusan at Kalinawang-salin 30%
Pagkakaugnay-ugnay ng diwa 30%
KABUOAN 100%

VI. SANGGUNIAN
Kontekstuwalisadong Banghay –Aralin Sa Filipino, Baitang – 10 (Kwarter4)
Taong 2019, Department of Education Region V, Curriculum and Learning
Management Division, Learning Resources Management and Development
System (CLMD-LRMDS), Regional Center Site, Rawis, Legaspi City, 4500
Magdalena O. Jocson, (2015), FILIPINO 10 Panitikang Pandaigdig,
Modyul para sa Mag-aaral. Department of Education- Institutional
Materials Council Secretariat (depEd-IMCS), 5th Floor Mabini Bldg., DepEd
Complex, Meralco Avenue Pasig City.

Inihanda ni:

MARK JON-JON F. NAVIDA, Guro 1


Tandaay High School
Nabua West District

Tiniyak ang kalidad ni:

JAYCEL P. LAURENTE, MT 1
Nabua National High School
Nabua East District

You might also like