You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
Dibisyon ng Aklan
Distrito ng Balete
MATAAS NA PAARALANG NASYONAL SA ALAALA NI JOSE BORROMEO LEGASPI
Aranas, Balete, Aklan

Sabjek: FILIPINO 10- Ikatlong Baitang 10-Opal (8:30-9:30)


Markahan
Petsa: Abril 18, 2023 Sesyon: 3.4

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang


Pampanitikan ng Africa at Persia.
Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay makapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang
bansa batay sa binasang akdang pampanitikan.
Kompetensi: 1. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
(F10WG-111A-71)
LAYUNIN:
1.Natutukoy ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
2. Nakabubuo ng pagsalin mula sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino o
vice versa.
3. Napapahalagahan ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Panitikan: Ang Alaga
Gramatika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-wika
Uri ng Teksto: Naglalahad
B. SANGGUNIAN Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, pp. 250-251
Filipino 10 Patnubay ng Guro pp. 240-242
C. KAGAMITANG Aklat, laptap/projector at power point presentation
PAMPAGTUTURO:
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA 1.Panalangin/Pagbati/Pagtatala ng Liban/Balik-aral
2.Pagganyak
Gawain
Pagpapakita ng larawan ng mga produktong mabibili sa bahay kalakal.
Gabay na tanong:
1. Saan mabibili ang mga ito? Sa inyong aralin sa Ekonomiks,
gaano ito kahalaga sa isang pamayanan?
Pagpapakita ng sagot ng mga mag-aaral na nakasulat sa ibat ibang
wika:
(Palengke market tienda tiendahan mercado)
Gabay na tanong:
1. Ano ang napapansin ninyo sa mga salita sa loob ng bilog?

B. PAGLALAHAD *Paghinuha ng mga mag-aaral tungkol sa paksa o leksyon.


*Paghahabi sa layunin ng aralin:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga pamantayan at gabay sa pagsasaling-wika.
2. Nakakabuo ng pagsalin mula sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino o
vice versa.
3. Napapahalagahan ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

Gawain 1
Pagpapakita ng isang powerpoint presentation tungkol sa mga pamantayan at
gabay sa pagsasaling-wika

C. PAGSASANAY Pagsasanay 1 “I-arte mo, Isasalin ko”


Isalin sa Filipino ang mga sumusunod:
1. “I want to study at Jose Borromeo Legaspi Memorial National High
School.”
2. “Good luck my friend!!
3. “Let’s break the ice.!
4. Sleep soundly my love.
5. “If I were in your shoes,I won’t do it.”

Pagsasanay 2
Pangkatang Gawain
Isalin sa Ingles ang mga sumusunod:
1. “Alam ko ang ginawa mo kahapon.”
2..”Pumila po kayo ng maayos! ”
3.” Sumulat ako ng isang awitin para sa iyo.”
4. “Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.”
D. PAGLALAPAT Pagbibigay puna sa isinagawang pagsasalin ng berso o linya na hango sa
Bibliya.
“Love excuses everything, believe all things, hopes all things, endures all
things.”

“Mapagpatawad ang pag-ibig, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, puno ng


pag-asa sa mga bagay, nakakaya ang lahat ng bagay.”

Gabay na tanong:
1.Ano ang masasabi ninyo sa pagkakasalin ng teksto? Angkop ba ang mga
salita sa pagsasalin?

E. PAGLALAHAT 1. Ano ang mga dapat isaalang -alang sa isinagawang pagsasalin?

IV. PAGTATAYA Panuto: Ibigay ang tamang sagot:


1. Alin ang pinakaunang pamantayang dapat isaalang-alang sa pagsasalin?
A. Basahin ng paulit-ulit.
B. Suriin ang bawat salitang isasalin.
C. Ikumpara ang ginawang salin.
D, May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
2. Isalin sa Filipino:
“Only five loyal souls reported for work.”
3.Isalin sa Filipino:
“ Bel’s Dad visits once in a blue moon.”
4. Isalin sa Ingles:
“Busilak sa kaputian ang kanyang puso.”
5. Isalin sa Ingles:
“Wala kang isang salita!”

V. TAKDANG ARALIN Panuto: Pumili ng isang gawain na naaayon sa iyong hilig o kagustuhan:

A, Pumili ng isang saknong ng awiting Ingles at isalin ito sa Filipino.


B. Pumili ng iyong paboritong linya mula sa mga pelikulang Tagalog at
isalin ito sa Ingles.
C. Pumili ng isang saknong ng paborito mong tula sa Filipino o sa Ingles at
isalin ito sa Akeanon.

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatutulong ba ng remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
nararanasan na solusyon sa tulong ng
aking punong-guro at superbisor
H. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kung ibahagi
sa mga kapwa ko guro.

Inihanda ni:

MA. CECILIA U. CUATRIZ


Guro II

Pinansin at sinuri ni:

MIRASOL C. PERALTA
Prinsipal II

You might also like