You are on page 1of 8

Course Material No.

PAGSASALIN
TALAAN NG
NILALAMAN

3 Panimulang Pagtataya

Pagpapaunlad na Gawain
4

5 Diskusyon at Nilalaman

6 Pagsasanay 1

7 Huling Pagtataya

Buod
8 Terminong Ginamit

Sanggunian

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 2
Modyul 2 Simulain at Buod ng Kasaysayan
ng Pagsalin

Ang nilalaman ng modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng mga makatwirang simulain


sa pagsasalin. Ang simulain ay paunang aralin sa pagsasalin bago pa man sa ibang
paraan, teknik at metodo ng pagsasalin. Gayundin ang modyul na ito ay naglalaman
ng buod ng kasaysayan ng pagsasalin.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nababatid ang punto ng bawat simulain sa pagsasalin.

2. Nailalapat ang ibat`ibang simulain ng pagsasalin.

3. Napapahalagahan ang buod ng kasaysayan ng pagsasalin


Handa ka na ba? Mainam na sagutin muna ang maikling pagsubok (pre-test)

Paunang Pagtataya

I.Isulat sa patlang ang titik SM kung ito ay nagpapahiwatig ng saligan sa


pagsasalin, at titik HSM kung nagpapahiwatig ng hindi saligan sa pagsasalin.
______1. Sa pagsasalin, mayroong literal na pagsasalin lamang ang tiyak na dapat
gamitin.
______2. Sa pagsasalin, mahalaga na may kaalaman rin sa kultura ng wikang
kasangkot sa pagsasalin.
______3. Ang tagapagsalin ay bukas sa lahat ng taong nais magsalin.
______4. Laging may pagkakaiba ang tunguhing wika at simulaing wika na dapat
isaalang-alang bago magsalin.
_____5. Sariling diskarte ang tunay na batayan sa pagsasalin.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 3
Tapos ka na ba? Upang maging ganap ang iyong
paghahanda tingnan ang halimbawa ng salin sa
bilog sa ibaba.

Pagpapaunlad na Gawain

Sa pagsasalin maging maingat


sa paggamit ng panlapi
“Lilia bought a book.“ Alin ang wastong salin?
Salin: Nagbili ng aklat si Lilia Pareho bang wasto ang salin?
Salin: Bumili ng aklat si Lilia

Ang tamang sagot ay ang unang salin dahil kung mapapansin ang isinasaad ng simulain
ay paggamit ng panlapi ito ang binibigyang diin ng pagsasalin. May mga gumagamit ng
salitang nagbili, pangkonbersasyon iyon maaaring gamitin pero sa pagsasalin hindi ito
maaari.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 4
Diskusyon at Nilalaman

ARALIN 2

Simulain sa Pagsasalin

Ang simulain ay tumutukoy sa saligan ng isang tao sa pagsasalin.


Ang simulain ay paniniwala ng tao kung paano magsalin
Simulain sa pagsasalin ni Marites Bonto (2017)
1. Wikang nakaugat sa kultura
Halimbawa: Ingles - I want to touch the snow.
Filipino - Masarap ang tinapay lalo na`t isinawsaw sa kape.
2. Paggamit ng alternatibong salita sa pagsasalin
Halimbawa: pagkalipas at pagkatapos
iniirog at kasintahan
kabalintunaan at kasinungalingan
3. Gumamit ng eupemistikong pananalita upang hindi imaging pangit
sa pandinig.
Halimbawa. vagina- monay
penis- itlog
4. Ang mga daglat o akronim ay hindi rin kasali sa pagsasalin.
5. Magandang pamagat sa Ingles ay hindi nangangahulugang maganda
sa Filipino.
Halimbawa: face off at tanggal mukha
6. Kailangan tanggapin at hindi baguhin ang mga wikang lalawiganin/
dayalek bago ito isalin.
Hal. nagbayag-Ilocos

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 5
Kasaysayan ng Pagsasalin

Unang Yugto – Panahon ng Espanyol

- Isinalin sa Tagalog ang mga dasal at akdang panrelihiyon


- Nagturo ng wikang kastila
- Paggamit ng kastila gamit ang katutubong wika
- Sa paglisan ng kastila, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang
nasa kastila.
Ikalawang Yugto – Panahon ng Mga Amerikano

- Naging masigla ang pagsasalin gamit ang wikang Ingles


- Ipinasalin ang mga popular na nobela upang magamit sa paaralan
Ikatlong Yugto – Patakarang Bilinggwal

- Pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan


- Isinalin sa panahong ito ang Reference Grammar na aklat, Program of the
Girl Scout of the Philippines

Pagsasanay 1

Isulat sa patlang ang sarili mong simulain malilikha batay sa istilo ng salin sa bawat
bilang.
A. Sabihin sa mga bata na sila`y tumahimik.
Patahimikin ang mga bata.
Tell the children to keep quiet.
Iyong simulain: ______________________________________________

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 6
B. Christmas tree
Krismas tri (hindi wasto )
Paskong kahoy (hindi wasto )
Iyong simulain:______________________________________________________

C. Liquid
Likwid
Likido
Iyong simulain:____________________________________________________

Dahil nakalikha ka ng iyong sariling simulain na alam natin hindi madaling mag-isip
ng simulain magiging madali na para sa iyo ang huling pagsususlit sa ibaba.

Huling Pagtataya

Paghahasa: Mula sa anim na simulain sa pagsasalin ay gumawa ng isang


talahanayan na naglalaman ng tig-tatlong halimbawa ng mga simulaing nakalista.
Sikapin na nakabase sa inyong programa ang mga salita o pahayag para sa
halimbawa at wala halos kapareho sa inyong kamag-aral. Gawin ito sa MS Word, i-
screenshot ang talahanayan at saka ipost sa ating comment section upang makita
ng lahat ang inyong sagot. (Maiiwasan nito ang pagkakatulad)
Isa (1) puntos para sa wastong halimbawa na ibibigay. (18 pts.)

Simulain Kahulugan Halimbawa


1.
2.
3.
4.
5.
6.

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 7
Pagbubuod

Malaki ang naging ambag ng pagsasalin sa kasaysayan hanggang sa kasalukuyan.


Ang simulain sa pagsasalin ay maaring makatulong sa ating proseo ng pagsasalin,
subalit laging tandaan hindi lahat ng simulain ay epektibo at tinatanggap.

Terminong Ginamit

Simulain Panahon ng Kastila Panahon ng Amerikano

Daglat Patakarang bilinggwal Akronim

Sanggunian:

Acopra, J. A, et.al (2016) Pagbasa at Pagsulat sa iba't ibang disiplina:


Introduksyon sa Pananaliksik

FILIPINO 2: PAGSASALIN | 8

You might also like